CURIOUS CASE OF BURGERS AND BEERS

by Tito Boy on March 15, 2010

Pag ginaya ka, sikat ka.

Pero para sa mga negosyante, ibang usapan yan.

Ang mga Pinoy kasi brand conscious. Mahilig tayo tumingin sa tatak. Kung walang pambili, bibili pa ng peke para lang sabihing meron siya.

Actually, mahaba pa ang introduction ko sa post na ito, kaso taragis yan nabura dahil itong ungas na programmer ng wordpress—ang talino at hindi nilagyan ng “undo” ang composer. Ilang oras ko rin ginawa yun.

Kaya eto na, wala nang paligoy-ligoy. Dalawang kaso tungkol sa panggagaya o trademark infringement.

Isang dambuhala laban sa small time at dalawang malaking korporasyong laban sa isa’t-isa.

BIG MAC O BIG MAK?

Ewan ko ba, kung bakit ang isang Multinational Corporation tulad ng Mc Do ay papatulan ang isang hamak na stall ng greasy burgers tulad ng Big Mak.

Marami nito sa bandang Quezon at Lucena, at may nakita pa akong nag-o-operate.

Ganito yan, nag-file ng kaso ang McDonald’s Corporation laban sa L.C. Big Mak Burger, Inc. sa RTC ng Makati dahil sa trademark infringement at unfair competition.

Ayon sa Mc Do, ginagaya daw ng Big Mak ang kanilang pamosong Big Mac burger na ilang milyong piso na ang nagastos sa advertisement at promotion.

Dahil daw dito,  ginagamit ng Big Mak ang kanilang kasikatan at nalilinlang daw ang mga tao.

Nanalo ang Mc Do sa RTC at pinahinto ang Big Mak sa paggamit ng ganitong pangalan. Umapela sila sa Court of Appeals at binaliktad ang desisyon ng RTC.

Syempre umapela ang Mc Do sa Korte Suprema para magkaalaman.

Ayon sa Korte Suprema, ang ginawa ng Big Mak ay isang malinaw sa trademark infringement.

 Ang trademark infringement ay ang panggagaya ng nakarehistrong tatak o marka ng isang produkto o negosyo upang linlangin o maaring makalinlang sa mga tao.

Sa kasong ito, halata naman na magkatunog ang markang “Big Mac” at “Big Mak.” In fact, isang letra lang ang kanilang pinagkaiba at sa mga Pinoy ang “c” at “k” ay interchangeable.

Bukod doon, parehoong produkto pa ang kanilang tinitinda, ang mahabang sapatos na kulay pula…este  burger. Dahil doon maari daw maloko at maguluhan ang mga taong bibili ng burger sa Big Mak.

Ang tanong, sa tingin mo ba ay mapagkakamalan mo ang greasy burger na mabibili sa gilid-gilid na stall na isang Big Mac burger ng Mc Do kung sa spelling pa lang ay sablay na?

Madali lang naman ‘tong case na ito at kinain lang ng buhay ng Mc Do ang hamak na Big Mak stalls.

Mas interesting ang case ng dalawang dambuhalang brand ng San Miguel Corporation at Asia Brewery, Inc. ang:

 

SAN MIGUEL BEER VS. BEER NA BEER.

Bago pa nauso ang San Mig Light, ang SMB Pale Pilsen ang hari ng mga beer.

Alam ko mapait siya at amoy wiwi kapag hindi na malamig, pero sarap na sarap ang mga tatay natin sa beer na ito.

Pero nagulantang ang SMB nang lumabas ang Beer Na Beer. Una, ang claim ng BNB pareho daw sila ng lasa ng SMB ayon sa mga patalastas noon na lumalabas sa telebisyon.

Ayon sa ad, nagkakaroon ng taste test ang mga manginginom na nakapiring ang mata at hindi nila makita ang deperensiya sa lasa. Bukod doon ay halos pareha sila ng kulay at hugis ng bote.

Ang pinakamalupit ay ang presyo. Kung ang SMB ay syete (P7), ang bote ang BNB ay P4.25 lang. Yun ang kinakatakot ng San Miguel Corporation (SMC).

Ganito kasi yan, dati sikat ang Philip Morris na menthol para sa mga kargador at karpentero, kaso biglang naglabas ng “Hope” na kasing haba at lamig sa lalamunan ngunit mas mura.

Kaya nakain ng Hope ang market share ng Philip Morris, parang Marlboro at Winston. Diyan din yumaman ang may-ari nito na si Ninong Lucio Tan.

Kaya ginagawa ngayon ni Ninong Lucio ang ganitong formula upang kalabanin ang SMB, na may ari ng Asia Brewery Inc. (ABI).

Syempre, hindi naman basta papayag ang tito kong si Danding na basta na lang kainin ng BNB ang iconic brand na SMB Pale Pilsen.

Kaya nagtuos sila sa korte.

Nagdemanda ang SMC laban sa ABI ng trademark infringement at unfair competition dahil ginaya daw ng BNB ang SMB at maaring malito ang mga sunog baga sa kanto.

Natalo ang SMC sa trial court, ngunit nanalo sila ng umapela sa Court of Appeals, kaya nagkita-kita parin sila sa Korte Suprema, ang court of last resort.

O sino ang panalo? Place your bets…

 

Hindi ba halatang halata na ginaya ng BNB ang bote ng SMB?

Gamit ang kaso ng Big Mac vs. Big Mak, sa tingin mo may laban ang BNB sa SMB?

Ilagay sa kalahating pahina ng papel ang inyong sagot at paliwanag at ihulog sa comment section

Bawal ang google please…

Abangan…

———-

“Imitation is at least 50 percent of the creative process” – Jamie Buckingham

{ 14 comments… read them below or add one }

leemi March 15, 2010 at 5:19 pm

hmmm,,.. gusto ko sana mag-google kaso di na lang.. di ko na sagot un if ever…sagot ng google..=)

Tingin ko guilty ang ABI sa trademark infringement sa SMB.
Sa mga dahilang lantad naman kahit sa di lagi manginginom (ehem=): sa hugis at kulay ng bote, lasa ng beer at halos pati yung ginamit na font ng mga letra sa bote halos magkapareho., lagi namang pang-inis yung price at laging sa mas mababang presyo ang mga nangongompetensya. Sa mga lantad na dahilan, guilty for me ang BNB, tsaka di ko na un napapansin sa market ngayon kaya malamang na di sila pinaboran ng Korte Suprema……yan ang sagot ko.

Reply

granger1220 March 15, 2010 at 6:11 pm

hmmmmm, may punto c leemi na maari ngang nawala sa market ang BNB kasi natalo sa SC, pero sa isang banda, dun ako tataya sa BNB (para may opposition..he he),

sa tingin ko nanalo ang BNB dahil sa:
UNA, di hamak na magkalayo naman ang mga katagang Beer na Beer at San Miguel Beer, at walang sinumang mamimili (sunog-baga man o hindi) ang malilinlang sa 2 produktong ito,
Pangalawa, ang katagang BEER naman ay generic at kahit na sino ay maaaring gumamit, sapagkat kung hindi ay para mo na ring pinagbawal ang cream-o at oreo, v-cut at potato chips, cream-all at coffee mate, sky flakes at magic flakes.

eto lang ang aking pananaw na walang pinagbasehang kodigo at walang legal na basehan sapagkat bawal mag google….ahihihi

Reply

xtremus March 15, 2010 at 9:53 pm

sa akin, parehas may punto sina leemi at granger1220, dahil bawal ang gamitin si Mr. google…. itaya ko na lang ang isang boteng red horse sa pustahan….. Nanalo ang SMB para sa akin….sabi nga ni leemi font at design nang bote halos magkapareha…. at isa pa iyong formula nang Beer medyo di nagkakalayo ang lasa….pati kulay nang Bote…
Nawala na nga sa Mercado ang BNB…. so sa tingin SMC ang nanalo…

Reply

iami March 15, 2010 at 10:24 pm

hello?? hindi porket nauna ang smb e puwede na niyang imonopolize ang market. iba naman kaya ang tunog ng san mig beer sa beer na beer. and even if the bottle were of the same make, the labels aren’t the same nor would anyone confuse one for the other. hindi ako law student kaya ganoon explanation ko hehe. i’m all for a free market. negosyante lang po. at pag sinabi mo tito boy na talo ang kaso ni beer na beer, mawawalan ako ng tiwala sa judiciary system natin. haha

Reply

iami March 15, 2010 at 11:56 pm

judicial system pala. bobo

Reply

duking March 16, 2010 at 12:19 am

di naman siguro bopols yung mga tao sa BNB lalo pa’t alam nila na higanteng korporasyon ang SMB.nagawa nila sa phillipi at marlboro,magagawa nila sa SMB ng tama.kumbaga,alam na nila ang teknik.

aabangan ko pa rin ang resulta but i’ll bet my beer for BNB to win the final battle.

Reply

noel March 16, 2010 at 1:24 am

22o bng ngyari 2? he he alm nu common sense lng nmn yan eh ikaw bibigyan kita ng pera 2 tiglimang daan una isa play money ung isa 22o ano tatanggapin mo? ganon lng yun kaya wala dpt kylangan ng mahabang usapan, kung saan k masasatify dun k ryt? anyway wala bng ibang issue n something more interesting?

Reply

Bonistation March 16, 2010 at 6:01 am

Tingin ko nanalo ang smb, kasi wal nakong nakikitang bnb sa tindahan.at totoo din yata na ginamit nila ang bote ng smb? Hehe diki alam pero sa totoong
manginginom magkaibang magkaiba ang lasa hindi namn totoo ung commercial ni jay sonsa dati na taste test..iba talaga ang lasa,iba padin ang tunay.. Pero mainam din may mga kamukha para maiwasan monopolyo ung magkaroon ng kumpetisyon..hays pero may kumpetisyon man ngaun iba iba man ng brand iisa naman manufacturer..tulad sa sabon at shampoo at iba pa halos uniliver at procter and gamble lang nalaaban tapos podukto nila magkakamukha iba iba lang pangalan. Para ding simcard.dalawang network lang may ari peri dami choices awwwts!

Reply

mai March 16, 2010 at 10:28 am

BNB… naalala ko ung sinabi ng isang tao jan about my expressions like ‘whatever’, kasi lagi nya ginagaya, sabi ko kung puede mapatent.. di daw puede, masyadong generic..parang ung beer, generic… :D

Reply

Kirschen March 16, 2010 at 10:46 am

pra sa akin sa unang tingin confusing, halos same nga namn ang packaging pero mgkaiba ng label dahil generic namn ang salitang beer nde tulad ng bigmac sa bigmak na prang kalookan caloocan lng sa lasa nde kc ako nainom…kung packaging lang ang pagbabasehan eh bkit namn ang chuckie moo at cholait halos maduling duling na ko sa hitsura nila kpg bibili ako pero na didistinguish ko p rin namn ung pinabibili ng anak ko so pra sa akin panalo ang asia brewery sa kaso n yan…

ska meron ako calendar last year ng asia brewery at me ad p rin namn ang beer na beer so sa tingin ko ngeexist p rin ang beer na beer
“sa presyo’t lasa laging tapat sayo”lolz

Reply

ms hopeful March 16, 2010 at 12:04 pm

sa akin lang , panalo dapata ang SMB, infringement talaga kasi ginawa ng BNB . talagang nakakalinlang, confusingly similar.

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 2:42 pm

hindi na po ako pipili kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa basta ang alam ko pati kahon ng smb eh pinintahan ng red ng bnb.. lolz

Reply

ferdie March 16, 2010 at 9:05 pm

Meron palang tanungan na ganito dito ngayon.
Sino ba nagsabi ng pabor sa free market? Ah si iami, pabor din ako sa free market. Ayun lang.
Kaya BNB ako.

Totoo ba iyong nabasa ko na sa Communism e walang IP right? Natanong ko lang kasi ito unang pumasok sa isip ko nung nabasa ko itong entry.

Reply

lord'z June 24, 2011 at 1:26 pm

malau ang pangalan ng San Miguel Beer sa Beer na Beer kaya bkit maconscious ang mga tao nasa tao ang desisyon kung anu gusto nilang produkto, aq Beer na Beer kahit sa tubig Summit aq at Absolute., product lahat ng Asia Brewery Inc.

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: