NAKAKASAWA NA. Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, ay puro mga mukha ng mga kandidato sa darating na halalan ang nakikita ko sa TV at naririnig ko sa radyo minu-minuto.
May sinusubukang mag-rap, may sinusubukang mag-palipad ng eroplano. May mga ubod ng pangit at hihirit pa nga mga linyang o tag line na sobrang corny (getz mo ba sinasabi ko?)
Yung iba, sa dami ng patalastas bawat segundo, ay mamumulat ka sa dami ng perang winawaldas. Kulang na lang ay bilhin na niya ang mga buong tv station, dahil pati sa mga programa nito ay andun pa rin siya.
Para silang tae ng aso na pakalat-kalat at makikita mo kahit saan.
Bakit nagkaganito?
Hindi na ba lantarang paglabag iyan sa premature campaigning?
Mali pala ako, ang tamang tanong dapat ay meron pa bang premature campaining?
Ang lahat ng ito ay nagsimula kay Rosalinda A. Penera. Siya ang salarin kung bakit tayo ngayon pinapatay ng mga korning patalastas ng mga pulitiko.
Tunghayan natin ang mala-telenobelang kwento sa likod ng mga ito:
PENERA CASE
Si Penera ay tumakbo sa halaan noong 2007 para sa Mayor ng Sta. Monica, Surigao del Norte. Isang araw bago ang campaign period, ay nag-motorcade at umikot itong si Penera sa iba’t-ibang barangay kasama ang kanyang mga ka-partido.
Syempre, hindi nag-atubili ang kalaban ni Penera, na si Edgar T. Andanar, at naghain ng disqualification case sa COMELEC laban kay Penera dahil sa premature campaigning.
Nakalagay kasi sa Section 79(a) ng Omnibus Election Code, na ang sinuman na maghain ng certificate of candidacy ang ituturing agad na kandidato at pinag-babawalang mangampanya nang hindi pa campaign period.
Habang dinidinig ng COMELEC ang reklamong premature campaigning laban kay Penera, ay nanalo ito bilang Mayor ng Sta. Monica noong May 14, 2007.
SA COMELEC
Noong July 24, 2007, ay nagpalabas ang COMELEC (2nd Division) ng Resolusyon at dinis-qualify si Penera dahil sa ginawa niyang premature campaigning.
Umapela si Penera sa COMELEC En Banc, ngunit ito ay binasura at inutusan si Penera na umalis sa kanyang posisiyon at pinapahalili ang Vice-Mayor bilang Mayor.
SA SUPREME COURT
Syempre, hindi umalis si Penera at bagkus ay umapela ito sa Korte Suprema kung saan napahinto ang pagpapababa sa kanya sa pwesto dahil sa TRO (Temporary Restraining Order) na nakuha niya.
Noong September 11, 2009 (ganda pa ng tiempo 9/11) ay nagpalabas ng Desisyon ang Korte Suprema at binasura ang apela ni Penera. Tulad ng naunang desisyon ng COMELEC, ay napatunayang gumawa ng premature campaigning si Penera kaya siya ay pinabababa sa pwesto at pinahahalili ang Vice-Mayor ng Sta. Monica.
Tulad ng inaasahan, hindi agad bumaba sa pwesto si Penera at sa halip ay nag-file pa siya ng Motion for Reconsideration sa Korte Suprema upang baliktarin ang Desisyon nito. Malimit lang kung mangyari na ang Korte Suprema ay binaligtad ang sarili nitong desisyon.
Ngunit noong November 25, 2009, ay nag-iba ang ihip ng hangin. Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon at pinagbigyan ang apela ni Penera.
RA 8436 (as amended by Section 13 of RA 9369)
Lumalabas na ang nagsalba kay Penera ay itong bagong batas na RA 8436 na nagbibigay ng kapangyarihan sa COMELEC na magsagawa ng automated elections.
Ayon sa Korte Suprema, nakasaad sa Section 15 ng RA 8436, na ang taong nag-file certificate of candidacy ay ituturing lang na kandidato sa pagsimula ng campaign period.
Ibig sabihin, kahit ang isang pulitiko ay nag-file na ng certificate of candidacy ay hindi pa siya ituturing na kandidato. Kung hindi pa siya tinuturing na kandidato, ay pwede pa siyang mangampanya ng walang kapararakan, tulad ng ginagawa nila ngayon.
Ang nakakatawa dito, ay maituturing lang silang kandidato kapag campaign period na. Syempre kapag campaign period na ay natural pwede na silang mangampanya ulit!
Sa madaling salita, ang RA8436 ay nag-abolish sa pagbabawal ng premature campaigning.
Amp!
Pina-ikot-ikot pa tayo ng batas, hindi na lang sabihin ng hayagan na wala nang premature campaigning! Period!
AIRTIME LIMIT
Ang campaign period ay magsisimula lang sa February 9 hanggang May 8, 2010. Dahil hindi pa campaign period (sa pagsulat nitong post na ito), ay wala pang airtime limit ang mga political ads.
Ngunit pagdating ng February 9, 2010 ay medyo makakahinga na tayo ng maluwag dahil dito na papasok ang airtime limit na 120 minuto sa TV at 180 minuto sa radio (60-90 sa local candidate) sa bawat kandidato sa boung campaign period.
Parang lumalabas ngayon, na mas restricted ang mga politiko during campaign period kumpara noong bago pa nito.
DEFEATS THE PURPOSE
Ang iniiwasan ng premature campaigning na hindi maging patas ang pangangampanya ay natupad dahil sa RA8436. Ang mga mayayaman ay kayang ibuhos ang kanilang mga makinarya kumpara sa mga kandidatong kulang sa pondo ngunit deserving na manalo.
Ang tanong, may aasahan ba tayo, e kung ang mga gumawa ng RA 8436 ay mga pulitiko rin?
Haiz…
——————-
“Everything is changing. People are taking their comedians seriously and the politicians as a joke.” – Will Rogers
Sources: ROSALINDA A. PENERA vs. COMMISSION ON ELECTIONS and EDGAR T. ANDANAR, G.R. No. 181613, September 11, 2009 and November 25, 2009; COMELEC Resolution No. 8646; REPUBLIC ACT NO. 9006, FAIR ELECTION ACT.


{ 19 comments… read them below or add one }
KAYA NAMAN PALA
ano ba tong batas natin, maraming amyenda…
eh kung alisin nalang ang lahat ng bawal!? sige labo labo na! haha! campaign kung campaign haha.
may kwento pala yan now ko lang nalaman, iba talaga dito! haha kadaming matututunan!
ayun naman pala…buti na lang panyero nag-post ka na about this, balak ko pa naman sana magreklamo, kasi may isang ad na misleading, nagkukunyaring piloto ba..eh kawawang juan dela cruz, madaling mapaniwala sa mga mapanlinlang na advertisements..hays…kaya pala naman ganito na ang nangyayari. eh paano na lang ang mga kapatid kong mangyan sa Mindoro?
salamat panyero at isang bagay na naman ang naliwanagan ang batangmangyan.
kaya pala kahit na nagfile na ang mga pulitko nang certificate of candidacy pasok pa sila sa premature campaigning dahil hindi pa naguumpisa ang campaign period… parang ang gulo nang batas…. hehehhe… cge mangampanya na kayo…wag na kayong mangurakot… PLEASE>>>>>>>>
Teka Tito Boy…. matanong ko lang… wala ka bang balak maging isang Pulitiko…? sa darating na panahon….. ( tanong lang po….)
Nadiskubre kasi ng mga pulitiko na ang idiot box ang sagot sa kanilang mga adhikain sa buhay. Pinoy kasi madaling mapaniwala basta makita sa TV, ‘di na alam kung ano ba ang posible at hindi, ano ba ang tunay o peke.
Pero ok na tip ito, mauwi ko lang mga langis ng middle east sa pinas kakandidato na rin ako hehe.
@ Bon, pera-pera na lang ang labanan. Sabi ni Villar dati, hindi ka mananalo ng pagka-presidente kung wala kang 1 bilyon. Ngayon, kanino babawiin ang perang winaldas nila?
@Batangmangyan, licensed pilot daw si Gibo ayon sa kanya. E anak mayaman kaya may perang pang-enroll sa flight school. Para daw pag pinatalsik siya, e siya na ang magkukusang magpapalipad ng eroplano haha.
@Xtremus, naku wala sa plano ko maging pulitiko. Gusto ko lang ng simpleng buhay hehe.
@ ferdz, tama ka dyan. Karamihan ng maralitang pinoy walang makain pero may TV. Eto ang pampalipas gutom bukod sa rugby hehe.
hmmmmm aba, mayaman naman talaga si villar
kaya ko nagtanong ako sa mga friends ko thru FB/twitter/plurk kung ganito nalang kaya : lahat ng pera ng mga kakandidato bilang pangulo ay gagamitin pambayad sa utang ng PINAS ang kanilang campaign fund,papayag kaya sila?
parang tanga naman pala ung batas ee.
gumawa ng batas against pre-mature
campaigning ta’s my batas din palang
ginawa na pambara sa batas na nauna.
anu yan lokohan??!!
Dota na lang ng magkaalaman!
@jonskie, naku para mo na ring sinabing mag-syota si villar at jamby hehe..
@AsOl, ok yang proposal mo, sino ba hero mo? Kaya ba niya si Pit Lord? haha
Onli in da Pilipins!
San ka pa? Kaya hindi na tumino buhay nating mga Pilipino kasi mga liders natin sablay, pati batas sablay…Kawawa naman tayo!
Eleksyon na naman..bolahan na naman!
Kaya dapat maging matalino na tayo..Ang karapatan natin sa pagboto hindi man magpabago sa buong bansa, magbago man lang sa ating sariling pagkatao…: )
@bryan, tama ka, pano hindi sasablay e ang mga iniisip lang ng mga pulitiko ay ang mga sarili nila. Kinakabahan na nga ako sa automated elections na yan, parang ngayon pa lang ay kinukondisyon na utak natin na may matinding dayaan na mangyayari.
Salamat pala sa pagbisita at welcome ka lagi dito kaibigan!
hindi naman talaga sablay ang batas eh, magaganda nga ang batas natin. kaya lang ngkataon na ang desisyon ng korte suprema hinggil sa kaso ni Penera ang syang ngbigay daan para mabago ang batas ukol sa premature campaigning. dba atty? kasi nagiging batas ang desisyon na ibinibigay ng korte.
@Jongskie, may punto ka, “judicial legislation” ang term diyan. Article 8 ng Civil Code: all judicial decisions of the supreme court is part of our legal system. Kaso kung sablay ang gawa, sablay din ang interpretasyon haha.
tama
nasa mga judge na yan.. hahahah
jurisprudence ika nga……
sabi pa nga nung isang kandidato sa interview kaya daw lumalaki ang gastos nila dahil mataas maningil ang tv stations… wahahaha what a flimsy excuse
the fact na tinaasan ang singil at kaya mo pa ring magbayad eh di lalo dumami political ads ng kandidato pag bumaba singil……what matters is regulated ang minutes of tv and radio political ads within the campaign period….
and take note, di daw babawiin ang ginastos sa kampanya,………hmmmm pano kaya? eh di naman tax deductible political contributions, wahahaha..again utang na loob kung sa bulsa ng mga hitik na hitik na negosynte ang pera…di nman cguro cla matatawag na pilantropo……he he ….. kung sariling bulsa naman ng politiko aba ewan na lang kung walang bawian….remember negosyante …… he he he return/profit/payback
@granger, magaling ang iyong mga komentaryo, nadagdagan nanaman ang mga iskolar na malalalim mag-isip dito sa ating site!
legislative is to enact laws,
executive is to enforce laws,
judiciary to interpret the application of the laws,
so everyone plays the part, kung palpak ginawa, palpak ang papatupad, di naman pede baguhin ng hudikatura ang batas kundi intindihin/ipaliwanag lamang…. he he he
talaga nga sigurong root of all evil itong pera. si penera talaga. . . pera-pera na lang tuloy. dami nga tayong batas, kulang lang ng implimentasyon. pero dami ring batas pala na kumukontra sa iba pa nating batas. butas na batas kung ganun.
{ 1 trackback }