MIRANDA WHO?

by Tito Boy on August 30, 2010

You have the right to remain silent...FOR-EVA!

You have a right to remain silent. Anything you say will be used against you. You have a right to be represented by a lawyer and if you can’t afford to hire a lawyer, one will be provided for you”.

Eto ang gasgas na linya ng mga pulis sa US kapag nanood ka ng programang “Cops” habang kumakanta sa background ang “Bad boys, bad boys whatcha gonna do whatcha gonna do? When they come for you?”

Tawag dito ay Miranda Rights.

Sino ba si Miranda? Kaanu-ano niya ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda? O ito ba ay isang orange flavor na carbonated drink?

Ang Miranda Rights ay hango sa isang landmark case na Miranda vs. Arizona [384 US 346] na dinesisyunan ng US Supreme Court noong taong 1966.

Miranda Case

Noong Ika-13 ng Marso taong 1963 ay inaresto si Ernesto Arturo Miranda sa kasong kidnapping at panggagahasa sa isang 18 taong gulang na babae. Matapos ng dalawang (2) oras na interogasyon ay umamin si Miranda at lumagda sa isang salaysay.

Pagdating sa paglilitis ay kinuwestiyon ng abugado ni Miranda ang salaysay sa pag-amin dahil hindi daw sinabihan ang akusado sa kanyang karapatan manahimik at magkaroon ng sariling abugado noong oras ng interogasyon.  Hinatulan si Miranda na mabilanggo at inapela ang kaso na umabot hanggang US Supreme Court.

Ayon sa sikat na si Chief Justice Earl Warren, nilabag ng mga pulis ang karapatan ni Miranda laban sa pagdiin sa sarili o “right against self incrimination” at karapatan sumangguni sa abugado na nakapaloob sa 5th at 6th Amendment ng kanilang Saligang Batas. Dahil doon ay hindi nagamit ang pag-amin laban kay Miranda.

Nagkaroon ulit ng paglilitis. Hindi man ginamit ang salaysay ni Miranda ay diniin naman siya ng mga testigo at kalaboso pa rin siya. Dahil sa kasong ito ay naging SOP na ang pagbasa sa mga karapatan ng mga akusado tuwing hinuhuli para hindi masayang ang mga pag-amin na gagawin nila.

Rights under custodial investigation

Kung sa US ay meron silang Miranda Rights, dito sa atin meron tayong “rights under custodial investigation” na nakapaloob sa ating Article III Section 12 ng Saligang Batas:

1)   Right to be informed of his right to remain silent.

Hindi mo lang karapatan ang manahimik, karapatan mo rin na malaman na may ganito kang karapatan. Tama nga naman, ano ang silbi ng karapatan mong manahimik kung hindi mo naman alam na pwede mo palang hindi sagutin ang mga tanong ng mga pulis at sabihin ang katagang “No comment, friends lang kami.” sabay labas ng dila ^_^

Kahit alam mo na may karapatan kang manahimik at umamin ka, kapag hindi naman pinaalam ng mga pulis ang karapatang ito sa iyo, lusot ka parin.

Kapag inanyayahan ka ng mga pulis sa isang custodial investigation, hindi ka kailangang magsalita. It will not be taken against you. Hindi ibig sabihin na nanahimik ka ay guilty ka na.

2)   Right to have competent and independent counsel preferably of his own choice. If the person cannot afford the services of counsel, he must be provided with one.

Isipin mo na lahat ng sasabihin mo ay magagamit laban sa iyo. Kung hindi ka magaling magsalita maaring iba ang lalabas sa iyong bibig sa gusto mong ipahiwatig. Dahil din marahil sa tensiyon at pressure ay hindi gumagana ng maayos ang iyong utak upang magbigay ng intelihenteng sagot.

Kaya ano ang gagawin mo? Tawagan agad ang iyong swabeng abugado (ahem) at hintayin siya. Ipaalam sa abugado ang lahat ng nalalaman, huwag magtira ng kahit anong sikreto. Lahat ng pinag-usapan ninyo ay sakop ng attorney-client privilege at hindi rin maaring gamitin laban sa iyo. Hayaan ang abugadong dumiskarte at siya ang tatayong spokesman mo. Alam niya ang kanyang ginagawa at ibigay ang buong tiwala. At huwag kalimutang bayaran ang bill (oh yeah).

Kung wala ka namang pera pang-upa ng abugado (parang hindi magandang pakinggan), nandiyan naman ang mga Public Attorney galing sa PAO. Basta humingi ng abogado sa mga pulis at obligasyon nilang bigyan ka ng isa.

Ang karapatan ding ito ay magsisigurado na hindi pinilit ang akusado sa pag-amin.

3) These rights cannot be waived except in writing and in the presence of counsel.

Kung sa tingin mo ay isa kang henyo at nagtitiwala ka sa iyong sariling kakayahan na sagutin ang mga tanong ng mga pulis gamit ang iyong Jedi Mind Trick ay maari mong ipasawalang bahala ang mga karapatang nabanggit.

Pero dapat ito ay nakasulat na wini-waive mo ang iyong rights under custodial investigation at pirmahan sa harap ng abugado.

Custodial Investigation

Nais kong linawin na iba ang rights under custodial investigation sa rights of the accused during trial. Ang custodial investigation ay simula pa lang ng imbestigasyon at walang pang nasasampang kaso sa fiscal o korte.

Nagsisimula ang custodial investigation kung ang pagtatanong ng mga pulis o otoridad ay hindi lamang “general inquiry” kundi tumutukoy o nagfo-focus na sa isang tao o suspek.

Admissibility of confession

Tulad ng nabanggit, kapag nilabag ng mga pulis o otoridad ang iyong rights under custodial investigation, magiging “inadmissible” ang iyong salaysay. Ibig sabihin, hindi magagamit sa korte ang iyong pag-amin at hindi ito isasaalang-alang ng hukom sa paggawa ng desisyon o hatol.

Ngunit maari pa rin mahatulan  ang akusado gamit ang ibang ebidensiya tulad ng forensic evidence o testimonya ng mga testigo.

Pero kung talagang gusto ng akusadong umamin dahil inuusig siya ng kanyang konsensiya, dapat ay:

1) The confession must be voluntary.

Ibig sabihin, umamin siya dahil gusto niya at hindi dahil pinahubad siya habang hinuhugot ang kanyang putotoy at kinukunan ng video upang i-upload sa You Tube.

2)  The confession must be made with the assistance of competent and independent counsel.

Syempre andidiyan  ang mga abugado upang pigilan este siguraduhin na alam ng akusado ang kahihinatnan o consequences ng kanyang pag-amin. At alamin na bulontaryo itong ginawa ng akusado at hindi dahil tinorture siya o tinakot ng mga myembro ng SWAT o Samahang ng mga Walang Alam sa Tactics (corny alam ko).

3) The confession must be express.

Ibig sabihin tahasang pag-amin. Kapag tinanong na “Ikaw ba ang pumatay kay Juan Dela Cruz?” ang sagot dapat ay “Opo. Ako po ang pumatay kay Juan dela Cruz, ungas kasi yun!” at hindi sagot na “Kinda” at ngingiti na lang na parang kinikilig pagkatapos umihi.

4) The confession must be in writing.

Syempre dapat nakasulat at pirmado. Hindi yung sinabi lang sa pulis at kulong ka na agad. Kaya posibleng umamin ka verbally sa pulis at later on ay bawiin habang hindi pa naisusulat o pinipirmahan sa harap ng abugado.

Purpose

Ang mga karapatang nabanggit ay strikto upang siguradong hindi pipilitin ang mga akusado sa pag-amin at paggamit ng ano mang klaseng torture, tulad ng pagpitik sa yagbols.

Hindi naman sa nilalahat ko pero may iba kasing imbestigador na tamad, papaaminin lang ang akusado at yun lang ang gagamitin laban sa kanya. Ayaw na mangalap ng ibang ebidensiya.

Isipin natin lagi na lahat ay inosente sa mata ng batas hangga’t hindi nahahatulan ng korte. Nasa kamay ng prosekusyon na patunayan ang kasalanan nito at hindi dapat sila umasa lang sa kahinaan ng ebidensiya ng akusado.

Yun lang pow. Mahaba na, sa susunod na lang ang mga pagsusulit.


 

—————-

“Everybody has a right to be defended, and every lawyer has a duty to defend people accused. And my office is to defend him, to discuss the accusation point by point, as I think this is a normal step in a democracy.” - Jacques Verges

Sources: People vs. Rico, G.R. No. 129211, October 2, 2000; People vs. Uy, G.R. No. 157399,  November 17, 2005,

{ 32 comments… read them below or add one }

BatangMangyan August 31, 2010 at 12:01 am

BASE!!!! Konnichiwa!

Reply

iami August 31, 2010 at 1:05 pm

bm, pinauna lang kita. walang masabi e

Reply

bonistation August 31, 2010 at 12:43 am

sekond beys!! ay walang question and answer portion naghanda pa naman ako ng major major eh!

anyways, astig ang miranda rights!! naging popular uli yan duon sa kaso ng pagpapakamatay ng asawa ni ted failon.. hindi daw kase binasahan ng karapatan ang mga inakusahan..

atty, bawal ba talaga mag aresto pag byernes? kasi walang office kinabukasan (saturday and sunday) so pedeng gawing dahilan yun? hihi

3rd. magkano ba PF mo? kahit ba hindi magamit ang talent mo may bayad? haha parang subscriber fee para lang magamit ko ang “talk to my laweyer” haha

Reply

Tito Boy August 31, 2010 at 8:50 pm

Walang rule na bawal kapag byernes basta hindi lang sasadyain. Nagpalabas ata ang DOJ na iwasan kung maari. Sa Metro Manila, may mga bukas na korte para magbail tuwing sabado at linggo.

Kung walang office, wala rin magagawa yan ay “lawful insuperable cause”. Ibig sabihin, himas muna sa rehas ahihih.

Talent fee ko hindi ko na iniisip kasi ang importante ay ang serbisyong totoo *cough*

Reply

BatangMangyan August 31, 2010 at 9:50 pm

pasabit..bumyahe pa kasi pauwi kaya now lang nakapagcomment..hehehe. pero ako BASE!

panyero, nakakafrustrate lang talaga, kasi sa kabila ng mga karapatan na nabanggit dito eh nagagawa pa din ng marami sa mga nasa authority ang magviolate, pagtorture, inimbestigahan ka pa lang eh tingin sayo eh akusado na at kulong na agad..di kaya marami sa nakukulong o napaparusahan eh dahil sa kakulangan lang sa kaalaman sa mga karapatan o biktima ng mga maling processo ng mga may kapangyarihan.

off topic.. bakit dito sa pinas, hindi mo maramdaman na secured ka pag nakakakita ka ng pulis, o natatakot ka magtanong sa pulis…samantalang sa ibang bansa, mararamdaman mo ang security pag may pulis.

salamat panyero.

Reply

Tito Boy September 1, 2010 at 8:29 am

@BM & Duking: Sa tingin ko nasa kultura na nila yan. Alam naman nila mga karapatan ng akusado kasi graduate sila ng criminology at may subject na ganito.

Mahirap talaga baguhin ang imaheng ilang dekadang nasangkot sa pang-aabuso…mas secure pang tumabi kay christine reyes aw!

Reply

granger September 1, 2010 at 12:02 pm

hindi lahat ng pulis graduate ng criminology or licensed criminologist upon passing the board, any baccalaureate course pede basta mag training

vavavroom :)

granger August 31, 2010 at 11:09 pm

ehem ehem

Reply

granger August 31, 2010 at 11:10 pm

mas secured sa security guard :D

Reply

sarah August 31, 2010 at 8:50 am

3rd base… May ganun?!

Miranda rights pala tawag dun, very informative talaga! Nice!

Reply

Tito Boy August 31, 2010 at 8:52 pm

3rd base na ba? Ayaw mo home run =P

Reply

development catalyst August 31, 2010 at 9:26 am

hahhaha.funny ,interesting keep it up atty!

Reply

lurker August 31, 2010 at 11:35 am

ayos! new substance sa utak, miranda rights. i have the right to remain silent XD

Reply

Tito Boy August 31, 2010 at 8:53 pm

Lurker, ilang beses ka na rin nagcomment, hindi kana lurker!

Reply

lurker September 1, 2010 at 10:46 am

lurker pa rin, lumalabas lang ako pag magcocomment hihi.

Reply

gracesongbird August 31, 2010 at 1:05 pm

the best ka talaga…ang dami kong natututunan :)

Reply

azar August 31, 2010 at 1:27 pm

lufet! Hehehe.

Pati pala jejemon nabibiktima na rin ng summary execution. Kakatakowt naman mga parak na yanz.

Reply

AsOL August 31, 2010 at 1:53 pm

buti walang quiz.. di ako nakasagot ung previous quiz.. tinamad ee.. hehehe!

Reply

Ronald Redito August 31, 2010 at 2:28 pm

Ang “you have the right to remain silent” ay pianuso nung mag pulis sa “Home along da Riles” starring Pidol nung kabataan natin.

Hahaha

Reply

mile August 31, 2010 at 2:30 pm

susme late annaman ako!!!!

Reply

Trudis D'Dog August 31, 2010 at 5:23 pm

Tito Boy, minsan may mga arestado na nagpapa interview sa media at dahil sa kadaldalan nila o di kaya sa pangungulit ng reporter, nakakapagbitaw ang mga ito ng statement na magagamit laban sa kanila sa korte. Meron nga diniscribe pa kung pano nya pinatay ang biktima. Wawa naman sila, palibhasa sa mga pulis lang pwedi i-invoke ang right to remain silent. Message ko sa mga naaaresto, wag na rin kayo mag pa interview! Bow.

Reply

ms hopeful August 31, 2010 at 5:26 pm

yehey walang quiz

Reply

duking August 31, 2010 at 11:10 pm

hahaha! sa wakas,alang exam ngayon.dalawang magkasunod na lagpak na ko eh.

sana nga lang talaga naaaply yan.yung mga pulis kasi dito sa atin:

‘sumama ka na!!!sakay!!!huwag ka nang pumalag!!!huwag kang tatakbo!!!tumahimik ka!!!’

yan ang mga dialogue.sila mismo,mukhang hindi alam yung karapatan ng mga akusado.or dahil advantage sa kanila yung imahe ng pagiging nakakatakot nila,sinasamantala nila yon laban sa karamiwang mamamayan.

Reply

joven September 1, 2010 at 1:30 pm

Haizt…galing talaga. simple pero ROCK!!!

Reply

Tito Boy September 5, 2010 at 9:13 am

Ayos ven ah pogi, may kulay pa!

Reply

Mhonski September 2, 2010 at 12:00 pm

Super busy these past days… Daan lang po muna. Buti na lang walang quiz…

Reply

futuredaddy September 2, 2010 at 5:52 pm

HI atty! daan lang ako..medyo busy sa work. Okey topic natin ah..sobrang nakakatulong lalo na sa mga hindi alam ang “Miranda doctrine”. Isa na ako don.hihihihi

Reply

Jet September 5, 2010 at 4:32 am

“The police protects you from a criminal; the lawyer protects you from a police. Unfortunately, nobody protects you from a lawyer — especially when the lawyer is your professor.”
wahheeeeehh!!

Reply

Tito Boy September 5, 2010 at 9:13 am

magandang babaeng may cleavage will protect from the lawyer, aw!

Reply

Jet September 5, 2010 at 2:20 pm

naku! kaya pala walang bumabagsak akong classmate na babae ^_^
hmmmm… now i know!
thanks! tito B!
…try ko nga maglagay! *joke*

Reply

yuan tamad September 14, 2010 at 3:26 pm

pahabol…….
ngeun lng nkadalaw ulit

pwede ba tumanggi sa pulis kapag inimbitahan ka nila sa presinto?

Reply

granger September 14, 2010 at 5:54 pm

pede lalo pag walang kainan

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: