PASKO=PERA: HOLIDAY PAY

by Rob aka Tito Boy on December 21, 2009

KUNG 13th MONTH PAY ang pag-uusapan, malamang ay marami na sa atin ang nakatanggap na at nasunog na rin bago pa masikatan ng araw ng pasko.

Ngunit hindi pa huli ang lahat.  Pasko ay hindi lamang para sa walang patumangkang gastos kundi magiging isang opurtunidad para sa mga malalamig ang pasko at mga pyromaniacs.

Oo, kayong mga malalamig ang pasko na walang gagawin sa ika-24 ng Disyembre kundi mag-senti habang pinapanood ang John Lloyd-Bea love team sa Cinema One sabay tulo ang luha sa pisngi.

At para naman sa mga takaw paputok at mahilig magsindi ng super lolo habang lasing tuwing bagong taon.

Imbes na lumuha kayo o bago pa mabawasan ang mga daliri ninyo, e bakit hindi na lang kayo pumasok sa trabaho?

Ito’y pinapalagay ko na bukas ang opisina ninyo at papayagan kayong pumasok (tulad ng mga call center) sa holiday. Kung hindi, alangan bang samahan ninyo si manong guard sa shift niya, walang bayad yun, bakit gwardya ka ba? Kaya ituloy mo na lang ang panonood kay John Lloyd habang nagsisindi ng bawang.

Sigurado hindi masasayang ang oras mo at maari kang kumita ng higit pa sa doble ng kinikita mo sa isang araw. Yan ang holiday pay.

DEFINITION OF TERMS

Bago ko banatan ang topic na ito ay punta muna tayo sa glossary:

Regular Work Day -  Yan ang araw na may pasok ka at dapat nagta-trabaho kesa gumagawa ng walang kabuluhang bagay tulad ng pagbabasa ng blog.

Rest Day – Yan ang 2 araw na walang pasok sa loob ng isang linggong pagtatrabaho. Karamihan sa atin ay Sabado at Linggo ang rest day. Sa mga shifting ay irregular ang rest day at pwede pumalo ng Lunes hanggang Byernes.

Regular Holiday – Yan ang mga takdang araw ng batas na walang pasok. Oo,  sila yung kulay pula sa kalendaryo kahit hindi araw ng Linggo. Sa paksang ito, ang regular holiday ay December 25, 30 (Rizal Day), January 1 (New Year’s Day).

Special Non-Working Day – Mga araw na hindi naman kulay pula sa kalendaryo ngunit dineklarang holiday ni Gloria para makapangampanya pa siya ng matagal sa Pampanga. Sa paksang ito ang special non-working day ay December 24 at 31.

Overtime pay – 25% na dagdag bayad pagkatapos ng ika-8 oras (30% kapag holiday pay).

Night Shift Differential – 10% na dagdag kapag nagtrabaho ka ng mula 10pm – 6am bukod sa overtime pay.

P.S. May bayad ka sa Regular Holiday at Special Non-Working Day kahit hindi ka pumasok sa araw na ito. Ngunit, datapwat, subalit… dapat hindi ka umabsent sa araw bago ng holiday o special non-working day o di kaya naka leave ka with pay.

Kaya’t kung absent ka nung December 29 isang araw bago ang December 30, wala kang bayad sa December 30 kahit regular holiday yan. Iniiwasan kasi ng batas na lumiban ng 2 araw na magkasunod ang empleyado kasi iniisip niya na may bayad naman siya kapag holiday. Kaya bago mo pa naisip yan ay butata ka na hehe.

KWENTAHAN

Naku, mapapalaban na naman ako sa kwentahan nito. Kaya nga ako nag-abugado para walang math, edi sana nag-accountant na lang ako. Teka, kukuha muna ako ng tissue paper baka dumugo ilong ko.

Yan ok na. Pwes…ilabas ang mahiwagang calculator!

Ipalagay natin na minimum wage earner ka sa NCR (P382/day)

SCENARIO No. 1

1. Pumasok ka ng Regular Holiday (Dec. 25, 30, Jan 1)

a) Unang 8 oras mo doble!

Formula: 200%

Sample: P382 x 2 =  P764

b) Sinipag ka at lumagpas ng 8 oras.

Formula: 200% + 30% hourly rate noong araw na yun.

Sample: P764/8 oras = P95.5 (hourly rate)

P95.5 + P28.65 (30%) = P124.15 per hour overtime

P764 + P124.15 bawat oras ng overtime bayad sayo!

c) E kung regular holiday na, rest day mo pa! (Hayup!)

Formula: 200% + 30%

Sample: P764 + 229.2 = P993.2 bayad sayo!

d) Regular holiday na, rest day mo pa at sinipag kapa kaya lumagpas ka ng 8 oras! (Lufet!)

Formula: 200% + 30% + 30% of hourly rate noong araw na yun

Sample: P993.2/8 oras = P124.15 (hourly rate)

124.15 + P37.245 (30%) = P161.395 per hour overtime

P993.2 + P161.395 bawat oras ng overtime bayad sayo!

e) E pano kung regular holiday na, rest day mo pa, overtime ka pa at nag-trabaho ka pa sa loob ng 10pm – 6am (OMG!)

Formula: 200% + 30% + 30% of hourly rate noong araw na yun, bukod pa sa dagdag na 10% of hourly rate noong araw na yun

Sample: P993.2 + P161.395 bawat oras ng overtime, dagdagan mo pa ng 10% hourly rate na tinarabaho mo sa loob ng 10pm-6am ang bayad sayo!

SCENARIO No.2

Pumasok ka ng Special Non-Working Day (Dec. 24, 31)

Ayoko na suko nako…ubos na tissue paper dito at puro dugo na yung t-shirt ko. Walang nang sample, formula na lang.

a) Basta, pareho lang kwenta ng regular holiday day pay na nasa itaas kaso 130% lang. Plus 30% hourly rate kung may overtime.

b) Kung natapat naman sa rest day mo ay 150% bayad sayo. Plus 30% hourly rate kung may overtime.

c) Kung nagtrabaho ka ng 10pm-6am, ay dagdagan mo lang ng 10% night differrential.

Yan, sana nakumbinse ko kayong maging produktibo itong darating na pyesta opisyal. Ang basehan ko ay minimum wage lang kaya malamang ay mas malaki pa diyan ang kikitain mo.

Kung may mali sa computation ko…sorry tao lang.

———–

“From a commercial point of view, if Christmas did not exist it would be necessary to invent it.”

- Katharine Whitehorn

{ 14 comments… read them below or add one }

karoger December 21, 2009 at 9:27 am

nalito ako sa computation. hahaha.
pero okay. though hindi pa siya makakatulong sken ngayon, im sure makakatulong siya sa akin sa future.
i doubt kung alam ng mga ordinaryong workers ang ganitong mga bagay. sana alam nila kasi pag hindi, madali silang maloko. andami pa namang sakim ngayon :)

Reply

Tito Boy December 21, 2009 at 2:20 pm

ka roger, nalito kaba? pareho siguro tayong hanggang math 11 lang inabot sa peyups haha..

Reply

karoger December 23, 2009 at 5:10 am

nag math17 akooooo! hahaha.

Reply

Babs December 21, 2009 at 2:58 pm

ay.. akala ko may free trip nako sa maguindanao.. hehehe.. thanks po sa post tito boy! another nice to know moment.. XD

Reply

naglalambingnacute December 22, 2009 at 1:41 am

hahaha natawa naman ako sa expalnation mo tito b :) ang kulet ako basta may math pinalalampas ko yan pero eto… interesting sya.. ako laging ot kaso hindi rin nabibigay yun pinag paguran ko. . sa overtime nalang kung anong rate ko yun din ang bayad sa sobrang oras ko ng pag tatrabaho… pati linggo na dapat ay rest day ko ay napipilitan akong pumasok ganon pa din isang araw lang ang bayad ay walang overtime pay… hmmmm
pwede na ba ireklamo ang kuripot kong boss?

Reply

Tito Boy December 22, 2009 at 3:31 am

@Babs, be careful what you wish for haha.

@queen of lambing, pwede! but first pls. read my next post so that you would know if this law is applicable to you.

Reply

onesounddrum January 6, 2010 at 6:16 pm

ngek nadaya ako ng last company ko ah..grrrrr!!!..late ko kasi nakita ito eh..2007 pa yun..peace atty!!

Reply

Rob aka Tito Boy January 6, 2010 at 11:52 pm

Moving forward, ang improtante ay hindi ka na madadaya sa susunod!

Reply

einjel January 5, 2011 at 7:58 am

hi just wanna ask regarding sa rule ng tax exemption every dec.Im working in a call center and nitong nakaraan napansin nmin n may tax yung salary namin for that month. Base po kc sa kawork nmin dapat walang tax ang lahat ng employee pag year end. meaning dapat kumpleto yung makuha nming salary sa month ng dec. were all hoping for your immediate response tenks =)

Reply

granger January 5, 2011 at 9:49 am

of course not coconut :)

Reply

cutie April 28, 2011 at 5:44 pm

pano pag legal holiday at rest day ko pero di ako pumasok, 100% ba o 130% ang bayad?

Reply

marimar July 14, 2011 at 9:22 am

hindi ka naman pala pumasok, makatwiran lamang na hindi ka bayaran ng additional 30%..

Reply

peng navarrete July 12, 2011 at 2:26 pm

dun sa “P.S.” niyo po, kahit ho ba hindi pumasok sa special non working holiday eh may bayad?san po iaapply ung no work, no pay?salamat po…

Reply

marimar July 14, 2011 at 9:30 am

sa palagay ko po dito pumapasok kung daily rated ka or monthly rated ka…dun po mai aaply ang no work no pay kapag special non-working holiday..

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: