Eto ang wrap-up ng unang linggo ng impeachment trial. Dito sa panyero.net, titignan natin ang mga lumabas na issue at tatalakayan natin ukol sa pagkakaintindi ng ordinaryong tao labas sa teknikalidad ng masalimuot na proseso:
1) Old-school defense. Literally and figuratively. Ang mga abugadong katulad ni Former SC Justice Serafin Cuevas ay ang tinatawag nating “old school.” Sila ang mga abugadong ayaw mo makaharap sa korte kung ikaw ay isang baguhang abugado, hindi dahil na mas may alam sila sa iyo, kundi dahil sila yung mga “pursigido” aka makukulit.
“Makulit” in a sense that they will cite everything under rule to distract your momentum. Ganito kasi yan, hindi basta-basta ipinipresenta ang isang testigo o dokumento sa korte. Kailangan mo muna ang tinatawag na “lay the basis” bago ka pumunta sa gusto mong tanong.
Halimbawa, bago tumetistigo ang isang opisyal ng gobyerno upang ilabas o ipakilala (introduce) ang isang dokumento, kailangan mo munang ipakita ang basehan at competency niya para tumestigo sa bagay na yun, tulad ng kanyang posisyon, duties and responsibilities at kung bakit nasa kamay niya ang dokumento. Tumetistigo ba siya dahil siya ang opisyal na nangangalaga ng mga dokumento? O siya mismo ang gumagawa o ginawa sa harap at presensya niya ang dokumentong ipakikila sa hukuman?
Hindi mo basta iuupo ang isang testigo at ilalabas na lang ang isang dokumento para niya i-identify o kilalanin. Kung ginawa mo yan, pwede mag-object ang kalaban dahil wala kang “basis” at ipapabago sa iyo ng hukom ang tanong. E paano kung wala kang plan B at hindi mo alam paano babaguhin ang tanong mo upang pumasok sa transcript of stenograhic records (TSN) at mapakilala ang dokumentong gusto mo? Huwag ka basta-basta magtatanong kundi uulanin ka ng “objections.” Kitams, hindi pa nagsisimula supalpal ka na. Yan ang sinasabi kong sira ang “momentum.”
Masyadong teknikal diba? Nagiging “game of technicalities” ang trial. Nananalo ang isang kaso hindi dahil sa substance kundi dahil sa technicalities. Naisasantabi ang isang edibensiya dahil sa maling presentasyon at hindi dahil sa relevency. Kaya tuloy, nagmumukhang tanga ang prosekusyon. Kala kasi nila, isang malaking press conference ang impeachment trial na ibabandera mo lang ang mga dokumento at hayaan lang ang media na magpresenta ng kaso sa publiko. Nakalimutan nilang ang salitang “trial” sa impeachment trial.
Pero ang tanong, dapat bang maging ganito ka-teknikal ang impeachment trial? Hindi ba pwedeng maglabasan na lang ng dokumento at hayaan ang mga hukom na magbigay ng hatol? After all, alam naman natin ang kanilang mga boto base sa kanilang political affiliation at mga kinikilos. Dahil kung hahayaan natin ang “game of technicalities” kelan pa kaya matatapos ang paglilitis?
2) Senator/Judge/Prosecutor. Life is really ironic. Bago pumutok ang impeachment ni CJ Corona, si Sen. Drilon ay nanawagan sa pag-inhibit ng CJ sa mga kaso ni GMA sa Korte Suprema. Ngayong si CJ Corona na mismo ang nasasakdal at si Drilon na ang hukom, handa ba siyang mag-inhibit?
Marami ang nakapansin sa mistulang paggiging prosesutor ni Sen. Drilon sa kanyang mga tanong/klaripikasyon sa impeachment trial. Dahil sa kanya ay napalabas ang SALN ni CJ Corona. Marahil, dahil sa kahinaan ng mga prosecutors at sa galing ng depensa sa paglilitis, naisip ni Sen. Drilon na i-rescue ang kaso sa pagkakatalo?
Ngayon, dapat bang ipagbawal si Sen. Drilon sa pagtanong na pumapabor sa prosecution? Dapat ba siyang mag-inhibit ng tuluyan bilang Judge?
Hindi na bago ang ganitong pangyayari kahit sa ordinaryong paglilitis kung saan ang judge ay nagtatanong din sa testigo in order to “enlighten” the court. May mga bagay kasi na hindi natanong ng mga abugado, na maaring itanong mismo ng judge para maliwanagan. In the course of the questioning, maaring lumabas na may kinikilingan ang judge at hindi maiiwasan yun.
Sps. Hizon vs. Sps. Dela Fuente
Isang magandang halimbawa ay ang kasong Sps. Hizon vs. Sps. Dela Fuente, et al. (G.R. No. 152328, March 23, 2004). Sa kasong ito, ipanai-inhibit ng abugado ng mag-asawang Hizon si Judge D. Roy A. Masadao ng Regional Trial Court, Branch 9 ng Malolos, Bulacan.
Ayon sa mag-asawang Hizon, bias itong si Judge Masadao dahil mistulang tinutulungan niya ang abogado ng kalaban, sa pamamagitan ng: 1) Pagkuwestiyon ng judge sa materiality ng dukomentong kanilang pine-presenta kahit hindi naman nag-object ang kalaban; 2) Pag-object ng judge sa motion nila, na nagbigay ng “hint” sa kalaban na mag-object din; 3) Nag-suggest daw ang judge sa kalabang abugado paano mag-proceed ang kanyang direct-examination para makakuha ng favorable facts; at 4) ang judge na mismo ang nag-cross examine ng isang testigo para sa kalaban.
O ha? San ka pa, mistulang ang judge na sa kasong ito ang naging abugado ng Sps. Dela Fuente. Kaya ang Sps. Hizon ay nag-file ng motion to inhibit, ngunit hindi pinagbigyan ni Judge Masadao. Pumanik ang Sps. Hizon sa Court of Appeals ngunit walang nangyari. Kaya umabot sa Korte Suprema ang kaso at ang issue lamang ay kung dapat bang mag-inhibit si Judge Masadao dahil sa kanyang pagtatanong na pumapabor sa Sps. Dela Fuente. Ano sabi ng Korte Suprema?
“Mere intervention of the respondent judge during the said hearing by simply asking the materiality of a question directed upon the witness and ruling against the petitioners are within the prerogatives and powers of the judge. The fact that the judge asked questions in the course of the trial does not make him a biased judge. It is not only the right but oft-times the duty of a trial judge to examine witnesses when it appears necessary for the elucidation of the record.”
xxx xxx xxx
“It is settled that judges may ask questions to clarify matters during the testimony of witnesses. Judges are not mere referees like those of a boxing bout, only to watch and decide the results of a game, for they should have as much interest as counsel in the orderly and expeditious presentation of evidence, calling the attention of such counsel to points at issue that are overlooked, directing them to ask questions that would elicit the facts on the issues involved, clarifying ambiguous remarks by witnesses and so on.”
In tagalog – Walang pakialamanan kung ano ang itanong ni judge sa testigo kung yoon ang makakatulong sa kanya sa pagresolba ng kaso. Hindi ibig sabihing nagtatanong siya pabor o laban sa isang partido, automotic bias na agad siya.
Ngayon sa kaso ni Sen. Drilon, ganun din ang prinsipyo. Hindi natin pwedeng pigilan ang isang senator-judge na magtanong sa mga testigo, na maaring papabor o laban sa prosekusyon o kay CJ Corona. Hindi maiiwasan lumabas na bias sila.
Sa totoo lang, kailangan pa bang marinig ang mga tanong ni Sen. Drilon upang malaman ang kanyang boto sa impeachment? Hindi naman linggid sa ating kaalaman ang panig ni Sen. Drilon. Handa akong itaya ulit ang itlog ni Atty. Ferdinand Topacio kung boboto si Sen. Drilon pabor kay CJ Corona.
Alalahanin natin na two-thirds (2/3) ng 24 na senador ang kailangan boto para ma-impeach si CJ Corona.
http://edangara.com/sites/default/files/336809_217865154957622_100002024172844_503208_1161667827_o.jpg
Let’s do the math: 2/3 = 0.66% x 24 = 15.9. Kung tama ang kalkulasyon ko kailangan ng 16 na boto, (si Lito Lapid ang 0.9) upang ma-impeach si CJ Corona. Samantalang siyam (9) na boto lang ang kailangan ni CJ Corona, sa bawat article, para ma-abswelto. Ngayon sa tingin mo, sasayangin ba ni Sen. Drilon ang kanyang mahalagang boto at mag-inhibit sa kaso dahil lamang sa request ng defense?
“Under the system of legal procedure in vogue in this jurisdiction, where the trial court is judge of both the law and the facts, it is oft-times expedient or necessary in the due and faithful administration of justice for the presiding judge to re-examine a witness in order that his judgment when rendered may rest upon a full and clear understanding of the facts.”
- Sps. Hizon vs. Sps. De Fuente, supra. penned by Callejo SR., J




{ 9 comments… read them below or add one }
Base muna. =)
wheel of democracy rolling snale-paced
binasa ko talaga ng maiigi ang post na ito dahil na rin wala talaga akong alam sa mga current news affairs. as in bobo. lol.
hindi ko rin alam kung saan side ako. pero ayon na rin sa mga flash news, first day pa lang palpak na yung prosecution.
imba?
ang haba! HAHAHA balik schooling ako tito boy! ^ ^ musta dito!!
konting paliwanag po uli ,pasensiya na
sarap basahin…mas naiintindihan ko….tito boy pag tumanda ka na cguro parang si justice cuevas ka na rin makukulit magtanong…matatakot sayo ang mga baguhang atty. hehehheh
Tama. nagmumukhang tanga ang prosecution. Parang mga batang pinapagsabihan ng matatanda.
Nosebleed
hahaha.tama nga naman.Okay yung judge.Nice din young cross reference sa mag asawa.:-)