Ano pinagkaiba ng magnanakaw sa politiko? Ang magnanakaw nagnanakaw muna tapos tumatakbo. Ang politiko tumatakbo muna bago magnakaw.
Kapag nadinig natin ang katagang “pagnanakaw,” isa lang pumapasok sa isip natin — ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam o ‘di kaya paggamit ng dahas.
Pero sa batas, may dalawang klase nang pagnanakaw – robbery at theft.
Malamang palagi mo rin itong naririnig sa Pulis Report ng TV Patrol, ngunit nauunawaan ba natin ang pinagkaiba ng dalawa? O hindi mo alam na magkaiba pala yun?
Elements of Robbery
Masasabing robbery ang kaso kapag:
Ang taong gusto mapasa-kanya (intent to gain) ang bagay na pagmamay-ari ng iba ay kinuha ito (taking of personal property) sa pamamagitan dahas (violence) o pananakot (intimidation) o pwersa sa isang bagay (force upon things).
Mas mataas ang parusa ng kasong robbery kung ito ay may kasamang pagpatay (homicide), pananakit (physical injuries), at panggagahasa (rape).
Mataas din ang parusa kung ang robbery ay ginawa sa liblib na lugar (uninhabited place) ng mga bandido (more that 3 malefactors), o gamit ang baril sa daan o sa loob ng sasakyan.
Kaya ang ordinaryong holpadan sa dyip, FX o sa kalye ng Recto, kung saan gumagamit ng patalim o baril ang pangit na holdaper ay papasok sa krimeng robbery.
Kapag nakadinig ka ng pulis na ini-interview sa TV at binanggit na ang kasong isasampa ay “hold-up robbery,” “robbery extortion” o “hi-way robbery” ay humalakhak at batuhin ang TV ng tissue paper (o ng baso kung may pambili ng bagong flat screen).
Robbery by use of force upon things
Robbery ring maituturing ang pagpasok sa isang bahay o establisimento sa pamamagitan:
1) ng pagdaan sa butas o bintana, bukod sa pintuan (through an opening not intended for entrance or egress);
2) ng pagsira ng dingding, bubong, sahig o pintuan;
3) paggamit ng false key, picklocks o kahalintulad na gamit o;
4) paggamit ng gawa-gawang pangalan o pagkukunwaring otoridad.
Robbery ring maituturing ang pagnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng nakakandadong aparador (wardrobe) o baul (chest) or any other kind of locked or sealed furniture or receptacles. Hindi kasama dito ang pagnakaw ng pera na nakatago sa bulsa ng brief.
ELEMENTS OF THEFT
Ang kasong theft naman ay ang:
1) Pagkuha ng gamit ng iba (taking of personal property)
2) Na may “intent to gain”
3) Na walang paalam sa may-ari (without the owner’s consent)
4) Na hindi gumagamit ng dahas o pananakot.
O ano, nakuha mo ba ang pinagkaiba ng robbery at theft?
Sa robbery ang magnanakaw ay gumamit ng dahas, pananakot o pwersa sa isang bagay, samantalang ang kasong theft ay simpleng pagkuha ng bagay na walang paalam sa may-ari na may “intent to gain” o pagnanais na mapasakanya (malay mo kasi hiniram lang).
Other form of theft
Alam mo ba na theft din maituturing ang hindi pagsauli ng bagay na napulot sa tunay nitong may-ari?
Ayon sa Article 719 ng Civil Code, ang sinuman na makapulot ng isang bagay (except hidden treasure) ay inaatasang isuko ito sa opisina ni Mayor (at huwag na huwag ibibigay sa mga pulis). Ipalalathala ito sa publiko sa pamamagitan ng dyaryo o paglagay ng patalastas sa mga mataong lugar.
Kung wala pa ring umangkin matapos ang 6 na buwan, ibibigay ito sa nakakita. Kapag hindi mo ito sinunod at nakita ng may-ari sa kustodiya mo ang bagay na nawala, maari kang kasuhan ng theft.
Theft din na maituturing ang pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o dahon ng aratilis o mangisda ng hito na kumakain ng etsas. Kapag nahuli ka ng may-ari, sabihin mo 50/50 na lang kayo para hindi sa kasuhan ahihi.
Qualified Theft
Kapag nadinig mo ang katagang “qualified” sa criminal law, ibig sabihin ay mas matindi ang parusa. Tulad ng ng kasong homicide, kapag sinabing “qualified homicide” mas mataas ang parusa at ang tawag dito ay murder.
Sa kasong theft, masasabing qualified kung ang pagnanakaw ay ginawa ng kasambahay o gamit ang pag-abuso sa tiwala (gave abuse of confidence), pagnakaw habang may sunog, lindol, bagyo, pagputok ng kili-kili este bulkan, aksidente sa daan, sibil na kaguluhan (civil disturbance) at iba pang kalamidad.
CARNAPPING
Ang pagnakaw ng sasakyan ay hindi sakop ng probisyon ng Revised Penal Code sa Robbery o Theft ngunit ng R.A. 6539 o An Act Preventing and Penalizing Carnapping. Hindi sakop ng carnapping ang pagnakaw ng tren, pison, bulldozer at mga makinarya (goodluck!)
Tanong:
Ang mga sumusunod na character ay fictional at hindi hango sa tunay na tao (pangalan lang hehe). Sagutin ang mga sumusunod na may paliwanag. Huwag mangopya. Ang hindi sumunod ay panget:
1) Si Bon at Batangmangyan ay matalik na magkaibigan. Sila’y mababait na bata ngunit isang araw ay napagkatuwaan nilang kumuha ng bagong Canon 7D sa Megamall ng walang paalam.
Nilagay ni BM ang DSLR sa kanyang “North Face” na bag at si Bon ang nagdala palabas ng Mall. Ok na sana ngunit bago sila makalabas ng parking lot ay nakita sila ni Granger at sinuplong sa mga sekyu.
Ano ang kaso ni Bon at BM, theft o robbery? Attempted o frustrated?
2) Si Duking at Asol ay magkasosyo sa negosyo. Naisip ni Asol na bilhin ang lumang Mercedes Benz ni Duking. Pinahiram ni Duking ang MB kay Asol upang isanla. Ngunit isang buwan na ang lumipas ay hindi na binalik ni Asol ang MB.
Isang araw ay nakita ni Duking ang kanyang MB sa labas ng computer shop kung saan nag do-DOTA si Asol. Kasama ang mga pulis, dinampot si Asol at kinasuhan ng carnapping.
Depensa ni Asol – hindi siya liable sa kasong carnapping dahil hindi pa aprubado ang loan niya sa bangko kaya hindi pa rin niya mabayaran si Duking.
Tama ba si Asol?
3) Si Iami at Manay Cristy ay magkumare. Nagtitinda ng RTW si Iami at naisipan ni MC na magbenta rin nito sa tiangge. Binigyan ni Iami ng isang bulto ng imported na panty na may kwelyo si MC at napag-usapang babayaran sa susunod na buwan. Lumipas ng ilang buwan ay hindi na nagpakita si MC.
Ano ang kasong dapat isampa kay MC, estafa o qualified theft?
4) Si Jet ay masugid na manliligaw ni Lee Mi. Isang araw ay hindi na nakatiis ni Jet at dinaan na sa santong paspasan. Gamit ang balisong ay pinilit ni Jet na dalhin si Lee Mi sa liblib na lugar at pinagsamantalahan. Matapos makaraos ay nakita ni Jet ang P500 ni Lee Mi at kinuha ito na walang paalam.
Ano ang kaso ni Jet: rape, theft, robbery o robbery with rape?
Ang gulo wahhh!
SAGOT:
1. Consumated Theft ang kaso ni Bon at BM. Walang kasong frustrated theft.
Kapag nakuha na ang isang bagay, consumated theft agad yun kahit hindi pa nakalabas ng mall o tindahan dahil may free disposition na yung akusado.
2. Hindi liable ng carnapping si Asol dahil noong binigay ni Duking ang sasakyan “lawful” ang possession ni Asol. Naging unlawful na lang noong hindi niya ibinalik kay Duking ang kotse.
Para maging carnapping ang case, dapat sa simula pa lang unlawful na ang pagkuha ng sasakyan tulad ng bukas kotse o car jacking.
Kapag napatunayang walang intensiyon si Asol magbayad estafa ang kaso dahil panloloko yun. Kung hindi, civil lang ang liability ni Asol, balik sasakyan at bayad damages.
3. Assuming nanloko si Manay, Estafa ang kaso at hindi theft. Nang binigay ni Iami ang mga panty na may kwelyo kay Manay, meron nang “juridical possession” ito. Ibig sabihin, parang kay Manay na rin ang mga panty at bahala na siya ibenta.
Kung ang isang bagay naman ay binigay sa isang tao in trust, “material possession” lang yun dahil walang transfer of ownership kaya qualified theft ang kaso kung ganon. Tulad ng mga employee na nasa field na may dalang pera. Ang pera ay sa kumpanya pa rin at agent lang ang employee, kaya kapag tinakbo niya yun, qualified theft ang kaso.
4. Separate crime of Rape and Theft. Ang tunay na intent ni Jet ay magparaos, later na lang yung pagnanakaw ng P500 ni Leemi. Dalawang parusa na matatanggap ni Jet, isa sa rape at isa sa theft.
Kapag baliktad naman, ang intensiyon ay magnakaw, ngunit nakitang “pwede” pala si Leemi, complex crime of robbery with rape ang kaso. Essentially, robbery pa rin ‘to ngunit qualified dahil may kasamang rape. Isa lang ang parusa ngunit mas mataas kumpara na simpleng rape lang.
Ang naka-perfect ay bibigyan ng full details ng rape case c/o Leemi.
——————
“Doesn’t the fight for survival also justify swindle and theft? In self defence, anything goes.” – Imelda Marcos
Sources: People vs. Tamayo G.R. No. 137586, July 30, 2002; People vs. Tan, G.R. No. 135904, January 21, 2000; Valenzuela vs. People, G.R. No. 160188, June 21, 2007, Matrido vs. People, G.R. No. 179061, July 13, 2009.


{ 52 comments… read them below or add one }
base muna uli panyero! ahahaha =)
7D cam ni panyero taragis!
pasabit hahaha! =)
Nakow, how I wish haha.
Mas maaga na ulit Bon hehe. Ayaw ko na magpuyat!
extra rice kame ah =)
nakakatawa yung panting may kwelyo wahaha ..
1. dapat kasuhan si bon at bm ng Theft., yun lang wag namna ng dagdagan pa ng tanong kung attempted or frustrated kahirap sagutin tsaka pangalan ko nakasalang.. ^^
2. mali naman yata si asol dun, katagal na nyang ginamit yung kotse bayaran monaman ayon sa kasunduan, sige kasuhan nalang ng carnapping kahit may previous na usapan sila tungkol sa bayaran pero sa pagdinig diba itry muna iresolve un? edi lalabas din totoo dun na hindi naman carnap un nagkataon lang na wala pang loan si asol o baka meron natalo lang sa DOTA hahah.. minsan sana makalaban namin sya! =)
3. Qualified theft kasi naman inabuso nyaang tiwala dahil lang sa mga panting may kwelyo sinira angn pagkakaibigan haha..
4. masasabi po bang rape kahit sa una ayaw tapos sa bandang huli gusto na rin? =) serious, RAPE yun putrages! haha kalimutan na ung 500 kano lang yon kumpara sa dangal na nawala.. pero sa batas baka nga isama rape with robbery? =)
bilis talaga ng bullet train…kanina pa ako nag-aabang para maka-base….wala din. taragis!
Re: #3. Kung kakasuhan ako—abogado ko na lang kausapin nyo! Hpft!
e manay, ilang estafa cases na ba ang nalusutan mo?
Ahhh MTM (many to mention) — parang slumbook hehe
manay sabi mo you eat libel suits for breakfast. eh today? un din ba breakfast mo? hihihi!
I skipped breakfast. Diet mode muna.
1. Theft, the camera was taken with intent to gain, without use of force, violence, threat, intimidation.
2. Yes, because the MB was not taken with intent to gain and against the will of the owner.
3. Estafa, the items were not taken against the will of the owner but there is intent to defraud when the debtor absconded.
4. Special Complex Crime of Rape with Theft as an After Thought, the intent was to satisfy his carnal lust and after which the taking of the money occurred which was never planned in the first place.
Natumbok rin pati explanation.
1. bon & batangmangyan- theft, frustrated dahil nasumbong sila ni granger. wait lang tito boy hindi ba consummated na kasi nakuha na nila ung camera? nalilito ako. hehe
2. mali si asol.
3. kay manay cristy estafa. wala kasing intention to pay hindi na nagpakita .
whew! meron bang panty na may kwelyo?
4 rape with robbery. syempre pag nirarape ka may force un na kasama sabay kuha ng anda ni leemi kaya sagot ko rape with robbery.
sa number 1. Theft lang…wala namang nabanggit sa lesson kung may “stages” ang theft tulad ng lessons sa murder at homicide…palusot lang baka tama hehehe.
Sorry, nakalimutan ko. May stages rin tulad ng ibang crime.
sabi ko na nga be eh. haha eh next time na lang ang stages…so frustrated theft? kasi nakuha naman ang camera, di nga lang nailusot gawa ni Granger. at na-extra pa talaga ang northface na bag. taragis!
2: Yes tama si Asol, may pahintulot naman kasi si duking na isanla ang sasakyan…pero ang KAPAL ng mukha ni ASOL…taragis! hahaha.
3. Qualified Theft, abuse of confidence…tsaka wala naman sa lesson ang estafa…huwag ganun…(baka sakaling tama ulit haha).
4. Rape with theft?? nauna ang rape eh, tapos pasimple kinuha ang 500.
5. taragis ang hirap pala mag-aral ng batas.
6. at salamat panyero kasi na-extra ang batangmangyan. makatingin nga ng 7D sa megamall. hahaha.
sana kahit isa may correct answer ako. meow!
namaga ilong ko sa pagsagot! kelan ba malalaman ang answer?
hindi ba pwedeng i detalye kung paano ni rape ni jet si lee mi?
dun ako medyo naguluhan eh.sana may step by step na kwento yung rape scene.
nyahaha!
ahaha gusto ko ding tong abangan, ang pagsasalaysay ng buong kaganapan! =)
wahahhaha.. bakit sa rape naman..
gusto nyo ba ako na lang magkwento?..
puede
aabangan ko yan. exciting ung part na un. kc mas makakakuha tayo ng ideya sa mga totoong kaganapan.. hehehe!
Oonga…Tito Boy, kanino ka nakakita ng panty na may kwelyo ha? Enlighten us…
Yun ang “in” ngayon kasabay ng brief na may necktie.
1. frustrated theft
2. tama si asol, di sya carnapping
3. Estafa ang kay MC
4. rape with robbery
1. parang frustrated theft. pero pangit pakinggan kaya qualified theft na lang. at para mas mataas ang parusa sa mga ganoong tao, kaya gusto ko qualified theft. kung puwede nga “hi way robbery” bwahaha
2. tama si asol. pero baka puwede rin siyang kasuhan ng carnapping ni duking, kung nasa pangalan ni duking ang sasakyan.
3. qualified theft na lang. la naman sa discussion ang estafa
4. rape with robbery
yehey, may tama ako. parang pangit pakinggan a
oo nga may tama c iami
galing
ikaw naman mas malaki ang tama! mas magaling !
ooops, nakalimutan ang smiley.
Pano kung ang ninakaw sakin ay ang puso ko? may cause of action ba ako aturney!
wala
hehe =)
1. theft – kasi nailabas na nila ng mall kya consummated na.hehe
2. qualified theft – ninakaw ni asol ang MB with grave abuse of confidence.
3. qualified thef – katulad ng no. 2, inabuso ni MC ang tiwala sa kanya ni iami.
4. theft- without owner’s consent eh. tsaka wala ung ibang choices sa topic. hehehe
Re # 1. Bon & Batangmangyan liable for the crime of consummated Theft.:) Tito Boy, tama ba na wala ng frustrated stage ang theft? btw, naibalik ba yung Canon D7 sa megamall?hihihihi
Re # 2. tama si asol..hindi siya liable sa carnapping. Pero liable siya sa theft (with intent to gain).
Re #3. Si MC ay liable sa estafa. kasi malinaw yung intent to defraud ni MC si Iami. At nag-cause pa ito ng damage sa part ni Iami. Sayang yung mga panty na yun.hehehe
Re #4. Rape lang yata.hihihi di ko alam..pwede natin pa-demo atty?hihihihi
nabanggit sa lesson na ang pagnakaw ng sasakyan ay hindi sakop sa kasong theft or robbery
1.theft. (kaso malamang di makukulong si Bon at BM kasi sabi mababait na bata. E diba may batas at ayon na din sa mga nag daang lesson natin dito na walng criminal liabilities ang mga bata. So TY na lng ung Canon 7d. At malamang
DSWD lang ang bagsak nung dalawa. hehehe.
2.Syempre TAMA ako. di pa namn kasi talaga naaaprubahan ng bangko ung loan ko eh kasi di pa namn talaga ko nag aapply ng loan sa bangko. hehehe! ( serious answer tama si Asol at tingin ko lusot aliby nia)
3.Siguru theft. Pero para mas mabigat at maganda pakingan gawin na nating qualified theft. (kung di na talga nagpakita at wala talagang intensyong bayaran ni Manay Cristy c Iami, estafa na un.)
4. Robbery with rape.
sa gusto akong makalaban sa DOTA kita na lang tau sa GARENA. hehehe!
Weak lang po ako… GG na Sir. ^_^
1. Bon at BM – THEFT dahil lahat ng elemento ng theft ay nagamit sa sitwasyon. Feeling ko lang wala nang attempted at frustrated sa theft at robbery.
2. Tama si Asol. Hindi siya pasok sa carnapping considering na isang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang IPAHIRAM nya yung sasakyan (with consent) at considering na wala namang alteration sa physical na anyo at registration ng sasakyan.
3. Manay Cristy – Qualified Theft dahil sa pang-aabuso sa tiwalang ibinigay ng kumareng si Iami. Hindi pwedeng Estafa dahil sa estafa dapat may halong panloloko.
4. Jet – maliwanag na Rape dahil ito ang unang intention. Theft dahil sa pagkuha ng pera kay Lee Mi nang walang paalam na hindi rin ginamit ang dahas para makuha ang pera.
hello sa lahat, tagal na ko nagbabasa dito pero lurker mode lang. nakakatuwa at nakakaragdag ng kaalaman sa mga pangkaraniwang tao na katulad ko
daan lang
**lurk…
@lurker, it’s time to break out of the shell and enjoy the outside world!
Ang tagal kong absent… na miss ko na ang mag comments dito… sobra lang po busy sa mga activities
at trabaho….Musta na TB…? Musta na ang lahat nang Iskolar….?
Ito po ang aking sagot sa mga tanong at ito ay base sa aking opinyon lamang..
1. Sa kaso ni Bon at Batangmangyan ay pumapasok sa theft at frustrated.
2. Mali si Asol at pwede syang sampahan nang carnapping ang hindi pag soli nang isang sasakyan na halos isang buwan ay pwedeng gamiting ebidensya para kay asol.. ( opinyon ko lang po…)
3. natawa naman ako panty na may kwelyo…hhhehe sa kaso naman ni Iami at Manay Cristy
estafa ang kaso ni MC, dahil ito ay kanyang tinakbuhan at di na nagpakita…
4. Ang swerte naman ni Jet…. si Lee Mi ang na rape…hehheh joke..
dapat kinuha na rin iyong picture sa wallet ni Lee Mi.. para may remembrance….ehhehe
robbery with rape….. kaso nauna ung pang re-rape ni Jet kaya baligtarin natin…
Rape with Robbery……. hehehhe
may sagot na sa taas kanina pa
Ha ha Halos perfect ang nakuha kong iskor. Iba nga lang ang explanation ko sa iba pero andun pa rin yung idea…
ngee, dami kung mali, nakakalungkot
sa susunod na lang ako babawi. hihih!
ayos! nakatama ako ng isa..hehehe
Atty TB….permission….share ko lang sa mga kaibigan ko ung site mo at facebook….
sayang…. sana nabasa ko noon pa…nakapagcomment sana….at sumagot ayun sa dikta ng isip ko…at maisipan pa…