TAMA NA YAN INUMAN NA!

by Tito Boy on March 16, 2010

Nagsalita na ang lahat.

The House is divided.

May punto naman ang nagsabing SMB ang panalo. Bote palang obvious na isang itong rip-off.

Kahit pagbalik-baliktarin mo man ang istorya, hamak na ginaya ng BNB ang SMB.

Pero ano talaga sinabi ng Korte Suprema tungkol dito?

Alam ko may mga hindi naka-tiis at ni-google ang sagot.

Just the same, let’s spill the beans.

And the winner is!

Drum roll please…

BEER NA BEER!

O yeah!

Eto ang mga reasons sa likod ng landmark na case na ito:

1. Una, ibang-iba ang pangalan ng dalawang produkto: SAN MIGUEL PALE PILSEN at BEER PALE PILSEN.

2. Ang leeg ng bote ng SMB ay medyo “sexy” kumpara sa “fat, bulging neck” ng BNB.

3. Marami rin pinagkaiba sa mismong nakasulat sa bote at tansan tulad ng pangalan ng manufacturer, yung logo, etc.

4. Malaki rin ang pinagkaiba sa presyo, kaya ang magbabayad ng P4.50 ay hindi aasa na bibigyan siya ng SMB na P7, ano siya sinuswerte? Buti pa nga noon mura. Ngayon ni hindi ata makakabili ng tuba ang P7.

5. Hindi daw pedeng akuin ng SMC ang katagang “pale pilsen”dahil ito ay isang descriptive word tulad ng “evaporated milk,” “tomato ketchup,” “cheddar cheese,” “corn flakes” and “cooking oil” at hindi pedeng irehistro.

Ang salitang “pale pilsen” ay generic word daw, “pale” para sa kulay at “pilsen” sa uri ng beer, which is a light bohemian beer with a strong hops flavor that originated in the City of Pilsen in Czechoslovakia and became famous in the Middle Ages. Ayon kay Kumpareng Webster.

6. Ang paggamit ng BNB ng amber-colored steinie bottle na may parehong 320 ml. capacity sa SMB ay hindi daw labag sa batas. Kasi hindi naman SMC ang nag-imbento nito at sa katunayan ay ginaya rin naman ng SMB ang ganitong bote sa mga beer sa abroad tulad ng Cerveza Especial and the Efes Pale Pilsen, at hindi rin ito naka patent at naka rehistro sa Pilipinas.

Kahit sabihin na natin na ang SMB ang unang gumamit ng ganitong klaseng bote ay isang parin itong “functional or common use” at “not the exclusive invention of any one”.

At kapag sinusole ang beer sa tindahan ay binabalik ang mismong bote, kaya kung BNB ang bote mo, BNB din ang bibilhin mo, kay walang malilinlang.

7. Di tulad ng mga household goods na kung saan maaring hindi mo alam na iba pala napulot mo kase pareho ng lalagyan, tulad ng sabi ni Kirschen sa Chuckie at Chocolait (mas masarap chuckie).

Ibahin mo ang beer.

Sa tagal na kasi ng SMB sa merkado sa loob ng lampas na 100 taon, ang mga manginginom alam na ang lasa ng kanyang beer. Kaya kung may bagong beer na lalabas, ay bibilhin nila yun hindi dahil nalinlang sila kundi dahil mas gusto nila ang lasa.

Dito nagsimula ang commercial ni Jay Sonza ika nga ni Bon.

Pero kahit anong gawin ng kalaban, wala parin tumatalo sa SMB dahil sa lasa.

So yan, dalawang kaso ng infringement. Marami pa sa susunod.

Tungkol naman sa kape, pantalon, tv program at sa Mc Do ulit.

———————–

“Considering further that SAN MIGUEL PALE PILSEN has virtually monopolized the domestic beer market for the past hundred years, those who have been drinking no other beer but SAN MIGUEL PALE PILSEN these many years certainly know their beer too well to be deceived by a newcomer in the market. If they gravitate to ABI’s cheaper beer, it will not be because they are confused or deceived, but because they find the competing product to their taste.”

Source: ASIA BREWERY, INC., vs. COURT OF APPEALS, G.R. No. 103543 July 5, 1993

{ 16 comments… read them below or add one }

iami March 16, 2010 at 5:29 pm

mabuhay ang mga underdogs! though i’m not saying that tatang is an underdog. sa kaso lang na ito – kasi inaaway siya ng smc. 1 good marketing skill is to imitate the ones on top. hehe. lalo na pag kulang sa kaalaman sa pag experiment or pag invent. gumaya ka na lang. huwag lang sobra.

Reply

leemi March 16, 2010 at 5:56 pm

hmm.. okay lang..talo bet ko..,
magpapakuha na lang ako ng tuba sa Tiyong ko.., o titirahin ko na lang yung Lambanog sa Silong pag-uwi ko.., i’ll drink for my defeat…

Reply

granger1220 March 16, 2010 at 6:24 pm

he he he

Reply

granger1220 March 16, 2010 at 6:58 pm

ayos, lambanog, taga quezon ata c leemi, pakikatay na rin yung manok sa silong…he he he

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 8:32 pm

ay may nanalo na,ano ang premyo? lolz

Reply

duking March 16, 2010 at 9:27 pm

ibig sabihin nagtuloy sila ng pagmamarket and along the way,hindi talaga nila nagawang tumbasan yung sarap ng san miguel.bukod pa syempre sa dahilang si ‘DA KING’ na mismo ang nag endorso.yun siguro ang dahilan kung bakit tuluyan nang nawala sa market ang BNB.

salamat ulit sa napakagandang paglalahad ng batas.hilig na hilig pa naman ng pinoy yung mga ganyang teknik.pagpala hinabol,shutdown ang small business!

Reply

xtremus March 16, 2010 at 10:14 pm

natalo ako…. sayang ang red horse ko…
di bale bawi ako sa susunod….

Reply

ferdie March 16, 2010 at 10:17 pm

Iyan oh, malinaw na ang lahat. BNB ang panalo pero talo pa rin hehe. Sabi nga bakit kailangan mo pang umimbento ng bago kung napapakinabangan naman ito, ang dapat lang gawin ay pag-igihin kung ano ang meron sa ngayon.
Pero dapat alam mo ang batas, kaya dito na tayo sa BPSMU. libreng plug ah! hehe, nice trivia ito Atty. tnx!

Reply

bonistation March 16, 2010 at 10:41 pm

awww! mali pala ang hula ko hahah (atleast hindi ako nag googul!) hekhek. pero panalo narin ako kasi extra ang name ko sa entry! weeeeeeeeeeeeeeei!! inuman naaaa!

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 11:59 pm

ako kasi hindi ako masyadong concern.. di naman ako umiinom.. lolz

Reply

leemi March 17, 2010 at 1:04 am

papainom ba si Sir?,,,

Reply

Tito Boy March 17, 2010 at 9:49 am

Nagmerge na pala Philip Morris at Fortune Tabacco.

@duking, kung kinuha ng BNB si Katsupoy, baka nabuhay pa sila.

@jongskie, niwala ako sayo.

@leemi, sagot ko isang ikot ng beer para sa mga kaibigan ko diyan sa gitnang silangan! Sagot ninyo pamasahe hehe.

Reply

Ronald Redito March 17, 2010 at 5:26 pm

Brod, magandang topic pero di pa rin ako umiinom ng beer katulad ng dati. hehehe.

Takte tong blog ko, may infection na naman!

Reply

Tito Boy March 17, 2010 at 5:39 pm

@Ronald “online-money-making-machine” Redito, oo nga brod namumula ka agad kahit isang baso lang eh haha

OT: brod dami naingit sayo kaya siguro pinasok. Ano yung widget na dumali sayo?

Reply

batangmangyan March 17, 2010 at 9:27 pm

eh panyero eh ano pang hinihintay..inuman na, sa middle east ba?? sama ako dyan, bastat sagot mo visa. tara na byahe na!

Reply

jongskie721 March 17, 2010 at 10:57 pm

tito boy naman… hindi ako sinungaling… eheheh

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: