INCRIMINATE YOUR (FAKE PLASTIC) FACE!

by Tito Boy on March 27, 2011

"Your Honor, hindi ko po masagot kasi po may diarrhea ako...I mean right against self-incrimination"

Ang right against self-incrimination ay nasa Bills of Rights (Article III) ng ating Saligang Batas:

“Section 17. No person shall be compelled to be a witness against himself.”

Kung babasahin mo wala naman ang salitang “self-incrimination” sa Saligang Batas, labo nga eh. Pero simple lang ang right against self-incrimination, hindi pwedeng pilitin ang isang tao tumestigo laban sa kanyang sarili.

In the first place, sino ba naman ang tangang ipagkakalulong ang kanyang sarili? Pwera na lang kung isa siyang baliw o gusto nang magpakamatay o meron siyang asawang mayordoma, gastador, banat ang mukha at kung umiyak ay kala mo’y isang maamong tupa…er…teka wala sa topic, naiinis lang kasi ako pagnakikita ko siya sa TV ahihi.

Criminal proceedings

Ang right against self-incrimination ay laging ginagamit ng akusado sa isang criminal proceeding.

Kung ayaw ng akusadong umamin o magsalita na maari siyang madiin, wala tayong magagawa. Nasa prosekusyon ang burden o bigat na patunayan ang guilt o sala ng isang akusado. Kung pipilitin mo ang akusadong umamin, e wala nang pinagkaiba sa torture yun diba?

Hindi maaring pilitin ang akusadong umupo sa witness stand at tanungin tungkol sa niliitis na krimen. Kung ayaw niyang magsalita, hindi ito maaring gamitin laban sa kanya.

Pero kung ang akusado ay piniling  umupo na sa witness stand, wala na siyang lusot, maari na siyang tanungin ng kabilang abugado sa cross-examination. Yan ay dahil na-waive na ang karapatang ito. Pero maari pa rin gamitin ng akusado ang right against self-incrimination patungkol sa ibang kaso at hindi tungkol sa krimeng nililitis.

Ang karapatang ito ay iba pa pala sa right under custodial investigation na nasa likod ng Panyero shirt, kung saan maaring tumahimik ang isang suspek habang iniimbestigahan ng mga bundat na pulis. Pero pareho lang sila ng essence, sabihin na nating magpinsan sila.

 

Civil, administrative proceedings

Ang right against self-incrimination ay nai-apply din ng Korte Suprema sa civil at administrative proceedings. Kung ang isang testigo (hindi akusado o partido sa kaso) ay tinanong ng mga bagay na magdidiin sa kanya sa isang krimen na nakabinbin na sa ibang korte o maaring isampa laban sa kanya, maari niya itong hindi sagutin at mag-ala-Ligot.

Pero ang tanong na “incriminating” ay dapat specific tulad ng pagtatanong ng partikular na gawaing ilegal. Hindi lahat ng klase ng tanong ay maaring gamitan ng right against self-incrimination. Mga tanong na wala naman kinalaman sa isang krimen, maaaring ipilit na sagutin ng isang testigo tulad ng “saan ka nakatira?”, “saan ka noong araw na ito?”, “o naliligo ka ba araw-araw?”.

Kaya hindi maaring ipasawalang-bahala ng isang testigo ang subpoena ng isang korte o administrative body. Magagamit lang niya gamitin ang right against self-incrimination kung may specific na taong na sa tingin niya ay maaring madiin sa kanya sa isang krimen.

 

Mechanical acts not included

Ang right against self-incrimination ay patungkol sa pagsasalita o pagtestigo laban sa kanya o testimonial acts. Hindi kasama dito ang purely mechanical acts tulad ng pagkuha ng finger prints, pregnancy test, medical examination, pagkuha ng litrato, pagsukat ng  kanyang footprints, o DNA testing.

Kaya maaring pilitin ang isang tao, sa utos ng korte, na kunan ng sample sa pwet at hindi maaring gamitin ang right against self-incrimination. Wala ka nang magagawa kundi tumuwad.

 

Rights against self-incrimination can be waived

Pero hindi rin naman pinipigilan ang isang taong sumagot sa mga tanong na maaring magdiin sa kanya sa isang krimen. Kung hindi alam ng isang tao na may right against self-incrimination pala siya dahil hindi napayuhan ng kanyang abugado, wala na tayong magagawa dun. Kaya dapat timely ang paggamit ng right against self-incrimination.

 

Ngunit kung – yan ay kung sakali lang – na gusto ng isang taong  magtapat dahil inuusig siya ng kanyang konsensya at naisip niyang milyong-milyong pera ng taong bayan ang kanilang winaldas at milyong-milyong  Pilipino ang walang makain at libo-libong sundalong nasa Mindanao ang walang sapat na gamit dahil sa kanilang walang habas na pangungurakot then by all means.

Wishful thinking, asa kapa sa mukhang yun na puro plastic.


 

——–

Acting is a form of confession.” - Tallulah Bankhead

 

 

{ 13 comments… read them below or add one }

granger March 27, 2011 at 10:51 pm

Base :)

Reply

Ronald Redito March 27, 2011 at 10:53 pm

2nd sa base. =p

Reply

Ronald Redito March 27, 2011 at 11:02 pm

Tama naman sa tingin ko ang ginagawa nina Ligot. They have that right.

And these senate investigations are not in aid of legislation but mere tools for grandstanding. Free publicity for the next elections.

Senate investigation nowadays are forms of Public Humiliation wherein an accused is stripped off his dignity. One is humiliated in front of the country and the world.

Reply

granger March 27, 2011 at 11:03 pm

kaso na coercive imprisonment ng senate si ligot :)

ligot ka ligot ka huling huli ka :)

Reply

mile March 28, 2011 at 2:51 am

wow sir granger nag jojoke ka rin pala ha

Reply

granger March 29, 2011 at 12:45 pm

he he

Reply

BON March 27, 2011 at 11:07 pm

ay hindi ako base hahaa ang bibilis nyo naman!

kadalas ngang gamitin ni Mrs. Ligot, nakakainis haha! kung walang itinatago edi magsalita ng magsalita! yun lang naman point dun…

pero salamat sa info atty! galing! armed na naman ako ng batas!

Reply

puyat lagi March 28, 2011 at 1:19 am

action speak louder than words , kaya alam na ng taumbayan kung may kasalanan , kahit deny pa ng deny ang mga hinayupak na yan,,,,, dapat sa kanila BANGGGGG………..sa sarili nila…….peace…

Reply

futuredaddy March 28, 2011 at 1:55 pm

Ganda ng explanation ni atty! kaya nga naiinis yung mga senador kasi kahit mga tanong na simple lang ay ini-invoke pa rin yung “right against self-incrimination”. Parang ayaw ng magsalita talaga ng mga makapal ang mukha! Sana hindi sila gumawa ng mga katiwalian kung ayaw nila magsalita. Kaya nga binigyan sila ng pagkakataon na magpaliwanag pero wala silang ginawa kundi umiyak at magsakit-sakitan.tsk sana nga lalo lumala mga sakit nila.hehehe peace!

Reply

JDC March 28, 2011 at 3:17 pm

bwisit talaga sila! ibig ba sabihin walang magagawa ang batas natin kahit malinaw na nagnakaw sila kasi? at pwede bang kunin ng gobyerno ang lahat ng ari-arian nila na malinaw na imposible naman nilang nakuha sa legal na paraan?

kung tulad ng isang ligot ay makakalusot sa pagnanakaw di malayo na maraming lahi ng mga ligot ang lalabas…hay naku!

Reply

mile March 28, 2011 at 10:38 pm

kawawa naman si I INVOKE MY RIGHT TO SELF INCRIMINATION sobrang gamit na gamit sya. hindi man lang nahihiya yang mga kurakot na yan at siguro kung binibili lang yang invoke my right to self incrimination na word pulubi na sina ligot

Reply

Digital Dreamspace March 30, 2011 at 12:34 am

Katawa ko’s title, Fake Plastic, kadum dum na noon kos Radiohead.

Reply

kagebunshin7 October 8, 2011 at 8:02 am

ok lang na pilitin nilang gamitin ang right against self indescrimination…. mapapatunayan pa rin naman sila kung may kasalanan sa ibang paraan ” tulad ng pagkuha ng finger prints, pregnancy test, medical examination, pagkuha ng litrato, pagsukat ng kanyang footprints, o DNA testing.” KAYA wala rin silang LUSOT!…..

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: