Karamihan ng tao ay nag-aakala na kapag kinasuhan sila ay maari na silang makulong. Para sa mga taong isang damukal ang utang sa iba’t-ibang credit card companies, mga bangko, kaibigan at kamag-anak, pwes, may maganda balita ako sayo:
Walang nakukulong sa utang.
Ito ay nakalagay mismo sa ating Saligang Batas:
Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non- payment of a poll tax.
Iniiwasan ng ating Saligang Batas na mapilitang gumawa o magsilbi ang may-utang sa kanyang pinagkakautangan para lamang umiwas sa pagkakakulong na masasabi narin nating isang uri ng pang-aalipin o slavery.
Ngunit pano naman ang mga swindler at estafador sa lipunan?
Sa simpleng linguwahe, ang estafa ay panloloko.
Ang panloloko ay iba sa lihitimong utang. Ang lihitimong utang ay kung saan ang taong umutang ay may intensiyon talagang magbayad. Siguro dahil sa hindi inaasahang bagay tulad ng pagbagsak ng negosyo o pagkatanggal sa trabaho ay hindi niya kayang bayaran ang kanyang utang kapag dumating na ang araw ng singilan.
Ang mga manloloko naman, ay talagang walang intensiyong magbayad o magsoli ng pera sa simula pa lamang. Kaya nga manloloko e.
Dito pumapasok ang elementong fraud. Kaya ang mga estafador ay pinaparusahan ng ating Revised Penal Code ng kulong hindi dahil sa may utang sila, kung hindi dahil, manloloko sila.
Ganyan din ang prinsipyo ng Bouncing Check Law o kilala bilang BP 22 (Batas Pambansa Bilang 22). Pinaparusahan ang nag-issue ng tseke hindi dahil sa may utang siya, kundi dahil nag-issue siya ng talbog na tseke na maaring makasira sa integridad ng paggamit ng tseke sa iba’t-ibang transaksyon sa lipunan.
Ngunit pano naman makakabawi ang pinagkaka-utangan mo?
Bilang nagpapautang, hindi ka pwedeng mag-ala-Rambo at pumunta sa bahay ng taong may utang sayo at limasin ang kanyang mga gamit na walang court order.
Light Coercion aabutin mo niyan at ikaw pa makukulong!
(Revised Penal Code. Art. 287. Light coercions. – Any person, who by means of violence, shall seize anything belonging to his debtor for the purpose of applying the same to the payment of the debt, shall suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period and a fine equivalent to the value of the thing, but in no case less than 75 pesos.)
Biruin mo, ikaw na nagpautang, nakulong kapa. Ang swerte naman ng may utang sayo.
Kaya dapat, daanin mo sa tamang proseso. Yan ay ang pagsampa ng civil case for sum of money.
Oo, kaso rin yun, kaso walang kulong.
Pero kapag nakakuha kana ng Court Order na tinatawag na Writ of Execution…..Its pay back baby!
Kasama ng Court Sheriff, maari kanang pumunta sa bahay ng may utang sayo para singilin siya. Kung walang paring pambayad, unahin mo na ang plasma tv niya sa sala, isama mo na rin ang magic sing. Ngunit hindi lahat pwede mo kunin, may limitsyon rin (Rules of Court Rule 39 Sec. 13). But still you will not be left empty handed.
Maari mo rin i-levy ang real properties ng may-utang sayo, kung saan ibebenta ng Sheriff ang mga lupain niya para pambayad sa utang.
Kung wala talaga, hindi mo mapipilit, pasensyahan na lang. Tawag dyan, Paper Judgment. Panalo ka lang sa papel.
Kaya bago mag-pautang, alamin ang kakayahan ng pag-papautangan.
Sa mga nangungutang naman, huwag umutang kung hindi kaya bayaran. Hindi ka man pwede ikulong sa ginawa mo, nahusgahan ka naman ng lipunan bilang balasubas. Para ka na ring kinulong.
“Debt is the worst poverty” – Thomas Fuller, Gnomologia, 1732


{ 362 comments… read them below or add one }
← Previous Comments
Next Comments →
Good pm po. Tanong ko Lang. Kasi yung mother-in-law ko may utang na 18000 tapos buwan buwan hinuhulugan ng 3000 ngayon po yung interes umabot na ng 32000 dahil 2 years ng hindi nkakapagbayad ng tubo. Pero Kung itototal yung mga nahulog ng MIL ko halos lumampas na ng capital. Ngayon po itong nagpautang ipapakulong daw ang MIL ko kapag di binayaran ang 32000. Ano po ang pwede namin gawin?
tumawa, sapagkat walang nakukulong sa utang
Pero kailangan po b namin magbayad ng kahit magkano?
Ganito po yin nag hehearing n sila s barangay. At ang sabi kahit 20000 ibayad para matapos na. Ang problema po Malaki p rin Hindi Kaya bayaran. Bukas may hearing na naman sila sa barangay.
hulugan na lang nyo, wala namang magagawa yan pag di pumayag, eh di mag demanda sila ng civil case mediation din bagsak nyan at sa hulugan din mauuwi
Matapang po kasi yung Tao tinatakot ang MIL ko na ipapakulong kita may abogado ako. Yung pong inutangan ng in law ko ay Tao Lang Hindi lending company.
wag matakot, walang nakukulong sa utang
Good day!
Just like other porblems I have a credit card debt. Since I left Philippines I paid my credit cards but when ressession started I already failed to pay. HSBC transfer my acount to a lwa firm. Law firm said I need to pay Php 100k+ but my balance is 43,000 only. I said I’m willing to pay but only OB in installment basis. Ayaw nila pumayag. Sabi ko pwede naman yung hinhiling ko kung gugustuhin nila ayaw daw ng client nilang HSBC. Eh ano magagawa ko wala namana kong work at nasa USA na ko. I insist in installment basis with 43,000 only. Tama po ba ginagawa ko? Hindi po ba nila pwede i-grant yung request ko? Pwede po ba sila kumuha ng mga gamit ng father ko ss Pinas kahit na pag-aari ng father ko yun?
I hope you can help me.
Thanks a lot.
khekay,
deal directly with the HSBC. tama si granger, your credit card debt is personal, di nila pwedeng kunin mga gamit ng father mo.
for further readings visit the forum http://diskarteforum.niceboard.net/forum.htm
No. They cannot attached properties of your father, they can only attach yours by virtue of a court ordering the issuance of writ of execution.
Ang utang po ba kapag nahuhulugan mag earn p rin ng tubo? Or kapag di Lang nahulugan tsaka Lang magkakaroon ng tubo? Kasi ung utang ng MIL ko 18000 Lang tapos 20% kada buwan kasama n dyan ung tubo buwan2x. Bali 3600 po ang ihuhulog kada buwan.
Yes as long as there is unpaid balance it earns interest.
Hindi po ba labag sa batas ang pagpatong ng malaking interest ? Ang 20% po ba ay sapat Lang sa 18000 capital? Tao lang ang pinagkakautangan walang pwesto o Hindi rin lending company.
Pasensya na po magtatanong Lang ako uli. Kung lalaban n Lang Kami s korte at kukuha ng abogado may Laban Kaya Kami? Kasi ang lakas po ng Tao maningil at manakot sa MIL ko samantalang wala man lang hawak o kopya ng utang ang MIL ko. Lalo n kada bayad o hulog namin ay walang pirmahan s listahan o resibo tapos ngayon naninigil samin ng 62000 n daw at gagawin Nya n Lang 32000 tapos. Kung matatandaan po 18000 Lang ang capital n hiniram. Naghuhulog po buwan2x. Itong nakaraang 3 buwan Hindi nakapaghulog Kaya nagreklamo s barangay yung tao at Ito nga nagsasabi sa amin n GUSTO MO PAKULONG KITA. o kaya naman daw ay PAUPAHIN NYO ANG BAHAY AT ANG RENTA IBABAWAS KO S UTANG NYO. yan po ang mga binitawang salita s in law ko.
Every payment made should be receipted. You may withhold payment unless they render full accounting of your outstanding balance.
Ano sabi ng Barangay?
Wala naman nakukulong sa utang. Engot yang naniningil sa inyo. At di ka rin mapipilit magparenta para sa utang. Kung magdemanda sya gawin nya. Collection case lang yan small claims court pa bagsak nyan.
good morning. may katanungan din po ako ulit. yung father ko kasi may credit card balance pa na 50k on going interest na. hindi na kasi nababayaran e. ang tanung ko po pwede bang hatakin ng credit card company yung ari arian ng tatay ko na nakapangalan sa kanya like car? kasi may tumawag na collector na kukunin nalang daw yung sasakyan namin. thanks in advance po.
Yes they may attach personal and real properties of the debtor upon order of the court. Absent the writ of execution for garnishment issued by the court then they cannot legally attach the subject properties.
ah ok po… so panu po mangyayari basta basta nalang po ba hahatakin ng collector to(yung car)?
dapat may court order
pero may hearing po muna dapat bago nila kunin? magbabayad naman po talaga tatay ko tinatapos lang yung isa pang bayarin.. thanks po ng marami sa reply.
Yes the creditor will file a collection case first.
Good Day to all and granger I just want to ask and compare to what I know about collection of bad credit by third party collection agency thru court order by actually going the debtors home family property. Hindi kaya contradiction ito ng
Art. 223 Civil Code of the Phil.;
Art. 155 Family Code of the Phils ;
Sec. 13 Rule 39 of Rules of Court
Kung di po ako nagkakamali isinasaad na :
The family home is exempted from attachment/execution/levy :
Pwede po kaming paki paliwananagan dito. salamat po.
Good Day everyone and to Granger.
I just want to contribute why I know so far about collection of default credit balance by third party collection agency na makakakuha sila ng part property ng may utang with court order
“Maari mo rin i-levy ang real properties ng may-utang sayo, kung saan ibebenta ng Sheriff ang mga lupain niya para pambayad sa utang.”
hindi kaya ma contradiction and violation sa
Civil, Family code
Art. 223 Civil Code of the Phil.;
Art. 155 Family Code of the Phils ;
Sec. 13 Rule 39 of Rules of Court
The family home is exempted from attachment/execution/levy :
pwedeng paki liwanagan kami dito.
Salamat po.
Refer to A166FC.
A160FC pala.
kuya, meron po akong bisnes sa bahay lang… natanggap po ng order sa mga call center pang gabi… may empleyado po akong pinaalis dahil po po sa pagnanakaw po ng gamit… ngayon nagdemanda sya, at dahil di naman kalakasan, di po ako kumunsulta sa abugado kasi po ang singilan po ay 500,, pag daw po papagawa ng kasagutan 3000.. eh san naman po ako kukuha ng ganun kalaking halaga? daig pa ako ng empleyado ko sya naka abugado, ako nga po wala… so tumagal ang kaso hanggang sa nagulat nalang po ako may police na dumating may babayaran daw po akong 200k… mantakin mo kahit po ipagsama sama naming magpapamilya ay hindi po kami makabuo ng 200k….
nakatira po ako sa bahay ng magulang ko, dahil single mother lang po ako… pilit pong kunin mga gamit sa bahay na tinitirhan ko, ngunit sa magulang ko naman po iyon, ayaw ko na sana sila madamay pa… kaya po sabi ko bawal po yun ginagawa nila at mag dedemanda po ako…. dapat ako lang po idamay…. gamit ko. hindi po ng magulang ko kung saan po ako nakatira hindi po ibig sabihin pati gamit ng mga kapatid ko ay kukuni nila po…. tama po ba sila? humingi po ako ng oras para magbayad,, sila raw po ay babalik… pero diko po alam paano mag produce ng 200k kung nga sa isang buwan ay mahirap makabuo ng 10k kapag pumasok naman ako sa company work…. =(
Do not pay any amount unless there is a court order awarding the amount of P200k against you and do not give any of your personal property unless there is a writ of execution.
You can refuse entry of the police, if he insisted file a criminal case of violation of domicile. If civilian, qualified trespass to dwelling. And you are correct that they cannot take property that does not belong to you in case the court ordered you to pay P200k.
opo, tamang may dala po sila,, kopya po galing labor, sobrang haba… ang nabasa ko kaagad na award daw ang 200k sa kanila… sa paraang di ka halos maisip na kahit nung nagbibisnes pa ako, ipagsama buong taon ay hindi po ako ganun kumita,, more on pag may order may kita, kapag maraming ibinalik , mga hindi nakuha, good as ulam na lang sa bahay… parang pang restorant or karinderyang may pwesto sa labas ang penalty ko…
sa 2 lalaking empleyadong nagnakaw at sila pa may gana mag file ng iligal dismisal… sabi nga nila paunahan lang yan…
eh para syempre sa midel class na tulad ko,, wala naman po akong matakbuhan dati na pagagawan ng papeles for free, di po tulad nila asikasong asikaso sila ng abugado nila… ako nung kumunsulta 500 – 3000 kada 2/3 weeks ang nangyari so tinigilan ko na lang….
yun ang pagkakamali ko…
meron nga silang writ of execution na dala, di pa nga sila pinapapasok, eh nagbukas na po sila ng pinto ang naglakas loob pa ay yung 2 boy namin kasi mayabang dala ng may kasamang sherrif….
kaso parang gusto lang mang asar tipong kahit banig gusto pang ipagsigawan na kukunin daw nila lahat sa susunod na punta kung wala nga daw ako pong maibigay, nakiusap akong baka pedeng wag naman ganun kalaki,, nagmamatigas,,, akala yata nila amin yung condo, eh nirerent lang po iyon ng magulang ko na sakto doon din lang ako nakatira…. o diba po ano naman karapatan nila pati gamit ng parents ko ay pakinabangan? eh di sa kwarto ko sila maghalungkat yun nga lang halos damit at sapatos kama lng at laruan ng mga bata ang meron dun…. haaaaaaaaaaaaaaaaay buhay…. bakit sino pang nag agrabyado, naandun ang hustisya? may baranggay po dati sa panahong pinaalis sila nakatala doon bakit at sa harap sila nag witness na ganun kasi ang pangyayari… hindi naman po na-honor yung kasulatang yon! akala ko enough na may nag witness…
di kasuhan mo ng qualified theft, nagnakaw pala eh
Good morning. Im Elizabeth Mizuhashi, since I raised up in Japan, Im not good in tagalog. By the way, the sheriff suddenly came my mother’s house WHICH I STAY TOGETHER SINCE I DON’T HAVE MY OWN HOUSE. My question is, DO THEY CAN TRESPASS TO MY MOM’S HOUSE? DO THEY CAN GET THE THINGS THERE?……..It is ME who recieved WRIT OF EXECUTION, not my mother.
Thank you very much…..since my small business did bankrup so I don’t have any money to consult to Lawyer.
Ang mga humihingi ng legal advice sa chat at blog comment ay hindi sasagutin. punta kayo sa forum
GO TO FORUM
Ask Panyero
To anyone who wants to get back at those abusive credit card collectors, here’s the number of the collector from HSBC, AIG and Citibank named Joseph: 09276579606, 9955126, 9955001. He texted me the other day claiming ipa-publish daw niya ang name ko sa leading newspapers pag hindi ako nagbayad. Then tumawag siya and claimed na taga Citibank daw siya. Nagulat ako kasi wala naman akong account sa citibank, sa AIG lang. Siya pa nagalit. Binabaan niya ako ng phone. Tapos after two hours tawag siya uli. He denied na siya yung nakausap ko kanina. But syempre di ko nakalimutan boses niya kaya alam ko siya yun. Hinaras-harass niya ako. Kung anu-anong sinabi niya. The next day kumuha ako ng pangalawang SIM card hinaras ko rin sya. Nagre-reply naman siya ng walang katuturan. I’ve been harassing him for two days na at wala akong balak na tantanan siya. Kumbaga, a dose of his own medicine. He deserves it.
Mga bobo talaga mga collectors na ito. Salita nang salita nang hindi inaalam ang batas. Gusto lang talagang manakot at manghiya.
Creditor Man
cg, galing labor? saan regional office? verify mo muna tawagan mo muna yung labor na sinasabi mo. as an “employer”, di pwede ma-settle yang issue nyo at mag decide ang labor ng hindi kayo pinagharap sa dole office. more so, pwedeng reinstatement muna ang sabihin ng labor at hindi agad damage fee na P200k. pero kung nagnakaw sayo, dapat nga sila pa kasuhan mo ng dishonesty.
May nakakukulong po ba pag di nakapagbayad ng loan sa bank?
depende kung estafa ang kaso,pero kung di naman wala
Paano po di ba ung mga bank ang way of payment po a thru cheque?bank po ung ngissue ng check estafa din po ba yun?or lalaki lang ung babayaran because of interest?
ask ko lang po. yung mom ko po kasi may utang na 18k. bale yung 13k po interest lang yung 5k po extra utang nya kaya yung sum 18k. kaso po umalis na yung mom ko pumunta ng qatar.ako po ang naiwan dito 19yrs old at yung dalawa kong lil sis. 17 yung isa yung isa naman 13 palang. then one day nagpakita yung inutangan ng mom ko naniningil, of course wala ako pambayad kaya I told her to contact my mom. I gave her my mom’s no. pero bumalik sya after 2 months papabarangay nya daw ako. I really don’t know what to do. I mean wala kasi dito sa pinas parents ko. what should I do if ever ganun nga agwin nya sakin?. please help
wala yan, di naman ikaw may utang sa kanya kundi nanay mo
Pwede rin po ba ako magtanong? I’ve been reading your site for the past 2 weeks kasi naghahananap ako ng kaparehas sa kaso ko kaya lang po wala ako mahanap na exact scenario.
Ganito po yun, Meron po ako ka-work who buy & sell computers. Kumuha ako ng laptop sa kawork ko na eto at babayaran ko ng hulugan. Sabi nya magcanvass ako sa iba kung anong laptop kukunin ko at kung magkano presyo. Tumingin ako sa SM at may nakita ako na worth Php28,000 na laptop. Tinext ko sa kanya yun pati specs. Nagreply naman po sya, magkita na lang daw po kami bukas.
It turns out, wala daw sila stock ng ganung model pero kung gusto ko daw meron sila ibang brand na mas mura (P26,500) pero halos same lang ng specs.
Sabi nya mag-down na ako P12,500 para daw mapa-format na nya at malagyan na ng applications. So inabot ko po sa kanya ang aking paunang bayad na wala pong kasulatan dahil may tiwala po ako sa kanya. Ganito po yung presentation nya. Dahil kaibigan kita wala ng interest. Yung balance mo na 12k bayaran mo ng 4k/month within 3 months. Syempre po pumayag ako kasi nabaitan ako sa kanya.
Sumunod na araw nagkita ulit kami para ibigay nya sa akin yung laptop. Parang di ko po nagustuhan pero di ko nalang po pinahalata sa kawork ko kasi hulugan lang naman po sya. Nakadalawang huluog na po ako. Bale, P20,500 na po nabayaran ko until I found na worth P19,000 lang pala yung binigay saken na laptop.
Sinabi ko po sa kanya yun.Sabi nya kelangan ko pa din bayaran yung balance ko na P4,000 kasi tapos na kami nagusap. Nasa akin po yung proposal nya na P26,500 kuno tsaka po mga receipt ng binayad ko sa kanya. Ano po legal action ang pwede ko gawin kasi po he betrayed my trust. Thanks po for enlightening people like us na mahirap umintindi ng batas.=)
“Obligations arising from contracts have the force of law between contracting parties and must be complied with in good faith.”
There is nothing deceitful based on the facts. As a matter of fact your consent was given freely.
Good day po sa lahat,
Meron po akong maliit na business. Yung isang customer ko nasa canada so thru email lang kami nag transact.Nung una ok pa naman ang payment niya sa dinedeliver namin na feeds.kaso lumaki yung utang nya dahil ninanakaw ng kanyang farm manager yung pambayad sana sa amin.naayos naman namin yun dahil umuwi sa sa pinas at nakpag usap na unti unti nyang babayaran.so far nagbabayad noon pero imbes na dagdagan nya yung binabayad nya eh binawasan pa nya.kaya nagalit ako at hindi ako nagdeliver dahil ayaw nyang bayaran yung over due nya. ngayon sa iba na sya kumukuha ng feeds at hindi pa sya nagbabayad hanggang ngayon. paano po ba sisingilin yung customer? nasa 250k po yung utang nya. ano po kaya pwedeng ikaso sa kanya para maka singil ako?
Ask ko lang, may utang kasi ako sa HSBC 1 year ko na siyang di nababayaran.. Tapos plano ko this December mag open ng savings account sa BPI , makakapag open kaya ako?. Pls. reply.
Oo naman. Gusto mo sa HSBC ka mag open ng account di ka nila tatanggihan.
hi..my loan ako s bdo n 40k pero ng mgresign ako s work last 2007 dko n cia nbyran. pro n deduct nko ng 1 yr dun kc salary deduction un so ble klhati n lng. un nga lng ngresign nga po ako..now po (2010) ngpdala ng demand letter ang panlilio law office ang sb byran ko dw 68k? ano po dpat ko gwin? tnx..
hi..dati po akong empleyado sa isang micro finance,nag awol po ako kasi sobrang pressure..tapos inaudit po ung hawak ko na accounts tapos lumalabas na pati ung mga sabi sabi na kinuha ko daw na kahit hindi sinama nila sa computation..til now hindi pa ko nagpapakita.aminado naman ako na may konti ako nagalaw pero hindi 150k na sinasabi nila..may kaso po ba ko?makukulong po ba ko?ano pwede ikaso sa akin?wala namn ako. pinirmahan na tseke.salamat po
You are criminally liable for Qualified Theft punishable with imprisonment.
ano po dapat ko gawin?may mga hearing pa ba magaganap?or kusa ako dadamputin?
pag naisampa ang kaso sa korte at naglabas ng warrant saka ka pa lang aarestuhin,
pero pede kang ma subpoena sa fiscal pa lang for preliminary investigation, hanggat nasa fiscal pa ayusin mo na para di na maisampa sa korte kundi tutuloy ang kasong kriminal,
sir ask ko lng po kung pde pong makasuhan ang asawa ko dhil po ksi ung tatay nia may kaso po sa supreme court may taxi po sila ung taxi pong un may driver na nirekominda ng pinsan ng asawa ko tpos po ngyon kinuha na po ng asawa ko ung taxi sa driver dhil po lumlaki ung utang nila dhil daw po sa taxi dhil daw po pinagagawa nung driver nangutang po ung driver sa bumbay tpos kada buwan po may interest na 20% indi nmn po sila nag abiso na mangungutang sila sa bumbay ngayon po tinatakot po kmi na may bayaw daw po siang nag tatrabaho sa DOTC may utang din daw po sila dun sa bayaw nia ginigipit po kmi pti po sa work nmin ginugulo po kmi sinasabi po na pina CI n daw po nila ung tatay ng asawa ko ginagawa po nilang panakot ung kaso ng tatay ng asawa ko ano po bng dapat nmin gwin?pakisagot po asap tnx po..
nasagot na dati to hanapin mo jan sa mga comments
ksi sir ngayon po may hiring na daw po sila tpos sbi po nia sinama nga po nila sa kaso ung asawa ko at ung tatay nia.galit na glit n daw po ung piskal pag indi p daw po binayaran ung pera gagawin na daw 50% ung interest plus ung gastos daw po sa abogado..
sir ngayon po sbi isasama na daw ako sa kakasohan sir hindi ko na po alam gagawin nmin pkisagot na lng po.asap..tnx
tanong k lang po year 2007 nag loan po mr.ko sa asialink kaso di po nakapag bayad ng maayos yong mr. ko hangang close na yong checking acct.niya utang niya 23thou.nakabyad siya siguro mga 12thou….sa tagal umabot po ng 2009 sabi ng collector irectunstuck na lang daw para mahulugan at bumaba ang huhulugan kaso sa panaglan ko na…nag recontruct ako Aug.18,2009 di nag issue na naman ng cheke kaso nawalan ng trabho mr. ko kaya di namin nahulugan ng Sept at oct, bali 2 months na walang hul;og pag dating ng Nov.naghuhulog na ako buwan buwan walang palya at napagkaunduan namin e 1.060 ang hulog ko para kaya ko daw…so nakakapaghulog na ako ito na bigla ako pinadalhan ng sobpoena my warant of arest daw ako makukulong ba ako umatend ako ng hearing wala naman umatend sa asialink na representative nila..pwede ba akong makulong kahit nagbabayad na ako at tinatangap naman nila byad ko naguguluhan ako kasi kaya ginwa ko sabi kasi sa korte antayin ko raw motion of lifting para mawala daw yong warrant of arest ko..makukulong po ba ako..
Yes may warrant eh, pero mukhang BP22 so may bail yan.
ay ganun po ba..pero pag nabayaran ko ba ito e,,,mawawala na yong kaso ko kasi Mrach 9.2011 pa po uli yong hearing ulit…….at nakuha ko na po yong motion of liffting ko hawak ko na po….ngayon pinapagawa po ako ng counter affidavit para saan po ba yon di ko kasi alam kung paano gumawa ng counter affidavit kailangan ma isubmit ko daw yon within 10 days.tnx po
patulong at pagawa ka sa lawyer
Sir tanong ko lang po ang baka matulungan nyo ako…
nangutang po ang misis ko ng 500T sa isang kakilala nya hindi ko un alam… meron pong na issue na cheke dun sa inutangan…ngayon po di na po makabayad ang misis ko at nag email po sakin ung inutangan kaya ko nalaman at balak na po daw nyang i demanda ang misis ko… ang sinabi ko po sa inutangan babayaran ko po ung nautang pero kung pwede sana huhulugan ko at wag ng tubuan… parang ayaw po nilang pumayag na hulugan ko ng wala ng tubo at idedemanda na po daw nila….halimbawa po talagang nademanda at guilty ang misis ko .. ako po ba ang mananagot sa utang ng misis ko at ung binayad ng inutangan sa lawyer nya? sana po matulungan nyo ako kung ano dapat kong gawin willing naman pong bayaran ung inutang… salamat po ng marami
Yes, presumption that it redounded to the benefit of the family. The burden of proof to prove otherwise rests on you.
salamat po sir sa reply… kahit po pala di ko alam ginawa ng misis ko madadamay din po pala ako sa bandang huli….
gud pm po sir tanong ko lang po ng nasa dubai asawa ko naka utang siya don ng pera sa banko don year 2008 nagbakasyon po dito ang mr. ko so ng babalik na siya sa dubai na terminte siya so di na siya naka balik di niya nabyaran yong utang niya don……year 2009 my nag punta dito bilkish my finoward daw sa kanila yong banko don sa dubai sinisingil asawa ko andito pa noon asawa ko at walang trabaho kaya di sila naka singil ngayon naka alis mr.ko nasa saudi siya ngayon riyadh nawala na rin yong bilkish di na naniningil.ngayon meron na naman bagoENZI corporation sila naman daw inatasan na maningil ngayon ginigipit kami bayaran daw namin ng 20thou dirham para buo na raw saan kami kukuha ng ganun kalaking pera e sweldo ng asawa ko e 2thou riyal lang isang buwan ngayon my option sila kahit 5thou dirham daw e ….kailangan mag bigay kami ngayon agad ng 5htou diraham e sa ngayon kinkaltasan pa ng placement fee ang mr. ko wala pa kami maibabayad….pero willing naman po kami mag bayad kaya lang di sa ngayon…..sabi sa akin pag di daw makapag hulog ngayon sasampahan na raw siya ng kaso at ipapa police na raw siya…….ang tanong ko po sa dubai niya kasi inutang yon pwde ba sila kunin mga gamit namin dito sa bahay at ang asawa ko po ba ay pwedeng damputin don sa riyadh kahit sa dubai ang utang niya…maraming salamat
salamat po sir sa reply… kahit po pala di ko alam ginawa ng misis ko madadamay din po pala ako sa bandang huli….
← Previous Comments
Next Comments →