WILL OF FORTUNE

by Tito Boy on November 22, 2010

"At sa minamahal kong pusa..."

Dito sa mundo, dalawang bagay ang hindi mo maiiwasan: 1) buwis at 2) ang kamatayan. Kung gusto mong makaiwas sa buwis, tumira ka sa Brunei. Pero ang kamatayan, hindi mo pwedeng takasan.

Alam natin na lahat tayo ay pupunta sa kabilang buhay pero konti lang ang nakakaisip na gumawa ng huling habilin o last will and testament (“will” for short). Marahil ay na-associate natin lagi ang will sa mga mayayaman. Ano nga naman ang ipapamana mo kung wala ka namang kayamanan?

Malay mo, bukas makalawa ay manalo ka sa lotto, ayon nga sa kanta ni Alanis Morrisette: “An old man turned 98, he won the lottery…and died the next day.

O di kaya, wala kang pilit na tagapagmana o compulsory heir dahil tumanda kang dalaga o binata at ang mga magulang mo ay sumakabilang buhay na rin o matanda na para pakinabangan ang iyong konting naipon. Papayag ka lang ba na mapupunta ang iyong mga pinaghirapan ay mapunta na lang sa mga kamag-anak mo na hindi mo naman naasahan noong nabubuhay ka pa?

Kaya kung naisip mong gumawa ng will, ang unang tanong na papasok sa isip mo ay:

“Paano?”

Pwede ba na kunan mo ng lang ng video ang sarili mo gamit ang cellphone tapos i-post sa youtube? O di kaya gawin mo na lang note sa Facebook tapos ay i-tag mo na lang ang mga kamag-anak mo. At kung hindi ka pa kuntento ay i-tweet mo na rin sila.

Siguro kung ngayon ginawa ang batas, pwede ‘yan. E kaso kalahating siglo (1950) na mula nung ginawa ang batas sa pagmamana. Hindi pa uso ang video noon at lalo namang wala pang internet.

Dalawa lang ang paraan para maging epektibo ang will: 1) notarial will at 2) holographic will.

Kung hindi ka sumunod sa dalawang paraan na ito, masasayang lang ang huling habilin mo. Hindi ito kikilalanin ng batas at mamamatay kang intestate o walang will.

Notarial will

Ang notarial will ay pormal na kasulatan na ginawa at sinumpaan sa harap ng notary public. Ang notary public ay isang lisensyadong abogado at hindi yung mga nakatambay lang sa Recto o sa ilalim ng puno ng acacia katabi ang typewriter.

Istrikto ang porma ng notarial will. Dapat sundin ang bawat letra ng batas at bilang ng testigo o witnesses. Ano-ano ba dapat nilalaman nito? Tignan natin:

1)   Subscribed.

Dapat ito ay subscribed ng gumawa ng will o tinatawag ng testator. Subscribed, ibig sabihin ay pirmado sa harap ng notary public.

2)   Signed in the last page and every page in the left hand margin.

Dapat ay pirmado rin ng testator ang dulo ng will at ang bawat pahina sa may kaliwang margin. Dapat din ay nakasulat ang numero ng bawat pahina o may page number sa ibabaw na bahagi.

Ginagawa ito para makasiguradong walang isisingit na papel. Iwas dadag-bawas.

3)   At least three (3) witnesses

Ang notarial will ay kailangan ng tatlong (3) testigo at dapat ay subscribed din nila at pirmado nila ang huling bahagi at bawat kaliwang margin ng pahina nito.

4)   Attestation clause

Ang notarial will ay kailangan may attestation clause. Ang attestation clause ay isang pangungusap kung saan pinapatunayan ng mga testigo na pinirmahan ng testator ang will at ang bawat pahina nito sa harap nila, at silang lahat din ay pumirma bilang testigo.

Eto ang sample ng attestation clause:

We, the undersigned attesting witnesses, do hereby affirm that the forgoing is the last Will and Testament of _________and we certify that the testator executed this document while of sound mind and memory. That the testator signed this document in our presence, at the bottom of the last page and on the left hand margin of each and every page, and we, in turn, at the testator’s behest have witnessed and signed the same in every page thereof, on the left margin, in the presence of the testator and of the notary public, this _____ day of __________, 20__ at____________.”

Putol, Pipi’t Bingi at Bulag

Maraming pilisopong Pinoy kaya sinagot na rin ng batas ang mga ganitong taong:

1) E paano kung putol ang kamay ng testator dahil nasabugan ng pla-pla noong bagong taon?

Kung hindi makapirma ang testator, maaring ipasulat ang pangalan niya sa will gamit ang ibang tao sa harap niya (in his presence), sa kayang dikta (by his express direction) at attested, subscribed ng mga testigo.

Dapat ay pumirma rin ang taong nagsulat ng pangalan ng testator sa bawat pahina ng will.

2) E paano kung pipi’t bingi ang testator?

E kung marunong siya magbasa walang problema, hindi naman siya bulag eh, pipi’t bingi lang.

Kung hindi marunong magbasa, mag-uutos ang testator ng dalawang (2) tao upang ipabasa o sabihin sa kanya ang laman ng will sa pamamagitan ng sign language o kung ano pang paraan na kanyang maiintindihan tulad ng charade o break dancing.

3) E paano kung bulag?

Kung bulag naman ang testator, dalawang (2) beses dapat basahin sa kanya ang laman ng will. Una, babasahin sa kanya ito ng subscribing witness at pangalawa, babasahin sa kanya ito ng notary public, bago ito pirmahan ni Willie Garte at Stevie Wonder.

Holographic Will

Kung masyadong kumplikado sa iyo ang Notarial Will, meron pang isang simpleng paraan sa paggawa nito, eto ang “holographic will.” Hindi ito yung IMAX 3D sa SM Mall of Asia.

Holographic, ibig sabihin sa nakasulat ang buong will sa sulat kamay ng testator. Kung wala kang kamay o parang kahig ng manok ang sulat mo, mag notarial will ka na lang. Baka sumakit pa ang ulo ng magbabasa, utang na loob.

Entirely written, dated and signed by the testator.

Dapat ang buong will ay nasa sulat kamay mismo ng testator, pirmado at may petsa. Bawal gumamit ng typewriter, printed copies, o magpasulat sa iba.

Hindi na rin kailangan ng testigo, para walang kumalat na tsismis, dahil may tenga ang dingding at may pakpak ang balita. Kung may bura o corrections, dapat ang bawat bura ay pipirmahan rin ng testator.

Madali nga ang paggawa ng holographic will ngunit mas mahirap naman itong patunayan o probate sa court. Dapat may isang taong magpapatunay at kilala ang sulat mo.

Kung contested o may kukwestiyon, dapat may tatlong (3) testigo na magsasabi na sulat yun ng testator. Kung walang nakakaalam ng sulat ng testator, gagamit ang korte ng expert witness upang ihambing ang sulat sa will mga sample ng sulat ng testator.

Conclusion

Uulitin ko, dapat sundin ang bawat letra ng batas. Kung hindi ayon sa tamang porma ang will mo, nagsasayang ka lang ng oras at hindi masusunod ang iyong huling habilin.

Mas sigurado ang Notarial Will basta’t tama ang pagkagawa. Mas madali at personal naman ang Holographic Will ngunit baka maaring mahirap namang patunayan kinalaunan.


 

—————

A lawyer read the will of a rich man to the deceased’s family:

“To my loving wife Rose, who stood by me in rough times, as well as good, I leave the house and $2 million.”

The lawyer continued, “To my daughter Jessica, who looked after me in sickness and kept the business going, I leave the yacht, the business and $1 million.”

The lawyer concluded, “And, to my cousin Dan, who hated me, argued with me, and thought that I would never mention him in
my will – well you are wrong: Hi Dan!”

- www.basicjokes.com

{ 18 comments… read them below or add one }

Ronald Redito November 22, 2010 at 9:44 pm

Base muna ako dito. =)

Reply

mile November 22, 2010 at 11:46 pm

like

Reply

granger November 23, 2010 at 12:19 am

ayos!

Reply

sarah November 23, 2010 at 8:44 am

Nice post!

Reply

Raphnexx na gustong mag lawyer November 23, 2010 at 9:05 am

Hehehe.natawa ako sa joke.At meron naman akong maibabahagi na kaalaman sa mga walang alam na mga classmate ko .hehe:-)

Reply

joven November 23, 2010 at 10:38 am

waaah..5th na naman ako.o_O

Reply

callboy November 23, 2010 at 11:00 am

nasabugan ng pla pla? ahaha!!!

atleast naunanahan mo ako ngayun kuya joven. makaka-base din tayo.

Reply

AsOL November 23, 2010 at 11:56 am

wahahahaha! ang kulit nung kwento sa ilalim. hahahah! parang un tuloy ung nag mark sa isip ko ee. hhahahah!

Astig Sir Atty. ! ^_^

Reply

foobarph November 23, 2010 at 3:06 pm

mas nag enjoy ako sa joke. hahaa!

thank you po sa article na ito!

Reply

Leemi November 23, 2010 at 4:21 pm

ahahhaha.. ang seryoso ko sa pagbabasa natawa naman ako sa joke sa dulo.

ang higpit ng batas sa will, kaya sino ba namang mahirap ang makakapag isip pa ng will kung pangburol nga minsan problema pa :)

**Sir, share ko ulet sa fb ko ‘to ha.

Reply

Jet November 23, 2010 at 6:34 pm

sino kaya yung si atty.heartrob?

Reply

sarah November 23, 2010 at 10:13 pm

Isn’t it ironic?

Astig yun pusa o!

Reply

azilah November 24, 2010 at 2:41 pm

Galing talaga ng site na to…..

Reply

ms hopeful November 29, 2010 at 12:51 pm

magkano kaya charge pagawa ng notarial will?

Reply

24/7 December 3, 2010 at 2:29 pm

nice topic, ipapaalam ko sa lolo ko ito para malaman niya kung kanino niya ipapamana yung brief niyang bacon joke.

Reply

amor December 6, 2010 at 10:23 pm

galing ah…comedy n may katuturan :) )

Reply

neo December 10, 2010 at 4:08 pm

ayoko na tuloy yumaman. lol

Reply

Rowena B. Dimacali August 27, 2012 at 12:03 pm

“The lawyer concluded, “And, to my cousin Dan, who hated me, argued with me, and thought that I would never mention him in
my will – well you are wrong: Hi Dan!”

Hello Sir, ang dami dami ko pong tatanungin, pero nawala ako, puwede po bang sabihin na lang muna na nakakatuwa that I happen to land in ur page, this page. this is not only very informative but very funny, WAGAS talaga Sir ang tawa ko.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: