PERA-MID

by Tito Boy on October 17, 2010

"T@ng$%$! Balik mo pera namin!

Isang araw habang nagbabasa ka ng blog sa loob ng opisina sa oras ng trabaho, ay biglang may nag-text sa iyong dati mong kaibigan: “Pare musta na? Invite kita para sa isang business opportunity.”

Nag-reply ka ng: “Anong klaseng business?”

Sagot naman sayo: “Basta maya ko paliwanag.”

Dahil matagal mo na siyang hindi nakikita at bilang dati mong kaibigan, pinagbigyan mo na rin. “Malay mo,” sabi sa sarili.

Pero noong oras na ‘yon ay parang may kutob ka na. Parang alam mo na kung ano ang iaalok na “business” sa iyo.
Kinagabihan, pinuntahan mo ang address na itinext sa iyo.

Sa labas pa lang ng opisina, nakita mo ang mga iba’t-ibang uri ng bote at kahon ng mga produktong yari sa kung ano-anong klaseng dahon at kabute na galing pa daw sa kung saang lupalop ng mundo.

“Ok magbebenta lang pala ng herbal products,” wari mo. Ngunit nang pumasok ka na sa loob ng opisina, tumambad sa iyo ang ilang silid kung saan parang isang eskwelahan.

May mga nagsasalita na maayos ang itsura at pinapaliwanag ang takbo ng “business” sa mga bagong recruit na tulad mo. Tinignan mo ang board at nakita ang hugis tatsulok, at dito nakumpirma ang iyong hinala.

“Taragis! Sabi ko na nga ba e, networking.”

Sabay pagtalikod mo ay nakita mo ang iyong dating kaibigan na may kakaibang ngiti sa kanyang mga pisngi, “Ano pare musta ka na! Ano handa ka na bang yumaman?”

Isa pang “Taragis!”

You know the drill. Dati kasi ay nagoyo ka na ng pyramiding.

Papakilala ang mga walang kwentang produkto, ilalabas ang dambuhalang calculator at kukwentahin ang magiging kita mo kung masigasig kang mag-recruit ng tinatawag na “downline”.

Bilang pang-engganyo, ipapakita sa iyo ang kanilang “Millionaires’ Hall” kung saan ipapahanga ang mga taong yumaman kuno at maaring maging isa ka sa kanila.

“E bakit ikaw hindi pa rin yumayaman?” Bagay na gusto mong sabihin sa kaibigan mo habang bumubula ang bibig sa kakapaliwanang ng pagkabilis-bilis na halatang memoryado na ang bawat linyang sasabihin.

Ipapakilala ka sa isang kasamahan niyang nakabili na daw ng “BMW” bilang patunay sa tagumpay ng kanilang “business”. Nang tinuro sa iyo ang kotse sa parking lot na abot tanaw lang: “Taragis, 316i –modelong lumabas noong 1990’s. ‘Kala ko bagong BM.” bulong sa sarili.

Natapos ang gabing walang nangyari. Nasayang lang ang oras mo sa pakikinig sa mga walang kwentang bagay. Alam mo kasing hindi tumutubo ang pera sa bato. Sana pala’y nanood ka na lang ng teleseryeng “Twilight” copy cat baka naaliw ka pa.

Kaya dali-daling kang nagpaalam sa dating kaibigan na ayaw mo nang kausapin at makita. Malamang kasi ay kukulitin ka niya kinabukasan at sa mga darating na araw hangga’t di ka bibili ng kanilang produkto.

Ngayon ang tanong, masasabi bang panloloko ang ganitong uri ng scheme? Bakit talamak sila at marami pa rin ang nalilinlang?

Ayon sa Art. 315 Paragraph ng Revised Penal Code, maaring magawa ang swindling sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng pangalan, kunwaring may kapangyarihan, impluwensiya, negosyo o ano pang klaseng panloloko.

[(a) By using fictitious name, or falsely pretending to possess power, influence, qualifications, property, credit, agency, business or imaginary transactions, or by means of other similar deceits.]

Magandang halimbawa dito ay ang mga taong nag-eengganyong mag-invest sa isang kunwaring negosyo kung saan makakakuha ng return sa pamamagitan ng interes.

Kung tutuusin, ganito rin ang ginagawa ng mga bangko at lehitimong investment firms. Tumatanggap sila ng pera sa publiko at ini-invest ang mga ito sa mga stocks, bonds, treasury bills.

Kung ganon, ano ang pinagkaiba?

Sa mga swindler, hindi nila ini-invest ang pera. Wala talagang business o negosyo. Pinapaikot lang ang pera.
Sa pyramiding, ang mga nag-invest ay nababayaran ng malaking interest galing sa mga bagong mag-i-invest. Kaya nga inii-engganyo ang mga investors na mag-recruit pa. Habang may pumapasok na pera mula sa mga bagong investors, tuloy ang returns.

Ngunit kapag humihina na ang pasok ng pera, unti-unti nang tatalbog ang tseke na mga binigay sa investors. Syempre, bago pa mabangkarote, sisibat na ang promotor kasama ang limpak-limpak na pera ng mga kawawang investors na galing pa sa kanilang mga life savings o retirement funds.

Teka, ano naman ang pinagkaiba nito sa networking?

Sa networking, diyan papasok ang mga produktong binebenta, tulad ng herbal products. Para hindi masabing walang business talaga, at hindi lang pinapa-ikot ang pera, sinasamahang ng mga produkto.

Itong mga produktong ito ay wala naman talagang kwenta kung tutuusin. Hindi naman talaga ito ang binibili ng mga investors. Hindi papasok sa isang networking ang isang tao dahil kumbinsido siya sa kalidad ng produkto, kundi dahil sa pangakong return sa pag-recruit ng bagong investors.

Kaya habang may produkto, legal ang gawain nila at walang panlolokong masasabi.

Nasa iyo na yun kung kakagat ka. Sabi nga nila, kanya-kanyang trip lang yan.


 

————

“Populus vult decipi; decipiatur” – Cardinal Carlo Carafa

(Translation: The people wish to be deceived; let them be deceived)

{ 25 comments… read them below or add one }

ms hopeful October 17, 2010 at 10:48 pm

1st , hehe,
cute ng drawing ni duking

walang quiz sir?

Reply

Ronald Redito October 17, 2010 at 10:58 pm

Brod, di pa ako nabibiktima sa ganito. Pero nadali nako nung prudential dun sa Megamall, invite ka lang na pwede ka manalo daw ng kotse at 5,000USD.

Tapos di ka na titigilan hanggat di ka bumibili ng plan. Dating Family First ata yung name. Ipapaswipe lang credit card mo tapos bawas ka na ng 24K plus.

Madami na rin nagrereklamo dun.

Reply

granger October 29, 2010 at 3:23 pm

Nabiktima rin ako dati ng family first na yan sa megamall, pero pina terminate ko credit card ko kaya di sila naka-charge afterwards. :(

Reply

junjun October 18, 2010 at 12:20 pm

Ako din naganyo na ng Forever living products dati. 12k combo products nila, madali ko lang daw mabawi pag madami ka marecruit hang ang sa na-T.Y. na lang.

Meron pa po isa na muntiik din ako magoyo, yung Royale Business Club, kala ko franchising yun pera-miding din pala.

Yung iba may babanggitin pa mga kilalang tao parang sumali ka. Huwag na lang sumali. Sundin na lang Advice ni Colayco – Pera mo, palaguhin mo. Huwag ipalago sa pera-mid baka di muna mabawi pag malago na. heheh

Reply

sarah October 18, 2010 at 12:28 pm

Hahaha! Pera-mid, naalala ko yung kanta na spoof nito… Well, well, muntik na rin ako mabiktima nito sa Megamall, pucha, nanginginig ako sa inis dahil sumama pa ako.
Ang kulit!!! gusto nang i-swipe ang credit card ko, hindi ko nga binigay at sabay tinayuan ko at labas ng pinto. Paulit-ulit sinasabi parang sirang plaka.
Dapat kasi nag-gym ka na lang or jogging kesa pumunta dun di pa nasayang oras mo!

Reply

raphnexx October 18, 2010 at 1:21 pm

i love the way you make the explaination po. nakikiliti pagsabi mo na Twilight na copycat hahhaha.pero all in all informative naman ang post mo.

Reply

joven October 18, 2010 at 1:39 pm

@ronald
sir may client din akong naganyan ng prudential sa megamall din.sana makarma sila. nawawalan tuloy ng tiwala ang mga tao sa mga insurance company.
kung gusto nyo ng matibay at totoong insurance company na may investment plan din.at isa pa joint ventures ng metrobank. ito po ang AXA Phil. pls contact me for more details. 5597055. tnx

Reply

sarah October 18, 2010 at 3:58 pm

@raphnexx, i actually think its more of an Underworld copycat, ang lobo at vampire love story..
Yes nanunuod si Sir ng Imortal kasi may kamukha sya dito, diba Sir? Peace!

Reply

mile October 18, 2010 at 6:37 pm

sarah sino kamuka ni atty? si john lloyd?

Reply

sarah October 19, 2010 at 6:34 pm

Yun lobo… joke! Tingnan mo na lang avatar ni Sir, hehe!

Reply

mile October 21, 2010 at 3:11 am

natawa naman ako sa sagot mo sarah. hehe!yari ka kay atty. hahaha!

si loydie na lang.. malay mo matuwa si atty na si loydie kamuka nya manlibre pa siya sa atin. hehe

Reply

foobarph October 21, 2010 at 11:20 am

lobo? gwapong lobo? awwooo!

AsOL October 19, 2010 at 1:56 pm

alam ko yung sinasabi ni sir na mga herbal products na may kabuti. DXN un ee. Dati nagbebenta din nanay ko nun. hehehe.

my classmate ako na ganyan ang raket. Inaalok ako pero xempre alam kong scam lang un. Sabi nia saken nung nag reply ako sa txt nia na nxtym n lang kako reply naman nia sa txt ko, ” nxt time na lang din ang pagyaman mo!” Sabi ko sa isip ko “WEH?!” hahhaha!

Reply

duking October 19, 2010 at 7:23 pm

usong uso ito sa work ko.networking talaga yung main business nila.pinapalakas lang syempre yung campaign tungkol sa product para ika nga eh may pang front.

yung kasama ko,nakuha naman nya yung ROI plus kumita pa talaga.ang masakit kasi sa ganito,kailangan mo ring mambola kung talagang gusto mong bawiin yung nagastos mong pera.kaso nga lang,minsan,ikaw lang pala yung madaling mabola at ang totoo,hirap ka namang mambola.

epektib to sa maraming naging GF.hahaha!

Reply

Mhonski October 20, 2010 at 11:19 am

Oo nga nakakabuwisit talaga yang mga kompanyang yan tulad ng Family First, sa megamall din ako nabiktima nyan. 7pm nung mayaya nila kami tapos 11pm na kami nakalabas, magsasara na yung mall.

Isa pa yang Forever Living na yan. Bwisit na bwisit ako sa nag-invite sa akin, ayaw pa sabihin kung ano yung pupuntahan namin. Yun lang pala ang madadatnan namin.

Sana mawala na yang mga ganyang lokohan na negosyo dito sa Pilipinas. Usung-uso yan sa US as Madoff Investment or Ponzi Scheme.

Reply

foobarph October 21, 2010 at 11:21 am

thanks for the info. dapat siguro gumawa tayo ng listahan ng mga scams na pyramid na yan para makapag-ingat tayo.

if they want to object at ipagtanggol ang side nila, at least, we know their side. pft pftt

Reply

azar October 20, 2010 at 1:33 pm

Nagsilibasan na ang mga nadenggoy ng herbal products na yan. wahahaha!

Sige po ilabas nyo lang sama ng loob. may araw din yang mga manggogoyong yan.

Reply

duking October 23, 2010 at 7:59 pm

ang nakakatuwa,matapos i-sales talk yung mabuting dulot ng kanilang napaka espesyal na produkto,eto ang mababasa mo sa kahon at pakete:

‘no approved therapeutic claim’

whahaha!

Reply

matt October 24, 2010 at 3:39 pm

ako nadali ng ganyang modus, time sharing sa days hotel 7t din pag kuha sa credit card ko dinaan sa bilis pag swipe bingo! yari ka! bad trip talaga!

Reply

Tito Boy October 28, 2010 at 6:28 pm

Pareha tayo…grrr

Reply

maya October 28, 2010 at 5:41 pm

sabi niyo nga po..”Nasa iyo na yun kung kakagat ka”..
kaya bago mag desisyon sa isang bagay pag isipan muna ng maraming beses…

Reply

hicort November 10, 2010 at 10:14 am

Who knows MMG ( Mateo Management Group) ?

Malaking pera ang nabiktima sa akin. At Mukhang Biktima parin ako ng Bagong grupo ng claimants na may bagong pangalan na GMPIA (Grupo Mateo Pilipinas Association Incorporated) Mga nag pakilalang biktima rin daw sila ng MMG kaya dapat daw kaming magkaisa para mabawii ang mga pera namin. Kaso matapos na magbayad ako ng 7k as a member nang bumalik ako sa opisina namin ay closed na ito at di ko malamam ngayon kung nasaan na ang GMPIA. Hay buhay….?

Reply

Malvin January 25, 2011 at 8:33 am

Ung MMG 1st group un, ang GMPIA 2nd group cla pa rin un, pero iba naman ang naka front para d halata. he he he he natawa lang kasi ako sa kwento mo pre….

Reply

granger November 10, 2010 at 11:32 am

double whammy

Reply

joven November 11, 2010 at 10:04 am

saklap naman nyan bro.pagpray nalang naten sila.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: