Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » bading ang asawa

FIVE YEARS
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/annulment-voidable-marriage-article-45-family-code/"></g:plusone>

Romeo & Juliet and their struggle to get a Marriage License

Ilang beses ko na sinabi na ang annulment ay iba sa “nullity.” Sa nullity of marriage ang kasal ay void ab initio  o walang bisa sa simula pa lang. Ang annulment naman ay patungkol sa voidable marriage o kasal na valid ngunit napawalang bisa kinalaunan.

Ano-ano ba ang mga dahilan para ma-annul ang isang valid na kasal? Tignan maigi baka may pag-asa ka pa.

LACK OF PARENTAL CONSENT

Kapag isa sa mga partidong kinasal ay may edad na 18 below, automatic na walang bisa ang kasal.

Ergo, ang legal na edad para magpakasal ay 18 years old. Pero marahil, naisip nung mga taong bumuo ng Family Code na ang taong nasa edad na 18 hanggang 21 ay likas na malilibog, este, mapupusok.

Kaya kahit 18 anyos na (at hindi lalagpas ng 21) ang edad ng isang tao ay kailangan pa rin ng pahintulot ng magulang o parental consent bago bigyan ng marriage license. Ang marriage license ay isang imporanteng requirement para magpakasal.

Kung hindi makukuha ng parental consent, nakasaad sa batas na ipagpapaliban lang ang pagbibigay ng marriage license ng tatlong (3) buwan.  Marahil ay nagbabaka-sakali na sa loob ng panahong ito ay magbago pa ang isip ng ikakasal. Matapos ang 3 buwan, maari pa rin magpakasal ang partido kahit walang parental consent.

Kung naisyuhan ng marriage license bago ang ikatlong buwan, valid pa rin ang kasal. Maaring malintikan lang ang taong taga-Civil Registrar na nag-issue ng marriage license .

Pero kahit valid ang kasal, pwede pa rin itong ipa-annul ng taong hindi kumuha ng parental consent bago siya lumagpas ng edad na 21. Kapag lumagpas siya ng edad na 21, at magkasama pa rin sila ng asawa niya, ibig sabihin nun ay “true love,” aw!

Ang magulang na hindi nagbigay ng kanilang consent ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal sa loob ng limang (5) taon matapos umabot ng edad na 21 ang kanilang anak.

UNSOUND MIND

Kung isa sa mga partido ay may tama at nalaman lamang ito pagkatapos ng kasal (malas), valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa ito pwera na lang kung nagsama pa rin sila matapos matauhan (after coming to reason).

Ang partidong matino o tagapangalaga ng partidong may tama ay maaring ipawalang-bisa ang kasal habang ang isa sa kinasal ay nabubuhay. Ang taong may tama rin ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal kapag siya’y natauhan (during a lucid interval or after regaining sanity).

CONSENT OBTAINED BY FRAUD

Kung ang matamis na “oo” ng isa sa partido ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko, valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa.  Eto ang mga dahilang:

Dati pala siyang miyembro ng Batang City Jail pero hindi niya nabanggit sa’yo. (Non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude)

Hindi sinabi ng babae na siya pala ay buntis sa ibang lalake bago kayo ikasal, dahil nang lumabas ang bata ay singkit samantalang mas malaki pa ang mata mo sa Philippine tarsier.

May tulo pala si Honey at nalaman mo lang ito kinabukasan pagkatapos ng honeymoon, dahil nahirapan ka nang umihi (Concealment of sexually transmissible disease, regardless of its nature, existing at the time of the marriage)

Isa palang durugista, sunog-baga, bading o tibo ang asawa mo, samantalang ang press release niya nung mag-syota pa lang kayo ay isa siyang virgin na seminarista. (Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage)

Wala nang ibang klaseng panloloko ang maaring magpawalang-bisa sa kasal bukod sa mga nabanggit. Ang partidong naloko ay may limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal mula sa araw na ito’y kanyang natuklasan.

At kung talagang mahal na mahal ng naloko ang kanyang asawa at ito’y kanyang pinatawad, hindi na niya mapapawalang-bisa ang kasal nila sa mga darating na panahon.

CONSENT OBTAINED BY FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE

Ito ang classic case ng “shotgun wedding.” Nang hindi makuha sa santong dasalan ay dinaan sa santong paspasan.

May limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal simula nang mawala ang pamumwersa, pananakot o pang-iimpluwensiya.

PHYSICALLY INCAPABLE OF CONSUMMATING THE MARRIAGE

Kung isa sa partido ay hindi kayang makipagtalik dahil hindi tinitigasan.

Alam ko interesado kayo dito, pero bibitinin ko muna para sa mga susunod na post ahihi. May limang taon para pagbigyan ng babae si Manoy para tigasan. Kapag lumagpas ng limang taon ay nakisama pa rin si babae, hindi na ito pwedeng kwestyonin.

INFLICTED BY SERIOUS AND INCURABLE STD

Kung ang isa sa mag-asawa ay nagkaroon ng STD na malala at hindi kayang gamutin tulad ng HIV AIDS.

Eto walang fraud, talagang nagkaroon lang ng STD si mister o misis. Kaso ang malabo, nakalagay sa batas na may limang (5) taon ang partido simula nang kinasal para mapawalang bisa ito.

E paano kung nagka AIDS lang si mister noong ikaanim na taon? Labo diba?

O ano pasok ka ba dito? Bilisan mo baka tapos na ang limang taon mo.

“A happy man marries the girl he loves; a happier man loves the girl he  marries.”

- Anonymous

DON’T TOUCH MY SNAKY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/impotency-psychological-incapacity-tsoi-vs-court-of-appeals/"></g:plusone>

"Huwag ka humarang sa TV, naglalaro ako ng Barbie & Ken..ano ba!"

The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support. – Article 68 of the Family Code

May nabasa ka ba sa batas na “the husband and wife are obliged to have sex”?

Basahin mo ulit. Para wala ata. Oo nga sabi “observe mutual love” pero masasabi mo ba na tumutukoy ito sa pagtatalik? Pwede naman magmahal na walang kasamang ganon diba?

Kaya ang tanong, ano kaya ang mangyayari kung ang isa sa asawa ay ayaw makipagtalik kahit kasal na sila?

Ladies and Gentlemen, meet Chi Ming & Gina.

Dahil sa maselan na talakayan, ang mga edad 18 pababa ay pinakikiusapang pumunta muna sa site na ito -> Below 18 years old.

Para sa mga 18 patataas, buksan ang inyong kamalayan at tuloy lang sa pagbasa.

LONG HONEYMOON

Enggrande ang kasalan ng mag-asawang Chi Ming & Gina na ginanap sa Manila Cathedral at tinuloy ang reception sa South Villa sa Lungsod ng Makati.

Matapos ang masayang okasyon ay tumuloy sila sa bahay ng nanay ni Chi para sa unang gabi bilang mag-asawa.

Dahil nga honeymoon, akala ni Gina na ito na ang gabi ng mga gabi. Gabi kung saan magpapaalam siya sa kanyang kamusmusan at matitikman na sa wakas ang luto ng Diyos.

Kaya hindi maiitatago ang kanyang pagkasabik at pamumutla. Kakayanin kaya ni Gina ang “one eyed snake” ni Chi?

Eto na, sila na lang dalawa ni Chi sa kwarto, it’s show time!

Ngunit laking gulat niya nang pagdating sa kwarto ay biglang humikab itong si Chi, sabay higa sa kama at humilik na parang walang nangyari.

Hmm…

Baka pagod lang. Naisip siguro ni Gina. Dumaan ang pangalawang araw ay bitin pa rin. Pangatlo, pang-apat na gabi walang nagbago. Mailap talaga ang one-eyed snake ni Chi.

Kaya naman naisipan ni Gina na ganapin ang kanilang honeymoon sa isang malamig at romantikong lugar – sa Baguio.

Dito ay masosolo at mako-korner niya si Chi at wala nang kawala ang mala-palos na kanyang asawa at alaga nitong ahas.

Ngunit laking dismaya ni Gina nang imbitahan ni Chi ang buong barangay kasama ang kanilang mga magulang, tiyuhin at pamangkin. Apat (4) na malamig na gabi ang lumipas ay wala pa ring nangyari.

Tuwing tanghali ay lumalabas itong Chi upang maglakad mag-isa na para bang iniiwasan na maiwan silang dalawa ni Gina sa kwarto at natutulog siya lagi sa sala.

Sampung (10) buwan ang lumipas ay tigang pa rin si  Gina.

Oo, tama ang nabasa mo, 10 buwan ang binilang ay birhen pa rin si Gina. Ni hindi man lang nasilayan ni Gina ang alagang ahas ni Chi. At itong si Chi ay hindi man lang nasilip ang hagdang papuntang langit ni Gina.

Kaya naisipan nilang dalawa na mag patingin sa dalubhasa. Kaya pumunta sila kay Madam Auring este sa isang urologist sa Chinese General Hospital.

Ayon sa resulta, normal naman ang kondisyon ni Gina at tulad ng inaasahan ay isa pa rin siyang birhen. Samantalang may gamot na pinapainom ang doktor sa kanyang asawa at pinababalik ito, ngunit hindi na ito pinagpatuloy ni Chi.

THE LONG HONEYMOON IS OVER

Hindi na hinintay ni Gina na magsara ang kweba o tirhan ng mga paniki kaya nagpetisyon siya sa korte na ipawalang bisa ang kanilang kasal. Ayon kay Gina, isang bading ang kanyang asawa dahil ayaw nitong ipakita o ipahawak man lang ang alagang ahas.

Sigurado si Gina na miyembro ng federasyon si Chi at hindi lang isang punkista o miyembro ng isang gothic group nang mahuli niya itong gumagamit ng eyebrow pencil at cleansing cream ng kanyang nanay.

Ang Filipino Citizenship lang daw ni Gina ang habol ni Chi (na isang Chinese) at hindi ang kanyang alindog.

Inamin ni Chi ang mga akusasyon at sinabing si Gina ang umiiwas tuwing hinahawakan niya ang flower ng asawa. Pinagpipilitan niyang hindi siya impotent at kaya niyang pasukan at punuan ang pagkukulang sa asawa dahil bata pa naman sila.

Pumayag si Chi na sumailalim sa pagsusuri ng doctor para malaman kung siya ay talagang impotent. At isa lang ang paraan upang malaman kung tumitigas pa si manoy…

Ilabas ang FHM, Tiktik, Taliba at Bulgar…at 100 gramo ng lotion.

Ang resulta: Positive!

Nagulat ang sumuring doktor sa nakita, mula daw sa dalawang (2) pulgada ay lumaki ito ng labin-dalawang (12) pulgada at mala-Maling Luncheon Meat ang taba…ugat pa lang yun!

Yan ay sa panaginip lang ni Chi.

Ayon sa tunay na report: kahit papaano ay lumaki rin ng isang (1) pulgada at isang (1) sentimetro ang alagang ahas. Maaring maglilinis lang ng kuko ang mga pokpok na papasukan nito, ngunit sapat na raw yan para magpaligaya ng birhen ayon sa mga eksperto.

HATOL NG HUKUMAN

Matapos ang paglilitis ay pinawalang bisa ng hukuman ang kasal ng mag-asawang Chi at Gina at ginamit na dahilan ang Article 36 ng Family Code na “Psychological Incapacity.” Ito naman ay pinagtibay ng Court of Appeals.

KORTE SUPREMA

Inapela ni Chi hanggang sa Korte Suprema ang kanyang kaso.

Sabi niya, wala namang ebidensiya ang nagpapakita na may “psychological incapacity” ang sino man sa kanila. Hindi daw porke’t hindi sila nagtalik ng 10 buwan ay psychologically incapacitated na agad sila. Masusulusyonan naman daw ang problema nila ni Gina “through proper motivation”.

Hindi naniwala ang Korte Suprema sa alegasyon ni Chi.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, hindi naman pala impotent si Chi pero ayaw niyang makipagtalik kay Gina sa loob ng 10 buwan kahit sila ay natutulog sa iisang kama.

Kahit paniniwalaan na si Gina ang umaayaw tuwing sinusubukan ni Chi na painitin ang kalan, dapat ay pinilit pa rin nitong tahakin ang masalimuot na daan papuntang langit. Dahil malay mo nga naman, nagpapakipot lang ng kaunti si Gina at ayaw niyang magpahalatang excited.

Pinaalalahanan din ng Korte Suprema ang pinakaimportanteng aspeto ng kasal – ang pagpaparami o procreation. Yun lumabas din ang totoo -  it’s all about sex.

Isang mahalagang aspeto ng pag-aasawa ang pagtatalik upang magparami.

Tinago pa kasi sa salitang “mutual love”.

Kaya nakalaya rin sa wakas si Gina sa sampung buwang dry spell. Ano sa tingin mo, bading ba si Chi?

“Never get married in the morning, because you never know who you’ll meet that night.” – Paul Hornung

Source: Tsoi vs. Court of Appeals, G.R. No. 119190.  January 16, 1997.

Your email: