CLICK UNDO

by Tito Boy on February 19, 2010

ISANG MASAMANG BANGUNGOT para sa ilan ang kanilang buhay may asawa. Hindi kasi nagka-ige.

Buti pa noong magkasintahan pa lang, may holding hands na, pa-sway-sway pa. Samantalang ngayon, ni “U” sa text wala.

Kung dati ay panay tawag sa Diyos at puro “Oh my God!” ngayon, “Impakto! Demonyo!” ang bukambibig ni misis.

Kaliwa’t kanan tuloy ay naghahain ng petisyon sa korte upang ipawalang bisa ang kanilang mga kasal gamit ang gasgas na “psychological incapacity” bilang basehan.

Ngunit meron namang mga kasal na walang bisa sa simula. Hindi mo na kailangan magpatingin sa psychologist para ideklara kang psychologically incapacitated.

Tunghayan natin. Malay mo, isa ka dito.

VOID MARRIAGES

(1) Noong araw ng inyong kasal ay isa sa inyong mag-asawa ay hindi pa umaabot sa edad na desi-otso (18).

In short, menor de edad pa ang isa sa inyo. Kahit na pumayag pa ang mga magulang ninyo o alam mong menor de edad ka noon, wala pa ring bisa ang kasal.

(2) Walang kapangyarihan ang taong nagkasal sa inyo dahil hindi naman pala siya otorisado.

Sino ba ang mga authorized solemnizing officer ng kasal?

a) Mga mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan o Court of Tax Appeals at mga hukom ng Regional Trial Court (RTC) o Metropolican/Municipal Trial Court (MTC).

Ang kasal ay dapat sa chamber ng hukom o mahistrado o in open court kung yun ang fetish mo dahil sa kakapanood mo ng “Dahil May Isang Ikaw“.

Pwede rin sa ibang lugar ganapin ang kasal basta may written request kayo. Mas maiigi pa ‘to dahil maraming surot sa loob ng korte.

b) Mga pari, rabbi, imam, ministro ng mga simbahan o sekta na rehistrado sa civil registrar general kung saan isa sa kinasal ay kabilang.

Mahirap naman siguro kung ang isang miyembro ng Dating Daan ay ikakasal ng isang ministro ng Iglesia ni Kristo, parang pinaghalo ang balat sa tinalupan (kuyog!).

c) Ang kapitan ng barko o eroplano kung isa sa partido ay mamamatay na (articulo mortis) habang bumabyahe o stopovers.

Angkop ‘to sa mga babaeng may kasintahang may apat na “M” (Matandang Mayaman Madaling Mamatay). Hindi na baleng walang nagmamaneho ng barko basta lang makasal bago pa matigok si lolo.

d) Ang military commander kung saan may bakbakan o kasalukuyang may military operation.

Dapat ang kasal ay in articulo mortis din. Tignan mo nga naman ang pag-ibig, may gyera na at lahat magpapakasal parin. Dadagdag pa sa putukan, assuming na mabubuhay pa siya.

e)  At ang mga consul-general, consul o vice-consul ng Pilipinas para sa mga pinoy na nasa abroad.

Ang mga nabanggit lamang ang mga may kapangyarihang magkasal, wala nang iba.

Ay teka, binalik pala ng Local Government Code ang kapangyarihang ng mga Mayors ng mga lungsod na magkasal. Gawin mo na rin siyang ninong kung ganon.

Kaya kung napag-alaman mo na nagtitinda lang pala ng balot at hindi tunay na pari ang nagkasal sa inyo, nako baka may pag-asa ka iho.

NGUNIT, isang malaking ngunit, kung ang isa sa mga partido sa kasal ay talagang naniniwala (believe in good faith) na ang nagkasal ay may legal authority, valid pa rin ang kasal.

Magbabalot nga ang nagkasal sa inyo at hindi otorisado ng batas, e kung kapani-paniwala naman dahil naka tuxedo at may pamada pa ang buhok na parang dinilaan ng baka, patay tayo diyan.

3) Kasal na walang marriage license.

Tulad ng pagmamaneho ng sasakyan, dapat may lisensiya ka rin bago magpakasal upang masiguradong isang kang legitimate bachelor o bachelorette. Kung nagpakasal parin kayo kahit walang marriage license, walang bisa yun.

Ngunit may mga pagkakataong hindi kailangan ng marriage license, tulad ng:

a)  Kung ang isa sa partido ay mamamatay na (point of death) o articulo mortis kahit kinalaunan ay nabuhay rin.

Ano ka ba, mamamatay na nga eh, papupuntahan mo pa sa munisipyo para kumuha ng marriage license, walang puso!

Kasama na rin dito yung kasal sa barko, eroplano, o sa gitna ng military operation, syempre in articulo mortis pa rin.

b)  Kung nakatira kayo sa malayong lugar sa Pilipinas na hindi na abot ng Globe o Smart at walang paraan (no means of transportation) para magpakita o pumunta ng personal sa local civil registrar.

c)  Kung ang kasal ay naayon sa mga ritwal o tradisyon ng mga ethnic cultural communities.

Hindi marriage license kailangan mo dito kundi dugo ng baboy at balahibo ng manok.

d) Kung ang dalawang tao ay nagsasama bilang mag-asawa (common law marriage) na hindi bababa ng 5 taon.

Dapat silang dalawa ay walang sabit at kabit, talagang nahuli lang ang kasal. Affidavit lang ang katapat niyan.

Nakakahiya daw kasi na malaman ng mga tao na hindi pala sila kasal kahit matagal na silang nagsasama kaya hindi na pinakukuha ng marriage license.

4) Ang bigamous o polygamous marriages

Pwera na lang sa ating mga kapatid na Muslim na sumusunod sa Batas ng Islam, isang beses ka lang pwedeng ikasal. Ang mga susunod na kasal mo ay walang bisa.

Bukod doon, pwede ka ring kasuhan ng Bigamy (Art. 346 RPC). Nagkamali ka na nga sa una, inulit mo pa. Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan ah, pagulpe ka na lang kaya.

5) Nagkamali ka dahil napakasalan mo ay ibang tao

Hindi ko ‘to inembento, talagang nasa batas ‘to.  Para siguro sa malabo ang mata o di kaya sa mga kambal na nanunulot ng syota ahihihi.

6) Incestous marriages

Kasal ng mga kapamilya. Magulang sa anak, sa lolo, sa kapatid (half, full, legitimate, illegitimate or adopted basta kapatid), o sa pinsang buo.

Isa lang masasabi ni Kris Aquino diyan: “Ewww!”

7) Kung saan ang isang partido ay pinatay ang dating asawa para magpakasal ulit.

Parang palabas sa sine ang ganito. Pang pelikula.

JUDICIAL DECREE

Kung pasok ang kaso ng kasal mo dito, hindi automatic na pwede kang magpakasal ulit. Dapat kumuha ka muna ng judicial decree o utos sa korte na sinasabing walang bisa ang kasal mo.

A void marriage does not require a judicial decree to restore the parties to their original rights or to make the marriage void…yet as well for the sake of good order of society as for the peace of mind of all concerned, it is expedient that the nullity of the marriage should be ascertained and declared by the decree of a court of competent jurisdiction.

IMPRESCRIPTIBLE

Hindi napapaso ang mga kasal na void. Ibig sabihin, kahit maging lolo at lola na kayong dalawa ay pwede pa rin ipawalang bisa ang kasal ninyo. Kaya nga void ab initio e, its means: void from the beginning.

Kumbaga sa Microsoft Word, yan ang “Undo” button at babalik sa dati na parang walang nangyari.


——————————-

“Many people marry for the wrong reasons, among them 1) to overcome loneliness, 2) to escape an unhappy parental home, 3) because they think that everyone is expected to marry, 4) because only “losers” who can’t find someone to marry stay single, 5) out of a need to parent, or be parented by another person, 6) because they got pregnant, 7) because “we fell in love,” … and on goes the list. “

- Bruce Fisher and Robert Alberti

{ 45 comments… read them below or add one }

batangmangyan February 19, 2010 at 11:37 am

BASE :)

Reply

xtremus February 19, 2010 at 11:42 am

base…. ayos ito.. nakahabol para mag komento… bukas pa naman ang aking uwi nang umaga… kami po kinasal kami sa Manila City Hall , secret wedding na maraming nakakaalam..heheh pero after ilang years kinasal uli kami sa simbahan, pero pumasok sa NSO ay iyong date nang kasal namin sa City Hall. Kaya nga bago kayo ikasal at sambitin ang mahiwagang “I do” magisip muna nang mabuti, dahil sya na ang makakasama mo nang habang buhay… hindi na po ako magtatanong dahil ako’y nagliligpit nang gamit ko…para magbakasyon sa Pinas….Absent muna ako nang ilang araw lang… Salamat Atty. sa mga makabuluhang Mensahe at Aral patungkol sa Batas…. Mabuhay ka pa po…

Reply

batangmangyan February 19, 2010 at 11:45 am

para wala ng hirap, huwag na lang magpakasal.. toinks!

Reply

Manay Cristy February 19, 2010 at 1:24 pm

UNDO!!! UNDO!!! UNDO!!!

Reply

lambing February 19, 2010 at 1:59 pm

wahahaha

walang lusot wahahaha

hirap naman nun eh hahaha

ay… single pa po ako wahaha natatawa lang po ako may i relate talga.. tinitignan ko lang kung paano mapapawalang bisa ang kasal ng ibang nakulong sa sakal. lolz

kaya nga dapat talaga wag ipag walang bahala ang kasal, dapat i preserve pa rin natin kung ano sinisimbolo nito.. hayzz para hindi na dumating sa puntong pag aaralan talaga paano mapawalang bisa ang kasal hehehe..

paano po yan kung talagang nagkasawaan na? Hayzzz hirap naman non…

Reply

jongskie721 February 19, 2010 at 2:52 pm

Nagkamali ka na nga sa una, inulit mo pa. Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan ah, pagulpe ka na lang kaya.–>hahaha, at MALI po talaga ang pagpapakasal parang ganon? :D

Reply

Kirschen February 19, 2010 at 3:03 pm

kya mraming pumapasok sa mga live in relationships…at kpg ngkaanak cno b ang mgsu-suffer…tsk tsk

Reply

bonistation February 20, 2010 at 2:15 am

ayos! UNDO. haha parang sa computer lang, sana nga ganung kadali ang lahat pag ayaw natin isang click lang ng UNDO at kung gusto uli edi REDO.

buti nalang hindi pako kasal, =) wala pa kong i a UNDO hihihi.

Wanted: Wife-to-be!

Reply

Tito Boy February 20, 2010 at 8:00 am

@Xtremus, nagagalak ako at makakapiling mo na ang iyong asawa at pamilya dito sa pinas!

Alam kong excited ka dahil kitang-kita ang saya at ngiti habang tinatype mo ang comment mo!

Enjoy sa vacation mo. Ingat lang ng konti sa gastos hehe…

@Batangmangyan, “para wala ng hirap, huwag na lang magpakasal” isa ka talagang ganap na hunk, nais lang magkalat ng lahing Mangyan haha, playa!

@Lambing and Jongskie, halos puro single ang nagcomment ah, parang pinagtatawanan ang mga may asawa, tipong “buti nga, hindi kasi nag-iisip, inuna ang libog” hehe…at least may prior notice na kayo.

Masaya ang may buhay, that is kung tama ang desisyon ninyo wehehehe.

@Krischen, “at kpg ngkaanak cno b ang mgsu-suffer” correct ka diyan. Parang intership, may ‘practice muna’ stage.

@Bonn, nako tataas veiwership ko nito dahil dito ka nagdeklara ng iyong search for a princess. Di tulad ni Batangmangyan, gusto mong magpasakal este kasal hehe..

Kilatising mabuti ang mag-aaply, malay mo bading.

Reply

Tito Boy February 20, 2010 at 8:42 am

@Manay Cristy: REDO! REDO! REDO!

Reply

hicort February 20, 2010 at 1:41 pm

May balak pa naman sana ako. Kaso napag isip ko ang sabi mo ” nagkamali na sa una uulitin mo pa.”

Tigas ng ulo ano?

Wala ba talagang ikalawang Glorya?

Reply

ferdie February 20, 2010 at 4:05 pm

In-order! di ko mapigil ang pagngiti sa mga side-comment, aliw ako.

parang chess pala, touch-move.

Reply

leemi February 20, 2010 at 5:05 pm

Many people marry for the wrong reasons..
#4) because only “losers” who can’t find someone to marry stay single..
___-yeah., this is very wrong..=)

pero hirap po humanap ng “forever” ngayon Sir Atty.. kapagud…

Reply

jongskie721 February 22, 2010 at 12:39 am

actually tito boy, ALAM KO NA MALI ANG PAGPAPAKASAL :D kaya nga if ever tumakbo ako at manalo sa kongreso eh isusulong ko ang RENEWAL of MARRIAGE LICENSE :) ahahaha

Reply

Mhonski February 22, 2010 at 12:57 pm

Ayos tito boy napangiti mo na naman ako sa mga side comments mo like dun sa kasal ng ethnic group. Samahan pa natin ng mga dahon dahon bukod sa balahibo ng manok. we he he he

Reply

Tito Boy February 22, 2010 at 9:54 pm

@Hicort, welcome back at buti magaling ka na! Pwede naman ang chiching kahit walang kasal haha.

@Ferdie, touch move nga. Buti sa chess may another round.

@Leemi, wala nang “forever,” “for worst” na lang, aw!

@Jongskie, advocacy mo talaga yan ah.

@Mhonski, ang kati nun sa honeymoon.

Reply

HOKENS March 8, 2010 at 3:47 pm

ang galing mo sir atty. sana kumalat pa ang lahi mo para sa kapakinabangan ng mga nakakaraming dukha. ahihihihi. bago lang me d2. salamat sa lahat ng mga payo.

Reply

Tito Boy March 8, 2010 at 7:50 pm

@HOKENS, welcome future iskolar! hehe

Reply

Anne March 11, 2010 at 5:23 pm

Sobrang galing po! kakaiba sa lahat ng blog na nadaanan ko, yung blog mo nakakaaliw na may aral ka pang makukuha…more power:-)

Reply

Rob aka Tito Boy March 12, 2010 at 12:23 pm

@anne, salamat ng marami at may natutunan ka kahit papaano. Balik ka ulit :D

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 3:50 pm

@tito boy:advocacy ko po talaga yan.. para naman matauhan ang mga babae na inaapi ng mga manlolokong mister :D

Reply

kristen April 1, 2010 at 6:04 pm

hello po! idol ko po kyo…galing nyo…parang ganyan po ung sa pinsan kong girl, yung asawa po nya kasal po sa una tapos naghiwalay tapos nagpakasal cla ng pinsan ko e dp naman naaanul ung kasal sa una..wala pong bisa ung kasal nila ganun po ba un? pero bat ganun pag kumuha sya ng marriage contract and cenomar meron po sa nso? panu po dapat gawin ng pinsan ko sa ngayun hiwalay na din cla and gusto nya mapawalang bisa yun? advise nman po. thanks

Reply

Rob aka Tito Boy April 2, 2010 at 7:08 am

@kristen, walang bisa ang kasal ng pinsan mo, bigamous yun. Kahit walang bisa yun, kailangan pa rin ng judicial decree na nagsasabing wala nga itong bisa. Kaya kailangan pa rin magpetisyon sa korte para formal itong ipawalang bisa. Salamat sa pagbisita at balik ka ulit.

Reply

granger1220 April 1, 2010 at 7:52 pm

@kirsten, a subsequent marriage, contracted when there is no judicial declaration of nullity of the first marriage, is void ab initio. further, the guilty party may be criminally charged with bigamy.

the local civil registrar responsible for issuing the marriage license of the subsequent marriage, should have required the judicial decree of nullity of the 1st marriage.

under the family code, an irregularity in the formal requisites (authority of the solemnizing officer, marriage license, ceremony) shall not invalidate the marriage but will held the persons civilly, criminally and administratively liable.

as to the presence of the nso marriage contract, the fact that a marriage contract cannot be procured from a certain locality does not absolutely mean that the person concerned is not yet married, for the marriage may have been celebrated elsewhere. (so ayan, baliktarin mo yan concept na yan)

or maaring yung inaakal mong kasal sa una ang walang bisa

Reply

rowena pinili May 26, 2010 at 1:48 pm

may bisa po ba ang kasal ko kahit yung pinakasalan ko ay mali ang middle name at b-day?

Reply

granger May 26, 2010 at 3:02 pm

yes, unless the corrected or true age of the person at the time of marriage is below 18 years old which will render the marriage void ab initio

Reply

aurora catahan June 19, 2010 at 12:32 pm

magandang araw po.
ako po ay nakasal nuong november 2008, hindi ko po alam na ang lalaking pinakasalan ko ay hindi annuled sa unang asawa niya kasi nakakuha siya ng Cenomar sa NSO na wala siyang record ng kasal.
natuklasan ko po ito matapos ang isang taon at 3 buwan matapos kami ikasal.
alam ko po na null and void ang kasal namin. pero naka-record na po ito sa NSO. ano po kaya ang tamang hakbang upang malinis ko ang aking pangalan or para maging single ulit ang aking civil status.
wala na po akong balak ihabla ang lalaking ito. bahala na ang Diyos sa kanya.
sana po wag nyo na ilathala ang tanong kong ito d2.
umaasa po ako sa inyong sagot. maraming, mataming salamat po.

Reply

granger1220 June 19, 2010 at 10:39 pm

File ka petition for judicial declaration of nullity of marriage.

Reply

aurora catahan June 20, 2010 at 2:29 am

maraming salamat ho sa sagot nyo. sa supreme court lang ho ba makaka-kuha nito. ang laking tulong ang nagagawa nyo sa lahat ng may problema sa kasal. thanks a lot po………………

Reply

bing December 2, 2010 at 8:15 pm

tanung ko lang po kasal po kami sa islam valid po ba ang marraige contract namin na bigay lang ng mga muslim na kumasal sa amin alam ko hindi galing nso \dapat pa ba magpakasal ulit kami sa civil para maging legal wife ako at may mga rights sa pag aari nya.

Reply

granger December 2, 2010 at 10:10 pm

Valid as long as the marriage is validly celebrated under Muslim laws and one of the contracting parties is a Muslim.

Reply

granger1220 June 20, 2010 at 6:34 am

it is a civil case filed in court, you may also file a criminal case for bigamy

Reply

aurora September 7, 2010 at 12:56 am

magandang araw po sa inyo……..
ask ko po kung mag-file ng nullity of marriage gaano ho kaya katagal ito aabutin at kailangan ho ba ng appearance ng ex-husband ko? at mga magkano ho kaya aabutin ang prosesong ito.
maraming-maraming salamat ho…..God Bless!!!!!

Reply

sherwin June 30, 2010 at 3:11 pm

Eh pano naman Atty kung yung marriage license ay nilakad lang as in hindi kayo nagseminar nagbayad lang para makakuha agad, pwede ba iconsider yun? and yung consent ng magulang eh pineke lang ang pirma, pwede po bang grounds for annulment yun? More power po ang laki ng tulong nyo!

Reply

granger1220 June 30, 2010 at 6:40 pm

Under Art 45 (1) of the Family Code, the lack of parental consent required shall render the marriage voidable. The Family Code requires consent for parties who are 18 years old above but less than 21 years old at the time of celebration of marriage.

Absence of which shall make the marriage merely voidable and gives rise to a ground for annulment by the person whose consent is required but only before the party reaches the age of 21 otherwise the action is barred by prescription in so far as the person required to give consent is concerned.

After attaining the age of 21, only the contracting party (whose consent was required) may annul within 5 years from attaining the age of 21 otherwise the action is prescribed.

A fake consent is no consent and the marriage is voidable unless no consent is required at the time of celebration of marriage as discussed above.

Reply

granger1220 June 30, 2010 at 6:45 pm

Art 4 of the Family Code provides that a mere irregularity in the formal requisites (one of which is a marriage license) of marriage under Art 3 of the Family Code shall not affect the validity of the marriage.

In your case, there was a marriage license, it is just the procedure on how it was obtained that was irregular as such the marriage is perfectly valid.

Reply

mile August 14, 2010 at 11:51 pm

magbabalot nakatuxedo at may pamada pa na parang dinilaan ng baka. ano ba yang mga yan !natatawa ako tito boy! hahaha! naalala ko sinabi ng nanay ko nung nakita nya grad pic ko na parang dinilaan ng baka ung buhok ko. wahahaha! everytime na magbabasa ako natatawa ako sa style ni tito boy mag kwento. kaaliw! yoko magpa rehab! sarap maadik dito!

informative !

Reply

reylan October 2, 2010 at 12:17 pm

Pano po ako makakapagfile ng annulment kung ang asawa ay ayaw na akong kausapin at hindi na ren nagpapakita sa aken… even ung mga parents nya ayaw ipaalam kung nasan cia…

Reply

granger October 2, 2010 at 9:38 pm

Ang mga humihingi ng legal advice sa chat at blog comment ay hindi sasagutin. punta kayo sa forum

Reply

Tricky October 6, 2011 at 10:46 pm

galing naman! may question ako.. i want to marry my bf who is unfortunately married.. and naghahanap kami ng lusot para maging null and void yung first marriage niya.. and one thing na pwede gamitin is wala silang marriage license by the time of their civil wedding kasi gunshot wedding lang. would u think mapapawalang bisa namin yung kasal just because wala silang marriage license nun and that he was just forced to marry the girl? thanks!

Reply

chelzy December 31, 2011 at 8:15 am

atty.pwede po bang malaman kung pde mapawalang bisa ang kasal ng dating magasawa kase ngkarron ng ibang lalaki ung ba2e at 6 yerars na silang hindi ngsasama.gsto po kaseng nung lalaki magpakasal sa gf nya ngyon.plsssss answer me asap.slamat po.

Reply

chelzy December 31, 2011 at 8:16 am

erechelann@yahoo.com ang email poh.pki emil n lang poh.salamat.

Reply

Marjorie February 25, 2012 at 9:54 pm

atty sana po mareplayan nyo po ung tanong…nagsasama n po kmi sa iisang bubong ng bf ko.gusto po nmn magpakasal..kya lng po kinasal n po sya nung 2006.then nag-abroad po sya 3months p lng po sya sa abroad nagloko n po ung asawa nya sumama sa ibang lalaki at naanakan pa ng ibang lalaki..6yrs n po silang hndi nagkikita nung girl at hndi rin po sya nagkaanak dun..so now po nagsasama kmi bilang mag-asawa..ask ko lng po pwede po b kming magpakasal.nsa abroad n po ulit asawa ko now.uwi p nya sa 2014..hope masagot nyo po tanong ko.tnx po

Reply

granger1220 March 1, 2012 at 9:17 pm

hindi

Reply

merly March 16, 2012 at 7:54 am

gud morning po, ask ko lang po kung pwede pang ipa viod ung kasal mayor ng asawa ko sa una nyang naging asawa almost 14 yrs na rin silang kasal.ung kasal kasi nila pilit lang pinadampot kasi sya sa pulis saka dinala sa munisipyo at agad sila kinasal. may bisa ba un kahit walang umatend at ung pirma ng tatay nya naganap ilang months after ng kasal kasi pinapirma sya nung ngpunta sa munisipyo para kumuha ng cedula. sa ngaun ung asawa nya may anak na sa kinakasama nya ngaun.nung ng trabaho sya overseas hanggang bumalik sya dina sya nakisama dun.2 yrs na din po kaming ngsasama ngaun, pwede po ba kaming mgpakasal?. kng pwede po paki email na lang po sakin at merly_espenida@yahoo.com..
pls advice po..thank you!!

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: