NOW YOU KNOW: SINGKONG DULING

by Tito Boy on March 2, 2010

Bakasyon, walang pasok. Nakatambay lang sa bahay si Paolo at walang magawa habang naglilimahid sa pawis dahil sa sobrang init ng panahon. Parang nasa loob ng oven ang buong bahay dahil sa mababa ang kisame.

Gusto niyang bumili ng isang malamig at katakam-takam na ice cream sa katabing tindahan ni Mang Joey, ngunit pagbunot sa bulsa ay walang nakuha ni singkong duling.

Nakita ang pobreng pamangkin na si Robyn na naglalaro ng kanyang alkansiya. Binigyan ng biskwit na “tiger” ang bata at walang kamalay-malay na dinampot pala ni Paolo ang kanyang mumunting alkansiya at saka inupakan.

Nakadenggoy ng P120 na puro tig-25 sentimo ang magaling na tiyuhin at sabay diretso kay Mang Joey na halos malalag na ang shorts sa bigat ng mga barya.

Pagdating sa tindahan, “pabili nga po ng isang pint ng Selecta” sabay latag ng mga barya sa harap ni Mang Joey na nagkahulugan pa ang iba.

Binaba ang antipara, binilang ang barya at sinabi, “Hindi ko tatanggapin to, this is not a legal tender.

Ha? hindi ho peke to, totoong pera po ‘to,” sabay kamot sa ulo na wari ay nagtatanong.

Totoong pera yan, pero hindi yan legal tender. Lagpas ng 100 pesos,” paliwanag ng matanda at lumakad palabas ng tindahan papunta sa loob ng kanyang bahay.

Kunot ang noong at umalis si Paolo at dumeretso na lang sa computer shop para maglaro ng DOTA kasama si Asol, malamang doon ay tatanggapin ang kanyang mga barya.

Tama ba si Mang Joey na tinanggihan niya ang mga barya ni Paolo?

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 537, ang baryang 25 sentimo pababa ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P100.  At ang baryang 10 piso pababa (5 piso at piso) ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P1,000.

Ano ba ang legal tender?

Ito ay ang currency na maaring ipambayad sa pampubliko o pribadong utang at dapat tanggapin.

So kung hindi legal tender ang ipambabayad, maaring itong tanggihan ng babayaran mo. Isipin mo nalang, may utang ako sayo ng P1,000 tapos ipambabayad ko ay isang sakong saging. Payag ka ba?

Kaya kung may dala kang isang sakong barya galing sa pa-jueteng ng tatay mo at dadaan ka ng Louis Vuitton para bumili ng bag, e baka mapahiya ka kung hindi ito tanggapin ng manager ng tindahan kung nabasa niya ang post na ito.

Pero sa totoo lang, pera pa rin yan kahit barya, kaya tanggapin muna. Yung isang sakong saging ay kunin mo na rin at ilaga. Kaso ilang linggo ka rin constipated.

Yun lang po.

Isang walang kabuluhang impormasyon na naman mula kay Tito Boy.

Ang init, bili muna ako ng ice cream sa 711.

—————–

“Whoever said money can’t buy happiness simply didn’t know where to go shopping.” –  Bo Derek

{ 29 comments… read them below or add one }

ferdie March 2, 2010 at 7:11 pm

Hahaha! pampaalis ng init nga iyang ice cream na iyan. Dapat kasi kay , Tito nagbabasa muna siya dito sa BPSMU.
Pwede palang tanggihan ang ganun, kargadagan na naman pampa-impress ito..”That is not a legal tender juicy!” pero tama rin ang ginawa ni Tito na mag-DOTA na lang, sigurado patos sa computer shop iyon.

Reply

batangmangyan March 3, 2010 at 8:28 am

haha ayos ‘to. pano na yan, mahilig pa naman ako mag-ipon ng P5 at P10. salamat panyero!

Reply

Rob aka Tito Boy March 3, 2010 at 2:51 pm

@ferdz, gamit na gamit ni bonn at batangmangyan yan mga banat sa ganyan hehe…

@batangmangyan, ideretso mo sa bangko para palitan, o sa perya, yung hulog piso hehe

Reply

leemi March 3, 2010 at 10:46 pm

ang galing naman.. di ko lam na pwede palang tanggihan yung barya sa ilang circumstances, pero bakit po yung 5 at 10cents natin? di tinatanggap sa tindahan sa may sa min..prang ginawa lang para may panukli ang SM

Reply

Rob aka Tito Boy March 4, 2010 at 10:13 am

@leemi, dapat tanggapin nila yun pero ‘wag ka na makipag-away sa kanila ok? Ibigay mo na lang kay batangmangyan para ihulog sa kanyang alkansiya.

@Ronald Redito-Fight, legal tender pa yang kasi hanggang P1000 ang baryang piso, lima at sampu. Kaso gugulpihin ka naman ng konduktor!

@Asol & Paolo, the stories, events and characters in this publication are fictional. Any similarities to people living or dead are purely incidental.

Dami pang sinasabi, DOTA na lang para magkaalaman! hehe

Reply

Ronald Redito March 3, 2010 at 11:59 pm

Badtrip siguro kung pagbayad mo sa jeep papuntang Legazp,i suklian ang 500 pesos mo ng tig-pipiso. hehehe

Reply

AsOL March 4, 2010 at 9:47 am

WAsaK! Wahahahaha!
Adik ka Sir Atty. !
wahahaha! Pangalan
ko pa ginamit mo dito.
wahahaha! bigla ako napatawa
ng malakas dito sa trabaho ko
habang binabasa ko tong post mo.

muntik n tuloy akong
mahuli dito na nag oopen ako
ng ibang site. wahahaha!
muntik na mabuko pag nininja
ko. hahaha! Sir sinu c paolo?
kc ung malufit kong rival sa DOTA
paolo din name.. Co-incident lng ba to??

Wahahah! Astig sir! bagong Kaalaman
na muntik pa kong mapahamak..
Wahahahah! Astig!!!

Reply

paolo March 4, 2010 at 9:58 am

tae bat ksama pangalan ko jan…taenang asol 2//

Reply

AsOL March 4, 2010 at 11:59 am

wahaha! Tra! DOTA na lang! WAHAHAH!

Reply

paolo March 4, 2010 at 12:38 pm

tae ala kau maasahan kay asol weak yan….

Reply

hicort March 4, 2010 at 8:31 pm

Ipunin na lang sa bote ng mineral water at ibigay kay father. Di yan tatanggihan ng simbahan.

Reply

Rob aka Tito Boy March 5, 2010 at 8:01 am

welcome back hicort, tama ibigay niyo na lang kay father. Huwag sa sakristan baka bawasan ahihihi.

Reply

bontalampas March 6, 2010 at 11:38 am

ahaha may ganyan pala! now i know hehe.. mainit na! waaa mas mainit dito sa saudi!!

Reply

duking March 12, 2010 at 1:57 am

sa single transaction lang ba pwedeng i-deny yung issue ng legal tender?for example,nag bayad ako ng 100 pesos na tag be-bente singko tas pinapalitan ko ng bills na 20 pesos sa parehas na tindahan yung natitira kong 20 pesos na bente singko sentimos.ubra siguro ‘to kung since magkaibang transaction yung pagpapalit para mabili ko yung halaga ng ice cream.posible ba sir?

Reply

Rob aka Tito Boy March 12, 2010 at 12:26 pm

@duking, that is per single transaction. Ang pagpapapalit ay hindi kasama tulad ng sabi ni granger. Kung tatanggapin then well in good, kung hindi, wala tayong magagawa kasi may legal basis siya to refuse payment. Ang tanong, alam ba ito ng ordinaryong tao, bukod sa mga matatalino, naggwagwapuhan at naggagandahang readers ng panyero.net? :D

Reply

granger1220 March 12, 2010 at 10:11 am

di papasok sa katagang legal tender ang papalit ng pera (a legal tender is something when offered for payment extinguishes a debt) pero di ka rin pede magpumilit kung ayaw palitan… he he he

Reply

granger1220 March 12, 2010 at 12:37 pm

ayos!!!!!

Reply

jongskie721 March 13, 2010 at 9:57 pm

Pero sa totoo lang, pera pa rin yan kahit barya, kay tanggapin muna. Yung isang sakong saging ay kunin mo na rin at ilaga. Kaso ilang linggo ka rin constipated.–>ano kamo? kay tanggapin muna? hehehe

Reply

Rob aka Tito Boy March 14, 2010 at 9:54 am

@jongskie, you’re really back hehe..corrected by na po.

Reply

granger1220 March 14, 2010 at 10:16 am

pano kung bumibili ka tapos ayaw tanggapin at cnabi ba peke pera mo, eh alam mo na hindi peke dahil galing ng atm, ano dapat gawin?

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 3:27 pm

i am back na po talaga… ahahah ang kulit ko :D

Reply

conftradia March 30, 2010 at 10:24 pm

hahaha makulit ka rin pala Tito Boy!

Reply

Trudis May 20, 2010 at 5:27 pm

“Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 537, ang baryang 25 sentimo pababa ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P100. At ang baryang 10 piso pababa (5 piso at piso) ay legal tender sa halagang hindi lalampas ng P1,000.”

Naku, hindi ito alam ng Mommy ko! Bubuksan na kasi ang alkansiya ko, may toy akong gusto bilhin. Buti napadaan ako dito, kung hindi, tiyak mapapahiya na naman ako pag tinalakan ng Mommy ko ang cashier. Sasabihin nya, eh pera din naman yan ah, makakabuo ba ng piso kung walang sentimo?

Reply

Rob aka Tito Boy May 21, 2010 at 10:48 pm

haha, patay tayo dyan. baka hindi rin alam ng kahera, so dont worry

Reply

Jet July 11, 2010 at 4:25 am

pano maglagay ng picture???
…meron pang mukang aso

Reply

Jet July 11, 2010 at 4:26 am

..ano ba tong picture ko?? uod ba to??

Reply

mile September 2, 2010 at 12:03 am

di naman mukang maggot,parang crab.. ano kaya ung picture ko pag na post tong msg ko? aliw!!

Reply

mile September 2, 2010 at 12:04 am

waaaaa parang chicken. heheheh! aliw naman!

Reply

mile September 2, 2010 at 12:04 am

ay di na nagbago..

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: