Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » defamatory imputation

BLOGGING RIGHTS
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/libel-case-filed-by-dswd-official-against-ella-blogger-aanhin-pa-ang-damo-kung-patay-na-ang-kabayo/"></g:plusone>

NAKAKA-ALIW AY MAGKAROON NG SARILING BLOG. Maipapahatid mo ang iyong saloobin sa mabilis at epektibong paraan. Mas lamang pa nga sa mga manunulat ng diyaryo at magasin, dahil ang makakabasa ng akda mo ay buong mundo.

Sa loob lang ng limang minuto ay makakagawa ka na ng sarili mong blog ng libre, ang kailangan mo lang ay internet access. Matapos noon ay malaya ka nang maisusulat ang iyong gusto sa paraang nais mo.

Pero naisip mo na ba na ang kalayaan sa pagba-blog ay may naka-akda ring responsibilidad?

Sumagi na ba sa ulirat mo na tulad ng isang lihitimong mamahayag ay maari ka ring kasuhan ng libel dahil sa post mo?

‘Yan ang kinakaharap ngayon ni Ella, isang ring blogger.

Sa mga nakatira sa Timbuktu at planetang Venus na hindi pa alam ang binabanggit ko, basahin ninyo nalang ang mga ulat.

Para naman sa mga blogger na hindi alam ang libel at pano maiiwasan ito, makinig kayo.

DEFINITION

Ang libel ay ang pagpapakalat sa publiko ng  malisyosong pagpaparatang (malicious imputation) ng isang krimen, masamang hilig (vice) o kasiraan (defect), totoo man o kathang-isip (real or imaginary), o anumang kilos o pagkukulang (act or omission), kondisyon, estado, o kalagayan, na magiging sanhi (tending to cause) ng kahihiyan (dishonor) o kasiraan ng pangalan (discredit) o pag-aalipusta (contempt) sa isang tao o samahan, o dungisan ang ala-ala ng taong namayapa (blaken the memory of one who is dead)

Hay, ang haba. Ako lang ata ang nagtangkang isalin sa tagalog ang bawat letra ng batas na ‘yan. Mabuhay ang English-Filipino Dictionary!

ELEMENTS OF LIBEL

May apat na elemento ang libel:

(1) Defamatory imputation tending to cause dishonor, discredit or contempt o ang mapanirang-puring pagpaparatang na magiging sanhi ng kahihiyan  o kasiraan ng pangalan o pag-aalipusta sa isang tao;

(2) Malice o malisya ng taong nagpakalat;

(3) Publication o ang pagpapakalat sa madla;

(4) Identifiability of the person defamed o ang pagkakakilanlan ng taong siniraan.

PUBLICATION

Isa sa pinaka-importanteng elemento ng libel ay publication. Kung walang publication, walang libel.

Masasabing published ang libel kung ito ay malawakang pinakalat (widely circulated) sa pamamagitan ng babasahin, kung ito ay binigkas at hindi nakasulat ang tawag naman diyan ay slander (ibang kaso ‘to).

Bukod sa malawak na pagpapakalat, masasabi ring may publication kung ang paninirang puri ay pinaalam sa ibang tao bukod sa may akda at taong siniraan.

Ang pagsulat sa blog ay hindi maitatangging isang publication.  Sa wordpress.com pa nga, kailangan mo pindutin ang katagang “publish” para maipakita ang ginawa mong post.

Jurisdiction in Libel Cases

Ang kasong libel ay dapat isampa sa Korte ng lugar:

(a) Kung saan inilathala at unang pinakalat ang babasahin (where the libelous article is printed and first published)

(b) Kung ang siniraan ay pribadong tao, kung saan siya nakatira noong nangyari ang krimen.

(c) Sa Manila kung ang siniraan ay taong gobyerno at ang kanyang tanggapan ay nasa Manila rin.

(d) Sa lungsod ng kanyang tanggapan kung ang siniraan ay taong gobyerno at may tanggapan sa labas ng Manila.

Mahirap malaman kung saan lungsod unang inilathala at pinakalat ang isang blog. Maaring sa bahay, sa starbucks, o sa banyo habang naglalabas ng sama ng loob.

Nineteen kopong-kopong pa kasi ang batas na ito at hindi inasahan ang pagdating ng internet. Hindi ako magtataka kung unang sinulat ang libel law sa dahon pa ng kaimito gamit ang balahibo ng manok.

DEFAMATORY IMPUTATION

Ang paninirang puri ay ang kahit anong pangungusap na makakasira sa magandang pangalan o reputasyon ng isang tao.

Para malaman kung ang mga pinagsasabi ay defamatory, ang salitang ginamit ay iintindihin (construe) sa pangkabuuan (in its entirety) gamit ang payak at natural nitong kahulugan na naiintindihan ng ordinaryong tao (in its plain, natural and ordinary meaning).

Halimbawa, kung sinabi ko na ikaw ay mukhang kabayo. Para sa makakarinig o makakabasa, ang kanilang pagkakaintindi ay tinawag kitang pangit.

Hindi ko ngayon pwedeng sabihin na ang gusto kong ipahiwatig ay isang kang sensitibo at mabait na tao dahil ito ang katangian ng kabayo, dahil para sa ordinaryong tao ang ibig sabihin ng mukhang kabayo ay pangit.

IDENTIFICATION

Ang panunurang puri ay dapat nakatuon o maitutukoy sa taong sinisiraan (ascertained or ascertainable). Hindi kailangang isulat ang mismong pangalan, basta madali lang siyang matukoy bilang siya.

Kaya huwag kayong maiinis kung mahirap hulaan ang mga blind item sa tabloid dahil iwas pusoy rin sila.

MALICE

Ang malisya ay ang poot o sama ng loob (ill will or spite) para siraan ang reputasyon ng isang tao.

Masasabing may malisya kung ang pinagsasabi ay alam niyang mali o walang pakialam sa katoohanan o kasinungalingan (with knowledge that it was false or with reckless disregard as to the truth or falsity thereof).

Exceptions:

May mga kasong masasabing walang malice, tulad ng:

(1) Qualified Privileged Communication –

a. Pribadong komunikasyon na sinabi ng isang tao bilang pagtupad sa legal, moral at social duty.

b. Mga ulat o balita na walang komento o remarks; mga report o speech na ginawa sa judicial, legislative o official proceedings; o mga ginawang bagay ng mga opisyal ng gobyerno bilang pagtugon sa kanilang tungkulin.

c. Mga komentaryong patas at walang kinikilingan (fair commentaries) patungkol sa bagay na may public interest.

(2) Absolute Privilege Communication -

a. Mga sinasabi ng mga Congressman at Senador. Kahit murahin ka niyan ng harap-harapan ay hindi sila makakasuhan ng libel. Ang pananagutan nila ay sa Ethics Committee.

PUBLIC FIGURE

Ang malice ay presumed kung walang maipakitang magandang intensiyon o makatarungang motibo sa pagpaparatang (if no good intention and justifiable motive for making it is shown).

Kaso kung ang taong naghabla ay isang public figure, kailangan patunayan na talagang may malisya ang taong naglathala.

Masasabing isa kang public figure kung dahil sa iyong accomplishments, kasikatan, pamumuhay, propesyon ay nagka-interes ang publiko sa iyong mga ginagawa,  at ang iyong karakter ay naging isang “public personage.” In short, sikat ka.

Kaya mas madali depensahan ang kasong libel kung sikat ang inalipusta mo kesa sa ordinaryong tao tulad ko, kaya yari ka sa akin hehe…

ANALYSIS

Sa kaso ni Ella, maaring niyang lusutan ang kasong libel dahil walang malisya ang kanyang ginawa bagkus maganda ang kanyang intensiyon at gusto niya lang kalampagin ang kinauukulan.  Bukod pa dito, ay isang public figure ang Secretary ng DSWD na maghahabla sa kanya.

Ang nakakalungkot lang ay ang psychological effect nito sa mga blogger na tulad niya. Magkakaroon ng “chilling effect” sa mga blogger kung saan parang may suppression ng freedom of speech dahil matatakot na silang ihayag ang kanilang nararamdaman baka kasi makasuhan rin sila ng libel.

Sa kabilang banda, kung aabot ito sa Korte Suprema ay magiging test case rin ito para magkaalaman na. Isa kasi itong case of first impression at kung ano man ang kalalabasan, ay magagamit for or against sa future cases ng libel vs. bloggers.

Ano sa tingin mo?

“ Libel actions, when we look at them in perspective, are an ornament of a civilized society. They have replaced, after all, at least in most cases, a resort to weapons in defense of a reputation.” – Henry Anatole Grunwald

SOURCES: Revised Penal Code, Art. 353, 354, 360; Yuchengco vs. Manila Chronicle, G.R. No.184315, November 25, 2009; Guingguing vs. CA, G.R. No. 128959, September 30, 2005; Christy Fermin vs. People, G.R. No. 157643, March 28, 2008.