SPARE TIRE

by Tito Boy on May 30, 2010

Narinig ko ang interview ng nangunguna sa vice-presidential race. Sa kanyang panayam, andami niyang pinagsasabing gagawin kung mahahalal na bise-presidente.

Sabi niya ay palalakasin niya raw ang mga lokal na pamahalaan para maibigay ang serbisyo sa mga tao.

Ang sarap pakinggan, pero ang tanong, sakop ba ito ng kapangyarihan ng isang Bise-Presidente?

Ano ba talaga ang role ng isang Bise-Presidente?

Hindi tulad ng Vice-Mayor o Vice-Governor ng lokal na pamahalaan na nagpe-preside ng sanggunian o local legislative body, ang Bise-Presidente ng Pilipinas ay hindi mamumuno ng Senado at Kamara.

Pero kung in good terms ang Bise sa kanyang Presidente, ay maari siyang i-appoint bilang Cabinet Secretary at hindi na ito dadaan sa Commission on Appointments ng Kongreso.

Pero paano kung hindi ka-tropa ng Presidente ang kanyang Bise? Ano na lang ang gagampanan ng Bise sa loob ng 6 na taon?

Wala.

Oo, wala. Bibigyan siya ng opisina at susuwelduhan kasama ang kanyang mga staff ngunit wala silang gagawin.

Araw-araw na ginawa ng Diyos sa susunod na anim na taon, ay pagdadasal lang ng Bise-Presidente na matigok o ‘di kaya ay mabalda (incapacitated) ang Pangulo (dahil sa sobrang paninigarilyo ahihi).

Ayon sa konstitusyon: In case of death, permanent disability, removal from office, or resignation of the President, the Vice-President shall become the President to serve the unexpired term.”

Ganito ang nangyari kay GMA at Erap. Sabi kasi ng Korte Suprema nag resign daw ang naka-upong Presidente(na tinatanggi naman ni Erap) kaya inagaw este niluklok ang dating Bise-Presidente na si GMA bilang Presidente.

Kung wala nang Bise-Presidente ay maaring mag-appoint ang Presidente mula sa kongreso.

Kaya kung tutuusin, ay wala talagang silbi ang Bise-Presidente kundi maging isang spare tire.

 

SINO ANG GABINETE MO?

Napag-usapan na rin ang mga gabinete, hindi pa nga naluluklok bilang Pangulo ay marami na ugong-ugong sa magiging gabinete ni Noynoy.

Ano ba talaga ang trabaho ng gabinete?

Bakit parang kritikal ang posisyong ito?

Ang mga gabinite ay tinatawag na “alter-egos” ng Pangulo.

Ibig sabihin, lahat ng kanilang gagawin ay para na ring gawa ng mismong pangulo, pwera na lang kung babaguhin o babaliktarin ito mismo ng Presidente.

Ito ang “doctrine of qualified political agency.

Maliban na lang sa mga bagay na hindi maaring italaga ng Pangulo (tulad ng pagdeklara ng batas militar), ang pagpapatakbo ng mga departamento at kaakibat na kapangyarihan ng presidente ay tinatalaga sa mga gabinete.

Dahil dito, dapat ay magaling at competent ang gabinete sa departamentong kanyang pangangasiwaan. At higit sa lahat, hindi corrupt.

Kaya naisipan ko ngayon itanong sa mga matatalinong magbabasa ng panyero.net kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na italaga ng susunod na pangulo sa mga ibat’-ibang departamento:

  1. DEPED – para sugpuin ang mga Jejemon
  2. DND – para ipagtanggol tayo sa Abu Sayaf
  3. DOJ – para hindi palayain ang mga Ampatuan
  4. DSWD – para mangalaga sa mga taong grasa
  5. DPWH – para hindi tayo pagnakawan, period.
  6. DILG – para disiplinahin ang mga abusadong mayor
  7. DOLE – para pababain ang bilang ng tambay sa kanto
  8. DFA – para pangalagaan ang mga tulad ni Bon, Xtremus, Leemi, Hokens, Ferdz, at layas ng layas na si Batangmangyan
  9. DOH – para mamahagi ng condom at hindi magpatakot sa simbahan.
  10. DENR – para ihinto ang pagsira sa Boracay
  11. DOT (tourism) – para pangalagaan ang ating kabataan laban sa mga pedophiles.
  12. DOE – para hindi maging spokeman ng mga oil companies
  13. DOA (agriculture) – para ihinto ang paggawa ng golf courses sa mga palayan sa kanayunan.
  14. DOST – para turuan ang mga matatandang kongresista kung ano ang digital signature.
  15. DTI – para ibaba ang presyo ng chiklet (sorry wala akong maisip).
  16. DOTC – para magpatuloy ang unlimited call & text

Marami pang departamento sa ating gobyerno pero ito lang ang naisip kong mga mahalaga.

O sino ang mga manok mo?


 

————-

“Nearly all men can stand adversity, but if you want to test a man’s character, give him power.”

- Abraham Lincoln

{ 16 comments… read them below or add one }

asero May 30, 2010 at 6:07 pm

aba nauna ako! hahaha base!
di naman pala masama yung panood nood ni kabayan sa UFC at sa mga main sports events dahil wala naman pala syang gagawin dahil masipag masyado ang ating pangulo haha

Reply

xtremus May 30, 2010 at 6:36 pm

Spare me…. Bise presidente…. kala ko ang VP ay mas busy kaysa sa sa presidente kasi Bise nga eh….hehhe ang sarap pala maging Bise… maghihintay kang matigok ang ang presidente mo… ano kaya kung ang VP ay si Lucio Tan cgurado ibibigay kay N.A. kompanya nang Philip Morris…. cge magyosi ka maghapon…Next month ako na presidente natigok sa Lung Cancer….hahhah

Gusto ko rin maging Staff nang VP…. kasi hihintay lang ako nang 15 & 30 sasahod na uli…langhiyang buhay yan ang sarap naman.

Naku atty. pwede bang barkada ko sa kanto lagay ko dyan sa gabinete….hehe

Pero serious, ito ang aking listahan nang Gabinete ko: Di naman mahalaga kung sa administration galing ang importante ang track record at di corrupt. Tumulo sipon ko sa pagpili…. ito na po…..

DEPED – Sonia Roco
DND – Dionisio Santiago
DOJ – Tito Boy ( pwede dito…) Hilario Davide
DSWD – Dinky Soliman
DPWH – Alexander Lacson
DILG – Rodrigo Duterte (Former Mayor of Davao )
DOLE – Richard Gordon
DFA – Alberto Romulo
DOH – Esperanza Cabral
DENR – Grace Padaca ( Former Gov. of Isabela )
DOT (tourism) – Joseph Durano ( ok ang track record )
DOE – Adel Tamano
DOA (agriculture) – Satur Ocampo
DOST – Ana Hontiveros
DTI – Winnie Monsod
DOTC – Avelino Razon

Reply

jongskie721 June 3, 2010 at 9:47 am

agree ako dito pero hindi lahat, di kasi napasama si adel tamano at si neric acosta :D wahahaha

Reply

granger1220 May 30, 2010 at 9:08 pm

DOF – Para may koleksyon
DBM – Para may panggastos ang mga naunang departamento pati na ang Office of the President

Reply

bonistation May 30, 2010 at 11:06 pm

wahahaah! spare tire. wala pala talagang gawain ang bise presidente, eh pano kung ma appoint na sya sa gabinete?! may dagdag sweldo?! may pork barrel din ba ang bise presidente?

astig ng mga role ng Govt Agencies mo aaahh! nakakatawa pero makatotohanan wahihihi pinakagusto ko syempre ung sa DFA andun name ko nyahahha!

ano ba talaga kase ang digital signature… tapos kala ko kaya tayo nag automated maaagang ma poproklama ang presidente., aba eh JUNE na nga wala pading presidente halos pareho lang pala nng nakaraang eleksyon.. edi ganun din pala sana nagbilangan nalang nuon pang May11.. kailangan din siguru na iupgrade ang mga tao sa kongreso at senado.

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 9:51 am

Kapag na-appoint ang VP as a cabinet member, he will perform as such, walang dagdag sweldo. Bawal sa constitution ang double compensation sa government employees/officials.

“tapos kala ko kaya tayo nag automated maaagang ma poproklama ang presidente., aba eh JUNE na nga wala pading presidente”

Oo nga, ayaw kasi nila mag-rely sa transmission, gusto nila mano-mano ang bilangan ng Certificate of Canvass ng Province or City. Tama, human upgrade hindi machine upgrade ang kailangan.

Reply

Trudis D' Dog May 31, 2010 at 11:33 am

W4L4 n4 man poh atang cl3aR and pr3s3nt dang3r para tugisin ang jejemon, titO Bhoy?

Pwe, ang hirap mag jejemon.

Pwedi ba si Ate Korina na lang sa DSWD, na touch kasi ako sa paglilibot nya buong bansa para mamigay ng tsinelas…

Kuya Extremus, agree ako sayo, maganda ilagay si Mayor Duterte sa DILG para ipagbawal nya ang paputok tuwing new year, takot kasi ako dun eh.

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 10:15 am

Si Boy Abunda lagay nila sa DILG tapos lahat ng suot niya sa the Buzz gawing uniform ng mga pulis nyahaha.

Reply

ariel gaspi May 31, 2010 at 11:47 am

ito ang dream team ko:

DEPED – RISSA HONTIVEROS
DND – JOVITO PALPARAN
DOJ – LEILA DE LIMA
DSWD – ROSA ROSAL
DPWH – PALAFOX
DILG – JEJEMON BINAY
DOLE – LISA MASA
DFA – MANNY PACQUIAO
DOH – JUANA CHANGE
DENR – GINA LOPEZ
DOT – DICK GORDON
DOE – GIBO TEODORO
DOA – SATUR OCAMPO
DOST – KIM ATIENZA
DTI – CIELITO HABITO
DOTC – BAYANI FERNANDO
DOBM- MARENG WINNIE

Reply

AsOL May 31, 2010 at 1:50 pm

para sa sangay na DOTA= AsOL..

mapapangasiwaan kong mabuti yan. Ipinapangako ko. Sa daang matuwid ko kau dadalhin dahil ang daang baluktot ay ahas.. ^_^

DOJ= Sir Atty xempre!

Reply

HOKENS May 31, 2010 at 2:26 pm

mganda ang dream team ni xtremus. copy-paste na lang ako doon. hehehe. di naman nakamasid si prof. atty. kaya di huli na nangungopya ako. ahihihihi. isabuhay na lang natin yung mga 12 little things na sinulat ni atty. lacson.

Reply

ferdie May 31, 2010 at 8:38 pm

Pare-pare lang iyan…pero iyong sa DFA lang ang babantayan ko diyan lalo na ang mga programa na sana unahin niya ang mabilis na pagaayus ng pasaporte.
DOH – unang hakbang na gagawin dapat lahat ng lugar na pupuntahan ng Pres. ay may smoking area (hehehe).

Reply

duking May 31, 2010 at 10:24 pm

usually,ang ginagawa nila sa anim na taon bukod sa nabanggit ni atty na manalanging mamatay at mabalda ang presidente ay:

1.mag travel para manood ng boksing st mix martial arts.
2.magpalakas ng impluwensya para targetin ang presidential race sa susunod na presidential election.
3.umupo sa kung anung ahensya bilang secretary at i-channel ang nasabing pondo ng ahensya bilang resources na gagamitin sa kanyang mas malaking pangarap.

pero sabi ng lolo ko,’di bale nang walang presidente (at bise-presidente) basta may tubig at kuryente’.bow

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 10:06 am

Hindi nga? nanonood ba talaga ng UFC ni noli de castro? Ok ah, magkakasundo kami.

Pero totoo ang sinabi mo duking, right on the button.

Reply

batangmangyan June 1, 2010 at 6:43 pm

eh panyero, sana wala na lang Bise presidente, saka na lang mag-appoint from congress kung mawala ang Presidente, sayang pa ang sweldo, wala naman pala ginagawa…kaya pala sobrang tahimik ni Kabayang Noli…haha.

Gusto ko maibalik sa Dept. of Tourism si Mina Gabor or si Gordon.

Pwede sa NEDA si Mareng Winnie Monsod.

TARAGIS — layas ng layas na BatangMangyan. Ayos Panyero!

Reply

lee mi June 3, 2010 at 11:53 am

ano nga ba unang dapat gawin ng bise kung ganun?
hindi ko rin kase naramdaman si Mr.Noli noon,

sa mga mauupo sa lahat ng upuan na yun.. (ang dami ng sagot ni Xtremus.., di ko pa nga kilala yung iba..=) yung laging concern ako yung babantayan ko syempre..

DFA – sana magaling mag-alaga yung uupo dyan, yung kasalukuyan kase ni hindi ko yata kilala pangalan.

**mas naintindihan kong di madaling maging OFW nung unang beses kong nadalaw yung POEA sa Ortigas.

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: