Karamihan ng tao ay nag-aakala na kapag kinasuhan sila ay maari na silang makulong. Para sa mga taong isang damukal ang utang sa iba’t-ibang credit card companies, mga bangko, kaibigan at kamag-anak, pwes, may maganda balita ako sayo:
Walang nakukulong sa utang.
Ito ay nakalagay mismo sa ating Saligang Batas:
Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non- payment of a poll tax.
Iniiwasan ng ating Saligang Batas na mapilitang gumawa o magsilbi ang may-utang sa kanyang pinagkakautangan para lamang umiwas sa pagkakakulong na masasabi narin nating isang uri ng pang-aalipin o slavery.
Ngunit pano naman ang mga swindler at estafador sa lipunan?
Sa simpleng linguwahe, ang estafa ay panloloko.
Ang panloloko ay iba sa lihitimong utang. Ang lihitimong utang ay kung saan ang taong umutang ay may intensiyon talagang magbayad. Siguro dahil sa hindi inaasahang bagay tulad ng pagbagsak ng negosyo o pagkatanggal sa trabaho ay hindi niya kayang bayaran ang kanyang utang kapag dumating na ang araw ng singilan.
Ang mga manloloko naman, ay talagang walang intensiyong magbayad o magsoli ng pera sa simula pa lamang. Kaya nga manloloko e.
Dito pumapasok ang elementong fraud. Kaya ang mga estafador ay pinaparusahan ng ating Revised Penal Code ng kulong hindi dahil sa may utang sila, kung hindi dahil, manloloko sila.
Ganyan din ang prinsipyo ng Bouncing Check Law o kilala bilang BP 22 (Batas Pambansa Bilang 22). Pinaparusahan ang nag-issue ng tseke hindi dahil sa may utang siya, kundi dahil nag-issue siya ng talbog na tseke na maaring makasira sa integridad ng paggamit ng tseke sa iba’t-ibang transaksyon sa lipunan.
Ngunit pano naman makakabawi ang pinagkaka-utangan mo?
Bilang nagpapautang, hindi ka pwedeng mag-ala-Rambo at pumunta sa bahay ng taong may utang sayo at limasin ang kanyang mga gamit na walang court order.
Light Coercion aabutin mo niyan at ikaw pa makukulong!
(Revised Penal Code. Art. 287. Light coercions. – Any person, who by means of violence, shall seize anything belonging to his debtor for the purpose of applying the same to the payment of the debt, shall suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period and a fine equivalent to the value of the thing, but in no case less than 75 pesos.)
Biruin mo, ikaw na nagpautang, nakulong kapa. Ang swerte naman ng may utang sayo.
Kaya dapat, daanin mo sa tamang proseso. Yan ay ang pagsampa ng civil case for sum of money.
Oo, kaso rin yun, kaso walang kulong.
Pero kapag nakakuha kana ng Court Order na tinatawag na Writ of Execution…..Its pay back baby!
Kasama ng Court Sheriff, maari kanang pumunta sa bahay ng may utang sayo para singilin siya. Kung walang paring pambayad, unahin mo na ang plasma tv niya sa sala, isama mo na rin ang magic sing. Ngunit hindi lahat pwede mo kunin, may limitsyon rin (Rules of Court Rule 39 Sec. 13). But still you will not be left empty handed.
Maari mo rin i-levy ang real properties ng may-utang sayo, kung saan ibebenta ng Sheriff ang mga lupain niya para pambayad sa utang.
Kung wala talaga, hindi mo mapipilit, pasensyahan na lang. Tawag dyan, Paper Judgment. Panalo ka lang sa papel.
Kaya bago mag-pautang, alamin ang kakayahan ng pag-papautangan.
Sa mga nangungutang naman, huwag umutang kung hindi kaya bayaran. Hindi ka man pwede ikulong sa ginawa mo, nahusgahan ka naman ng lipunan bilang balasubas. Para ka na ring kinulong.
“Debt is the worst poverty” – Thomas Fuller, Gnomologia, 1732


{ 362 comments… read them below or add one }
← Previous Comments
Next Comments →
yes kung may deceit o panloloko
ibig po b sabihin kahit ngbabayad ako estafa din po ang magiging kaso non?thanks
di ba sabi ko nga sa taas na pede mo idepensa na wala ka intensyon na manloko at di magbayad katunayan ng mga nauna mong partial payment,
and cinasabi ko lang eh kung nagreklamo sa CIDG ay malamang na ESTAFA para maobliga ka na mag bayad na ng buo
thank you po sa advice.now lang po may dumating ako demand letter.kung di ko dw po nabayaran ng buo mag file n po sila ng case sa akin.
ano po dapat ko gawin nyan?thanks po
you have to reply to the demand letter and try to negotiate for a little more time to settle at the same time invoke that the agreement was to pay within 1 year and that 1 year has not yet elapsed
i have a problem, co-maker po ako ng ka office mate ko, nagresigned po sya, all the while akala ko fully paid na ang loan. may natanggap ako deman letter from lending agency.. nagbayad naman xa kaya lang hindi pala total amount ng nasa demand letter kasi ang alam nya ay 3thou plus na lang ang balanse nya. but she didn’t call the agency. ngayon ko lang nalaman ng 3thou lang pala binayad nya kasi my demand letter galing attorney ng lending agency. sabi 5days lang dapat na bayaran un. ano po ba dapat kong ka gawin kasi parang ayaw bayaran ng principal barrower kasi sobra sobra na daw ang binayad nya pero ang history ng payment ay may delayed payment xa na nagresulta ng malaki interest. makukulong po ba ako or ano po ang pwede ko gawin?
thanks
di ka makukulong, mag cooperate ka sa lending agency at ituro mo kung nasaan ang principal borrower na friend mo para mag-usap sila at para malinawan kung talagang may utang pa nga sya
at sana magbayad friend mo at di magtago dahil kung hindi ikaw ang magbabayad
ah ok.. tatawag ako sa agency.. lagi ko nga xa tinatawagan at tini-txt ko sabi nya hindi naman xa tatakbo sa utang nya, ang pinag aalala ko lang po sa akin maisasampa ang kaso hindi naman ako ang gumastos ng pera..
thank you very much po
e pano naman po kapag sa ibang bansa ka nagloan or may credit card tapos no choice ka kundi umuwi dahil nawalan ka ng work. may karapatan ba ang collectin agency dito na ipakulong ka?
papasok ang territoriality doctrine, if the crime was committed in a foreign land then the Philippine Courts acquire no jurisdiction,
puera na lang kung credit card mo ay banko na may juridical personality dito sa pinas they can prosecute here for example citibank aeh international bank yan, so kung ginamit mo ang credit card nila sa ibang bansa liable ka pa rin doon at pede ka habulin dito
sir, pano po pag unpaid medical bills sa private clinic? me karapatan po yung debtor na mag dedemand ng payment scheme (kelangan i settle mo na a certain percentage by this date) or we will file a case against you?
within my rights po ba maki pag areglo kung anong kayang kong ibayad, like in a promisory note at other means to pay aside from postdated checks?
mabait naman po yung mediator kaya lang parang me implied threat na po ng legal action, kelangan raw ma settle in a month lahat (50 – 75 percent of the total plus postdated checks). Tama po ba na sila ang mag sabi ng ganoong terms kung d ko naman po kaya?
… ay parang nasagot na pala yung iba kong tanong. I read the older comments
Sir kasi po d naman credit card co. ang problem ko – private clinic na me monthly recurring medical bill. Walang interest, pero parang utility bill na wala po akong magawa dahil ginagamit yung services.
Tuwing nagco contact naman po sila I acknowledge it. Nakatira po kasi ako probinsya pero I do my best to pay when I can and contact them when I can.
Mabait naman po dahil hindi sila makulit. Ngayon lang po sila gumamit ng pseudo demand letter threatening legal action dahil hindi ako nakatawag last time, nag txt lang po ako to acknowledge them.
As soon as I received the threatening email, nag deposit po ako kagad ng minimum amount na one montly payment. I made regular payments naman po dati na natigil
because I’m out of work/ sick.
***
Option ko lang po ba talga e makipag usap to haggle for the payment scheme? Do I need a lawyer (my side) present habang nag uusap po kami to settle this?
Housewife po ako na buntis pa at isang buong
company raw ang kakalabanin ko.
Ayoko rin po kasing maburden ang asawa ko rito dahil me sarili rin po syang mga utang. Natatakot po ako na baka habulin ng creditor yung husband ko.
***
I enjoy your blog so much at salamat po sa pagtulong sa min mga ordinaryong tao. This is such a great service to humanity.
Maraming salamat po!
Best thing to do is to negotiate with them para mas magaan ang terms of payment na babayaran mo. You dont need lawyer, but it is better to be represented during the negotiation to fully protect your rights and interests.
Mas maganda agapan dahil kapag nagkaso pa sila sayo ay lalaki pa ang gastos mo. Imbes na ibayad mo sa litigation expense ay ibayad mo na lang sa creditor mo.
Hope this helps.
May business po dati kami ngunit di naging maganda ang profitability kaya di namin nabayaran ang utang namin sa dealer namin, yung ibang utang namin ay na isyuhan namin ng tseke at yung iba naman ay di tseke. Ang utang namin ay more or less ay ten years ago pa? May obligasyon pa po ba kami na bayaran ang utang namin?
Oo naman utang mo yan eh. It is called natural obligation.
Makakasuhan pa ba kami kahit more than 10 years ago na po yun?
pede pero may defense of prescription
Thanks Mr. Granger1220. Puwede po ba paki explain ano ibig sabihin ng “defense of prescription”
it means that the period to bring an action for recovery of the obligation had already prescribed due to the failure to file an appropriate case by the plaintiff within the 10 year period, meaning the plaintiff slept on his rights, as such the court may dismiss the case upon motion of the respondent
ang haba ng sinulat ko kanina. di ko alam kung pumasok.
ayaw pumasok pag mahaba message. hay… this is my third time.
Got a problem with my BPI credit card: bal P30,000 last payment nov 2008.
As of now- Bal P100,000++
I also have a BDO CC: but started on a plan for P2000 monthly (bal P30,000 – with the monthly they charge me plus interest only P36,000, I opted for 18 months to pay -will end June 2011).
I lost my job and until now plain housewife ako. with 4 kids. All in school (public school)
I’m really shocked everytime they call. kc it’s like P15,000 monthly and pinapatong na interest. Ang bastos pa ng collection agency.
Pwede bako makipagusap sa Bank derecho? pero is there a way na mababaan ko hanggang P36,000 din lang tong babayaran ko? ok lang ba kung mag pay lang ako ng P500 just to show na willing naman ako mag pay. But I can’t commit to a P3000++ monthly.baka di ko din mabayaran lalo lalala.
Please help! I really want to settle this. pero sana wag naman ganito kalaki P100,000. wag naman sana more than 100% and napatong na interest from the principal. Wala ka na nga work, lalo ka pa binaon sa utang
ron,
check this out, this may help
http://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2008/05/paranoia-sypnosis.html
http://diskarteforum.niceboard.net/forum.htm
thank you so much for this informative website. sa kin naman po ang problema ko sa credit card ko lumaki un utang me kasi nung magsara un banko na inaplayan ko since sept. 2009 un bank na nag absorb nun assets nung dati ko bank, pinapadala sa address me na dati ko tinirahan. so after 3 months tinawagan nila me na di na daw me nagbabayad. kaya tinanong ko sila “san nila pinapadala un bills?” dun pala sa dati me address. e kaso ininform ko sila ng existing address ko for 6 years na ko nakatira. still wala me naresib from them. after another 3 months they called again informing me for not paying my debt. kaso sobrang laki na triple na yata ang utang ko. e yung una bank ko d2 nila pinapadala sa new address ko 4 one year na un mga bills ko so thats why i was able to dettle them. for this my concern is bakit ngaun panay ang demand nila sa akin ng payment d2 sa new address ko na ginamit ko din sa previous bank ko. kaya ang sabi ko dun sa tumatawag sa kin dapat ayusin namin muna 2 lahat especially un mga intersts and penalties na inaplay nila bago me magbayad. so until now di me nagcocomply dun sa gusto mangyari ng bank. please help me with this problem of mine. thanks.
wala naman po me plano takasan utang me kasi nun una regular payment naman po ginagawa me monthly. eto nalan nun nagsara un bank saka na naging problema. especially sa ibang address nila pinadadala un bill ko. ang di ko alam pano o bakit nila ginagamit un dati ko address na yun e 6 years na me di nakatira dun at di ko ginamit un lalo na sa bank o credit transactions.
Typical ang problem mo. Sobra nga naman walang puso kung singilin ka bigla ng mataas na hindi mo naman kasalanan.
Kapag nagtuloy sa korte ang kaso mo, maaari namang babaan ng korte ang singil nila. For the meantime ill refer you to this site
http://diskarteforum.niceboard.net/forum.htm
sign up and log in
sir,
good day!
ako po ay dating DH s HK. Noon pong nagwork ako doon ay pinakiusapan po ako ng pinsan ng asawa ko na iutang sya sa mga leending companies doon para pangcanada nya. iniutang ko naman po sya dahil sa gusto ko siyang maulungan kasama pa ng isang ipinakilala nyang malayong kamag anak.
masakit po ang nangyari sa akin dahil pagkatapos na maiutang ko sila ay tinerminate po ako ng amo ko. at dahil sa termination ko, hindi ko na nagawang bayaran ang utang na iyon, dahil malayo sa akin ang mga gumamit ng pera. nangako naman po sila na kahit narito na ako sa pinas ay sila na mismo ang magbabayad niyon.
subalit kalahati lang po pala ang binayaran nila at ngayon ay may collecting agency na ang lending na iyon dito sa pinas at tinatakot ako.
sobra pong masakit sa akin ang pangyayaring ito dahil kahit singko po ay wala akong nagamit sa perang inutang ko para pagbayarin po ako at takutin ng ganito. masakit po ang loob ko s mga taong ginamit ang aking passport para lang magkapera sila pagkatapos ay pinabayaan na ako at hinayaang masira ang dredibilidad ko bilang tao.
sana po ay mabigyan nyo ako ng payo.
maraming salamat po.
Naku, kaso ng co-maker yan. Basahin mo yung post tungkol diyan (Co-Braker).
Talagang liable ka at hahabulin ka ng lending. Habulin mo rin ang pinsan mo at malayong kamag-anak.
Kung ayaw mo magbayad, hingi ka ng tulong sa diskarte forum.
sa HK ka nangutang? baka iba batas dun sa pagpapautang, pero may doctrine of processual presumption pero sa korte na yun kung aabot kayo sa korte
kung ikaw ang pumirma as principal borrower liable ka talaga
opo, s HK po ako nangutang. ano po ba yong doctrine of processual presumption?
sana matulunan nyo po ako sir, kasi hindi ko naman po talaga kagustuhang umutang. ginamit lang po ako ng mga taong pinagkakatiwalalan ko noong nasa HK ako para may magamit daw po silang pang canada at yong isa ay pambili daw po ng tricycle nila.
mayroon naman po akong maipapakitang deposit slip na patunay na naitransfer ko talalga yong pera sa isang Mrs. T.R. at hand given po yong iba.
nakakalungkot po dahil sa pagtitiwala ko, napahamak ako. ni walalng alam na pagkukunan ng pambayad ko para hindi sana masira ang pangalan ko.
sinasabi lang na kung sa HK ka nangutang at iba ang batas dun kumpara sa batas sa pilipinas, kelangan na mapatunayan ang batas ba yun ay totoo dahil kung hindi, ay ituturing ng korte na ang batas ng HK ay kahalintulad ng batas ng Pilipinas at ipapatupad ng korte ang batas ng pilipinas
pero wag mo na isipin yan, conflict of laws yan
processual presumption – “Where a foreign law is not pleaded or, even if pleaded, is not proved, the presumption is that foreign law is the same as ours.”
ano po ba dapat gawin f nasa abroad ka tas may gusto kang singilin at ayaw magbayad. pwd po ba ang kapamilya ang maningil? pano po pag ayaw talagang magbayad. nagamit nya po kasi ang pundo. me trbaho xa at alam kong kaya nyang bayaran yon kahit pa unti2. problema pa nito nasa ibang lugar xa ngayon sa pinas. parents lng nya ang pwd naming kontakin. pnagsabihan na xa ng parents nya pro ang sabi wala na raw xang utang.. may mga receipts po ako sa pinadala ko.
Kapag nasa ibang bansa ka, pwede mo authorize ang sino man through consularized SPA. Kapag ayaw magbayad, read the post on “small claims.”
ok thnx po.
atty.,
ako po ay isang ofw na planong bumalik sa pilipinas. bago po ako umalis may nag file sa akin ng BP22. Nag ka notice po ako for arraignment na pinadala po sa akin kaya lng po bigla po ako pinaalis dahil natanagggp po ako sa trabaho dito sa abroad at hindi na po ako nakapunta sa korte para dun sa arraignment. Ngayon po balak kung umuwi para magbakasyon. Ano po puede mangyari sa akin kung bumalik ako sa pilipinas? Sa airport po kya di ako dadamputin at ikukulong pagpasok ko sa immigration? Wala p pong isang taon ung kaso ko mula ng mag set ang korte ng arraignment.
maraming salamat po atty.
Malamang may warrant of arrest ka na. Pero hindi ka naman siguro dadamputin agad sa airport, unless you are a high profile person. Pagdating mo dito sa pinas, magpiyansa ka agad. I think mga P2,000.00 lang bail niyan.
sir, sagutin ko na ha. walang warrant of arrest sa kasong BP 22, pero dahil hindi kayo sumipot sa arraignment, may grounds na ngayon to issue a warrant of arrest. hindi naman po kayo siguro dadamputin sa airport mismo, unless nakatimbre sa complainant ang ETA ninyo, at nakipag coordinate ito sa mga arresting officers.
suggest ko po, pasilip ninyo sa korte ang status ng case, mag voluntary surrender kung meron mang warrant at mag post ng bail.
Napasok sa spam tong sagot mo trudis, buti nakita ko. I agree with this.
Sir, meron po kame pending na utang na makalipas ng 3 taon, unti-unti ko na naman din po nabayaran. Ang problema ko po ay ganito, maari ko po ba sabihin na ibabayad ko na lang ang shares ko upang maging kabayaran sa nalalabi ko na utang at ipakansela ang interest. Sa ngaun po, ang balanse ko sa loan sa coop ay nasa 117K ngunit ang interest ay umabot na sa 165k.
Kung papayag ang coop then well and good. You just have to negotiate, kasi hindi mo sila pwedeng pilitin kung ayaw nila. Cash is still preferred, kahit saan.
“cash is king”
“your credit is good but we need cash”
Nagsimula po un loan ko noong june 2007 sa halagan 200k upang ipang dagdag sa puhunan ng sana ay negosyo namen. Nakipag ugnayan naman ako sa coop namen at sinabi ko na di naging maayos ang negosyo at nalugi. Nagsabi din ako magbayad ng unti dahil sa ayaw ko din po lumaki ang interest nito na alam ko na lumaki. Nag issue ako ng promisory note na magbayad at napababa ko hanggan sa 117k na lang ang principal amount. Wala na po talaga akong makitang ibang paraan kundi ibayad ang natitirang share sa coop. Maari ko po bang hilingin na sa coop na wag na ako singilin sa interest?
puede naman, hiling lang naman pero nasasakanila kung papayagan nila, tandaan mo cooperative yan at jan kayo kumikita sa interest ng mga miyembro kaya miyembro din makikinabang nyan
thank you po sa reply ninyo. subukan ko po gawin un bukas. maraming salamat po ulit.
nga po pala sir, matanong ko na din. Pede po ba un? kasi un kinuha ng coop na attorney na nagpadala samen ng demand letter, un fee na makukuha e base sa amount na (principal + interest) ng supposedly makukuha ng coop? kasi po parang ang nangyari kasi, mas malaki pa halos un dapat bayaran sa atty kesa sa coop eh.
that is client-lawyer arrangement and that is no longer your concern
sir boy, maraming salamat po sa reply.
alam ko po na liable ako dahil ako mismo ang principal borrowe na nagpagamit sa mga taong pinagkatiwalaan ko.
namomroblema ako ngayon kung saan po ako kukuha ng pambabayad ko lalo na hindi ko na po macontact yung isa pong gumamit ng pera na inutang ko sa hongkong noong december 2004.
sana matulungan po ako ng diskarte forum na sinasabi nyo.
maraming salamat po uli.
Gob bless.
meron po ako utang sa isang CC agency. ang alam ko po na utang ko is 70K as of sept 09 wherein ilang buwan po ako na minimum payment po ang bayad ko eh napapansin ko po na hindi nababawasan ang utang ko. then i even ask them to settle it payable in 3 years para lang po hindi masyado mabigat bayaran. hindi po cla pumayag ang gust 1 year lang. then i even ask them to settle ko last dec 09 50K ayaw din po. then ngayon po ibat’t ibang law firm ang nagsusulat Threatening me at umabot na po e2 ng 258K. ano po dapat ko gawin
to : sir boy & trudis d’dog,
maraming salamat po sa mga advice and
information you’re really a big help.
God Bless!
@ Kuya Jay: Youre welcome Kuya Jay, its a pleasure to help, pero kung papadalhin ninyo ako ng dog treats ( yung bacon flavored) papasalamatan ko din hihihi
@Kuya Malik: Naku kuya hindi po talaga mababawasan yan kung pa minimum minimum lang kayo magbayad, nadadagdagan pa nga. Pag meron kayong unpaid balance sa previous billing statement, agad pinapatungan ng finance charges ang mga transactions mo within your current billing cycle kahit di pa ito due.
Magmamatigas talaga ang credit card company sa umpisa ng negotiation. Kung kumuha naman sila ng third party collection agency to collect from you, naku lalong mas aggressive ito kasi syempre depende sa ibabayad mo ang kikitain nila.
Pero ito lang po ang masasabi ko. Kahit kasohan ka pa ng credit card company at manalo sila, sa papel lang ito ( yung tawag na paper judgment or “Pyrrhic Victory”) kung wala din naman silang mahuhugot na pera at ari arian sayo para pang satisfy ang judgment na nakuha nila.
Malamang lalambot din sila pag humantong na kayo sa korte at pumayag na i waive ang penalty charges. Ginagawa din naman ito ng ibang financial institutions para mabawi man lang ang capital nila. ( tingin ko lumobo lang utang mo dahil sa penalties)
Syempre totoo lang ang hinala ko kung talagang wala kang pambayad ha. Take note, kahit sahod nyo po pwedi ma garnish para pambayad sa utang.
Maganda at this point na hawak mo lahat ng billing statements at mga resibo ng binayaran mo. Alamin mo kung magkano ba talaga ang utang mo, broken down sa principal, interest and penalty charges. Pumunta ka sa credit card company at personal na maki usap. Offer them something they cant refuse ( keysa naman gumastos pa sila sa filing fee at pangbayad sa abogado). Example:
1. Bayaran mo kalahati ng principal ( mangutang ka na lang sa nanay mo o dun sa wala o mababa lang ang interest).
2. In return, humingi ka ng total or partial waiver of penalty charges.
3. The remaining balance babayaran mo in installments for a certain period.
Try mo yan, pag ayaw pa rin, naku magisip ka na kung babayaran mo na lang buo para di na pumatong patong ang interest at penalty, or hintayin mo na lang mag file sila ng kaso. Be sure na kung meron ka property, hindi sa pangalan mo ha.
Whew, ang dami ko nasabi ah, napadami kasi ako ng kain kanina. Hihihi
cool website. you’ve managed to make boring/technical legal stuff into something interesting and very easy to understand and appreciate. funny too. thanks so much for the info, you’ve been a huge help. keep up the good work! ^__^
hi sir tanong ko lang po..
kc po yung kapit bahay nmin nangutang sa lola ko it been 26 yrs ago,meron nmn po silang mga pinirmahan na documents na nagpapatunay na nangutang sila. tpos po yung lupa nila sinangla sa lola ko,ngaun may bahay po na pinatayo yung lola ko at mga anak nya dun sa lupa, pero wala pong titulong binigay,meron lang po yung lola ko na document regarding sa pagkakasangla ng lupa, hndi po naka pirma yung nangutang sa kanya pero may mga witness po na pumirma. As of now my lola past away last 2008, ano na po ba mangyayari dun sa lupa? may karapatan po ba yung nangutang na bawiin yung lupa na hndi sila nagbabayad, ano po ba yung dapat nmn gawin bilang mga apo na naiwan ng lola ko at mga anak nya. sana po masagot po yung tanong ko pwede nyo po ako mai-email sa cue_girl19@yahoo.com
Buti na lang nkita ko ang site na to.
Namomroblema po kase aku sa loan sa banko. May loan po ako 100k+ ngaun. Kumuha ako ng personal loan para pang start ng negosyo sa probinsya; fish cage/culture. Ngaun po nalugi dahil nagkamatayan ang mga isda dahil sa pagbabago sa dagat. Nawalan din ako ng trabaho ng ilang buwan at nauubos na ang konti ko naitabi sa pagbabayad ng 6k a month. Ngaun may trabaho na ako pero nasa 12k lang ang sahod sa isang buwan. Ano po kaya ang pwede ko gawin para mabawasan ang monthly? Pwede po ba i-extend pero wala na interest? Or bigyan muna ako ng kahit 6 months na delay, para pagnaka-benta may pangbayad? Salamat po sa blog na to. Malaki talaga naitutulong sa mga tulad ko na may mga legal na issues. Naisip ku po mag file ng bancruptcy kaya lang baka may iba pang paraan. .
Pwede po b mag request about Filing Bankruptcy here in the Philippines? nabasa ko kase na ngfifile ng bankruptcy ung mga nalulugi para di na sila habulin ng banko. Kaya lang meron din daw dissadvantages. (I cant tell kung pakawala ng banko ung nagsulat ng dissadvantages ng pag file ng bankruptcy.. hmm..) kaya ask ko na lang po kayo Tito Boy ^.^ thanks
maria may topic dito about bankruptcy and we call it insolvency, here is the link: http://panyero.net/category/contracts/voluntary-insolvency/
about your problem, trudis is right. it’s up to the bank really if they will restructure your loan or extend waiver or discount on penalties, interests and other charges. ganun talaga banks, pera pera lang.
@Isang Maria: Try ko sagutin ang unang tanong. Ba’t di ka mag request ng ” loan restructuring” sa banko?
Pag pumayag ang banko, mapapag usapan ninyo na baguhin ang amortization schedule para gumaan naman ang binabayaran mo monthly.
Kailangan mo lang ma justify ang request mo for loan restructuring- nasa industriya ka na apektado ng bugso ng panahon, in other words, your cash flow could be affected by circumstances beyond your control. I- point out mo ang sincerity mo sa pagtupad ng obligasyon- kaya ka nga nakikipag usap ssa kanila kasi nakikita mo na na baka magka problema ka sa paghabol ng montly amortization mo. Good luck!
@Trudis D’Dog
Di ku pa po na-try kausapin ang Bank. Pero at this point nahihirapan aku mgbayad ayaw ku naman takbuhan totally. Looks like Loan Restructuring na nga ang sagot kesa naman di ako magbayad
) tnx po!
yun ay kung papayag ang bank
Kagaling ng blog na ito. kadami kong nalalaman. Salamat ga nilikha ka ng Panginoon para turuan ang karaming tao. 3 thumbs up po!
Tito Boy tanong ko lang kung kelangan pa ng abogado sa pagfafile ng voluntary insolvency at kung may fee sa pagfafile sa RTC?
Salamat po
Yap kailangan kasi masyadong technical yun. May filing fee sa RTC (lahat naman ng uri ng kaso may bayad) but not that much.
Salamat Tito Boy. May pahabol pa akong katanungan. What if wala talaga akong kotours at wala talaga akong napundar na ariarian na kung titignan sa aking Statement of Accounts and liabilities lumilitaw na negative pa ang assets ko. Ilang buwan kaya aabutin ang processo. Kung wala akong datung as in zero balance magpoprovide ba sila ng abogado or hingi ako ng socorro sa PAO dito sa lugar namin?
pag mas malaki ang liabilities sa assets ibig sabihin wala kang assets as in zero, there is no such thing as negative assets
Hehe sa aming Local Government meron po bossing. at hindi lang ako ang nagiisang nagsubmit sa HR ng may negative assets. Either hindi binabasa (for checking) ng mga taga HR ang mga sinasubmit sa kanilang documents or acceptable na ang ganun.
hindi negative assets yun, negative networth, kaya nga SALN nyan, Statements of Assets, Liabilities and Networth so Assets – Liabilities = Networth
Try PAO. ‘Pag pumunta ka dun, magdamit ka ng simple at ‘wag ka mag-alahas. Pero maligo ka naman =)
saka mag toothbrush ka rin
Pumunta ako kanina sa RTC para magtanong ng mga requirements, nakausap ko yung clerk na kakilala ni mudrax dinidiscourage ako magfile. Nalaman ni Mudrax na may mga credits ako. aakuin nalang daw mga utang ko hanggang magkatrabaho ako.
di mo pa ginawang 4 thumbs up para lahat ng hinlalaki mo kasama
hehe hiniram ko lang kasi thumb ng isa ko pang kasama.
Uy, classmate Granger, may sense of humor ka rin pala huh? Serious mo kasi minsan
Trudis bakit mukhang serious ka sa picture. Nagpalit kayo ng position ni granger hehe.
ganun =)
meron po akong kwento, may kahabaan nga lang but i do need advices badly…
i am 30 years old, a single mother of 2kids, never been married…
sometime year 2007, the year that i can call “its now or never” i tired to invest my luck, and gambled on it, together with my family a small restaurant, we tried running it for 6 months, unfortunately it went bankruptcy… our cook left the restaurant nicely but suddenly…
i got all the things back to our home, hoping for future use…
Until such time start of 2008,, i tried delivery service styro packed lunch mainly offices to cavite areas, because manila – makati has many restaurants so it was hard to target… it was like a tokyo-tokyo style of food… i then rehired our cook, as a stay in, all around kitchen helper at the same time delivery na stay in, because this time it was hard, there was no “pwesto” a home based delivery of food , tipong kung may text na order, may delivery, kung wala, nakaantabay lang…
merong di pagkakaintindihan, naging parelax relax na lang bandang gitna, di na nakakasunod, so in short,, nasisita po, pero hindi pabastos or hindi pasigaw, talagang purely paalala lang na tipong “bakit nagkaganito” bakit ka na late ng pasok, tuwing galing sa day off….
so isang kasamahan namin sa bahay nag sumbong na may inuutos daw ito kunin mga papeles sa bahay namin, mga menu, mga contact person na pedeng pagdeliveran, na nakalagay sa table ko…. nung kinumpronta ko, nagpatawag ako ng baranggay dahil syempre lalaki ito at takot ko lang dahil sa iisang bahay lang kami natutulog, gusto ko sana maayos na exit … nung mga naunang hearing, nagmamatigas sya na di daw totoo ang pambibintang, pero yung partner nya, umamin na nung one on one pa lang kami…. so nag aabot kami ng sweldo sa kanya at sa partner nya, nagmamatigas pa at di daw nila tatanggapin iyon…
eto, nagsampa ng kaso illegal dismissal, so kampante naman kami ng parents ko na mananalo dahil mga kasambahay din namin nakapag witness ng mga pangyayari…
at sa paniniwalang hindi naging illegal dismisal ang nangyari…
sabi ng abogadong nagpakonsulta ako nanalo na daw kami sa lagay na 25k lang ang kelangan naming bayaran…….
ngunit di ko din naman ito matanggap kasi bakit wlang hustisya, bkit sila pa ang napanigan., sla na nga ang nag agrabyado, sila pa ang may pera… ako pa at magulang ko ang kelangang mag bigay ng ganun kalaking halaga….
ipinaasikaso ko ito sa abogado sa tabi ng citihall,, hindi na pala naasikaso, nitong taon nakatanggap na lang ng mail na umabot na ng 300K ang babayaran namin, at writ of execution na daw ang inaantay namin, sabi ng abogado nila… na pawang walang awa at parang di na yata makatao…….. dapat kinilala nya kasi yung taong tinutulungan nya sa kaso, alam nila at guilty sila na sobrang “kagaguhan ang binalak nilang gawin at kaya nagnakaw ng papeles”…. sa anumang rason, ay di ko alam, hindi lang na ako naging komportable na nakatira pa din silang 2 sa bahay ko habang nagtratrabaho kami dito…. ngayon sobrang baon kami sa utang,, gaya ng sabi ko aminado po ako na dati nung kalakasan pa ng magulang ko, may kaya kami….. ngayon from restaurant na last money gambled na naging delivery service na lang ng lunch time tulad ng mga pang call center food styro packed…, mantakin mo naman, saan naman ako kukuha ng halagang 300K????? eh sa ngayon nga mahirap pang kumuha ng trabaho dahil mula ng pagka graduate ko sa la salle, hindi na ako nagtrabaho, so wala ako ganung experience,,, sumabak na ako sa business na masaklap naman ang naging tadhana ko…. please anyone help me , i am not asking monetary advices, i am asking for legal advices………. ilang months na lang din ang ibinibigay saamin ng landlady para masettle ang rental sa bahay, dahil nagkasabay sabay po ang problem ng parents ko sa hospital bills…. nataon lang na Japanese ang surname ko, akala at ang notion ng nakararami ay mayaman ako…. hindi po… maaari po nung araw masasabi ko pong maayos tlga ang financial status namin… now it is totally complete opposite……….. please help….
@myra,
Ang saklap naman ng tadhana mo. Napabayaan kasi ang kaso mo kaya hindi nadinig ng Labor Arbiter ang panig mo.
Ang mahirap pa niyan ay final and executory na ang desisyon laban sayo at may writ of execution na nga.
Sa totoo lang, mahirap na baliktarin ang desisyon na yun dahil lagpas na sa takdang panahon ang pag-aapela na binigay ng batas.
Kung wala ka namang pera o ari-arian na pambabayad sa 300K ay wala ka dapat ipag-alala dahil hindi ka naman mapipilit kung talagang wala.
Ipagdasal mo na lang ang iyong mga problema at makakabawi ka rin sa gulong ng buhay.
Good Luck and God Bless!
yes @tito boy, wala na po akong ari arian,, the last sold property was old nissan sa baranggay po namin naibenta sa halagang 15k para lang ma expedite ang lahat…. i was offering at nagpakumbaba ako sa atty na babayarin ko na lang yung naunang desisyon na 25k, kasi in august baka mag transfer na ng malilipatan, pero nagmamatigas sya,, sabi ko din go ako sa sheriff na mag writ of execution dahil wala na din akong magagawa, hanggang ngayon wala pa din,, kaso bahala na sila ng landlady mag agawan sa anumang personal property ko dun sofa, aircon, ref bahala na sila! matapos lang at mabuhay ako ng normal dahil ayaw ko naman mabuhay na para bang may utang pa ako,, na isinusumpa ko dapat itong 2 boy pa ang magbayad sakin! bakit parang ako pa!!!! magaling itong boy na ito magpaikot, samantalang hanggang ngayon tago tago ko pa ang voice recorded nya na umamin din sya sa rason na “kasi po ang kutob ko paaalisin nyo na ako pang ebidensya…” something… in short pagnanakaw pa din ang kaso nya!!!!!!!! opo wala na nga daw po ako magagawa dahil final decision na ang korte…. ang akin lang eh, here i am offering the money na borrowed from a friend, para lang ma settle, bagkus, nanakot pa na kesyo last week i sent a letter to labor for recomputation na di lang 300k pala ang babayaran nyo kulang, dapat nasa around 380k, you know what while hearing all these, wala na ko sa mood, ni di na nga ako nagugulat eh, kasi natatawa na lang ako sa buhay ko na like huh? san ko kukunin to, ikulong mo man me now, eh wala tlga akong ganung halaga…. wala pa ako trabaho, wala akong asawa…. may 2 akong anak, nag ba buy and sell na lang ako ng mga car ng kaibigan ko as freelancer, or offer ng condo units as free lancer… in short wala akong regular income na i can call mine….. magulo po ,,, magulo po….. i dont understand anymore…. sana po minsan ang DOLE sinisilip din anu ang motibo ng mga ibang abusadong trabahador na tulad nya, may record na pala ito nung araw sa cavite na nag pa labor at nakatanggap ng award, kaya pala ganto na lang sya kalakas loob humataw ng paninindigan nya ang sarili nyang kwento….
thankful po ako sa mga legal advice, kasi po kada punta ko po noong araw sa tabi ng citihall eh nasingil po ng 500, eh as of now po, medyo malaking bagay napo nagagawa ng 500 for me…. dumito na lang po me kukuha ng mga pede ko pang isipin na di ganun kasaklap ang buhay ko…. thank you all,, i hope i can keep reading advices here…. kasi di pa sya tapos padala ng padala ng letter of notice at ako napapagod na… daig ko pa criminal na nakapatay at nakanakaw….. kung ganun pala kasaklap mag negosyo dito eh sana pala nag trabaho na lang pala ako sa mga company….
← Previous Comments
Next Comments →