STATE OF THE UNION

by Tito Boy on April 28, 2010

Pampagulo lang daw at masyadong radikal. Mga katagang unang lalabas sa isip ng ordinaryong tao kapag binanggit ang worker’s union o samahan ng mga manggagawa.

Sabi nila, marami kasing kumpanya ang nagsara o lumipat sa ibang bansa dahil sa mga union. Imbes kasi daw na magtrabaho ang mga empleyado, nandoon sila sa kalye at nagra-rally.

Sa halip daw na magbigay ng serbisyo o palakasin ang produksiyon ng kumpanya, ang mga manggagawa ay nasa labas ng gate at sumisigaw habang may hawak-hawak na plakards.


Saan ba talaga nagsimula ang lahat ng ito?

Ayon sa neoclassical economics may tatlong (3) factors ang produksiyon: land, labor and capital.

Land o ang raw materials. Capital o mga makinaryang ginagamit. At syempre ang labor o ang taong gagawa ng finished products gamit ang raw materials at makinarya.

Bawat isa ay mahalaga. Parang si Tito, Vic & Joey. Kung wala ang isa sa kanila, walang produksiyon.

Ngayon, sa tatlong sangkap sa produksiyon, ang labor lang ang pwedeng baratin ng mga negosyante na hindi maapektuhan ang kalidad ng produkto.

Simple, mas maliit ang pasahod, mas malaki ang kita.

Sa kabilang banda naman, ang mga manggagawa ay gusto naman kahit papaano guminhawa ang buhay kaya humihingi ng dagdag sahod.

At dahil diyan nagsisimula ang conflict ng labor laban sa management at ang kanilang love-hate relationship.

 

Hindi ba sapat ang batas sa paggawa o labor laws para protektahan ang mga uring manggagawa?

Kung tutuusin favorable naman sa mga manggagawa ang ating mga labor laws. Kung merong hindi sapat, ito ay ang labor standards.

Ang labor standards ay ang mga batayan na binibigay ng batas na susundin ng mga negosyante tulad ng minimum wage, holiday pay, overtime rate, etc.

At kahit sino ang tanungin mo, hindi sapat ang kasulukuyang labor standards para tumustos ng pamilya at mamuhay ng disente. Halimbawa ang minimum wage na P385/day (as of this writing) ay talagang kulang. Pang-load pa lang sa cellphone kapos na.

Ngayon, bilang manggagawa, paano mo mapipilit ang negosyante na magbibigay ng lagpas sa minimum wage na tinakda ng batas?

Ipagdadasal mo na lang ba sa Poong Nazareno na sapian ng Holy Spirit ang amo mo at bigyan ka ng umento sa sahod?

Ngayon, kung malakas naman ang loob mo at naisipan mong puntahan ang iyong amo sa kanyang opisina isang araw habang siya ay nagfe-facebook at biglang humingi ng raise, sa tingin mo ba ay pagbibigyan ka niya?

Tiyak tatawanan ka lang nun.

Buti nga kung ganun lang. Paano kung bad mood siya dahil pinagtulungan siya sa Mafia Wars at sipain ka palabas?

Hindi siya  mangingiming tanggalin ka dahil alam niya marami diyang nakapila na walang trabaho at handang palitan ka kahit anong oras.

Diyan mga kapatid papasok ang workers’ union.

Strength in numbers.

Dahil may pera at resources ang management, kailangan ninyong magsama-sama para marinig ang boses ninyo.

At isa sa pinakamakapangyarihang sandata ng manggagawa laban sa management ay ang strike!

Tama, ang strike ay isa sa mga legal na paraan para mapilit ng mga manggagawa ang management at makuha nila ang kanilang mga gusto o hinaing.

Teka, bago ka mag-anyaya ng mga officemates mo na mag-strike habang yosi break, pakihintay lang po muna ang mga susunod na post.

Hindi kasi basta-basta yan. Maraming legalidad at tsetse buretse. Kapag nag-strike ka na hindi dumaan sa tamang proseso, tanggal ka sa trabaho.

Pero siyempre bago yan, kailangan mo munang magtayo ng union…

Interesado ka ba?

Tampok yan para sa araw ng mga manggagawa.

Maki baka! Huwag mag baboy!

——————–

The important role of union organizations must be admitted: their object is the representation of the various categories of workers, their lawful collaboration in the economic advance of society, and the development of the sense of their responsibility for the realization of the common good.”

- Pope Paul VI

{ 19 comments… read them below or add one }

iami April 28, 2010 at 11:07 pm

magcocomment sana ako, wag na lang. lol

Reply

Tito Boy April 28, 2010 at 11:09 pm

Haha, capitalist in the house!

Reply

granger1220 April 28, 2010 at 11:13 pm

ayos! maki baka wag mag baboy! he he

Reply

batangmangyan April 29, 2010 at 12:07 pm

makibaka! huwag matakot! presyo ibaba, sahod itaas! sige abangan ang susunod na post!

Reply

ms hopeful April 29, 2010 at 7:47 pm

ano ang magiging paglabag o violation ang maging hataw ng employer pag pinagbawalan ang empleyado na mag organize ng union?

Reply

Tito Boy May 2, 2010 at 3:51 pm

Unfair Labor Practice, criminal case yun.

Reply

ms hopeful April 29, 2010 at 7:51 pm

oooops ,wrong grammar ako sori po, dafat pala
hataw sa employer hindi ng , nagmamadali kasi

Reply

ferdie April 29, 2010 at 8:05 pm

Gusto ko sumali sa Union dati, kaso pinagbabawal sa pinagtatrabahuan ko ang magbuo nito kaya dinaan na lang namin sa maboteng usapan ang aming mga hinaing sa management.

Reply

duking April 29, 2010 at 9:39 pm

must read lalo ‘to para sa akin.

aabangan ko yan!hehehe!

Reply

lee mi April 30, 2010 at 4:54 am

Kuya Duking.. wala akong kinalaman sa ilang porsyentong annual merit ha.. inunahan na kita bago pa man ang susunod na post ni Sir..=)

Reply

bonistation April 30, 2010 at 3:23 am

kaabang abang! MADALANG nako maka base dito kase delay ang posting sa wordpress. ^^ maglagay kana kasi dito ng subscription plugin tito b, eto yung plug in site ng “subscribe2″ http://subscribe2.wordpress.com/ add mo nalang sa plugin mo… *nagrequest haha

mas ok i hire ang mga INCristo members, kasi bawal sila makisama sa rally hihi. at gugustuhin mo bang mag hire from PUP? baka sunugin nila ang mga gamit sa opisina at pabagsakin ang kumpanya! ok sana kung ang isisigaw nila WAGE SALARY DECREASE! or Tutulan ang Salary Increase! Karapatan Ipaglaban! haha. (oops bawal ma offend mga rallyista atbpa, sariling opinyon lang po at walang personalan)

Reply

lee mi April 30, 2010 at 4:59 am

pano yan.. di naman pwede magtayo ng Union sa kasalukuyang trabaho ko, or lipad laya ang karir ko nito…. naisip ko kase ipaglaban ang facebook sa office kaso.. wag na lang..=)

aabangan ko pa rin ang kasunod na post..

Reply

Tito Boy May 2, 2010 at 3:53 pm

Ang nagwewelga ata diyan sa gitnang silangan pinapatira sa camel. Kaya lee mi be careful :P

Reply

AsOL April 30, 2010 at 11:01 am

last year nung kaka graduate ko lang at kasalukuyang naghahanap ng trabaho e kasama sa tanong ng nag iinterview sa ‘kin na kung may chance daw or may nag alok sa ‘kin na sumali sa labor union sasali daw ba ako?

sa isip at puso ko gusto kong isagot na” Oo!” sasali ako. kasi alam ko naman na ang unyun ay karapatan ng mga manggagawa ang ipinaglalaban kaso dahil sa alam kong ma babad shots ako kung oo ang isasagot ko kaya sabi ko “no will not join them” kaakibat ng mga explanasyon na mag papalaki ng tenga ng nag iinterview sa kin. In other words nagpaka orokan ako that day. Wala eh! kapag desperado ka talagang magkatrabaho minsan pati prinsipyo mo lulunukin mo. Ganyan talaga siguru buhay.

@ Ms. lee mi > pede po paki gawang whole yung pix mo? kakabitin ee.. Pakita mo n ng buo classmate. hehehe. ^_^

Reply

Tito Boy May 2, 2010 at 3:54 pm

Actually bawal yung ginawa ng nag interview, pero ano magagawa mo diba? Hindi ka pa empleyado tinakot ka na hehe…

Reply

HOKENS May 3, 2010 at 3:31 pm

union, e. . . este yun yun pala. tama ka sir atty., pinapatira sa camel ang mga magwewelga d2 sa desyerto. hehehe. . . pero bka mkipag-unahan din mga mga katutubo. hayuk din sila sa laman. hehehe. mas L pa ata sila kaysa camel.

Reply

HOKENS May 3, 2010 at 3:40 pm

paktay na. PUP pa naman ako. napsama rin ako dati sa rally sa mendiola. pero dahil yun ang ginawang attendance at quiz grade for the day ng aming sociology prof. hehehe. na-lecturan pa ako ng isang raliyista kc nag-side comment ako. aba kinausap ako from campus hanggang mendiola habang sumisigaw at naglalakad kami. lufet din.

Reply

rr chio May 13, 2012 at 1:18 am

paano po ba kami makakpagtayo ng workers union sa aming co. sa pharma co. po kami pls help

Reply

Tito Boy May 15, 2012 at 12:08 am

Hi mahabang topic ‘to. Just to cut short, go to an established union and seek accreditation from them. Tuturuan kayo nila at tutulungan din kayong magpa-certify sa DOLE. Good luck at mabuhay ang mga Manggagawang Pilipino! Mabuhay!

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: