http://article.wn.com/view/2012/01/09/Bottomline_for_Trillanes_in_Corona_impeachment/
Bago magsimula ang kina-aabangang impeachment trial ni CJ Corona na tatalo sa mga soap operas at drama-rama sa hapon, alamin muna ang mga panuntunan ng impeachment court. Dito ay hindi tayo magmumukhang tanga habang nanonood at maari ka pang maging commentator slash, resource person slash, expert sa iyong tahanan, opisina at pinakamalapit na tindahan.
Para sa masusing babasahin tungkol sa Rules ng Impeachment Court maari kang bumisita dito: http://www.senate.gov.ph/15th_congress/resolutions/resno39.pdf. Pero kung tinatamad kang magbasa o talagang hindi mo lang maintindihan, aba eh gumawa ako ng primer para sa mga mahal kong magbabasa. Eto simulan na natin:
Sino ang mangunguna o presiding officer sa trial? Ang ating batang-batang Senate President na si Juan Ponce Enrile. Ayon sa Konstitusyon ang Chief Justice ang mangunguna sa impeachment process ng Presidente at sa ibang officers ang Senate President lang. (Rule II)
Ano ang ginagawa ng Presiding Officer? Bukod sa paghawak ng astig na masong tinatawag na “gavel,” ang presiding officer ang magsasabi kung tatanggapin (admissibility) ang isang ebidensyang ipi-presenta, kung ito ba’y may kinalaman (relevancy) o materyal sa trial. Ang kanyang pasya ay ituturing na pasya ng buong senado pwera na lang kung magpapasikat ang ibang senador at hihingi ng botohan dahil wala silang tiwala kay Tatang Johnny. (Rule VI)
Ang presiding officer din ay may kapangyarihang magpatupad ng utos ng impeachment court tulad ng pagkaladkad sa mga testigo papuntang Pasay, at pagbato ng maso sa mga makukulit na by-stander sa loob ng korte, na walang ginawa kundi mag text at itanong sa kaibigan kung nakukunan sila ng camera ng ANC. Kaya ring utusan ng Presiding Officer si Lito Lapid na kumuha ng tubig habang nagdedebate si Meriam at Joker. (Rule V)
Maari bang pilitin si Corona na sumipot sa trial? Ayon sa Rules, pinapatawag ang taong i-impeach at sagutin ang mga paratang sa kanya. Kung siya ay magpakita, ilalagay sa records ang kanyang pagdating, ilalagay din sa records ang pangalan ng baklang gumawa ng kanyang damit at materyales na ginamit. Maari ring magpadala ng ahente o abugado ang nasasakdal, tulad ni Midas pero dapat mahigpit ang pagkakalagay ng mga mic. So, hindi pipilitin si CJ na sumipot at maari niyang panoorin ang kanyang impeachment trial sa penthouse niya sa Fort habang nakataas ang paa at kumakain ng popcorn. (Rule IX)
Anong oras ang impeachment? Alas-dos ng hapon kasabay ng “Adam or Eve” (GMA) at “Heartstrings” (ABS-CBN). Malamang dali na rin ang “Gumapang Ka sa Lusak,” “Basahang Ginto” at “Angelito,” sorry guys. Maari ring magtalaga ng ibang oras ang Senado kung gusto nila at sana itapat sa “Kris TV” (Rule X & XI).
Sa dinami-dami ng abugado doon, ilang ang dapat umepal? Kung may testigong ipepresenta, isa (1) lang ang maaring mag-direct examination o magtanong, at isa lang din sa kabilang panig ang pwedeng magpa-iyak o mag-cross examination sa testigo. (Rule XV)
Pwede bang tanungin ng mga senador ang testigo? Yes. May dalawang (2) minuto ang bawat senador upang tanungin ang testigo, tulad ng kung ano ang kanyang zodiac sign at favorite color. Maari rin tanungin ng mga senador ang mismong mga prosecutors at defense lawyers kung saan sila nagpagupit at kung nagpiliyo na sila. (Rule XVII)
Maari ring maging testigo ang isang senador kung talagang matakaw siya sa atensiyon at gagawin niya yun sa kanyang kinauupuan at hindi sa witness stand, ano sila cheap? (XVI)
Bukas ba ang trial sa publiko? Yes. Ngunit dapat tahimik ang makikiusyoso kundi ay papalabasin sila ni Gringo at Trilianes at itatapon sa Manila Bay. (Rule XVIII)
Maari bang magsalita ang mga Senador, Prosecutors, Defense Lawyer sa publiko tungkol sa merito ng kaso? Hindi. Pero hindi bawal ang mag pa-cute sa camera. (Rule XVIII)
Gaano katagal pagdedebatihan ang mga tanong, motion ng bawat kampo? Isang (1) oras bawat kampo o hanggang matapos ang larong angy birds. (Rule XIX)
Ang bawat senador naman ay may 10 minuto (interlocutory) at 15 minuto (final question) para magtanong bago mag-rule sa mga motion ng bawat partido. (Rule XXII)
Sino ang unang magsasalita? Ang kaso ng bawat kampo ay bubuksan ng isang tao. Doon sasabihin niya ang kanilang theory at kung bakit sila ang paniniwalaan, kahit alam nating pare-pareho lang silang s****. Parang opening statement sa mga court drama series sa US. Meron ding final argument pagkatapos ng paglilitis na pwedeng gawin ng dalawang (2) tao bawat kampo, yung isa tagabuhat ng tasa ng kape. Ang mga prosecutor ang magbubukas at magsasara ng argumento, tawag dun partida. (Rule XX)
Paano ang proseso ng botohan ng mga senador? Pagkatapos ng trial ay magbobotohan ang mga senador sa bawat article o akusasyon. Kailangan ng 2/3 votes kahit sa anong article para ma-sustain ang impeachment. Kung hindi makalikom ng 2/3 votes sa bawat article (dahil kapos sa pondo), acquitted si CJ at ta-tumbling si GMA sa ospital kahit may neck brace. Walang motion for reconsideration sa acquital o conviction. (Rule XXI)
Tatawagin ng presiding officer ang bawat senador upang tumayo at sasagot ng “GUILTY,” “NOT GUITLY” o “KINDA.” Maaring ipaliwanag ng bawat senador ang kanilang hatol ng hindi hihigit sa dalawang (2) minuto. Huling boboto ang presiding officer. (Rule XXI)
Ano mangyayari kung guitly si CJ? E di aalis na siya sa pwesto at papalitan na siya ng bata ni PNoy. Kung not guitly naman, yari sa Supreme Court ang mga kaso ng kalaban ni CJ (payback!)
Ano mangyayari pagkatapos ng impeachment trial? Wala. Mahirap pa rin ang Pilipinas. Habang ang mga prosecutors ay tatakbong senador at ang ibang senador ay tatakbo para sa reelection.
————
“Impeachment is not a remedy for private wrongs; it’s a method of removing someone whose continued presence in office would cause grave danger to the nation.” - Charles Ruff


{ 15 comments… read them below or add one }
Basa muna. =)
Ano mangyayari pagkatapos ng impeachment trial?
Pwedeng madelay ng another 20-40 years ang distribution ng hacienda. =)
ahaha! nice one Sir Atty.
ang kulit ng pagkaka deliver. Pati mga palabas kabisado ni Sir Atty. Napaghahalataang nanonood din. Ahaha! Favorite part ko ung dulo kung anong mangyayari pagkatapos ng impeachment. ang kulit talga! ahaha!
Astig!
“Ano mangyayari pagkatapos ng impeachment trial? Wala. Mahirap pa rin ang Pilipinas. Habang ang mga prosecutors ay tatakbong senador at ang ibang senador ay tatakbo para sa reelection.”
Ang galing talaga nito.muntik na akong mapaiyak sa katatawa at kaiisip.Galing!
iba talaga si tito boy!
katatapos k lang panooriin ang impeachment. medyo bitin lang bukas na lang uli.
ang lulupet ng mga nasa defense team.
nanood ako kagabi ng news. sabi ni Sen Drilon INC ang supporter ni Justice Corona. e di ba ilag ang mga pulitiko sa INC dahil sa black vote kuno nila? wala lang.. wink
puro Prof ng law ang nasa defense at ung nasa kabila ay mga estudyante nila. malaki ang advantage.
anyway kung ano man ang kahihinatnan matanggal o hindi atleast ang demokrasya ay gumagana pa din sa pinas.
Ang tagal kong inaabangan ito akala ko di matutuloy kasi baka mag file nang TRO sa supreme court ang defense. Ang galing mo tito boy magpaliwanag pasok na pasok sa utak kong nag hahang….hehehhe musta na po…..?
guilty ba talaga si CJ?
hi brod share ko to sa blog ko. heheh
tama c atty..kung hindi me nagkakamali nung kasagsagan ng panunungkulan ni gloria..panay din ang pang-uupak ni cong escudero sa kanya..kita mo nung tumakbong senador si escudero nag number one cya..hehe..eh balita ko ninang sa kasal ni escudero c gloria..ganun lang kabilis ituin ang mga botanteng pilipino..
“Pwede bang tanungin ng mga senador ang testigo? Yes. May dalawang (2) minuto ang bawat senador upang tanungin ang testigo, tulad ng kung ano ang kanyang zodiac sign at favorite color. Maari rin tanungin ng mga senador ang mismong mga prosecutors at defense lawyers kung saan sila nagpagupit at kung nagpiliyo na sila. (Rule XVII)”
Sana pwede rin mag object ng defense sa line of questioning ng senator judges lalo na kung nagmimistulang prosecutors ang tanong nila. Actually pwede na ngang umuwi yung prosecution team kasi mga senators na gumugawa ng tarbaho nila.
Yes, kahit sa court ganyan kala mo pumapanig ang judge sa isang partido kung tanungin ang witness. Yun naman ay para mapalabas ang katotohanan, pero hindi mo rin maalis na isipin ang kanilang pinapanigan.
I do suggest to keep track of these senators’ questions and there you can make a rough calculation on how many will vote for or against impeachment of CJ Corona.
Sana the senators will be responsible enough to make their decisions after the impeachment proceedings… It’s only a yes or no on CJ Corona impeachment but beware, all of us voters are watching them… Hope the after this proceedings, the welfare of majority will always prevail..
SANA AFTER THIS IMPEACHNENT MAY MAGANDANG DULOT SA ATING BANSA ,AT SINO YONG MAY SAL SIYA ANG MAGDUROSA….,.,.,
Galing talaga ni tito Boy…..Tama ka Tito Boy wala namang magiging pagbabago ang ‘pinas maimpeach man o hindi si corona….