LUZ VALDEZ

by Tito Boy on August 1, 2010

Mala-labanos ang legs sa puti…nakakasilaw.

Kinis!

Parang Christine Reyes ang mga binti, ‘yun pa lang…ulam na. Walang sinabi ang kissable lips ni Angelina Jolie, at ang pamatay na ngiti ni Meg Ryan.

Pero hindi na uubra ang mga porma mo kay Mely, dahil nabihag na ang kanyang alindog ni Richard, isang foreigner. Katunayan ay malapit na nga silang ikasal.

Ngunit may isang problema…

Si Mely ay dating “mama.”

Hindi “mama” na as in “hot mama” kundi “mama” as in, “Mama…Mamang Driver, bayad po!”

Tama ka, si Mely ay kasama nila Wolverine, Cyclops at Storm. Isang siyang “X-Men.”

Ngunit tanggap naman siya ng nobyong si Richard kahit miyembro si Mely ng federasyon.

Kaya lang, hindi umuusad ang kanilang planong magpakasal dahil “Rommel Jacinto” pa rin ang nakasulat sa birth certificate ni Mely at “male” pa rin ang nakasaad na gender niya dito.

Nakasaad kasi sa ating Family Code: “Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman” kaya bawal ang M2M1.

Kaya ano ang gagawin mo kung gusto mong maging isang ganap na babae ayon sa batas?

Simple. E di palitan mo ang gender na nakasaad sa iyong birth certificate mula male to female.

At yan nga ang ginawa ni Mely.

Naghain ng petisyon si Mely sa Regional Trial Court ng Manila upang palitan ang kanyang pangalan mula “Rommel Jacinto” to “Mely” at ang kasarian mula “maleto female.

At hindi naman siya binigo ng hukom. Noong June 4, 2003, ay binigay ang kanyang kahilingan na mapalitan ang kayang pangalan at kasarian. At nabuhay sila Mely at Richard ng masaya at matiwasay, parang fairy tale ending—happy ever after! Bongga!

Yan e kung si Mely ang sumulat ng blog na ito. Ngunit, hindi papayag si Granger na walang twist sa kwento, kaya’t sumingit ang Rita Avilang2 Solicitor General na laging nakikialam sa mga relasyong mapa-straight man o gay.

Bago pa maging final ang desisyon ng RTC ay inapila ito ng SolGen sa Court of Appeals. At dito nagsimulang gumuho ang pira-pirasong pangarap ni Mely dahil binaligtad ng CA ang desisyon ng RTC at binasura ang petisyon niya.

Bitter Ocampo3 man, ay inipon ni Mely ang kanyang lakas upang magsumbong  sa kanyang mga ditse sa Korte Suprema.

Ayon kay Mely, isa siyang male transsexual. Isang dilag na nakulong sa katawang barako na puro buhok sa binti at kili-kili. Bata pa lang siya ay nararamdaman na niya ito dahil imbes na si FPJ at Batman, ay si Barbie at Rainbow Brite ang kanyang iniidolo.

Kumunsulta siya sa mga dalubhasa sa Estados Unidos para sumailalim sa psychological exam, hormone treatment at breast augmentation. Ngunit ang uod ang naging ganap na paru-paro noong January 27, 2001, nang sumailalim si Mely sa isang sex reassignment surgery sa Bangkok, at pinutol ang kanyang *toot*…Taragis!

Simula noon ay nabuhay na si Mely bilang isang ganap na dalaginding kung saan naging kasintahan na nga niya si Richard na handa siyang pakasalan kahit wala siyang obaryo.

Bilang ganap na babae, dapat lang daw ay pagbigyan na siyang palitan ang kanyang pangalan at kasarian sa kayang birth certificate at hayaan na lang siyang mabuhay bilang isang sirena.

Sang-ayon kaya sila ate sa Korte Suprema?

Ayon sa mga Thundercats4 ng Korte Suprema, ang pagpapapalit ng pangalan ay hindi isang karapatan kundi isa lamang pribelehiyo. Wala naman daw sa batas na kapag nagpabago ka ng ari ay sapat na itong basehan para magpabago ka ng pangalan.

Nakasaad sa RA 9048 (Clerical Error Law), na maari lamang palitang ang unang pangalan kung:

  1. Ang unang pangalan ay mabantot o katawa-tawa (ridiculous), nakakahiya (tainted with dishonor), mahirap bigkasin o isulat (extremely difficult to write or pronounce).
  2. Ang bagong unang pangalan ay dati nang ginagamit (habitual and continous) at ito na rin ang pagkakakilala ng publiko (publicly known) at kumunidad sa kanya.
  3. Ang pagpapalit ng unang pangalan ay magtatanggal ng kalituhan (avoid confusion).

May nakita ka bang “sex change” dito? Wala, kaya wala rin daw basehan para palitan ang unang pangalan ni Mely.

Ikinatwiran ni Mely na dati na siyang kilala bilang “Mely” kaya’t maaring pasok pa rin ang kanyang kahilingan. Kaso hindi pa rin nakumbinsi ang Korte Suprema, bagkus, sabi nito na mas lalong malilito ang publiko kung papalitan ang kanyang kasarian sa Birth Certificate.

Ang pagpapalit ng entries sa birth certificate ay ginagamit lamang upang itama ang mali. Sa kasong ito, wala namang mali na nakasaad sa birth certificate ni Mely kaya’t walang dapat palitan.

Nakalagay din sa Civil Register Law na ang birth certificate ay isang historical record ng isang tao tungkol sa kaganapan ng kanyang kapanganakan. Kaya’t kung ang isang tao ay ipinanganak na lalaki, hindi na ito maaring palitan kahit ang ari niya’y tinanggal upang gawing hungarian sausage (o cocktale hotdog).

At ang pinaka-importante, kapag pinayagang ang petisyon ni Mely, malaki ang magiging epekto at implikasyon nito sa ating mga batas. May mga batas kasi na gender-particular tulad ng batas para sa mga kababaihang manggagawa (labor law), krimen na babae lamang ang makakagawa tulad ng adultery, at iba pa.

At syempre ang epekto nito sa ating Family Laws in general.

Isipin mo na lang, magiging daan ito para maging legal ang same sex marriage. Magpapalit lang ng pangalan at kasarian sa birth certificate at pwede nang magpakasal sa kapwa nila lalake.

Walang kapangyarihan ang Korte Suprema na gumawa ng batas, ito ay trabaho ng Kongreso. Ang isyu ay hindi lamang legal, kung hindi isa ring isyung politikal at moral.

Hayan at Luz Valdez5 na naman ang lola mo. ‘Di bale, dumarami na rin ang miyembro ng federasyon sa Kongreso kaya konting hintay na lang.


 

———————

I think that gay marriage should be between a man and a woman.
- Arnold Schwarzenegger

Source: Silverio vs. Republic, G.R. No. 174689, October 22, 2007.

Footnotes:

1Man to Man =)

2Nakakairita

3Bitter, masama loob

4Matatanda

5Talo

{ 42 comments… read them below or add one }

TARAGIS August 1, 2010 at 11:39 pm

naka abang premiere nigth to eh! haha BASE!!!

Reply

TARAGIS August 1, 2010 at 11:46 pm

awwwts! TARAGIS! “bongga” haha kaya pala naaliw si Duks sa drawing nya at muntik ng ma i leak sakin buti nalang pinanghawakan nya ang kontrata nyo atty na exclusive na sa panyero.net dapat unang lalabas ang mga obra nya hahaha!~

TARAGIS na entry haha ang damit sabit na pangalan! MEOWWWW!!!

Reply

Tito Boy August 2, 2010 at 11:06 am

IT Master Bon spoiler haha. May libre promotion pa ang Taragis!

Reply

Bonistation August 2, 2010 at 12:10 pm

awww! libre promotion nga buti nalang hindi dun sa kay mely iniligay ung taragis haha..

malaman ang entry na to titoB! sing laman nung mga hita ni mely =)

Reply

Abe August 2, 2010 at 4:22 am

… Isang dilag na nakulong sa katawang barako na puro buhok sa binti at kili-kili.

Ahehehe.. Astig!!! tindig balahibo ang pusa sa nakita eh, hahaha . meowww… what the *eck!

gandang morning po.

Reply

lee mi August 2, 2010 at 5:24 am

astig ang drawing.. :)

wawa naman si Melly,. ang higpit kase sa ‘tin, parang lahat ng moralidad nakikita sa ganyang kaso.. hayys.. hirap nga, pero di bale, sa Pinas naman malawak na isip ng mga tao, di na big deal kung si sila pa rin ni Papa Richard ever after..

Reply

Tito Boy August 2, 2010 at 11:08 am

Oo, nga sa US na lang sila pakasal ni papa richard. Dyan kaya sa middle east pwede gay marriage? Haha death by stoning!

Reply

Manay Cristy August 2, 2010 at 6:30 am

Wehe nakatulugan ko na ‘to. Ayos, may leakage na pala dito sa panyero.net—parang board exam, ahihihi.

Reply

Mhonski August 2, 2010 at 9:05 am

Hanep sa gay lingo Tito Boy.

Hindi ko na-gets agad kung hindi ko pa nakita footer notes mo… he he he

Reply

Tito Boy August 2, 2010 at 11:07 am

O nga Monski, mukhang mas nag-research pa ako sa gay linggo kesa sa kasong ito haha.

Reply

granger August 2, 2010 at 9:51 am

ok ha may footnotes na he he

di lumusot he he sana pinayagan mag oral argument si melly sa korte suprema para mapatunayan na talaga kung ano ba talaga sya :D

daig sya ni jennifer kagandahan, granted ng SC because there is no human intervention by science in the change of sex and it was inborn :)

Reply

granger August 2, 2010 at 9:54 am

Nakasaad kasi sa ating Family Code:

Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman”, and an extra-ordinary contract between a man and a man… as amended.

Yak!!!!

Reply

jongskie August 2, 2010 at 11:46 am

hmmmm napakaganda naman ng example mo dito atty :)

Reply

Trudis D'Dog August 2, 2010 at 12:26 pm

Naks, swabe mag gay talk si Tito Boy! LOL

Reply

Manay Cristy August 3, 2010 at 8:46 am

Nababadya ba Trudis? :P

Reply

jejegirl August 2, 2010 at 1:02 pm

Pinapahirapan lang ni mely sarili nya, punta na nga lang sya sa US… dun sila mgpasakal! hehe! Kaloka si Rainbow Brite Teh!

Reply

Abe August 3, 2010 at 1:05 am

When a man loves another man
He can do no wrong
He love that man… He love that man.Wahahaha
If he/she is had *toot*, he can’t see it.. a what!!
sorry po cenya na medyo bored po kasi d2 middle east. kaya madalas ako tumanbay sa blog nyo.natutu na nalilibang pa.

Salamat po and more power…

Reply

Tito Boy August 3, 2010 at 5:51 pm

Abe makata ka pala hehe… tambay ka lang. yung forum pinalawak ko na may mga tsismisan na rin hehe

Reply

AsOL August 3, 2010 at 10:27 am

kaya pala ma-masel masel ung pix ng babae na gawa ni Sir Duking, lalaki din pala.. hehehe!

Reply

batangmangyan August 3, 2010 at 7:14 pm

Taragis…pati pusa nahawa na sa taragis at napa-TARAGIS kay mely. sabi nang pusa “hmm i smell something fishy and SNAKY, TARAGIS”.

galing ng drawing at mukhang napagdalubhasaan na ni duking. astig ng tambalang panyero-duking!

Reply

duking August 3, 2010 at 7:20 pm

darating din kaya ang araw na papayagan yung same sex marriage dito sa pinas?

saklap ng hatol para kay mely at sa kasintahan nyang si richard.buti na lang may option pang pumunta sa las vegas para mag casino at magpakasal.

hindi rin yata allowed sa ibang state ng US ang same sex marriage.

Reply

batangmangyan August 4, 2010 at 6:21 am

@duking…malabo yan dito sa pinas. sarado na kasi ang isipan.. pero huwag ka mag-alala, marami ka pang options, sa Canada at NZ allowed din yan. waaaaaaaah. hahaha. taragis. niyari ka…haha…peace idol!

nakakainggit talaga ang iyong talento..hanggang dito inuulan ka ng papuri at paghanga. ba’t di mo pagkakitaan si panyero hahaha. o magkano ba ang kontrata, bigtime yang si panyero eh.

Reply

Rob aka Tito Boy August 6, 2010 at 3:26 pm

Langya ka BM, labor of love na nga sinulsulan mo pa si Duking haha.

Reply

iami August 7, 2010 at 10:24 pm

uuuuy, labor of love…

Reply

ferdie August 4, 2010 at 9:02 pm

What’s up, pussy nut!

Ayus ang footnote, binalikan ko pa.

Malupit ang batas natin para sa pag-ibig ni Mely, pero kahit na mahirap kayang-kaya nyang tiisin lahat para kay Papa Richard. Pero kung nakapasok Ang Ladlad party list, sigurado may pag-asa sa likod ng pinilakang tabing na buhay ni Mel.

Reply

Rob aka Tito Boy August 6, 2010 at 3:28 pm

Ferdie, welcome back! Kailangan pasukin ng mga bading ay Comelec para payagan na sila tumakbo sa party list system hehe..

Reply

Jet August 5, 2010 at 12:19 am

…unfair!

Reply

salbehe August 6, 2010 at 3:08 pm

Sir, may tanong po ako. Pwede po bang magpa-late register si Rommel Jacinto bilang Mely sa National Statistics Office? Pagkatapos ay ilagay na din nya na “female” sya. Pwede po ba yun?

Reply

Rob aka Tito Boy August 6, 2010 at 3:29 pm

Salbehe ka nga haha. Bawal yun!

Welcome pala. Yung title ng blog mo galing sa libro ng idol ko yun ah! See the writing semblance? =)

Reply

salbehe August 9, 2010 at 12:42 pm

Sir naman, seryoso ang tanong ko. Kung gagawin po ba yun ni Rommel ay makakasuhan sya at lalabas na hindi valid ang kasal kapag yung bagong birth certificate ang ginamit? May bayad na po kapag sasagutin nyo ang tanong ko? Hehe.

Opo, galing po sa unang libro ni Bob Ong ang title ng blog ko, pero hindi ko sya ginagaya. Natuwa nga akong magbasa dito dahil madali lang basahin. Sige na po, pakisagot lang yung tanong ko please. =)

Reply

Tito Boy August 10, 2010 at 3:09 pm

Bawal yung magregister ulit. Pasok yan sa Simulation of Birth ng Revised Penal Code. Void pa rin ang kasal kasi hindi pede ikasal dalawang lalaki :P

Reply

Neth August 8, 2010 at 10:18 pm

Ok mga presentation ng mga case dito!! It makes laws easier to understand. My tanong lng po..di sya related sa topic na to..hehe. My law na po ba tayo dito sa Phils. na ang mga tao na edad 8O and above ay maaaring magkaroon ng pension galing sa gobyerno kahit di sila previously employed? Kung meron po, ano ang mga requirements para ma-avail ito at anong government office ang in-charge dito? Maraming salamat po.

Reply

Tito Boy August 10, 2010 at 2:54 pm

Walang ganon Neth dito sa pinas as far as I know. SSS lang meron pension & discounts for senior citizens.

Reply

Neth August 19, 2010 at 1:10 am

Thanks, Tito Boy!
Pwede ba po bang magtanong? May gusto pa ko malaman kaso wala ko time para makapag-inquire sa NSO, naitanong lng din naman po ito..Paano kung ang isang 80 year-old ay ngayon lng nalaman na wla pala syang record sa NSO..Ano ang mga requirements para magkarecord sya at ano legal steps dapat nya gawin. Salamat!

Reply

busyok August 10, 2010 at 9:11 am

ayun.kaya naman pala kakaiba ang muscle nya yun pala naman mama sya.

Reply

juan tamad August 10, 2010 at 10:50 am

an lufet ng pagkakwento…nkakatawa talaga

tanong ko lng bkit d nya ginamit ang ruling dun sa kagandahan case?

Reply

Tito Boy August 10, 2010 at 3:10 pm

Ano yung kagandahan case? tinamad ka ata at hindi mo binigay ang full detail ng case.

Reply

granger August 10, 2010 at 4:43 pm

Kagandahan case is entirely different from silverio.

Reply

mile August 12, 2010 at 1:01 am

ayon sa mga thundercat ng korte suprema…

napaisip ako kung ano thundercat.. ng nabasa ko sumaakit tyan ko. taragis!

Reply

hicort August 13, 2010 at 8:06 pm

Sayang at di yata nanalo ang partylist na kumakatawan sa mga bading at tomboy. Pero sabi nga ni kuya boy ay marami namang membro ng federasyon sa kamara. Dapat ay gumawa na sila ng batas na magiging legal ang gaya ng kaso ni Mely.

Reply

granger1220 August 13, 2010 at 10:06 pm

di na uubra sa kamara yan, di inupakan sila ni manny

Reply

lex August 21, 2010 at 5:42 pm

nakakaenjoy naman yung blog mo. hehe! galing! :)

more power!

lex
http://philippinecasedigests.blogspot.com

-case digest resource for law students

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: