'TILL DEBT DO US PART

by Rob aka Tito Boy on December 3, 2009

May nagtanong sa akin kung ano daw ang mangyayari kung namatay ang credit card holder.

Naiisip kasi ng ordinaryong Pilipino na namamana ang utang.

Magandang balita ulit sa mga may utang…Hindi ito totoo.

Ang utang ni Pedro ay utang ni Pedro at hindi utang ni Juan. Ang utang ng mga magulang, anak, kapatid, tito, tita, lolo, lola at pati kapitbahay at ang alaga niyang aso ay hindi pwedeng singilin sayo.


ANG UTANG AY UTANG PARIN

Hindi nga pwedeng ipasa ang utang mo sa mga kamag-anak mo at sa ibang tao pag-ikaw ay pumanaw na, ngunit may utang ka pa ring dapat bayaran.

Pero sino ang sasalo sa utang mo kung isa ka nang fertilizer ng lupa?

Ang iyong mga ari-arian o estate.

Tama nga ang kasabihang – Hindi mo madadala sa libingan ang iyong mga pera at ari-arian.

Sa katunayan, pwede ka pa ring idemanda ng pinakakautangan mo kahit patay kana pero syempre, ito ay nakatukoy sa iyong mga naiwang ari-arian. Kaya nga ang pamagat ng kaso ay tulad ng ganito: Citibank vs. The Estate of the Late Juan Dela Cruz.

Mapupunta muna ang mga naiwan mong ari-arian na pambayad sa mga utang mo at kung may natira pa ay saka ito pagpaparti-partihin ng mga tagapagmana o heirs.

Kaso, karamihan naman sa mga Pilipino ay wala namang sapat na ari-arian kahit nung nabubuhay pa, kaya sa huli, hindi rin nakakasingil ang mga creditors, kaya lista mo na lang sa tubig ang utang mo.

“He that dies pays all debts” -  William Shakespeare

{ 87 comments… read them below or add one }

Max January 6, 2011 at 11:35 am

Hi mga Sir,

Hingi lang po sana ko ng advice.
Nagpautang po kasi ako ng P7k sa isang kaibigan. Kaso tumagal na po ng mahigit 2 years di pa nya ko nababayaran.
Wala po kahit anong kasulatan na pinirmahan.
Sabi nya magbabayad po sya nung november or december 2010 pero di natupad. Sa email at text lang nya sinabi na magbabayad sya. May habol pa po ba ako doon?

Salamat po ng marami!

Reply

granger January 6, 2011 at 12:27 pm

Padalan mo ng demand letter.

Reply

Max January 6, 2011 at 5:27 pm

Thanks granger! Nagbasa din ako dun sa forum. Ayos talaga itong site na to, dami matutunan.

Reply

Lerma January 20, 2011 at 9:30 am

Hi po,
Itatanong ko lang about sa utang ng Mom ko, she passed away almost 8 years ago. May utang sya sa banko, and when she passed away hindi ko matandaan na may pinirmahan daw akong papel about sa utang nya. Responsibilidad ko po bang bayaran ang utang nya?… I already paid 39k and hindi ko alam magkano ang pagkakautang nya, iniiba iba nila ang balance. please help. ano ang habol nila sa akin?

Reply

Lorna February 13, 2011 at 10:51 am

namatay po ang asawa ko at maraming utang sa bangko dito sa canada na nasa name niya at my bahay kami n binabayaran ko pa angang ngayon ang bahay ay nakapangan sa aming dalawa.ayaw ko naman bayaran ang utang niya sa visa card niya dahil wala naman akung sapat na pera para bayaran ano ba ang habol ng banko sa akin?salamat and God bless you!

Reply

Klein April 24, 2012 at 4:58 pm

May naalala ka bang pinirmahan mo? May proof ba sila??
pede ka nmn ndi magbayad
just read 1987 Philippine constitution Article III bill of rights Section 20!!

Reply

granger February 13, 2011 at 8:06 pm

iba ang batas ng canada sa pinas

Reply

jojo March 2, 2011 at 1:38 am

kailangan ko bang bayaran ang utang ng asawa ko kait patay na siya

Reply

michelle March 14, 2011 at 6:53 pm

magandang hapon po.may utang po sa bank ang nanay ko e namatay napo cya 10 yirs ago.ang cnanla ng nanay ko ay ibang lupa po pero ang picture po ay ung haus namin may habol po b ang bank n rmitahin kahit may original n titulo kaming hawak.plese help po.salamat

Reply

jojo May 30, 2011 at 11:09 pm

Hi,

My dad has been dead for 5 years now. He died last 2006. Recently, may na-receive kami na letter sa bank naka-address sa dad ko. Nakalagay sa letter na may outstanding loan yung dad ko sa bank. The bank even sent a representative to personally deliver the letter to us. Nagulat yung mom ko kasi wala naman nabanggit yung dad ko about the said loan. Nung nabasa po namin yung sulat dun lang po namin nalaman yung tungkol dun.

Ang alam ko po kukunin yung loan payment sa estate na naiwan ng dad ko. Pero yung nakuha lang po naminay insurance claim na hindi naman ganun kalaki yung amount. Nagastos na ho iyon sa pagaaral namin dati.

Kailangan pa ho ba namin bayaran yung loan kahit after 5 years lang sila nabigay ng notice?

Reply

wheng espeso June 28, 2011 at 11:34 pm

good evening sir,magtatanong lang sana ako about sa situation ng friend ko.nakautang po siya sa bestfriend niya dyan sa pilipinas ng pera,300,000 dahil that time po nalulong siya sa sugal dito sa australia,until now po dipa siya nakakabayad ,last december2010,umuwi siya ng pilipinas nagkita po sila nakapag-usap,sabi po ng friend niya saka na nila pag usapan yun,ngayun po emergency bigla na matay ang brother niya,dyan sa pilipinas.. uuwi po siya,nabalitaan niya po na,un bestfriend niya ay nagbabanta na ipa babaranggay daw po siya at magdadala ng 10 pulis,pag dating niya sa burol ng kapatid niya.wla po silang kasulatan pero dipo niya tinatakbuhan ang utang niya,Australian Citizen po siya…pwede po ba siyang ikulong o kunin ng mga pulis?kc po nananakot un friend niya,malakas po un sa lugar nila at madaming kilala…kung sakali po pwede basiyang kasuhan or puwede ba niyang kasuhan un mga pulis at friend niya kung sakaling harassin siya sa burol..sana po matulungan nio po at malaman kung ano ang dapat niyang gawin,

Reply

Det August 9, 2011 at 1:33 am

Hi sir!

Thanks at may ganito po kayong site for the people who needs help… Anyway, gus2 ko lng pong ishare yung utang ng nanay ko…my mother died recently and mrmi xang naiwang utang. Isa dun ay ang pgkakasangla ng bhay nmin na ipinakiusap nya nmn sa akin, inako ko po iyon pra byaran kaya ako po ang ngsusuffer duon. And yung tindahan din po namin ay sinangla nya without the consent of my father who is stroke and alagain na din po ngyon. Nuon pa lang po ay sinasabi nya sa akin na isasangla nya pero sabi ko wag at padadalhan ko n lng xa ng pera.. Hanggat nhospitalized and namatay sya ay hindi binabanggit sa amin. After a month may nagcclaim po na may utang daw po sknya ung mother ko dahil sinangla daw po yung tindahan namin. Khit ang tatay ko sinabi nyang hindi xa sinabihan ng mother ko bout this things kaya naaawa din ako sa tatay ko at sa aming magkapatid dhil bka bgla nnmng atakehin ang father ko ng stroke nya. Ngayon ang sinabi ko lng sa kapatid ko is hindi namin alam yon at wala ding pirma at consent kay tatay…even before when nung humingi ng permiso sa akin si nanay ay hindi ako pmyag… dhil mhirap kpag halos lhat ng property mo ay nksangla… ngayon po sir, may laban po ba kahit let say for example ay kasunduan lang nila with a power of attorney ang hawak ng pinagsanlaan? Wala nmn pong titulo ang lupa at bhay nmin kundi right lang..yung portion dun is yung tindahan nmin… kaya aggreement lang siguro yung andun sa babae… Paano po ba namin idedefend yung property namin? (siguro nmn po wala na rin pong mahahabol yung pinagsanlaan daw dahil wala nmn po sknya yung rights…(NHA po kxe ang bhay nmin)… Thanks po! God bless you….

Sana po masagot nyo ito.. pra mabawasan po yung mga iniisip ko.. More power po sa inyo!!

Reply

Mary Ann Kidayo October 20, 2011 at 1:06 pm

Ngayon lang po ako nagawi sa iyong blog, kung hindi pa ako nagbasa ng iyong About me malamang di ko makukumpirma na grupo nga kayo ng mga Abogado.

Nais ko lamang pong magpasalamat sa mga impormasyong ibinibigay ninyo ng libre dito sa site na ito. Gusto ko nga lang po sana magtanong ng tungkol sa Estate Tax. Yun bang kapag may minana ka biglang lupain, tama po ba na bigla ka na lang singilin ng Estate Tax? Eh paano kung wala ka pambayad nun? Hindi na magiging sayo yung pinamana sa iyo ng magulang mo? Pede po ba iyon bawiin talaga ng gobyerno?

Reply

granger October 22, 2011 at 10:48 pm

maraming salamat sa sinabi mong ito -

“Nais ko lamang pong magpasalamat sa mga impormasyong ibinibigay ninyo ng LIBRE dito sa site na ito.”

Di tulad ng iba, nagrereklamo pa, hay buhay nga naman.

Ngayon tungkol sa tanong mo, post mo dito sa forum at doon sasagutin yan. Eto link http://www.panyero.net/forum/index.php

Reply

Mary Ann Kidayo October 26, 2011 at 8:31 am

yay salamat ulit. sige po, pasensya na po kung ngayon ko lang po nareplyan ulit yung comment – nagrerenta lang po kasi ako sa computer shop hehehe
sige po post ko po sa forum pag nakahanap na din po ako ng oras sa di nalalayong panahon

Reply

emma March 29, 2012 at 9:58 am

hi, tanung lang po, papaano kung sinisingil kami ng tiyahin ko sa utang na tatay ko ang pumirma?

namatay na po kase ang tatay ko, tapos nakaprenda po sa kapatid ng asawa ng tita ko ung bahay nila. lagi po kaming tinatawagan at tinetext na bayaran ang utang nila daddy. nung simula po kinaya naming bayaran kaso po nitong mga nagdaang buwan eh di na po talaga namin kaya. nagtext po sila nung isang taon na bayaran sila ng interest na 7,000 muna for 6 months at pagkatapos, bayaran ng 25,000 (ang principal) plus interest na 7,000 after 6 months. nagreply naman po kami sa text na babayaran namin ang utang ng magulang namin. pede po ba kami kasuhan dun dahil nagtext kami? pero wala po kami kahit anung dokumentong pinirmahan dito at patay na po ang tatay ko. sa ngayon po ay tuloy tuloy lang ang pagbayad namin ng interest at kinokontak kami para pilitin na hulugan na rin ang principal..

salamat po…

Reply

emma March 30, 2012 at 11:25 am

Hi Attorney,

Just to share what happened to us due to our parents’ debts.

My dad borrowed money from his sister (who is living abroad now together with her family). During that time, they do not have cash so she lend her house and lot and used it as collateral to borrow money from the bank. After a few years, they were not able to pay monthly until the bank sent a letter to my Aunt stating that they are going to foreclose the property. My Aunt’s Husband has a brother who actually paid the bank and asked my parents to settle the payments with them instead (with monthly interest of around 15 thousand monthly, and principal to pay monthly is 30,000. The total money owed from them is 1.4 million pesos plus interest. Since our business closed last 2008, our parents asked our help to settle this, and we did help them because we do not want them to worry so much. We paid almost 700,000 already together with interests, but then now, we couln’t pay anymore. My father passed away last 2010 and he is the one who signed the agreement. My Aunt sent us a message (via text)asking us to just continuously pay, but we cannot afford anymore.. initially we replied that we will try because they mentioned to us to settle the interest first amounting to 7,500 (they reduced from 15,000) for 6 months then pay the interest plus the principal amount after that. We replied that we will try to assist and pay the debt of our parents, but we never signed anything. We are supposed to start paying this last January 2012, and till now, we are only settling the monthly interest as we cannot afford to pay the principal anymore. They keep calling and pushing us to pay. Can they file a legal case against us even if my dad is the one who signed the papers? Can we inherit our parents’ debts?

Please help..

Thanks..

Reply

akiko May 7, 2012 at 1:35 am

Ngayon ko lang po nabasa ang site niyo…dami kong nalaman, meron din po sana akong itatanong sa inyo sana po ay makakuha ako ng kasagutan. Nandito na po ako sa US for 4 yrs na po, dati po akong gov’t employee sa pinas for 10 yrs at meron po akong unpaid bank loans na dati po ay 20k at ngayon po ay umaabot na sa 120k dahil sa interest at etc po, last kong payment sa kanila ay 2003 pa po…di ko po ito nabayaran kasi nga po natigil yong salary deduction ko, at di po ako nagkainteres bayaran hanggang sa nakaalis po ako…ngayon, me natatanggap po ang family ko sa pinas na kailangan ko po itong bayaran and problema ko naman po ay wala akong work dito sa US kasi nga po recession nga…meron po akong plano na magvacation next year sa atin…anu po ang mangyayari sa akin, makukulong po ba ako doon or di na makabalik dito…GC holder po ako. Salamat!

Reply

Tito Boy May 7, 2012 at 8:00 pm

walang nakukulong sa utang. hindi ka maho-hold dito sa pinas kung civil case lang ang kaso mo.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: