ANG HERIDERO

by Tito Boy on November 16, 2010

"Lolo, ako po si Bitoy yung paborito ninyong apo. 'Wag ho kayong makinig sa kanila!"

Kahit gaano pa karami ang kayamanan mo, kapag kinuha ka na ni Lord, iiwan mo pa rin lahat yan sa lupa.

Eto ang simpleng prinsipyo kung bakit may batas tungkol sa pagmamana. Kapag namatay ang isang tao, natural malilipat ang pagmamay-ari nito sa kanyang mga kamag-anak.

Ngunit may mga pagkakataon na may paboritong anak si itay. Marahil tamad ka nung bata, kaya mas nais ipamana nang tatay ang lupain niya sa responsable niyong bunsong kapatid, dahil alam niyang wala kang silbi sa buhay.

O ‘di kaya’y nung nabubuhay pa yung lolo ninyo, walang nag-aalaga. Hangga’t isang araw ay dininig ng Diyos ang kanyang panalangin at nanalo sa 6/55 Mega Lotto. Kahit kumaripas kayo ng sipsip kay lolo ay huli na ang lahat dahil pinamana na lang niya ang lahat ng kayamanan kay Inday.

Posible ba yun? Pwede ba talagang ipamana ng isang tao ang kanyang ari-arian sa anumang paraan na gusto niya?

COMPULSORY HEIRS

Una, kapag namatay ang isang tao (decedent) hindi niya maaring ipamahagi ang lahat ng kanyang ari-arian sa kung anong paraan na gusto niya hangga’t meron siyang “pilit na tagapagmana” o “compulsory heirs”. Sila ang:

1)      Lehitimong anak (legitimate children), at mga apo (descendant);

2)      Ang magulang, kung walang lehitimong anak o apo;

3)      Legal na asawa;

4)      Anak sa labas (illegitimate children)

Ang mga compulsory heirs ay tiyak na may porsyento sa kayamanan ng namatay. Hindi maaring ipamana sa ibang tao ang lahat ng ari-arian nang hindi binibigyan ng hati ang mga compulsory heirs.

Kung talagang sagad sa buto ang kasamaan ng mga compulsory heirs, isa lang ang paraan para hindi sila magmana at ito ay ang proseso ng “disinheritance.” (tatalakayin ko ito sa ibang topic)

Ang porsyento ng ari-arian ng mga compulsory heirs ay tinatawag na legitime at hinahati sila sa mga sumusunod:

1)   Una sa lahat, ang utang ng namatay ang unang babayaran. Kapag nabayaran na ang mga utang, kukunin ang kalahati ng ari-arian ng asawa bilang parte niya sa conjugal property o absolute community. (Bukod pa ito sa share niya bilang compulsory heir)

2)   Ang matitirang ari-arian ay ang paghahatian ng mga compulsory heirs at mga pinamanahan

3)   Ang lehitimong anak ay automatic na makakatanggap ng kalahati (1/2) ng ari-arian sa ayaw at sa gusto mo. Syempre anak niya yun. Kahit anong sitwasyon laging kalahati ng ari-arian ay napupunta sa lehitimong anak.

Hangga’t meron at buhay ang lehitimong anak, hindi magmamana ang magulang at apo. Kung walang nang lehitimong anak, saka lang magmamana ang lehitimong apo. Kung wala naman lehitimong apo, saka lang magmamana ang magulang ng namatay. Process of elimination, ika nga.

4)      Ang natitirang kalahati ay paghahatian pa ng asawa at ng anak sa labas (kung meron).

5)      Ang latak o matitira matapos paghati-hatian ng lehitimong anak, asawa at anak sa labas, ay ang tinatawag na “free disposable portion”. Eto lang ang katiting na porsyentong maaring ipamahagi sa pamamagitan ng Huling Habilin o “Last Will and Testament.”

Kaya sa totoo lang, limitado ang kakayahan ng isang tao na ipamahagi ang kanyang ari-arian kapag namayapa na siya. Hindi totoo ang mga napapanood sa teleserye na ipinamamana ang buong ari-arian sa isa sa mga anak lamang o ‘di kaya’ mas malaki ang posyento ng bunso sa panganay. Kalokohan yun.

LEGITIME

Eto ang iba’t-ibang sitwasyon at kung paano hinahati ang pamana ayon sa batas;

1)   Kung isa lang ang lehitimong anak, makukuha niya ang ½, at ang ¼ naman ng ari-arian ay mapupunta sa asawa. Ang natitirang ¼ ay ang free portion. (Art. 892 CC)

2)   Kung masipag ang magpapamana at maraming lehitimong anak, ang hati ng asawa ay katumbas sa hati ng isang lehitimong anak. Ang natitira ay ang free portion. (Art. 892 par. 2)

Example. Kung apat ang lehitimong anak, paghahatian ng apat ang kalahati. Kaya tag 1/8 sila. Ang hati ng nanay ay 1/8 rin. Ang matitira ay ang free portion.

3)   Kung magpapamana ay maraming anak sa labas at wala ni isa dito ay lehitimo (seaman siguro): ang asawa ay makakakuha ng 1/3 at ang mga anak sa labas ay 1/3 rin. Ang matitira ay ang free portion. (Art. 894 CC)

4)   Kung parehong may lehitimong anak at anak sa labas, ang hati ng anak sa labas ay laging kalahati ng makukuha ng lehitimong anak (yap, discriminatory ang batas laban sa anak sa labas). (Art. 895 CC)

5)   Kung ang natira lang ay ang asawa, magulang at anak sa labas: ang asawa ay makakakuha ng 1/8, anak sa labas ay ¼ at ang 1/2 ay sa magulang. Ang natitira ay free portion. (Art. 899 CC)

6)   Kung asawa lang ang natira. Kalahati ay mapupunta agad dito at ang kalahati ay free portion. (Art. 900 CC)

7)   Kung puro anak sa labas lang ang natira, kalahati ay mapupuntang lahat sa kanila at ang kalahati ay free portion. (Art. 901 CC)

8)   Kung walang compulsory heir ang isang tao lahat ng ari-arian niya ay free portion. Ito lang ang instance na maaring ipamahagi ng tao ang buong ari-arian niya sa gusto niyang paraan.

INTESTATE SUCCESSION

Kung may Last Will Testament o Huling Habilin ang namatay, dun mapupunta ang free portion. Ngunit papaano kung wala? Diyan papasok ang intestate succession, kung saan ang batas ang magtatakda kung saan mapupunta ang free portion.

1)      Ang free portion ay paghahatian ng mga anak at asawa. As always, ang share ng lehitimong anak at asawa ay pantay. Samantalang ang share ang anak sa labas ay laging kalahati ng makukuha ng lehitimong anak.

2)      Ang apo at magulang ay magmamana lang kung walang lehitimong anak.

3)      Kung asawa at mga kapatid lang natira, ½ mapupunta sa asawa at ½ sa mga kapatid.

4)      Kung mga kapatid lang ang natira, sila ang magmamana ng buong ari-arian. Ang share ng full brother o sister ay laging doble sa share ng half-brother o sister.

5)      Kung patay na ang kapatid, maghahati ang mga pamangkin.

6)      Kung walang anak, magulang, asawa, kapatid o pamangkin, sa estado lahat mapupunta ang boung ari-arian. Kaya kesa kurakutin ng mga taga-gobyerno, kung mayaman ka, ipamana mo  na lang sa isang Charity Group na gusto mo.

MOLALES vs. PHILLIPS (Gr. No. 129505 & 133359, January 31, 2000)

Ganito ang kaso ni Dr. Arturo De Santos. Si Doc ay walang compulsory heirs at namatay na binata. Bago siya pumanaw, pinamana niya ang kanyang buong ari-arian sa Arturo De Santos Foundation, Inc.

Kaso nang pumanaw si Doc, biglang sumulpot itong si Octavio S. Molales at inaangkin niyang siya ang sole heir o tanging tagapagmana  ni Doc. Si Octavio ay anak ng kapatid na babae ni Doc na si Alicia De Santos. In short, pamangkin ni Doc si Octavio.

Nais ni Octavio na mapunta sa kanya ang buong ari-arian ni Doc bilang sole heir.

Ang tanong, dapat bang mapunta kay Octavio ang buong ari-arian ni Doc bilang tanging tagapagmana o dapat mapunta sa Foundation na tinatag ni Doc dahil ito ang kanyang huling habilin?

Ang gulo no?

Kasing gulo ng batas ang mga magugulong “kumag”-anak pagdating sa manahan.


 

“A son can bear with equanimity the loss of his father, but the loss of his inheritance may drive him to despair”

- Niccolo Machiavelli

{ 68 comments… read them below or add one }

TARAGIS November 16, 2010 at 10:25 pm

base muna!! hehe

Reply

BONISTATION November 17, 2010 at 2:49 am

ganun pala yun, wala palang absolute power ang taong namatay na kung kanino nya gusto ibigay dahil may isinasaad pala ang batas haha ang galing, eto ang mga batas na bihirang malaman ng mga pangkaraniwang tao kaya salamat talaga sa panyero.net! =) ngayon alam kona haha!

anyways, ano ang role ng abugado ng namatay? sya ang mag titingin kung masusunod ang last will and testament, pano kung namatay din sya? kasabay ng taong magpapamana (halimbawa naambush sila pareho magkasama sa iisang sasakyan ^^) pano na ang nakatagong dokumento? ang abogado rin siguro ay may last will testament kung sino lang ang may rights para mag implement ng mga mapepending nyang trabaho?

ang hirap ng kaso ni molales.. base sa mga nakasulat sa taas, wala sa batas o listahan ng heirs ang mga “kapatid” kaya malamang sa malamang lalong wala rin ang pamangkin!

papaano po kung wala lahat ang nabanggit? walang compulsary heirs, walang LWT; ano ang mangyayari sa mga kayamanang maiiwan? kukuhanin ng gobyerno? anong procedure?

Reply

Tito Boy November 17, 2010 at 10:40 am

anyways, ano ang role ng abugado ng namatay? S

Siya ang magfile sa court para sa “probate proceedings” pagkamatay ng testator, upang i-determine ng court kung talagang tunay ang Will. Baka kasi japeyks eh.

Ang tawag sa magpapatupad ng Last Will ay executor. Ang testator ang mamimili sino Executor. Nakasulat sa Will. Or pwede rin appoint ng Court kung may issue sa Executor.

Samantalang sa intestate successor ay tawag dun ay Administrator.

sya ang mag titingin kung masusunod ang last will and testament, pano kung namatay din sya? pano na ang nakatagong dokumento?

Wala presciption ang Last Will, kahit napamahagi na yung ari-arian. Kapag may sumulpot na Will, kailangan sundin yun.

papaano po kung wala lahat ang nabanggit? walang compulsary heirs, walang LWT; ano ang mangyayari sa mga kayamanang maiiwan? kukuhanin ng gobyerno? anong procedure?

Escheat Proceedings tawag dun. Ang Solicitor General ang magpa-file sa court in behalf of PHL.

Reply

bonistation November 17, 2010 at 10:51 am

salamat atty. noted lahat ng sinabi mo haha! ^^

Reply

bonistation November 18, 2010 at 2:06 am

ayun, nireread ko ung intestate succession, parang wala dati yun haha! ^^ nalinawan kona ang tungkol sa walang tagapagmana bukod sa kapatid at pamangkin..

BM November 17, 2010 at 3:48 pm

ang lagay pala eh “MATIRA” ang matibay. hahaha. wala na akong maitanong, klarong klaro panyero.

Reply

Ronald Redito November 16, 2010 at 10:51 pm

2nd ako ngayon… =)

Reply

mile November 17, 2010 at 1:42 am

3rd

Reply

mile November 17, 2010 at 1:47 am

process of elimination , free portion, compulsory heirs wow tito boy dami ko nanaman natutunan dito!

Reply

callboy November 17, 2010 at 11:56 am

4th runner up. hehehe.

Paano po atty kung ang natirang ari-arian ay isang bahay at lupa lang tapos 9 ang kanyang anak. walang ginawang LWT. Automatic po sa bunso mapupunta yung house and lot?

Reply

callboy November 17, 2010 at 11:57 am

4th runner up. hehehe.

Paano po tito boy kung ang natirang ari-arian ay isang bahay at lupa lang tapos 9 ang kanyang anak. walang ginawang LWT. Automatic po sa bunso mapupunta yung house and lot?

Reply

joven November 17, 2010 at 2:50 pm

haist panglima ako…T_T

Reply

Raphnexx ang SEO na gustong mag Abogado November 17, 2010 at 5:38 pm

as always ako ang huli..Pero may nakuha akong information.Yes!

Reply

joven November 18, 2010 at 12:35 pm

boss tama ba toh.
walang pwedeng makuha yung pamangkin ni doc kase po may iniwan syang LWT.. papasok lang naman po yung intestate succession kung wala pong LWT di ba? so walang habol yung pamangkin nya.dahil msy susundin padin ng batas ang LWT ng namatay sa kasong ito.
tama po ba? ^_^

Reply

Tito Boy November 18, 2010 at 4:22 pm

Tumpak!

Reply

AsOL November 20, 2010 at 12:04 pm

Ayus! dati nagtanong ako about sa mana, andito na ang sagot. hehehe! nice sir Atty.

Phabol po ng tanong, e yung abogado po ba ng namatay e may sure na pamana din po ba sia? may porsyento po ba syang matatanggap mula dun sa mga ari-arian nung namatay? ^__^

Reply

joven November 22, 2010 at 10:51 am

tumpak? ako ba yun boss? hehehe

Reply

foobarph November 22, 2010 at 2:07 pm

sana ang mangyari na lang ay laging masusunod ang LAST WILL TESTAMENT para walang away o gulo. Kung may 1/2 o 1/4 pa, parang specific eh tapos ang dami pang proseso.

parang ganito..

ang farmville ko, mapupunta kay boni
ang virtualpets ko, kay joven
etc etc…

ewan!

Reply

gerald December 4, 2010 at 7:07 pm

hi atty!

pwede ko po ba i try sagutin yan kaso nila morales vs. philipps?

dahil may LWT si Doc, mas dapat sundin ang LWT dahil ayon sa nasa taas, ang free portion ay dapat mapunta sa LWT at kung walang LWT saka lang pwedeng pumasok sa eksena ang mga kapatid at pamangkin.

tama po ba atty?

salamat sa info! parang gusto ko na tuloy mag abogado.. hihi..

Reply

Rob aka Tito Boy December 5, 2010 at 4:07 pm

Tumpak! May future ka bata hehe…

Reply

Edith C. Fajardo February 17, 2011 at 8:33 pm

How is it sir if there’s a holographic will but due to the passage of time, it can no longer be read? Will intestate succession be applied automatically?

Reply

Rob aka Tito Boy February 18, 2011 at 12:51 pm

IMO, yes. The intent of the testator can no longer be determined.

Reply

tina February 18, 2011 at 10:59 am

magandang umaga po!
ako po ay kasal sa aking asawa at siya ay may anak sa una na 5 taon gulang..hindi po sila nagsama ng ina nito..gusto ko lang po sana malaman kung ilang porsyento po ba ng sahod ng aking asawa ang dapat n isustento nya sa anak nya sa una…ang sahod lamang po ng aking asawa ay 10,000..kulang n kulang para sa amin ngunit gusto din namin maging fair para sa bata….

maraming salamat po at naway matulungan nyo kaming maliwanagan..
more power po!Godbless!

Reply

tina February 18, 2011 at 11:00 am

kami po pala ay meron na din anak na 1 taon gulang…maraming salamat po!

Reply

granger February 18, 2011 at 4:24 pm

No law provides for the exact amount of support one is entitled to, because support is dependent on the needs of the person to be supported and the capacity of the person obliged to give support.

Reply

tina February 25, 2011 at 6:48 pm

maraming salamat po=)
God bless!

Reply

boykornik February 25, 2011 at 11:34 pm

ask ko lang po pano kung may naging unang asawa un ama at may isang anak at namatay ng maaga un unang asawa nya maliit pa un anak at wla pang napupundar, then nagasawa uli un ama at nagkaroon ng apat na anak, namatay na pareho un ama at pangalawang asawa na d nahahati un property, paano po magiging hatian nito kung saka sakali by laws/ judicial settlement, salamat po sa sasagot, God Bless~

Reply

Edith C. Fajardo March 5, 2011 at 1:58 am

So far, panyero.net has been a great help to the querries that have been keeping my mind heavy and chest tight. Technical readings on jurisprudence when discussed here is truly made clear and easily appreciated.

Reply

Edith C. Fajardo March 5, 2011 at 2:14 am

Sir, may I pls. give u a backdrop to the inheritance case I want to be enlightened on. The original owner of the estate & properties had 3 children. Before he died, he was able to transfer all his properties to only 2 of his 3 children probably ‘coz the eldest already died before he was able to title all his properties to his 2 remaining children. Since only the names of these two said children of his are in the titles he had passed on, would this mean only these two children and their descendants will have the right to his inheritance?

Reply

sarah April 9, 2011 at 6:06 pm

Eto pala yun… so makakakuha pa rin talaga si lehitimong anak kahit ayaw ng magpapamana unless dumaan sa process ng disinheritance.

Basahin ko din yan topic na yan! Dami talagang info dito, thanks TB!

Reply

malagu April 22, 2011 at 3:07 pm

gud day atty.binebenta po namin ang property na naiwan sa amin ng aming magulang.. me written kasunduan na kami na akin ang 30% pag nabenta.just in case,me buyer na kunwari, kaninu po ipapangalan ang tseke o ibibigay ang payment? may panibago po bang kasunduan kami dapat dun.? halimbawa wala na ako… mga anak k take over sa akin?? ty

Reply

malagu April 22, 2011 at 3:10 pm

binebenta namin ang property na iniwan ng magulang namin. nagkapirmahan na kami na 30% sa akin. at remaining 70 sa kapatid ko.. pag halimbawa me buyer na,kaninu po ba dapat ipangalan ang cheke.o halimbawa nawala ako, mga anak ko po ba pwede sa place ko? mabebenta po ba if walang pirma mga anak ko ? ty po

Reply

malagu April 22, 2011 at 3:11 pm

ay 5 po pala kami lahat.. 4 po ang maghahati sa 70%.ty po

Reply

malagu April 22, 2011 at 3:12 pm

me dapat pa po ba kaming pirmahan na kasunduan ,just in case po?. ty

Reply

darlyn July 11, 2011 at 1:30 pm

ano ang mana ng anak na walang asawa sa ari arian ng maiiwan ng magulan? pag hahatian ba ito ng mga anak? o maiiwan lang ito sa anak na walang asawa o pamilya may anak ito sa pag kadalaga?

Reply

marimar July 14, 2011 at 3:10 pm

sa pagkaintindi ko sa article sa taas, legitimate or illegitimate na anak, magmamana..wala sinabing kundisyon na mas malaki o maliit ang porsiyento ng anak na wala pang pamilya o single parent man, o ilang dosena ang mga anak ng anak ng nagpapamana..

Reply

ruth February 15, 2012 at 9:28 am

Paatay n po asawa ko at mga kapatid nya pati po nanay nila, nauna sa biyenan kong lalaki na patay n rin po.at hindi po nya nailipat ang mga ariarian nya sa mga anak nya, .pero me knya knya n pong parte na ibinigay ang ama nila na ginagamit n po nila khit wal png kasulatan nung nabubuhay p po cla.pwde po bng gumawa kmi ng written agreement or waiver na katibayan ng knya knya ng portion.paanu po ginagawa un..salamat po..pwede po bng wg i publish ang e mail ko po,, salamat po i badly needed po sagot nyo sana po matugunan nyo. salamat po ng marami.

Reply

noel carpio February 17, 2012 at 11:00 pm

paano po kung kulang ng isang pirma ng witness and last will and testament dalawa lang po kase ang nakapirma. valid pa rin po ba ito?

Reply

ice April 18, 2012 at 2:45 pm

what’s ur personal email??

Reply

cardo June 9, 2012 at 1:20 am

Sir tanung ko lang po. May ginawa pong lastwill ang tita ko (Holographic Will). Wala na siyang asawa (deceased) at wla silang naging anak wlang compulsary heir. Sa akin niya binigay ang parte niya sa lupa na may original land title na pinaghatian ng 8 magkakapaptid (3 already died). Puede ba mapa sa akin ito parte n ito? Bukod dun ang eldest sister(matandang dalaga no compulsary heir din) siya na namatay na may Holographic Will din na ginawa na pinamana nman ari-arian nun sister niya sa kanila 3 magkakapatid ksama siya sa 3 na iyun. Ngayun yung tita ko na ito ako din nilagay na magmana sa parte niya. yung 2 kapatid ng tita ko yun isa mtndang dalaga din no compulsory heir din at medyo may kakulangan sa pagiicip( icip mga 12 yrs old.) yun isa US veteran at mttnda na din. Kaso hinde pa nakatransfer yung land title ng namatay nilang kapatid sa kanila 3 tgapag mana may laban ba ako sa Tito ko na US veteran or ciya lang mag mana ari-arian ng namatay nilang kapatid( lhat sila nsa 70-80+ na

Reply

Tito Boy June 9, 2012 at 8:37 pm

Ang gulo ng kwento mo. Mag execute na lang ng extrajudicial settlement ang mga partido para mahati ang lupain.

Reply

duncruz July 11, 2012 at 8:57 pm

Tito Boy ask ko lang po… sinosulo po kase ng mga kapatid ng lola ko ang mga lupa na naiwan ng kanilang yumaong ina sa dahilang sila po ay tumandang dalaga at ang lola ko po ay walang karapatan sa naiwan ng kanilang ina dahila sya ay nakapag asawa na at para lang sa kanilang matatandang dalaga ang lupain naiwan ng kanilang yumaong ina. tama rin po ba na gawin nilang katwiran na sila ang gumastos sa pag papalibing ng kanilang yumaong ina kaya wala karapan ang lola ko sa lupa nila. sa ngayon po ay nagawa pa nilang ipalipat lipat sa pangalan nila ang titulo ng lupa. at paulit ulit na rin itong na isanla at natubos din.

Salamat po.

Reply

Tito Boy July 15, 2012 at 6:54 pm

File ka ng kaso sa korte para partihin ang lupa. Kung meron silang ginastos, ibabawas lang yun sa value ng lupa, provided may resibo sila.

Reply

Kran July 31, 2012 at 8:58 pm

Bago po mamatay ang lola ko, Sapilitan po siyang pumirma ng Deed of Absolute sale (bahay ng lola ko) at nakapangalan sa tito ko ang DAS. Habang nanagyayari ang pirmahan wala po ang aking ama at ang ina ko ay pinalabas sa kwarto ng hospital. 10 days bago mamatay ang lola ko nakita namin ang advertisement na pagbebenta ng bahay ng lola ko. Kinuha nila ang lahat ng kasangkapan sa bahay. Ang sa pagkakaalam ko po ay di pa bayad ang bahay sa ilalim ng national homes.

Maaari po ba nila kunin ang lahat ng ariarian ng lola ko? May bisa ba ang DAS nila? Anung pede ikaso sa kanila?

Reply

Tito Boy August 12, 2012 at 2:40 pm

Kran,

Walang bisa ang Deed of Sale. Maaring ipawalang bisa ito sa korte. Humanap ka ng abugado ang maghain ng Petisyon.

TB

Reply

Kran August 15, 2012 at 1:08 am

Katatapos lang po ang sesyon sa lumpon ito ko sa barangay dahil sa no showg sa lahat ng schedule ang tito ko. kaya naghanap na kami ng abogado. maraming salamat po

Reply

APO ako ni LOLA October 14, 2013 at 6:36 pm

Namatay po si Tiya na matandang dalaga. May isa syang kapatid na nabubuhay, nais isalin sa pangalan ng “natitirang kapatid yung titulo ng lupa ngunit umaapela si pamangkin. kanino ba dapat talaga yon mapunta?

Reply

Pards October 17, 2013 at 2:22 pm

ang mga tiga-pagmana ng isang matandang dalaga ay ang kanyang mga magulang kung buhay pa, at kung hindi na, ang kanyang mga nabubuhay na kapatid. kung mayroon siyang kapatid na naunang namatay pero may naiwang mga anak, yung mga anak ang magmamana ng parte ng namatay na kapatid.

Reply

Angel November 10, 2013 at 6:07 pm

Hiwalay na po ang nanay at tatay ko. nakapag-asawa na po sila ng iba. ang asawa po ng tatay ko ay namatay na at ngayong taon ay tatay ko. pinatay po siya ng kapatid niya. nagsampa po kami ng kaso at nagkontra demanda sila kasama ang isang kapatid din ng tatay ko sa amin at ginamit pa nila ang mga kapatid ko sa salaysay nila.ngayon po ay may naiwan na dalawang anak ang tatay ko sa labas at maliliit pa po sila. kinuha po sila ng tita ko. ayaw nilang ipahiram ang mga kapatid ko sa amin. itatanong ko po kung anu ang maaari kong gawin para makuha ang mga kapatid ko? at kung sino ang mas may karapatan sa kanila? sana po ay matulungan po ninyo ako.

Reply

Pards November 11, 2013 at 4:21 pm

kung nasa hustong gulang ka na at mayroong sapat na kita para sa kabuhayan ninyong magkakapatid, pwede ka magsampa ng demanda sa korte para sa guardianship at custody ng iyong mga menor de edad na kapatid.

Reply

cybervincey November 25, 2013 at 1:14 pm

Helloy Atty.,

My Auntie Died of Cancer and left 3 properties to me – 1) Mga Apartment, 2) Residence 3) Mosoleo.

7 sila magkakapatid – walang asawa o anak si Auntie.
Sa last will and testament – sulat kamay at may pirma pa niya with witness – maliwanag na sa akin niya iniiwan lahat as her Pamangkin.

Marami pa po kami na pamangkin niya, pero sakin lang niya iniwan lahat ng properties niya.

1. May habol pa ba ang kapatid niya at mga ibang pamangkin?
2. its been 2 years since she died and i haven’t transferred the land titles to my name – may issue po ba ito?
3. Ang laki po kasi ng mga bayarin para ma transfer lahat ng titulo.

TIA

Reply

Pards November 26, 2013 at 10:02 am

1. kung sulat kamay ang last will and testament, ito ang tinatawag na holographic will. para mabigyang bisa ito, kailangan malinaw ang kagustuhan ng auntie mo na iniiwan niya sa iyo lahat ng kanyang pag-aari. sunod doon, kailangan magsampa ng petisyon sa korte para masabi na ito nga ay sumasang-ayon sa nakasaad sa batas. pag hindi mo nagawa yan, baka maunahan ka ng mga kapatid ng auntie mo na magsampa ng extrajudicial settlement of estate.

2. ang pagbabayad ng estate tax ay dapat magawa sa loob ng 6 na buwan mula ng mamatay ang auntie mo. dahil 2 taon na ang nakalipas, may penalty na at interest na nakapatong diyan ang sisingilin ng BIR at ng gobyernong lokal kung saan matatagpuan ang mga ari-arian.

3. paano mo nasabi na malaki ang bayarin para sa paglipat ng titulo? nakwenta mo na ba?

Reply

zen December 11, 2013 at 8:36 am

atty gud am my tanong lang po ako patay na po ang aking biyanan pareho po mag asawa my naiwan po lupa 5th sqr mtr my anak po ito lihitimo anak 4 na mag kakapatid patay n un 2 my naiwan anak ito po ba ay my karapatan share pag naipag bili ang lupa o mas my karapatan ang ang lihitimo anak

Reply

Pards December 12, 2013 at 10:33 am

ang lahat ng anak ay tagapagmana ng kanilang mga magulang. base sa kwento mo, yung iniwang ari-arian ng mga magulang ay hahatiin sa 4 na anak. kung patay na ang anak, yung parte niya ay mapupunta sa anak naman nito. kung walang anak ang namatay na tagapagmana, mapupunta ang parte niya sa mga kapatid na nabubuhay o pamangkin.

Reply

Jp December 31, 2013 at 1:50 am

Atty.
What if Kung yung ama ay Hindi kinoconsider yung “anak sa labas” na illegitimate, hindi gamit ng anak sa labas yung apilyido ng tatay, gamit nito ay yung sa stepfather. May possibility po ba na may mamanahin yung “anak sa labas”?

Maraming salamat po in advance.

Reply

brent February 25, 2014 at 10:38 pm

gud p.m po panyero,maari ko po bang ibenta ang minana kong lupa mula sa maga magulang ko na walang pahintulot ang mga anak ko,pwedi ba silang mahabol dahil hindi raw po sila pumirma sa kasulatan ng bilihan.totoo po ba sabi sabi.salamat po

Reply

Pards aka Atty Leo February 26, 2014 at 12:26 pm

kung ikaw ang tanging nagma-may-ari ng lupa at minana mo yan sa magulang mo, may karapatan kang ibenta yan sa ibang tao dahil may kapalit naman na kabayaran. walang pakialam ang iyong mga anak diyan buhay ka pa at hindi pa sila maaaring magmana sa iyo.

Reply

jj March 10, 2014 at 4:08 pm

Gud day Atty. can u pls. help me I need a legal advise. Yung Father po kasi namin patay na. 6 ang anak nya s first family then na byudo sya tapos ngpakasal sila ng nanay ko 3 kming nging anak nila. So yung bahay kmi ang nakatira ngaun kasi sa unang anak ni tatay puro my family na rin sila kaya ngkanya knya na.. Ngaun all of a sudden pumnta ang isang kapatid namin sa ama (unang pamilya) sa bahay at sinasabing may karapatan sila sa bahay. Ang plano nila ay ibenta ito at hatiin sa mga mgkakapatid pti dw sila makinabang. Hindi naman ako mkkpayag dhil ayoko naman mg rent mas mgastos kaya ayokong ibenta. Gusto kong ipglaban ang bahay dhil kasal naman ang aming ina. At isa pa po ang documents na meron lng kmi ay rights lng hndi titulo..walang titulo ang lupa dhil government prn dw ang ngmamay ari ng lupa n iyon. Ano po sa palagay nyo? maraming salamat po.

Reply

Pards aka Atty Leo March 11, 2014 at 1:22 pm

kanino nakapangalan ang rights na tumira sa lupa? lumalabas na legitimong anak kayo ng tatay ninyo pati na rin ang mga kapatid ninyo sa unang asawa. dahil dito, pantay-pantay ang karapatan ninyo sa ari-arian ng tatay ninyo at lahat kayo ay may karapatan diyan.

Reply

Bunso March 13, 2014 at 5:28 pm

Ang ikokonsulta ko yung bahay ng magulang ko na iniwan sa akin. walang titulo ang lupa kasi di pa pormal na na-award sa mga magulang ko na dating obrero. At parang ang nangyari, yaong panginoong may lupa ibinenta ang tubuhan na malapit sa amin at ayon sa ahente kasama pa raw sa titulo ang lupa ng kinatitirikan ng bahay. Sa makatuwid walang legal na batayan ang pag mamay-ari ng magulang ko at pareho na silang patay.

ang problema ko ngayon gipit sa pera ang isa sa 4 kong kapatid at bigla pinaglalaban ang sinasabi niyang karapatan sa mana. Ako na ang nagpaayos ng bahay kasi dati noong may pera siya wala naman problema pero ngayon bigla nagpapabayd siya.

ano ang magandang gawin para maisa-ayos ang ganitong sigalot?

Maraming salamat.

Reply

Pards aka Atty Leo March 14, 2014 at 10:01 pm

kung talagang walang pag-aari ang magulang ninyo sa lupa, kahit na mag-iiyak pa ang kapatid mo, wala siyang makukuhang mana.

Reply

Reynaldo Cabague March 27, 2014 at 8:19 am

Mahigit isang taon nakaratay ang ate ko sa kama dahil nagpapagaling sa sakit ng breast cancer at ang nag aalaga sa kanya ay ang dalawa kong pamangkin na lalaki. Maging ako ay nawalan ng trabaho dahil sa pagbabantay sa ate ko lalo na nung sya ay nasa hospital ng 18 araw bago sya pumanaw sa complications. Kaming tatlo lang po ang naghihirap at nagpupuyat at nang pumanaw ang ate ko dumating ang anak nyang US Citizen at sinabing mula sa araw na yon at sya na ang responsible sa lahat. May makukuha pong SSS Insurance at Death insurance ang ate ko dahil sya po at isang US Citizen din. Meron po ba karapatan na bahaging mana ang pamangkin ko at ako sa makukuhang pera mula sa mga insurance?

Reply

Pards aka Atty Leo March 28, 2014 at 6:46 pm

wala. ang mga ari-arian ng yumao mong ate ay mapupunta sa kanyang mga tagapagmanang anak. bahala na yung anak kung handa siyang magbigay sa inyo para sa ginawa ninyong pag-aalaga.

Reply

Danred Briones March 31, 2014 at 7:14 pm

Hi,

magulang po ng lola ko nakapangalan ang 150 sq meters n lupa, apat po magkakapatid ang lola ko, patay napo ang lola ko, pero ang bunso nilang kapatid ay buhay pa, pantay pantay po b ang 4 sa pagaari ng lupa? 3 po gusto n ibenta, ang side po ng lola ko or kami ayaw po namin ibenta, maibebenta parin po ba nila ang kabuoan n 150 sq meters kahit ayaw namin

salamat po

Reply

Pards aka Atty Leo April 1, 2014 at 9:52 am

mula sa magulang ng lola mo, lilipat yan sa lola mo at mga kapatid niya ng pantay pantay. kung hind lahat ng tagapagmana ay nais magbenta, pwede lang nila ibenta ang karampatang hati nila. kailangan hatiin ang lupa.

Reply

Danred Briones April 1, 2014 at 12:18 pm

Maraming maraming salamat po s kasagutan

Reply

Don Manolo Quintana April 15, 2014 at 2:50 pm

Magandang Araw,

Ako po ay may tiyuhin na may asawa. Wala po silang anak. Namatay po ang babae(tiyahin). May ari arian po silang naiwan. Ang tiyahin ko po ay wala ng mga magulang at wala ng kapatid. Ngayon ay naghahabol ang mga pamangkin ng aking tiyahin. May karapatan po ba silang maghabol ng 1/4 ng total ng conjugal property nila. Gayung buhay pa naman ang aking tiyuhin? Salamat po.

Reply

Pards aka Atty Leo April 15, 2014 at 3:41 pm

kung ang namatay ay may asawa nguni’t walang anak o magulang na nabubuhay pa, ang kanyang tanging tagapagmana ay ang kanyang asawa lang. ibig sabihin lahat ng naiwang ari-arian ng namatay ay mapupunta sa asawa nitong buhay pa. samakatuwid, walang karapatan ang mga pamangkin ng asawa ng tiyohin mo na magpumilit na magmana sa mga ari-arian ng tiyahin nila.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: