NAKULONG SA UTANG?

by Rob aka Tito Boy on December 2, 2009

Karamihan ng tao ay nag-aakala na kapag kinasuhan sila ay maari na silang makulong. Para sa mga taong isang damukal ang utang sa iba’t-ibang credit card companies, mga bangko, kaibigan at kamag-anak, pwes, may maganda balita ako sayo:

Walang nakukulong sa utang.

Ito ay nakalagay mismo sa ating Saligang Batas:

Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non- payment of a poll tax.

Iniiwasan ng ating Saligang Batas na mapilitang gumawa o magsilbi ang may-utang sa kanyang pinagkakautangan para lamang umiwas sa pagkakakulong na masasabi narin nating isang uri ng pang-aalipin o slavery.

Ngunit pano naman ang mga swindler at estafador sa lipunan?

Sa simpleng linguwahe, ang estafa ay panloloko.

Ang panloloko ay iba sa lihitimong utang. Ang lihitimong utang ay kung saan ang taong umutang ay may intensiyon talagang magbayad. Siguro dahil sa hindi inaasahang bagay tulad ng pagbagsak ng negosyo o pagkatanggal sa trabaho ay hindi niya kayang bayaran ang kanyang utang kapag dumating na ang araw ng singilan.

Ang mga manloloko naman, ay talagang walang intensiyong magbayad o magsoli ng pera sa simula pa lamang. Kaya nga manloloko e.

Dito pumapasok ang elementong fraud. Kaya ang mga estafador ay pinaparusahan ng ating Revised Penal Code ng kulong hindi dahil sa may utang sila, kung hindi dahil, manloloko sila.

Ganyan din ang prinsipyo ng Bouncing Check Law o kilala bilang BP 22 (Batas Pambansa Bilang 22). Pinaparusahan ang nag-issue ng tseke hindi dahil sa may utang siya, kundi dahil nag-issue siya ng talbog na tseke na maaring makasira sa integridad ng paggamit ng tseke sa iba’t-ibang transaksyon sa lipunan.

Ngunit pano naman makakabawi ang pinagkaka-utangan mo?

Bilang nagpapautang, hindi ka pwedeng mag-ala-Rambo at pumunta sa bahay ng taong may utang sayo at limasin ang kanyang mga gamit na walang court order.

Light Coercion aabutin mo niyan at ikaw pa makukulong!

(Revised Penal Code. Art. 287. Light coercions. – Any person, who by means of violence, shall seize anything belonging to his debtor for the purpose of applying the same to the payment of the debt, shall suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period and a fine equivalent to the value of the thing, but in no case less than 75 pesos.)

Biruin mo, ikaw na nagpautang, nakulong kapa. Ang swerte naman ng may utang sayo.

Kaya dapat, daanin mo sa tamang proseso. Yan ay ang pagsampa ng civil case for sum of money.

Oo, kaso rin yun, kaso walang kulong.

Pero kapag nakakuha kana ng Court Order na tinatawag na Writ of Execution…..Its pay back baby!

Kasama ng Court Sheriff, maari kanang pumunta sa bahay ng may utang sayo para singilin siya. Kung walang paring pambayad,  unahin mo na ang plasma tv niya sa sala, isama mo na rin ang magic sing. Ngunit hindi lahat pwede mo kunin, may limitsyon rin (Rules of Court Rule 39 Sec. 13).  But still you will not be left empty handed.

Maari mo rin i-levy ang real properties ng may-utang sayo, kung saan ibebenta ng Sheriff ang mga lupain niya para pambayad sa utang.

Kung wala talaga, hindi mo mapipilit, pasensyahan na lang. Tawag dyan, Paper Judgment. Panalo ka lang sa papel.

Kaya bago mag-pautang, alamin ang kakayahan ng pag-papautangan.

Sa mga nangungutang naman, huwag umutang kung hindi kaya bayaran. Hindi ka man pwede ikulong sa ginawa mo, nahusgahan ka naman ng lipunan bilang balasubas. Para ka na ring kinulong.

“Debt is the worst poverty”  – Thomas Fuller, Gnomologia, 1732

{ 397 comments… read them below or add one }

Cristian October 29, 2010 at 6:40 pm

salamat po sir sa reply… kahit po pala di ko alam ung ginawa ng misis ko madadamay din po pala ako sa bandang huli….

Reply

joven October 30, 2010 at 8:37 pm

haaay bute nalang walang nakukulong sa utang,kundi……… hehehe

Reply

evelyn November 1, 2010 at 10:34 am

gud am po sir ask ko lang po kasi mr..ko naka utang sa duabi year 2008 sa ay nag bakasyon siya d2 sa di inaasahang dahilan ng pabalik nas iya ng dubai tenirminate siya kaya di na siya nka balik……year 2009 my pumunta dito taga bilkish daw sila sa kanila daw pinasa para maningil dito..e nag kataon po na walang trabaho mr. ko kaya wala sila nasingil hangang di na naningil dito,,,,dec,2009 naka alis po mr.ko papuntang riyadh ngayon lang buwan ng october my pumunta dito taga ENZI corporation daw sila at sila naman daw inatasan para singilin ang mr.ko di ko naman po tinanggi sa kanila na alam kung my utang mr,ko sabi ko nga nasa riyadh na….mga ilang araw tumawag dito sa bahay sabi gusto raw ng banko don sa dubai bayaran daw ng buo na umabot na sa 20thoudirham sabi ko wala pa kaming perang ganyan saan kami kukuha nag kakaltas pa sa agency ang mr. ko at sweldo niya doon e 1,500 riyal lang………tapos sabi kung wla daw kahit 5thou dirham daw muna tapos hulughuugan na lang daw….sabi ko ala pa rin kaming pera ganun sabi nila mangutang daw e sabi po ng mr.ko kung uutang naman daw po doon e lalo lang kaming mababaon sa utang kasi huhulugan na naman namin yon tapos sa kanila din……ngayon sabi ko ala pa rin nahihiraman mr.ko…..sabi noong babae nagalit ayaw daw talaga namin magbayad kasi madami daw kami dahilan sabi ko di naman po sa ganun nag hahanap po mr. ko don kaya lang talagang ala pa siyang mahiraman doon kasi bago lang siya at malayo sila sa siyudad doon kaya wala siya mahiraman……ang sabi po sa akin ipapapolice na lang daw po mr.ko don sa riyadh ipapahuli na lang daw….kaya tanong ko po e ganito pwede po bang hulihin mr.ko doon kahit sa dubai siya naka utang at tama po ba na takutin kami dito sa amin at kunin gamit namin dito sa bahay naguguluhan po kasi ako at natatakot kasi mr.ko ang my utang pwede po ba kaming madamay dito,tnx po pwede po paki sagot po agad kasi mr.ko di makapag trabaho ng maayos doon natatakot po kasi nag aalala na baka hulihin siya don.tnx po uli

Reply

Jayson January 15, 2011 at 8:34 pm

Evelyn musta na..what na nangyari sa mr. mo sa saudi…parehas tayo may utang din ako sa dubai…jaysondragon32@yahoo.com

Reply

Jayson January 15, 2011 at 9:02 pm

Evely please pm me…reply me to my email..salamat..god bless…

Reply

eryl morales January 9, 2011 at 8:54 pm

gud pm po…tanong ko lng po ano po b ang dpat ko gawin s taong umutang skin ng 5/6?pumirma po sya n bbayaran nya ang knyang pagkka utang ng 2 bigay.ang nangyayari po ang gusto nya mangyari huhulugan nya ako ng 1000 kda sweldo ng asawa nya,ppayag na po sna ako kaso lng ako pa ang pinapalabas nya n my kasalanan ako pa sinisisi nya s mga nangyayari sa buhay nya.please help po…tnx

Reply

lorna January 11, 2011 at 11:10 am

hello po! ask k lng po. kapag po b co-maker /co-guarantor k s isang microfinancing tapos nawl un maker. tama po b n magpull out sila ng gamit ng co-guarantor para s weekly payments. s totoo lng po un co-guarantor eh hirap din po financially. ano po b ang rights ng co-maker or co-guarantor.

Reply

jill January 27, 2011 at 10:19 am

hello po, magtanong sana po ako, ang pinsan ko po kumuha ng Motorsiko tapos nganyun naaksidente sya and then di na niya kayang bayaran ang banko kasi wala na syang trabaho but ang banko ayaw nila tanggapin ang motorsiklo kasi kailangan daw bayaran ng pinsan ko kahit wala na syang pangbayad.

Reply

mokz February 24, 2011 at 12:07 pm

hello po, mgtatanong lang po sana ako my utang pa kasi ako sa credit card hsbc at di ako makabayad. eh my transaction din ako na Balance Transfer. nung ngapply ako ng balance transfer loan my pinax ako na application na my pirma ko…

maari po ba ako makasuhan pg di ako ngbayad at makulong?

Reply

vangie adriano July 10, 2012 at 5:36 pm

parehas tayu ng problema sa HSBC tas binigyan nila ako ng cash loan pinapirma lang ako.di ko un nabayaran ngayun cinisingil ako ng mga agency. natatakot na rin ako.
makukulong kaa ako

Reply

zeilyn March 7, 2011 at 7:14 pm

ask ko lan po kci un mommy ko e co-maker sya ng mga tindahan na umutang sa isa nyang frend.. e naun wer un crisis dats y.. we cant pay..but dey olweys get exhausted po. lagi clang naniningil en ung babaeng nautangan nila ay patay na..panu po un??

Reply

david santos April 16, 2011 at 12:37 pm

Sir advice naman po ?? HINDI KO NA kayang magbayad ng utang , dame na natawag pero di ko kinakausap natatakot po ako , hindi ko na tlaga kaya magbayad gipit na gipit na po tlaga.

Reply

david santos April 16, 2011 at 12:54 pm

dame po nagsasabe tanggapen ko lang demand letters wag na makipag usap kasi mananakot lang sila at , wala naman daw nakukulong sa utang. hindi ko po namna gusto toh wala lang tlaga kakayahan magbayad po.

Reply

xauel June 11, 2011 at 9:08 pm

gud evening sir pa advice nmn po. kc ngpa finance po ako, nagpapalit kmi ng pera yun nga lang ngkaroon ng problema natakbuhan ako. dko nasabi agad sa financer ko sa tkot na pakulong nyako.. ako nalang ngdudusa mgbigay ng interest sa kanya. kaya lng hirap na hirap npo ako dko na alam kung san kukunin ung ibibgay ko na interest. ano po ang dapat kung gawin?

Reply

lanie July 5, 2011 at 1:51 pm

Gud pm po! ask ko lang po pwd ba ako ma pa barangay sa ndi ko na babayaran ang utang ko, 3,400 na lang po kaso talaga gipit ako kaya ndi ko ma bayaran, kaso kung anu anu na mga text saakin. sinabi ko naman na ndi ko yan tatakbohan talaga lang gipit ako.

Reply

michael September 11, 2011 at 11:42 pm

Hello… nabarangay ako dahil sa utang na P5,000.00 (walang kasulatan) naka settle naman ako… after na settle ko iyun. nagpunta sa bahay namin iyung nagpabarangay sa akin at me sinisingil siya na certain amount na inutang ko habang siya ay nasa abroad 12 years ago na iyun.. pero bago niya ako ipabarangay nabanggit na rin niya iyun sa akin na hindi ko alam iyang sinasabi niyang nautang ko habang nasa abroad siya. kaya hindi na niya sinama iyung amount (20,000.00) na iyun sa reklamo niya sa barangay…. me dokumento siyang binibigay sa akin ngayon na naniningil siya ng utang… hindi ko ni receive kasi wala naman akong utang talaga…. sabi niya sa korte na lang daw kami mag usap,ipapamedia niya ako, irereport niya ako sa company namin at ipapahiya na me utang ako sa kanya …gagawa daw siya ng sinumpaang salaysay dahil wala naman siyang kasulatan. Ayaw ko raw aminin na me utang pa ako sa
sa kanya..talagang wala naman akong utang na ganun… Yung P5,000.00 ok iyun kaya nagkabarangayan kami….. Pede ba siyang magfile sa korte kasi hindi isinama ng barangay yung reklamo niyang iyun kasi wala naman siyang evidence na umutang ako sa kanya at talagang wala…..thanks for the reply

Reply

Lisa July 19, 2012 at 1:11 pm

ako din same problem but ang utang ko lang naman na kay 4,500 talaga lang gipit ako ngayon kaya hindi pa ako mka bayad.
Ngayon pinadalhan ako ng summon galing sa baranggay. Ok lang po ba na hindi ko harapin??

Reply

Tito Boy July 22, 2012 at 6:16 pm

Ok lang hindi mo harapin, kaso baka ituloy sa korte yan. Ngayon pa lang ayusin mo na, malay mo principal lang singilin sa iyo.

Reply

michael September 14, 2011 at 1:21 am

atty. help naman sa tanong ko. thanks

Reply

dexter November 24, 2011 at 9:57 am

good day! hingi lang po aq ng advice,kc my utang po ako s credit card, wla naman po akong balak na takasan,kya nga lng nawalan ako ng trabaho,umpisa nun,hindi na ako nakakabayad ng monthly bill ko, at dun n ng umpisa n lumaki ung utang ko dahil sa interest, ang problema ko ngaun,tinawagan na ako at my letter of attorney n, at magkaka arrest warrant n ako, my naipon akong pera kaso, hindi sapat para mbayaran ang buong halaga ng naipon n utang,ano pong dapat kong gawin? pwed po b n makipag settle gamit ang ipon q n pera pra malinis n ang kaso ko? at kung my warrant n ako,pwede po b akong makulong, o malimas ang mga gamit dito sa bahay? pa advice naman po….
marami pong salamat…

Reply

dexter November 25, 2011 at 9:26 am

atty p advise nman po… salamat…

Reply

Mark January 5, 2012 at 5:17 pm

eh papaano naman yung, may loan ka sa bangko may monthly amort. nagresign ka.
so yung lastpay mo kinaltas na sa loan mo.

kailangan mo pa bang bayaran yung nakatakdang buwanan ng bayad mo sa bangko. since may advance payment ka with your lastpay?

Reply

jen malaga February 2, 2012 at 11:47 am

good day! ask ko lang po, feb2011 umutang ung kaibigan ko ng 1500, pinalipas ko po hanggang june para maka-ipon naman cla. dumating ang june wala silang pambayad tinulungan ko mag business ng kaunti, nagbigay ako ng sabon na pede nya ibenta at patungan ng presyo para may tubo sya umabot ng 6,000 ung pera ko sa kanya ang sabi ko po july ko kailangan ung pera kaso ginastos nila august ng nakahulog cya ng 2,000 naging 4,000 na lng ung balance nya hanggang nagun feb2012 di pa nakabayad. palagi silang nagsasabi na magbabayad pero wla naman naka 20+ na beses na.. nagsisisnungalin na nga sila.. ano po kaya pwede ko gawin sa kanila?

Reply

granger February 4, 2012 at 11:11 pm

pautangin mo ulit :)

Reply

lva February 8, 2012 at 3:38 pm

good day po! pede pong humingi ng advise kung ano na po ang magandang gawin sa taong magaling mag alibi para di agad mabigay ang pinagkasunduang bayarin. nailapit ko na sa brgy ang problema pero khit s brgy di rin sya nag babayad regularly, maliit n lng nman po ang utang nya. from 12k naging 4+k n lng pero almost 2 yrs po na pahirapang singilan yon. tapos ngayon 2 months n syang delay sa pag bayad. ano na po kayang magandang gawin na? salamat po….

Reply

ryan February 22, 2012 at 3:49 am

sir banker,
good morning po sa inyo! i’ve been reading the blogs and its of great help.. thank you!
ask ko lang po kung hindi ka nakabayad sa CC ng matagal na panahon,makakapag loan pa ba sa SSS,PhilHealth, or sa SunLife Insurance? Ma bloblock listed po ba ako pag umuwi ako o nag abroad po ako uli. Hindi ko po alam kong mababayaran ko pa yong utang ko sa CC, nandito po ako ngayon sa afghanistan nakikipagsapalaran sa hirap ng buhay sa pinas kaya po nagkautang utang ako sa HSBC.

sana po matulungan niyo ako.

ryan

Reply

Problemado March 1, 2012 at 2:40 am

meron may utang sa akin at nakapirma sya na tutubo monthly ng 4k ang 40k ko.. pero ilang buwan lang nalugi daw negosyo nya at di na makabayad, hanggang tinaguan nya na lang ako after 6 yrs nalaman ko bahay niya at ang gusto nya mag paunang bayad ng 10k then 1k monthly, ayoko naman ng ganun lugi ako.. Pwede ko ba sya kasuhan kasi may pinirmahan sya.. Ayoko sa baranggay lang kami mag usap kasi baka mauwi sa hulog hulugan lang talaga, dahil wala sya work.

Reply

euridicey March 7, 2012 at 11:02 am

nag guarantor po ako sa 5-6 ang kapalit ay atm nila dun po kakaltasin ang hulog mahigit 1 taon pomg ok yung patakbo nito sa isang kompanya pero last year po 2011 halos lahat sila ngpacancell ng atm at ayw ng magsibayad, ngayon ako po ang hinhabol ng financer dahil ako nag guarantor, lahat n po ng way ng paniningil ginawa ko na, ang financer namn pinabarangay ako. kasi may pinirmhan ako sa kanya katunayan na guarantor ako pero ang atm kng san kakaltasin ang hulog ay nasa kanila, kumbaga magbibigay sila ng pera kapalit ang atm ng tao na papautangin ko at iaabot ko namn ang pera sa umuutang kapalit ng atm nila. ano po ba dapat kong gawin, s totoo lang ayoko po sumira sa financer pero ung mga tao po talga ayaw ng magbayd kaywiran malaki na daw po ang kinita ng financer sa kanila. kahit ako po mismo may utang dun ngkapatong patong dahil ang asawa ko po nawalan ng work pati po ako.

Reply

mojo March 13, 2012 at 10:39 pm

ask ko lang po. nangutang po me sa 5-6 na arawan po ang hulog at hindi ako nakakapaghulog araw araw. ngayon po ay binabantaan akong idedemanda. ask ko lang po kung pwede ba talaga syang magdemanda to think na cinicingil nya ng tubo ang bawat araw na hindi ako nakakapaghulog sa kanya? gusto ko lang maging aware sa mga options ko kung sakali. thanks po

Reply

crackling March 14, 2012 at 5:24 pm

gusto ko lng po mag ask may nautangan po kc ako sa dati ko trabaho, until nag resign nko hindi ko na po nabayaran kc nawalan na din ako ng trabaho, pero willing naman po ako magbayad katunayan naghuhulog po ako sa kanya yun nga lng sa kagipitan din napatigil ang pag babayad ko last dec 2011, ngayun po medyo nakakasama lng ng loob yung pinagkautangan ko dumating kc sa point na nagkasakit ang nanay nya pinagbantaan po nya ako na pag may nangyari masama sa nanay nya humanda daw ako, hangang ngayun kht makiusap ako sa kanya non sense din kc hindi nya ko kaya intindihin na wala pako pambayad sabi ko sa kanya wag cia masyado masakit magsalita to the point na papabargy pa daw ako, paano po ba yun kht ba nagbabayad ako sa knya at intetionally na magbabayad tlaga ako kaso wala pa lng, karapatan ba nya magsalita ng masakit o magbanta,, ano po laban ng katulad ko na nagbabayad naman kaso ganun naman ginagawa,, sana po matulungan nyo ako..slamat

Reply

lando March 28, 2012 at 9:10 pm

GOOD DAY

ASK KO PO ANU PO ANG DAPAT KUNG GAWIN SA KAPIT BAHAY KO NA MAY UTANG SA 5 BESES NA SIYA NAGPANGAKO SA AKIN NA BAYARAN HANGGAT NGAYON WALA PA PO. PEDE KO PO BA SIYA EDEMANDA? AT ANONG COMPLAIN PO ANG ISASAMPA SA KANYA.

LANDO

Reply

vtwoo April 13, 2012 at 8:43 pm

tanong ko lang anu pwede ko gawin may ng hiram saken ng 6k pra ma bayaran daw nya bills nya.. tapos nag ask pa xa kung pwede ko lakihan..tapos gawin ko nlang daw 20% ang tubo dahil hindi nya kaya bayaran ng sa loob ng isang buwan 20k na ang hiniram nya pero hindi ko na release yung kulang dahil nga mahal na araw walang mag aasikaso ng pera na galit pa xa saken ang kapal ng mukha talga xa pa galit! nag decide na lang ako na i cancel yung hinihiram nya tapos nung kapag tinatanog ko kunga kailan nya ako pwede bayaran ang sagot nya eh..tatawag xa kapag may pera nlang daw xa..ang kapal talaga hangan sa sinabi ko sa anak nya at nagalit yung anak nya sa kanya ayun na pahiya at xa naman tong galit saken bket daw sinabi ko pa sa anak nya na may utang xa sabi ko natural eh hindi ka na suma sagot sa twag ko..at nag txt xa saken ng kung anu2x and2 pa sa inbox ko..at ang hamon nya saken ay kahit san daw kame maka rating..inumpisahan ko daw tatapusin nya ang kapal talaga anu po ba ang magandang gawin balak ko xa ipa barangay..pero wala kame ka sulatan dahil nga sa paki usap nya.. at kaya hindi ko na din xa pina hiram ay isang damukal na pala ang kanyang utang sabi ng anak nya..kindly reply thanx.

Reply

JOFOX AVELINO April 19, 2012 at 11:53 am

Gud day po, pag may utang sa credit card, tapos hindi nabayaran maka epikto bayun sa katulad nag, pag kumuha kanang mga requirments katulad nang NBI?
ADVICE NAMAN

Reply

ytser May 1, 2012 at 5:37 pm

sir gud pm po hingi po sana ako advise sau kasi pina barangay nya po ako.ganito po un may utang po ako sa kanya na 45k nakababayad naman po ako ng percent dati po ngaun po mahina ang negosyo namin lahat naman po sir.nakiusap po ako sa knya na kng pwede po wag na nya porsyenthan paunti untian na lng po namin ung natira na 30k para po dna lumaki pa nagsusumamo po ako sa knya sir ayaw po nyang pumayag gusto ibagy kuna daw sa kanya ung 30k iakyat na daw po nya sa ligal pagkatapos ng sa brangy.po ano po ba sir pwese kng gawin advice po sir tank u more power po

Reply

Tito Boy May 3, 2012 at 5:24 pm

Wala kang ibang pwedeng gawin legally kundi hintayon ang asunto laban sa iyo. Pagdating sa korte, makiusap ka ulit. Karapatan niyang maghabla, wala tayong magagawa dun. Katukin mo nalang ang kanyang puso at konsensiya upang makipag-ayos. good luck!

Reply

Mhel May 23, 2012 at 9:40 am

Gud Day sir, I have a sister na may utang sa isang credit card company, hindi po kasi cya nakapagbayad dahil nagkaanak na po cya at biglang nawalan ng trabaho, ito po ay way back 2006, ngayon po nalaman nya na may kaso na daw po cya ayun sa collection officer na naka usap nya. This year gusto po sana mag apply ng trabaho kaya lng natatakot po cya na baka di na po daw cya makakuha ng nbi at makulong po daw cya. Tanung ko lng po kung pwd pa rin ba cya kumuha ng nbi clearance kahit may naka file na case sakanya which is kailangan everytime na mag apply ka for new job

Sana sir masagot ninyo ito, thanks in advance

Reply

Tito Boy May 24, 2012 at 8:21 pm

Hi Mhel,

Kung civil case lang ang kaso ng kapatid mo, wala siyang dapat ipag-alala. Pwede siyang kumuha ng NBI Clearance at hindi siya makukulong. Mahihirapan lang siyang mangutang ulit sa mga bangko. Subukan niyo na lang ang bumbay. Good luck!

Reply

assil May 28, 2012 at 8:46 am

Question po.

3 years ago sinangla ko po atm ko sa isang micro-lending company P20k po pero natanggal po ako sa work and nanganak ako nga kambal tapos sakitin sila and pabalik-balik ng hospital..

hindi ko na po nabayaran ang utang ko dun, and I’m sure po na napakalaki na ng interest kung i-calculate nila ngayon.Nung nag loan po kc ako dun, may agreement akong pinirmahan..makukulong po ba ako?

Reply

Tito Boy May 28, 2012 at 6:19 pm

Hindi ka makukulong! Wag ka mag-alala, walang kulong diyan. Congrats sa kambal mo!

Reply

frank May 31, 2012 at 7:30 am

sir boy tambak po ang aking problema…lubog po ako sa utang sa pagpapa aral ng 4 ko pong anak..nagloan po ako sa callcenter kong kumpanya ng 40k at ang bayad at through salary deduction.12 months to pay po yun. nung ika-9th month ko tinanggal ako sa trabaho dahil ng exceed ako ng leave dahil namatay ang father ko..ngayon hinahabol ako ng chinatrust at lumobo ang utang ko to 77 plus thousand…hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang nangyari..lagi ako nilang tinatakot na sasampahan nila ako ng ibat-ibang kaso samantalang may proof ako na tinerminate ako at sinampahan ko pa ng kaso sa NLRC yung employer..natalo lang po dahil umatras yung lawyer ko na atty alcantara na ust prof din dahil ang anak niya ay member ng CCAP lawyers…gusto kong sampahan ng kaso ang chinatrust dahil dapat ang company ang singilin nila at hindi ako dahil nagsilbing guarantor yung kumpanya para ma-approve yung loan ko..ano po ang gagawin ko para mahinto yung harassment sakin?

Reply

foobarph June 4, 2012 at 8:41 am

hi po frank, sa opinyon ko po…

kaya ka hinahabol ng china-trust dahil baka may napirmahan kang kontrata na kapag hindi nakabayad yung company o hindi nag-remit yung company sa china trust, pwede kang habulin.

ganunpaman, talk to china trust. sabi nga ng prof namin, ang utang ay dapat bayaran at hindi tinatakbuhan. ipakita mo yung good faith mo sa kanila at for sure, maayos ka rin nilang kakausapin.

hinihintay ko rin ang sasabihin ni tito boy kaya standby lang po tayo.

Reply

frank May 31, 2012 at 7:44 am

may isa pa po akong problema…pumasok po ako sa isang sanlang-tira na kasunduan…may property ang mother ko at 6 anim niyang kapatid..apartment style ang 3 story building kayat ang isang unit duon ay pinagamit sakin at pinayagan paupahan para makadagdag sa pagpa-aral ng aking mga anak…ang ginamit po nang nagpautang sakin ay yung contract of antichresis…200k ang po ang aking inutang…pinaupahan nung nagpautang yung unit para magsilbing interes o tubo ng aking inutang..nag expire yung contract nung feb 2011 at yung buong property ay nasubasta sa manila nung april dahil sa laki ng utang sa amilyar…eventually, napagbili yung property na palugi at pinaghatihatian ng pitong magkakapatid na mayari kasama na ang nanay ko…nakakuha ako ng share ko na 60k na ipambabayad sana sa inutangan ko ngunit nagalit siya at sinabi na buo kong inutang yung pera at dapat buo ko ring bayayaran..hindi niya tinanggap yun 60k at ginamit nalang na aking asawa as placement fee para makapag abroad sa saudi..nagwawala yung nagpautang at pati yung nagahente na sister in-law ko ay hinaharass…gagawa daw siya ng paraan na masampahan niya kami ng kasong estafa….damay pati yung ahente…pati yung baranggay kagawad ay hinaharass ako sa bahay at pinilit akong pinapapirma ng kasunduan…parangawa niyo po sana at tulungan ninyo ako…hindi ko na po alam ang gagawin…gusto ko lang buhayin ang aking pamilya at pagaralin…

Reply

boy June 7, 2012 at 9:39 am

prblema ko po ay ang kinuha kong hulogan na motorsiklo , 36 months ko ho huhulogan pro naka pag hulog lang ho ako ng 30 months at hindi ko na ho naipagpatuloy pa sa dahilang wala na ho na ho ako ma pag kuhanan ng pera , isa pa ho nasira 2nd gear ng motor , ito po ay akin ng pinahahatak sa akin kinuhanan munit ang gusto nila ay akin ipagawa pa ay bilan ng bagong piyesa , umaandar po ung motyor sa 1st gear 3rd gear at 4th gear , sana po ay mabigyan nio ako ng payo , salamat

Reply

Tito Boy June 9, 2012 at 8:28 pm

Hi boy, ibalik mo na yang motor. Kung ayaw tanggapin at gusto pa ipaayos, sabihin mo bahala sila dahil wala ka rin pambayad. Under Art. 1484 ng Civil Code o tinatawag na Recto Law, ang nagbebenta ng gamit through installment ay hindi pwedeng sumingil ng utang at kunin ang gamit ng sabay. Alternative ang remedy ng nagpautang.

Sa kaso mo, kung kukunin ang motor quits na ang utang. Kung ayaw nila ng motor idedemanda ka nila for sum of money, walang kulong yan. Kung manalo sila dun, pupunta ang sheriff sa bahay mo para singilin ka. Kung wala kang gamit na may halaga o pera, wala silang magagawa.

Reply

balongcruz June 11, 2012 at 10:38 am

Tito Boy,

Anung gamit po ba ang kukunin nila? ung mga nakapangalan po sa akin?

panu po kung wala silang makuhang gamit sa bahay namin? pede po ba silang kumuha ng gamit ng nanay ko?

Salamat po sa Reply.. :)

Reply

Tito Boy June 17, 2012 at 5:09 pm

Hi Balingcruz,

Yung gamit mo lang pwede kunin. Hindi pwede gamit ng nanay mo at nang kung sino man.

Reply

Thine June 7, 2012 at 10:37 pm

Hi! Sana may mag reply :)
May umutang po kc sakin na 4k, I think February 2012 pa yon. Ngayon, sinisingil q na xa, aba! cannot be reach na ung no. nia and dinelete nia nako sa fb. Walang kasulatan, trust lang, kc nasaid sya sa pang gastos ng meds ng father nia. Kaya rin naman nia magbayad, kc he works sa st. lukes global. Pano ba gagawin ko, di naman bsta2 napupulot ung 4k. Marami narin akong pwedeng ibili run. Pwede ko ba xa ipa barangay? Or better na kasuhan? Salamaaat! Sana masagot pls. Thanks!

Reply

Tito Boy June 9, 2012 at 8:33 pm

Anong profession niya? Kasuhan mo sa brgy if you reside in the same brgy. Pwede rin sulatan mo ang PRC at St. Lukes para makuha attention mo. Good luck!

Reply

JENNIFER DAVID June 24, 2012 at 8:43 am

problema ko po ksi yung loan ko na natigil dhil po na banckrupt ako,at the same time po co maker ako ng pinsan ko kung saan ako nakapag load,bale po co maker ko sya sa loan ko at co maker nya ako sa loan nya,pareho po kaming natigil sa pag huhulog,ngayon po willing naman po ako mag bayad ng loan ko,ang inaalala kolang po yung kino maker ko baka po di makapag bayad ng loan nya at ako pa po ang papag bayarin ng utang nya,kaya po ako nag dadalawang isip mag bayad dun sa loan ko po…ano po ang dapat kong gawin,..salamat po

Reply

arlene July 2, 2012 at 10:02 pm

ako po ay may utang sa credit card. dati po hindi ako pumapalya sa pagbabayd. kaso po nawalan trbaho mr ko. di na po ako nakabayd. pinasa po sa collecting agency yung utang ko at dinedemanda ako. gusto nila na magbyad ako ng 25oo kd buwan sa loob ng 1 yr. kaso gusto ko man po bayaran wala pa sa ngaun pero willng naman po ako magbyad. nakiusap ako na magbayd ng 100 kada bwan ayaw po pumayg ang bank kc napupunta lang daw sa tubo. natatakot po ako ng makasuhan. ano po gagawin ko. mapapaaresto po ba ako?

Reply

arlene July 2, 2012 at 10:17 pm

correction po. 1000 pesos po ang kaya ko po bayaran kada bwan. nd lang po 3 years na nagbabayd ako ng tubo. di po sila pumayag na 1000 bayaran ko. diko naman kaya na magbayd ng 2500. ano po sasabihin ko sa bank?

Reply

Gary Francisco July 3, 2012 at 6:28 pm

Atty. hingi ako ng advise, heto po ang history: Ang payroll services ng company namin is under HSBC. Then later on nag-offer sila personal loan para sa employees with agreement from our company na ibabawas sa atm payroll yung monthly payment. So lahat kami masaya at masaya din ang HSBC kasi walang problem sa collection kasi auto debit nga sa atm. Di tumagal dahil hindi maganda ang services ng HSBC kasi kung minsan late pumasok yung salary namin tapos me mga complain na nababawasan yung balance sa atm card na hindi naman nagwi-withdraw yung tao. Kaya naterminate yung contract ng HSBC at ng company namin. So, para tuloy pa din yung payment namin sa loan, advice ng HSBC ituloy pa din namin yung payment thru nearest bank na accredited ng HSBC. So no problem tuloy ang payment then after 5months nag demand sila bayaran ko na in full yung outstanding balance. Why??? nagbabayad naman ako monthly at on-time kung minsan advance pa nga. Sabi nila, since terminated na yung contract ng company namin sa HSBC kasabay noon terminated na din yung loan contract namin at kelangan i-settle na yung remaining balance or else see you in court. Grabe mang harass yung collection ng HSBC at saka bakit after 5 months nila naisip na ganun ang ggawin. Pero hindi ako natakot kasi alam ko ang right ko, Tama po ba na kasuhan ang isang tao na nagbabayad naman ng utang na ayon sa loan contract then ngayon kung hindi ko babayaran in full yung remaining balance kakasuhan nila ako. Siguro only in HSBC. October 2013 pa matatapos loan ko siguro naman buhay pa ko nun, sorry sila pag na-tsuge agad ako (knock on wood) he,he Please reply.. Thanks

Reply

Tito Boy July 7, 2012 at 1:43 pm

Hi Gary, mali ang HSBC. Hindi mo kasalanan kung na-terminate ang contract ng Company mo at HSBC. Just keep all the receipts that will prove that you’re updated in your payments. Yan ang ebidensiya mo kapag kinasuhan ka.

Reply

Reika Laxamana July 9, 2012 at 2:39 pm

Hi, last Jan 2012, ang alam ko nagend ang contract o with smart bro and alam ko din ana I owe them 4k, nagyong june i received a notice na i have to pay 10k daw for my smartbro… diba pagsinabi pong end of contract dapat tapos na service mo at di ka na dapat mabill ang kelangan mo na lang gawin isettle yung remaining bill mo? now I am receiving a notice saying na kung di ko daw mabayadan yung 10k in 3 days kakasuhan daw ako. legit po ba to? what should i do? should i pay them 10k kahit na since january im not using the service? please respond po, in my email add po sana if possible, thanks alot…

Reply

Tito Boy July 15, 2012 at 6:48 pm

Penalties and interests yung patong sa P4k. Go to talk to them and ask for waivers and discount on penalties.

Reply

marian July 16, 2012 at 3:48 pm

ask ko lang po about sa problem ng husband ko,nasa kuwait po cia ngyon,dati po kasi nagka utang cia sa OFW loan papunta taiwan,kaso nagkaroon po ng global crisis kaya di po nya ito lahat nabayaran,,,nagyon po sinisingil cia at sinasabi na kapag di p nya nabayaran un ay papa deport po daw cia at hindi na dw makaka alis pa ng pilipinas…pwede po ba sia ma deport ng dahil sa hindi cia nakabayad?ung po na loan nya ay 60k pero umabot na 120k pti tubo,,nka bayad po cia nag mahigit 100k..bali 20k nlng po utang nya kaya lng umuwi na po cia ng pinas nun..tapos po after 3 yrs may tumawag at sinasabi 300K na daw utang nya..pero kung one time payment ay bibigay na lang nila na 100k

Reply

Tito Boy July 22, 2012 at 6:00 pm

Batas ng Kuwait ang umiiral diyan, patungkol sa utang. Pero dito sa pinas, hindi mangyayari yan. Depende na sa agency kung ipapadeport siya at sa kontratang pinirmahan ng asawa mo. Pero sa tingin ko tinatakot ka lang.

Reply

Lisa July 19, 2012 at 1:22 pm

Hi, may utang po ako sa friend ko na 4,500 ngayon pina baranggay niya po ako??Kung sakali pong hindi ako haharap dahil sa mismong araw ng pag tawag sa akin ay may trabaho po ako.Wla naman po akong balak takasan ang utang ko but gipit talaga ako sa nayon may 2 anak akong nag aaral at wla pa trabaho asawa ko. Ano po ba ang dapat kung gawin. Need some advise please help :( (

Reply

Tito Boy July 22, 2012 at 6:17 pm

Attend ka, at doon maki-usap. Antigin mo ang puso nila upang liitan ang interest.

Reply

almyrah defensa July 20, 2012 at 9:40 am

gud am po, kung ang isang tao po ba ay kumapit sa 5-6 dahil sa matinding panagangilangan, maospital po ang anak at nangailangan ng malaking halaga worth P75k, at un nman po ay tinutubuan more than a year na ng 20% nga, ngaun po ay pinipilit cia mag bayad ng kalahati within one week sa madaling salita po ay ginigipit siya. ano po ba ang magandang gawin kapag ganun na namimillit na pagbayarin siya. nananakot pa na pupuntahan dw sa bahay.

Reply

Tito Boy July 22, 2012 at 6:19 pm

Karapatan nilang maningil, pero hindi ka maaring saktan o piliting magbayad. Sumbong mo sa pulis kung hinaharass ka. Sabihin mo magsampa na lang ng kaso sa korte at doon ka haharap. Good luck!

Reply

almyrah defensa July 23, 2012 at 7:22 am

thanks po, meron po ba batas tungkol sa papatubo ng 5-6 monthly?

Reply

granger August 6, 2012 at 6:56 pm

laban sa 5-6 wala

Reply

monai July 26, 2012 at 1:03 pm

hi tito boy ask ko lang po yung bout sa kakilala ko. yung mama nya po ay nangutang sa lending company para may maipang placement fee papuntang abroad. at yung kakilala ko po at kapatid nya ang ginawang witness po di ko po sure if guarantor po yun. ngayon po umuwi yung mama nya dahil namatay na yung inaalagaan at wala na syang work doon. sa probinsya na po sya nag stay ngayon at hindi po sa bahay nila. ngayon po yung kakilala ko po ang laging tinatawagan ng lending company. sinasabi nila na ipapadeport na daw yung mama nya pag nasa korte na ng taiwan yung kaso e pano po yun andito na nga po yung nangutang? yun nga lang po hindi nila alam na andito na. makukulong po ba yung kakilala ko? may isa pa po silang pinagkakautangan, bale po sinanglang tira yung bahay nila. nasa nagpautang na po yung titulo ng lupa nila kasi nga po di na sila nakabayad dun, kaso po naniningil pa din yung nagpautang. nagkakatubo daw po yung utang kaya lalong lumalaki. eh nasa sa kanya na nga po yung titulo. anu po kayang dapat gawin ng kakilala ko? salamat po ng madami.

Reply

Tito Boy August 12, 2012 at 2:48 pm

Monai,

Hindi makukulong ang kaibigan mo kasi mga utang lang yan. Pabayaan nalang niyang maningil kung wala siyang pambayad.

TB

Reply

Marcos July 30, 2012 at 12:28 pm

sir good morning! ang mga manugang ko ay nagbenta ng lupa sa halagang 1M, at binigyan sila ng pasiunang bayad na 200T ang pinirmahan nilang documento ay special power of attorney at saka deed of sale, pero wala itong selyo at hindi documentado ng lawyer, ngayon nagpursige ang manugang ko sa remaining balance dahil sa isang anak na kailangan e radiation, pero hindi na nagbayad ang buyer, pag siningil sabi niya nakapirma na daw sila ng deed of sale. ano po ang gagawin namin para makabayad itong buyer o ma ibenta namin sa iba ang lupa? salamat!

Reply

Tito Boy August 12, 2012 at 2:46 pm

Marcos,

Kumausap ka ng abugado para padalhan ng sulat ang buyer para singilin. Kapag hindi parin nag bayad, i forfeit niyo ang downpayment o kasuhin ang buyer para magbayad ng buo.

TB

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: