HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!

by Tito Boy on November 26, 2012

Naku magpapasko nanaman. Madugong gastos nanaman ‘to. Maraming credit card companies na nag-aalok ng iba’t-ibang gimik para ikaskas ang mga plastic sa wallet. May zero interest, meron din gimik na “buy now, pay later”, or should I say “enjoy now, suffer later.”

Hindi pa nakukuha ang Christmas Bonus, inutang na. Ang masama, lumagpas pa sa budget. Kaya maraming mga collector ng mga credit card companies na napapamura sa paniningil.

Kasi toto yun, “madaling umutang, pero mahirap maningil”. May ilang nangungutang na likas na barubal at walang intensiyong magbayad. Pero karamihan naman ay talagang nagipit lang, dahil sa mismanagement ng kanilang finances.

Kaya marami tactics ang ginagawa ng mga collector ng credit cards upang makasingil. Meron nananakot, nang-iinsulto at nagmumura. Merong nagpapakilalang pulis, abugado, judge o fiscal. Bilang may utang, may karapatan ba silang tratuhin ka ng ganito?

UNFAIR COLLECTION PRACTICES

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 702 (under BSP Manual of Regulations for Non-Bank Financial of Institutions) , pinagbawalan ang mga credit card companies, at kanilang mga collection agencies na gumamit ng “unfair collection practices”, tulad ng:

1. Paggamit ng pananakit, o pananakot na sasaktan ang may utang, o pagsira ng kanyang reputasyon o ari-arian.

(The use or threat of violence or other criminal means to harm the physical person, reputation, or property of any person.)

2. Pagmumura o pang-iinsulto na maaring ituring na krimen. (Pero kung tinawag kang pangit, at pagtingin mo sa salamin talagang hindi mo maitatanggi, huwag ka na magreklamo)

(The use of obscenities, insults, or profane language which amount to a criminal act or offense under applicable laws.)

3. Paglalantad ng pangalan ng may utang na hindi daw nagbabayad, tulad ng ginagawa sa mga sari-sari store, upang pahiyain.

(Disclosure of the names of credit cardholders who allegedly refuse to pay debts.)

4. Pananakot na idedemanda pero hindi naman pala pwede. Tulad ng pananakot na kakasuhan ng criminal case, pero alam naman nating walang nakukulong sa utang.

(Threat to take any action that cannot legally be taken.)

5. Pananakot na ilalantad o sasabihin sa ibang tao na hindi ka nagbabayad ng utang, pero ang totoo ay pinagtatalunan pa rin ang halagang sinisingil dahil napakalaki.

(Communicating or threat to communicate to any person credit information which is known to be false, including failure to communicate that a debt is being disputed)

6. Panloloko o pagpapakilalang isang pulis, judge o abugado, o kung sino pang Ponsio Pilato, upang makasingil o makakuha ng impormasyon sa may utang.

 (Any false representation or deceptive means to collect or attempt to collect any debt or to obtain information concerning a cardholder.)

7. Pagtawag o pagniningil ng disoras [bago mag-ala-sais ng umaga ( before 6 am), o tapos ng alas-diyes ng gabi ( after 10 pm)]. Pwera kung hindi nagbabayad ng higit 60 araw, o pumayag ang may utang, o kung yun lang ang pagkakataon para maabutan ang may utang.

 (Making contact at unreasonable/inconvenient times or hours which shall be defined as contact before 6:00 A.M. or after 10:00 P.M., unless the account is past due for more than sixty (60) days or the cardholder has given express permission or said times are the only reasonable or convenient opportunities for contact.)

 Medyo malabo yata yung probisyon na kapag 60 araw na ang utang mo, e pwede ka na bulabugin kahit anong oras.

NOTICE OF ENDORSEMENT

Nakasaad din sa BSP Circular No. 702 na dapat ipaalam sa credit card holder na pinasa na sa collection agency ang account pitong (7) araw bago ito ma-endorse. Sasabihin din dapat sa credit card holder ang pangalan ng taong maniningil.

Kaya kapag may tumatawag sa inyo at naniningil, kunin agad ang buong pangalan. Tanungin kung taga credit card company siya, or collection agent lang. Kapag ayaw i-disclose ng naniningil ang boung pangalan at saan siya connected, huwag na kausapin. Kung gustong magreklamo, pumunta lang sa Consumer Affairs ng BSP sa A. Mabini St. cor. P. Ocampo St., sa may Malate, Manila, o sa kanilang mga regional offices, o subukang tumawag sa 523-3631 o; 524-7011 local 2584 o mag email sa consumeraffairs@bsp.gov.ph

Pero kung maiiwasang gumamit ng credit card mas maganda. Cash na lang. Kung wala, matulog na lang sa bahay. Tipid pa.

{ 7 comments… read them below or add one }

granger1220 November 26, 2012 at 10:47 am

“Kung wala, matulog na lang sa bahay. Tipid pa.”

Agree.

Reply

mile November 26, 2012 at 10:50 am

pag di mo kayang bilhin ng cash ibig sabihin di mo kaya bilhin.

Reply

BON November 26, 2012 at 11:10 am

ang daming may hindi alam nito.. marami parin palang karapatan ang mga may utang! =)

magulo nga lang un after 60 days haha

Reply

AsOL November 27, 2012 at 11:35 am

tama! “matulog na lang sa bahay. tipid pa.” xD

Reply

promdi November 27, 2012 at 9:34 pm

salamat sa info tito boy.

Reply

foobarph November 29, 2012 at 1:29 pm

informative! :)

Reply

Lady December 4, 2012 at 1:46 pm

Hello po atty rob… Hingi lang po sana ako advice and ask na rin po sana ako regarding sa utang ng ate ko… Nanghiram po kse sya ng money worth 50k sa isang kaibigan, may pinirmahan po sya papel, kaso po sa sobrang pangangailangan po hindi na po nya napansin na malaki po pala yung interest monthly, 15% po per month ang interest.. Ngayun po bankrupt na po ang ate ko di na makapag negosyo at nalugi po talaga sa palaisdaan. Willing naman po mabayaran ng paunti unti, kaso po ayaw po pumayag na hindi ibaba ang interest mag 1year na po yung utang. Ano po ba magandang gawin? Ayaw po kse talaga pumayag na bawasan yung interest na 15% per month.. Kaya po halos mag triple na yung amount ng utang. Salamat po atty.. Sana po ay matulungan nyo kami

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: