BITUING WALANG NINGNING

by Tito Boy on May 16, 2010

Mas masakit daw ang salita kesa sa suntok.

Kapag sinapak ka, black eye tiyak. Ngunit ilang linggo lang gagaling na.

Pero kung pinagmumura ka at kung ano-anong pangalan ang tinawag sayo sa harap ng madla, hindi ito agad-agad mabubura sa isipan ng mga tao.

Di tulad ng pasa at sakit ng katawan, hindi tatalab ang Alaxan sa mga masasamang salitang binitawan laban sayo.

Ano ba ang pananagutan ng taong matalim ang dila?

Ito ang Slander na nasa Article 358 ng Revised Penal Code.

Ang slander ay parang libel ngunit imbes na sulat, salita ang ginamit para manira o mang-insulto kaya ang tawag din dito ay “oral defamation.

Meron ding kasong tinatawag sa Slander by Deed. Eto ay para sa mga taong hindi masalita at bigla na lang nananampal parang si Cherie Gil at Amor Powers o ‘di kaya sa mga egoy na mahilig mag dirty finger.

Kaya nga “by deed” kasi ibig sabihin ay gawa at hindi salita, ngunit ganon pa rin ang intensiyon – ang manira ng puri ng isang tao sa harap ng madla.

Dalawa ang klase ng oral defamation: grave at slight.

Ang grave oral defamation ay may parusang maaring umabot sa isang (1) buwang kulong hanggang anim (6) na taon (arresto mayor to prision correccional).

Samantalang ang slight oral defamation ay may parusa lamang na kulong ng 1 araw hanggang 1 buwan at multa na tumatagingting na P200.

Villanueva vs. People

 

Para malaman kung grave o slight oral defamation ang kaso dapat ikonsidera ang 1) salitang ginamit, 2) ang estado ng taong minura o ininsulto at ang relasyon niya sa taong nirereklamo, 3) at ang mga nakapaligid na kwento sa likod ng insidente.

Halimbawa, kung isang kagalang-galang na tao at may pangalan sa kumunidad ang pinahiya mo sa harap ng mga tao, syempre grave oral defamation yun, kumpara sa isang adik at tambay lang sa kanto.

Dito papasok ang kaso ng isang Vice-Mayor at Konsehal ng Bayan ng Concepcion, Tarlac.

Opo mga kababayan, ang mga taong tinaguriang “Honorable” na dapat maging mabuting ihemplo sa kanilang kinasasakupan ay nagmurahan at nag-pakyuhan na parang mga walang pinag-aralan.

Tunghayan natin.

Noon ika-12 ng Septyembre taong 1994, inutusan ni Konsehal Noel Villanueva ang kanyang alalay na pumunta sa opisina ni Vice-Mayor Yolanda Castro upang magpapirma ng kanyang monetized leave.

Dahil may namamagitan nang masamang tinapay sa pagitan ng dalawa, etong si Vice ay pinangatawanan ang kanyang pagiging empleyado ng gobyerno at nagpatumpik-tumpik at hindi agad pinirmahan ang monetized leave ni Konsehal.

Siyempre asar talo itong si Konsehal dahil gusto na niyang makuha ang kanyang monetized leave para pang-inom, kaya sumugod sa opisina ng kalaban habang may dala-dalang red wine at ibinuhos sa mukhang ng bise-mayora habang sinabi ang mga katagang,“You’re nothing but a second grade, trying hard copy cat!”

 

Ay sori, napadalas kasi panonood ko ng Cinema One, nalito tuloy ako, teka basahin ko ulit yung kaso, wait…

Base sa Google, eto daw ang sinabi ng nagngingitngit na si Konsehal kay Vice sa harap ng maraming tao sa loob ng munisipyo:

“Magmalinis ka, ena ka man malinis, garapal ka”

 

 

“Balamu mansanas kang malutu, pero king kilub ularan ka, tiktak karinat.”

Naintindihan mo? Ako rin eh, hindi. Siguro kung ako ang sinabihan niyan ay ngingitian ko na lang siya.

Dahil walang subtitle sa blog, eto ang Tagalog translation:

“Nagmamalinis ka, e marumi ka naman at sinungaling, kurap”

 

“Para kang mansanas, pulang-pula sa labas pero sa loob, inuuod at nabubulok.”

Hindi naman nagpatalo etong si Vice at binato ng bote ng coke si Konsehal na may pagka-matrix kaya’t naka-ilag at tinamaan ang isang kawawang baranggay captain na napadaan lang sa munisipyo para humingi ng balato sa jueteng.

Kaya umatras etong si Konsehal at nagpabaon na lang ng “dirty finger” kay Vice.

Ang galing diba? Daig pa ang mga tindera sa palengke at iskwater sa kalye kung mag-away ang mga kagalang-galang na mga opisyal ng gobyerno.

Hatol

Sinampahan ng kasong Grave Oral Defamation at Serious Slander by Deed si Konsehal kung saan hinatulan siya ng Municipal Trial Court na makulong ng 4 na buwan hanggang 1 taon at pinagbabayad ng halangang P50,000.00 bilang moral damages at P30,000.00 bilang attorney’s fees.

Umapela si Konsehal sa Regional Trial Court ngunit napasama pa ata dahil tinaasan ang parusang kulong sa 3 buwan hanggang 2 taon at dinagdagan ang multa ng P100,000.00.

Kaya umapela ulit sa Court of Appeals si Konsehal ngunit bokya pa rin siya dahil sumang-ayon lang ang CA sa hatol ng RTC ngunit binawasan naman ang multa ng P50,000.00

Saan pa ang takbo ni Konsehal kundi sa Korte Suprema.

Slight Oral Defamation & Simple Slander by Deed

 

Mukhang siguradong sa kalaboso na bagsak ni Konsehal. Isipin mo, tatlong korte na ang naghatol, mula sa MTC, RTC at Court of Appeals.

Lahat sila nagsasabi, Grave Oral Defamation ang kaso ng Konsehal. Bakit nga naman hindi? Isang taong may posisyon sa pamahalaan ang offended party.

Sumang-ayon kaya ang Korte Suprema?

Sabi ng Korte Suprema kapag ang masasamang salitang binitiwan ay gawa ng bugso ng damdamin (in the heat of anger) at may kasamang pambubuyo at may kasalanan din ang taong pinagmumura (provocation on the part of the offended party), maituturing lang itong Slight Oral Defamation.

Sa kasong ito, kaya naman na-trash talk ni Konsehal si Vice ay dahil ayaw pirmahan ng huli ang monetized leave ng akusado. Pakiramdam kasi ng Konsehal ay pinagmumukha siyang nanlilimos sa bagay na dapat ay ibigay naman sa kanya at ito ang kanyang monetized leave. At bukod pa doon, ay hindi pa “in good terms” ang dalawa. Teka, nabanggit ko bang binato ni rin pala ni Vice ng bote ng Coke si Konsehal?

Kaya ang pakay talaga ng pagbibitaw ng mga matatalim na salita ni Konsehal ay hindi para insultuhin si Vice o sirain ang kanyang reputasyon kundi para ilabas ang galit at pagkamuhi.

PI

Tulad yan ng pasasabi ng katagang “putang ina mo.”

Hindi naman talaga sinasabi ito upang mang-insulto dahil kung tutuusin hindi naman siguro literal na “puta” nga ang nanay ng minura, kundi isa itong “expression of anger or displeasure.

Kaya kung ang pagmumura ay dala ng bugso ng damdamin, slight oral defamation lang ang kaso.

Ang ginawang pagtuturo ng gitnang daliri ni Konsehal kay Vice ay tinuturing din na simple slander by deed ng Korte Suprema.

Ang ibig sabihin ng middle finger ay “fuck you” at hindi naman siguro intensiyon ni Konsehal na makipag jer-jer kay Vice, kundi ito’y nagawa dahil rin sa pagkamuhi at galit.

Kasama rin pala sa simple slander by deed ang pananampal.

Hindi naman daw kinukunsinte ng Korte Suprema ang ginawa ni Konsehal kaya pinarusahan pa rin siya ng multang P400 sa dalawang kaso at tinanggal ang moral damages at attorney’s fees na pinataw ng Court of Appeals.

Kaya ang moral ng story? Magmura hanggang sa gusto mo dahil P200 lang ang multa.

Talking about cheap shot. Hay, another loophole…


 

————–

A bad word whispered will echo a hundred miles – Chinese Proverbs

{ 52 comments… read them below or add one }

batangmangyan May 16, 2010 at 1:20 pm

Basa muna :)

Reply

batangmangyan May 16, 2010 at 1:29 pm

“Kaya ang moral ng story? Magmura hanggang sa gusto mo dahil P200 lang ang multa.” TARAGIS. I LIKE THIS. hahaha. ayos to panyero.

Reply

Habeas Corpuz April 19, 2011 at 4:01 pm

200 lng ang multa pero napakalaki nmn gagastusin mo sa pagdedepensa sa sarili mo, better not do it.

Reply

mai May 16, 2010 at 1:56 pm

hey, sa “amin” to ah.. & in fairness c noel villanueva ay mayor na ng concepcion, tarlac ngayn.. o di ba.. san ka pa?!

Reply

mai May 16, 2010 at 1:58 pm

at naintindihan ko un, w/ or w/o tagalog subtitle.. :p

tiktak karinat… aylabit… :)

Reply

Tito Boy May 18, 2010 at 9:24 pm

tiktak? kailangan yun para hindi bad breath kapag nagmumura

Reply

mai May 19, 2010 at 11:56 am

corny to nth level.. hehe..

Reply

HOKENS May 16, 2010 at 2:16 pm

nakanang…. e yung batuhan ng putik, burak at mga sangkatutak na siraan ng mga kandidato sa nakaraang eleksyon, pasok din ba dito ang mga iyon. . . may acronym pa si sen. cayetano na “topak”. ngiyaaaaaaaaah.

Reply

ferdie May 16, 2010 at 3:34 pm

Hahaha ayus ito biglang nagiging cinema one.

Naintindihan ko rin ang pagkakaiba slander at libel.
At meron din palang grave at slight, salamat Atty.

Pangbili ko na lang ng halo-halo ang P200 ko, kesa murahin ko yung kaaway ko, masaya ka na busog ka pa.

Reply

Manay Cristy May 16, 2010 at 5:13 pm

Unang linya pa lang ng entry na ‘to, sapol na ako—-sagad hanggang buto! Ang mga maaanghang ang bibig diyan, matutong mag-shut up muna ng 10 seconds at pag-isipan ang sasabihin kung makakasama o hindi. Ang salitang nabitawan ay mahirap bawiin, unless ikaw si Toting Bawi aka former Sec. Ignacio Bunye :D

Take it from me, Manay Cristy: “I eat libel suits for breakfast.”

Reply

duking May 16, 2010 at 7:14 pm

hahaha!!!

natatawa ako kung paano sinalaysay yung mga pangyayari eh.pero teka?!hindi ba’t lahat naman ng pagmumura eh dahil sa bugso lang ng damdamin?

Reply

granger1220 May 17, 2010 at 12:19 pm

yung iba nga expression lang or trip lang

Reply

Sphere May 17, 2010 at 12:20 pm

ahahaha Duking kamusta? hindi din lahat dahil sa bugso ng damdamin meron din xpresyon o kaya naman pag nagugulat :-)

Reply

duking May 17, 2010 at 9:56 pm

dun na lang ako kay pareng leo…

taragis!!!!

Reply

joyce May 17, 2010 at 12:16 pm

yun pala ang pagkakaiba ng libel at slander…salamat po at naunawaan ko ng mas mabuti…

Reply

Sphere May 17, 2010 at 12:19 pm

hahahaha!!!:-) sobra ang tawa ko ang galing galing clap clap!!!

mas maganda talagang nailalabas ang galit mo kesa naman tinatago mo ng matagal kaya ano pa hinihintay mo ilabas mo galit mo baka magkasakit ka pa sa puso nyan P200.00 lng naman…

Reply

AsOL May 17, 2010 at 1:30 pm

Ayus tong post nio ngaun Sir. Tagal niong nawala nag # 3 tuloy ung blog site nio before. Pero ngaun #1 ulit! Iba ka tlaga Sir Atty.

200 lang pala katapat ng pagmumura. Ayus un. Pam pagaan ng damdamin. hehehe. Mas Isang tao akong gustong murahin kc grabe ang hangin. Pde ko bang murahin un kasi naaangasan ako? Simbuyo naman ng damdamin yun diba?

Si manay Cristy po ba e si Cristy fermin talaga ung artista? Curious lng po.. hehehe

Reply

Manay Cristy May 17, 2010 at 7:27 pm

Asol, kelan pa ako naging artista? May nilabasan ba akong teleserye o pelikula? Hanggang tsismis columns sa Remate, pocket book ni Inday (yessss, author ako!) at mga entertainment talk show lang ako. Walang akting involved hehe.

Sa tanong mo kung ako talaga si Cristy Fermin, isa lang ang maisasagot ko dyan: SIKWET! Hindi ka kasi umatend ng EB eh!

Reply

AsOL May 18, 2010 at 7:05 am

hehehe! adik ka Maam Cristy… secret secret ka pa. what are classmates for? tama ba grammar ko? hehehe!

Reply

Manay Cristy May 18, 2010 at 7:18 am

Wag mo akong tanungin sa grammar grammar na ‘yan at hindi chinecheck ang grammar namin sa Bulgar. Pero mukhang tama naman ahihi

Reply

iami May 17, 2010 at 3:11 pm

criminal case ang slander? if so, hindi pala lahat ng criminal cases e nakakatakot. P200 lang naman pala.

Reply

granger1220 May 17, 2010 at 4:08 pm

yes criminal offense

Reply

Tito Boy May 18, 2010 at 9:35 pm

pero kasama sa criminal record mo yun. marami pa criminal offense na P200 lang ang fine.

Reply

granger1220 May 17, 2010 at 3:11 pm

pede basta ba handa ka rin makulong ng 1-30 days kung sakali lang na yun ang ipataw sayo plus 200 pesos, he he

Reply

lee mi May 18, 2010 at 5:06 am

bakit po Sir P200 lang?

ke dami kase murador ngayon..

Reply

granger May 18, 2010 at 9:49 am

yun ang nasa RPC, at saka light offense kasi yan, pero may arresto menor pa in addition sa P200 depende na sa circumstances ng kaso

Reply

Tito Boy May 18, 2010 at 9:20 pm

E kasi kopong-kopong pa yang batas na yan (1930′s). Yung P200 noon baka P200,000.00 katumbas ngayon.

Reply

Kirschen May 18, 2010 at 10:10 am

pra akong nanood ng action movie sa cinema one lolz… galing !!!

pero sayang ang 200…ikakain ko n lng sa jolibi ung galit ko mkkapag ice cream p ko lolz!

Reply

Doc T May 18, 2010 at 2:00 pm

Galing! Nakakalito na talaga minsan yang slander at libel na ‘yan…

Reply

ms hopeful May 20, 2010 at 5:43 pm

gud pm tito boy,

slander din ba yun, pag ang collector ng credit card ay nangiinsulto at nagmumura?

Reply

Tito Boy May 21, 2010 at 10:39 pm

ya, i think so.

Reply

granger May 20, 2010 at 6:08 pm

oo naman

Reply

iami May 21, 2010 at 12:27 pm

e kung totoo ang insulto? slander pa din?

Reply

granger May 21, 2010 at 12:44 pm

yes

Reply

ms hopeful May 21, 2010 at 4:48 pm

yung libel maski tutuo yung sinulat , paano ang freedom of the press

Reply

Tito Boy May 21, 2010 at 10:40 pm

kung may malice, libel pa rin. ang libel ang limitation ng free speech. free speech is not absolute.

Reply

granger May 21, 2010 at 4:59 pm

Art. 354. Requirement for publicity. — Every defamatory imputation is presumed to be malicious, even if it be true, if no good intention and justifiable motive for making it is shown, except in the following cases:

1. A private communication made by any person to another in the performance of any legal, moral or social duty; and

2. A fair and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative or other official proceedings which are not of confidential nature, or of any statement, report or speech delivered in said proceedings, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.

Reply

granger May 21, 2010 at 5:02 pm

one cannot trample on the rights of others and hide under the constitutional guarantee of freedom of expression, indeed freedom has limitations

Reply

ms hopeful May 21, 2010 at 6:08 pm

paano yung nakikita natin sa classified ads na nag papublish ng name at picture ng terminated employees lalo na yung mga estafa case ? pwede ba yun?

Reply

Tito Boy May 21, 2010 at 10:42 pm

pwede yun. wala naman malice yun, they are merely informing the public. masama kung sinasabi nila na ang taong nasa ad ay babaero.

Reply

bonistation May 24, 2010 at 12:14 am

haha kelan ba magmamahal yan mga multa nayan? dapat siguru pag gumawa ng batas may nakasaad na agad na after 10years automatic tataas ng ilang percent ang fine. para hindi na kailangan ng mga amendments pa na sigurado naman kaseng hindi magagawa ng mga busy nating mambabatas.. hays..

anyway, tito b, pag ba sinabi halimbaawa na bilanggo mula 4 na buwan hanggang isang taon, alin talaga dun? makukulong lang ng 4months? or 1year talaga un tapos depende nalang kung after 4months pede ka ng palayain? which is which? depende ba sa jack en poy ? hihi

Reply

Rob aka Tito Boy May 24, 2010 at 7:49 am

Meron kasi tayong intermediate sentence law. Ang judge ang nagko-compute ilang taon ang ipapataw depende sa circumstance. Pwede bumaba kung may mitigating circumstances o tumaas kung may aggravating circumstances.

Laging dalawa ang period na binibigay, kung mabait siya sa loob ng piitan, yung mas maigsing panahon ay sapat na. Kung pasaway, i-serve sa kanya ang full term. Ang Bureau of Jail na bahala diyan.

Reply

Jet July 16, 2010 at 7:05 pm

…sana ganito magsulat lahat ng justice para di mahirap intindihin, nakakatawa pa. ^_^

Reply

Tito Boy July 17, 2010 at 6:18 pm

Sige Jet pagna-appoint ako sa SC hehe…

Reply

Jocelyn November 15, 2010 at 9:01 pm

oooyyyyy…..tga concepcion ako ha….grabe nman c mayor noel pumapatol sa babae…well tlagang ganyan my dahilan kc siya para magalit ng ganyan….salamat sa story nyo ngayon alam ko na
ang kaibahan ng slight at grave oral defamation

Reply

mhe August 10, 2011 at 1:42 pm

magandang araw po sa inyo! may isasangguni po sana ako naway matulungan po ninyo kami!
ganito po kc ang nangyari

ung kuya ko po nagpapautang ng pera, meron pong kaming kapitbahay na lumapit kay kuya para umutang at the same time maggagarantor din po sa ibang tao! noong una maganda naman pong magbayad kaso nung tumagal pumapalya na po at marami po syang ginarantoran na tao ang siste po pala nun nalaman ng kuya ko nung minsan na naningil sya sa isang may utang sa kanya na ginarantoran nung taong un nag talo po ang kuya ko at ung taong nangutang kc po kinukuha na po nung nangutang ung atm nya kc bayad na raw sya ayw pong ibigay ng kuya ko ung atm kc po nkulang pa raw po ang bayad nya at nauwi po un sa sigawan at pag tatalo na muntik ng magpang abot. at nalaman po ng kuya ko na 2000 lang pala ang alam na utang nung taong un pero ang hiniram garantor eh 3000. so ung 1000 pala ay kay garantor po. kaya po pinuntahan po ng kuya ko si garandor sa galit po nya ay nasampal po nya ito kahit po itong si garantor ay babae dahil nalaman pa ni kuya sa lahat po pala ng ginarantoran nito ay sinabitan nito o dinagdagan ang utang at ung ibang binabayad ng mga ginarantoran nito ay di nakakarating sa kuya ko! kaya malaki na po ang inabot ng perang inutang ng ni garantor! ngaun po nagreklamo po si garantor sa barangay at kusang loob naman pong sumama si kuya at inamin na nasampal nya si garantor dahil nga po nangyaring iun at nagsampa po ng kaso si garantor kay kuya na slander by deed at threat po at ang ginawa po ni kuya sinampahan din po ng kaso si garantor ng estafa sa panlilinlang at panloloko at di pagbabayad ng utang!
ano po ang opinyon po ninyo dito? naway matulungan po ninyo kami! maraming salamat po! and GOD BLESS!

Reply

liza October 12, 2011 at 2:20 am

Ask lang po ng advice … ung mother ko po denemanda ng Grave Oral Defamation ng 2 Brgy. Kagawad at Ex Oficio….Nagkaroon po ng 2 magkasunong na mediation kaso di po nagkaayos kasi po both parties po di nakipagsettle…eto po story..sidewalk vendor po ang mother at ex kagawad din po ang mother ko, nagkaroon po ng clearing operation ng mga sidewalk vendor last Feb.2011,, ung ex oficio Tim ay dumating sa pwesto ng mga sidewalk vendor na may dala dalang batuta at nagmumuran ng “Mga Put…Ina nyo magsilayas kayo dito”…narinig po iyon ng maother ko at hinarap nia si ex oficio tim at sinagot nya ng “HOY GAGO BAKIT MO KMI PINALALAYAS EH DITO NA AKO TUMANDA, KUNG MAY CLEARING OPERATION BAKIT KMI LANG ,BAKIT HIND LAHAT NG VENDOR, BAKIT UNG IBANG KAGAWAD NA MAY PWESTO DIN HINDE NYO PINAALIS BKIT KAMI LANG?” Habang ung 2 Kagawad (A) at (B) ay nasa bandang likuran lang at naka focus naman sa ibang vendor na nagrereklamo din …Sabay dating ng kapatid kong lalaki at nagsalita kay ex oficio Tim ng ” Bakit mo minumura ang nanay ko..Na agad namang sinagot ni ex ofcio tim ng ” Bakit may reklamo ka?..sabay amba ng BATUTA.. buti naawat ng bgry.tanod…dahil sa mainitang pagtatalo ay wala silang nagawa kundi umalis ung 2 kagawad, ex oficio tim at mga bgry. tanod (MEDYO NA BADTIP DIN PO UNG EX OFC TIM kasi may vendor din n nagsalita ng ” Natalo ka lang sa election kya pinag iinitan nyo kaming hinde bumot sa inyo nung elcetion. (Ex Kagawad po kasi si Ex Ofico Tim kaya inilagay na lang syang Ex Oficio ng Brgy ngayon)…After 2 weeks nakatanggap ng summon sa bgry ang mother ko ng 2 beses na pareho naman nyang hinarap, ngunit walang nagyaring settlement dahil pinaninindigan ng mother ko na hinde nya sinabi ung mga nakasulta sa demanda gaya ng ” MGA PUT..INA NYO, MGA BOBO KAYONG MGA KAGAWAD, LETSE”,..Hanggang inakyat na nila sa korte ang kasong ” GRAVE THREAT, GRAVE ORAL DEFAMATION,ASSUALT, UNJUST VEXATION” ngunit ung GRAVE ORAL DEFAMATION lang ang lumusot. Hinde rin nagkaroon ng settlement sa mediation kya tuloy ang demanda nila….Ask ko lang po kung may basis po Grave Oral Defamation kung ung nangunguna at siyang nagpupursige ng kaso at taga pagsalita nila eh ung si Kagawad (A) na hinde naman siya ang kasagutan ng mother ko kundi si Ex Oficio Tim? Pwede rin bang bang tumistigo sa panig ng mother ko ang mga relatives niya na kapwa nya vendor? Ipinaglalaban lang daw po nila ang kanilang dignidad bilang opisyal ng brgy at baka daw di na sila irespeto at para daw po di pamarisan ang mother ko….Paano naman din po ang karapatan at dignidad ng mother ko bilang tao na naghahanapguhay sa bangketa at dati ring kagawad na guto lang proteksyunan at ipaglaban ang kapwa vendo na inaabuso nilang nasa katungkulan?….Ano po ba ang chance ng mother ko sa kaos? or kung sakaling matalo ano naman po ang kaparusahan ? eto po ba ay napyapyansahan?..Gaano po ba katagal tumatakbo ang ganitong kaso? 62 yrs old na po ang mother ko kya laking abala po sa kanya ang ganitong pangyayari..Salamat po at umaasa po ako na mabibigyan nyo ng kasagutan ang aking mga katanungan.Salamat po

Reply

ghee October 24, 2011 at 2:46 am

nabasa q po at naliwanagan aq… d2 samin merong babaeng sobra at walang humpay magmura, mambastos at manira sa aming mga kapitbahay niya. halos lahat na po ata kaming kapitbahay niya naperhuwisyo na niya… naisip ko po na sana ay mapetisyon siya dito nang mawala na siya sa lugar namin kasi nananakot na siyang may mamamatay dito sa lugar namin. ano po ba ang mga legal na aksyon para sa pagpepetisyon… maraming salamat po pala sa blog nyo Atty.

Reply

ghee October 24, 2011 at 2:54 am

mayroon po akong isinulat na petition letter para po sa isinasangguni ko… kagagawa ko lang po naman at gusto ko pong malaman na maaari ko po bang isumite iyon sa aming barangay hall…narito po…

Alinsunod sa Konstitusyon ng Pilipinas at mga batas ng karapatang pantao ng mamamayan ng Republika ng Pilipinas, Kami po ang mga residenteng rehistrado at kwalipikadong manghahalal o botante ng Brgy. Rosario, Pasig City, ay magalang na nagpapahayag na hangad namin ang pagpapaalis sa aming lugar kay ANNIE JARANTA BULAK o kung hindi man ay mabigyan ito ng alternatibong solusyon katulad na lamang ng pagpapaattend sa kanya sa counseling session sa Brgy. batay sa mga kaguluhang kinasangkutan at maging kinakaharap niya ngayon.

Ilan sa mga kadahilanan ng aming hinihiling ay ang mga sumusunod:

1. Madalas uminom ng alak at hindi niya maiwasang mag-ingay na siyang pinagmumulan ng di pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng kung sinumang pinagsasalitaan niya na kadalasang humahantong sa sakitan ng dalawang panig
2. Siya ang nag-aamok at kung pinatulan siya at nagkasakitan na, sinisigurado niyang siya ang agrabyado sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng maraming sugat na ginagamit niyang dahilan upang ipalabas niyang siya ang may karapatang magreklamo
3. Pananakot sa mga kapitbahay na malakas siya sa Barangay upang hindi siya kalabanin sa aming lugar at siya ay isang “PSG”
4. Hindi maiwasang pagmumura (na iniiwasan naming tularan ng mga kabataan sa aming lugar)
5. Paninirang puri sa mga taong iniisip niyang kinakalaban siya
6. Sa tuwing siya’y nalalasing kahit nasa loob na siya ng kanilang tahanan hindi pa rin niya maiwasang makaperhuwisyo sa pamamagitan ng pagwawala at pagsisigaw na kadalasang humahantong sa pananakit niya sa kanyang mga anak
7. Kasabay pa ng paglalasing ang madalas na pag-aaway niya at ng kanyang asawa na naglalaman ng sisihan at palitan ng problemang namamagitan sa kanilang dalawa. Na humahantong sa nakaririndi sa tengang murahan at pagpapalayas ni ANNIE JARANTA BULAK sa lalaki
8. Sa pagkakaroon ng sigawan sa kanilang tahanan, maging ang kaniyang “mga” anak ay nakikipagpalitan ng mura sa kanya. (na muli, ay hindi magandang mapakinggan ng ibang kabataan sa aming lugar)
9. Marami na siyang kinasangkutang kaso
10. Mayroong insidente na muntik na siyang makasakit sa pamamagitan ng panunusok ng bakal na tubo
11. Pananakot din sa pagsasabi na “May paglalamayan dito sa Jennys”

Ito ang mga nasabing ilang dahilan na sa tingin namin ay banta siya sa aming lugar. At hindi makabubuting patuloy at paulit-ulit niyang gawin ang kahit anuman sa mga nakasaad sa itaas. Hindi rin namin gusto na humantong pa na mayroon ngang paglamayan sinuman sa amin sa hindi kaayaayang kadahilanan. Nais lamang po namin na magkaroon ng katahimikan at masigurado ang kaligtasan naming magkakapitbahay lalung lalo na ang mga kabataan na siyang lalabas na biktima sa bandang huli.

Kami po ay dumudulog sa inyong tanggapan at lubusang umaasa na matugunan ang aming kahilingan, sapagkat nalalaman naming kayo ang may kapasidad na masolusyunan ang ganitong problema lalo na’t kami ay kabilang sa inyong nasasakupan.

Ang bawat isa sa nakapirma ay nagpapahayag para sa sarili na siya ay isang rehistrado at kwalipikadong manghahalal o botante ng Brgy. Rosario, Pasig City. Kami ay pawang mga kapitbahay ni ANNIE JARANTA BULAK.

Maraming salamat po!

…..kasunod po nito ay ang papel kung saan pipirmahan ng aking mga kapitbahay na sila rin po mismong nagsabi sakin na gumawa ng ganitong sulat… Maraming maraming salamat po ulit sa inyo…

Reply

val March 6, 2012 at 7:53 pm

pag artista milyon ang usapan sa damages panyero hahaha

Reply

shirlyn April 24, 2012 at 10:40 pm

gud eve po,ask ko lng po if pwed ksuhan ng slander ang isang tao n sinisiraan ako s mga ngiging yaya mo,k2lad ng ako daw ay mdamot,burara tpos 2wing msa2lubong mo bu2long bulong sasabihan ako ng a hambog,mdamot,abno, aswang at always n pingtsitsismisan….cnasbi n pnakaslan ko asawa ko dhil s bhay nya at kung anu2pa….dti pinala2mpas ko lng pero ngaun puno n ako….ako po ay isang teacher nsisira reputasyon ko… may laban po b ako?please help me.

Reply

Tito Boy April 28, 2012 at 9:25 pm

Hi, if you’re neighbors just proceed to the brgy lupon first. doon kayo mag-uusap, kung hindi nagkasundo bibigyan ka ng certificate to file action para ituloy sa korte ang reklamo mo. may laban ka as long as you can prove na chini-chismis ka niya. Kailangan mo ng testigo.

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: