Batas Para Sa Mahirap…Umintindi header image 2

WHO LET THE DOGS OUT?

July 4th, 2010 · 32 Comments · Animal Owners, CIVIL LAWS

Si Theness ay isang 3 taong gulang na bata. Noong ika-29 ng Hulyo taong 1975, nakikipaglaro siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Habang sila ay naglalaro, nakagat si Theness ni Andoy, ang aso ng namayapang lolo ng kalaro niya.

Dali-daling sinugod sa ospital si Theness kung saan ay ginamot ang kanyang mga tinamong sugat sa noo at tinurukan siya ng anti-rabies. Ngunit sa kasamaang palad ang hindi kinaya ng musmos na katawan ni Theness at binawian siya ng buhay makaraan ang ilang araw dahil sa broncho-pneumonia.

Dinemanda ng mga magulang ni Theness ang mga magulang ng kanyang kalaro na sina Purita at Agustin Vestil na nangangalaga sa nasabing bahay. Matapos ang paglilitis ay ibinasura ng hukuman ang asunto laban sa mag-asawang Vestil.

Ngunit pagdating sa Court of Appeals, ay binaliktad ang hatol at inutusan ang mga Vestil na magbayad ng danyos na nagkakahalagang P42,000.00, na malaki na rin noong mga panahon na iyon. Kaya napilitan ang mga Vestil na tumakbo sa Korte Suprema.

Ayon sa mga Vestil, hindi dapat sila managot sa pagkamatay ni Theness dahil hindi naman sila ang may-ari ng aso at ang mismong bahay kung saan nakagat ang bata. Si Andoy daw ay pag-aari ng namayapang tatay ni Purita na si Vicente Miranda.

Lumalabas na ang mag-asawang Vestil ay care taker sa nasabing bahay na tumatanggap din ng boarders doon. Sabi rin nila, wala naman daw nakakita kung talagang kinagat ni Andoy si Theness at mabait naman daw ang naturang aso.

Kinuwestiyon din ng mag-asawang Vestil ang dahilan ng pagkamatay ni Theness na hindi naman rabies base sa death certificate.

Sa tingin mo, dapat ba na managot ang mag-asawang Vestil samantalang hindi naman sa kanila ang naturang aso?  Tama ba ang argumento nila na hindi naman rabies ang naging dahilan ng pagkamatay ng bata kaya’t wala rin silang pananagutan?

Marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng hayop, ngunit ang tanong: Alam ba natin ang ating pananagutan bilang amo nila?

Paano kung may mga hayop na hindi naman sa atin ngunit laging tumatambay sa loob ng ating bakuran. May pananagutan ba tayo kung ito’y mamerwisyo sa iba?

Sawa ka na ba sa mga naka-wangwang at nagka-counter flow sa daan?

Ako rin, sawa na.

Okay, balik sa kwento.

Ayon sa Art. 2183 ng Kodigo Sibil:

Sino man ang may pagmamay-ari, nangangalaga, may hawak (possessor), o gumagamit (make use of the same) ng anumang uri ng hayop ay siyang may pananagutan (responsible) sa anumang uri ng perwisyo at danyos na magagawa nito, kahit pa ito’y nakatakas o nawala. Ang responsibilidad ng may-ari o may hawak sa nasabing hayop ay titigil lamang kung ang danyos na nilikha ay dulot ng force majure o dahil kasalanan ng taong naperwisyo (fault of person who suffered damage).

Ayon sa Korte Suprema, dapat lang managot ang mag-asawang Vestil sa pagkamatay ni Theness. Sabihin na nating hindi sila tumutuloy sa bahay kung saan nangyari ang insidente, ngunit sila pa rin ang nangangalaga dito na kung saan naglalagi rin si Andoy. Kaya kahit hindi sila ang maituturing na may-ari kay Andoy, responsibilidad pa rin nila ito.

Hindi rin pinanigan ng Korte Suprema ang kanilang dahilan na mabait naman itong si Andoy at maaring si Theness ang naging dahilan kung bakit kinagat siya, dahil hindi naman sinabi ng batas na kung maamo o isang maituturing na halimaw ang alagang hayop para maging responsable ang kanilang mga amo.

Kahit na ang dahilan ng pagkamatay ng bata ay broncho-pneumonia, hindi pa rin maitatanggi na ang pagkakagat ni Andoy ang puno’t dulo nito, na matatawag na “proximate cause.”

Hindi rin pinanigan ng Korte Suprema ang palusot ng mag-asawang Vestil na hindi naman dapat asahan na lagi nilang titingnan ang bawat kilos at gawa ni Andoy.

Ayon sa Korte Suprema, ang pananagutan sa Art. 2183 ng Kodigo Sibil ay hindi nag-uugat sa pagkukulang (negligence) sa pagbabantay ng hayop (lack of vigilance), kundi dahil sa prinsipyo na sa ating lipunan, kung sino man ang nagmamay-ari ng hayop para sa kanyang sariling kapakanan, gamit o kasiyahan (utility, pleasure or service) ay siya rin ang dapat managot sa anumang perwisyong idudulot nito.

Kaya sa bandang huli ay pinanagot din ang mag-asawang Vestil sa pagkamatay ng kawawang bata.

Ang payo ko, mag-alaga nalang kayo ng kuhol!

O ano, galit ka pa rin sa wangwang? (ang labo noh?)

Your email:

 

—————-

“Pets are humanizing. They remind us we have an obligation and responsibility to preserve and nurture and care for all life.”

– James Cromwell

Source: Purita Vestil, et al. vs. Intermediate Appellate Court, et al., G.R. No. 74431, November 6, 1989.

Tags: ···

32 Comments so far ↓

  • euge

    boss rob, isang question lang, pwede bang gawin wang wang si andoy?

    ang gulo..hays

  • batangmangyan

    taragis na wangwang ng kapitbahay namin panyero. at police pa siya astig di ba. pero nasa private car ang wangwang. tama ba yun? tapos tuwing aalis at darating ng bahay, taragis na wangwang di tinatantanan, pangtawag ng magbubukas ng gate nila. sana nga mag-alaga na lang siya ng maraming tuko kaysa sa wangwang. labo din ba? hahaha.

  • Ronald Redito

    Ikakadena ko na nga mga aso ko. aw aw!

  • Mhonski

    Tito Boy

    Pwede rin ba idemanda yung may ari ng mga pitbul at mga askal na dyumejebs sa kalsada. Taragis! ang daming tatche sa kalsada namin. Ang hirap nang iwasan sa dami, anlalaki pa…

    • granger

      oo nga mahirap iwasan lalo na pag natapakan mo na :D pero pano mo mapapatunayan na ang tae na yun ay sa aso at hindi sa pusa o sa tao? kuf napatunayan mo naman na sa aso nga pano mo mapapatunayan na yung aso na yun ang tumae sa dami ng aso sa inyo? :) mahirap ata yan kasi (he who asserts, not he who denies must prove) pano prove yun? :D yak kadiri :) he he

      pero pede ata reklamo sa brgy para maglabas ng brgy ordinance applicable to all dog owners in the brgy concerned, nuisance yan eh :D

    • Tito Boy

      @Mhonski, para ka na ring napilay nun kasi iika-ika ka pag-uwi hehe. Dapat may damage na maipapakita para mademanda mo yung may-ari ng aso.

      Tulad na nadulas ka sa etsas at nabagok ang ulo mo or nasira ang sasakyan mo dahil araw-araw nadaraanan ang mga tae.

      At dapat mapatunayan mo na etsas nga yung ng aso at hindi na kapitbahay mo aw!

  • azar

    Buti na lang pala binigyan namin kagad gamot yung nakagat nung aso namin. mahirap na masermonan sa korte. mahal pa bayad. hehehe

  • AsOL

    Sir Atty., halimbawa e na provoke nga ng isang tao ung aso yung tipong inaasar nia kaya biglang nangagat. E di wala pong pananagutan ung may ari ng aso kasi kasalanan naman nung tao ee..

    Minsan kasi ganun ako.. trip kong asarin yung aso ng kapit bahay namin na naka kulong.. hehehe! naisip ko lang kung biglang makawala un ta’s nakagat ako e di wala akong habol sa may ari?? hehehe..

    • Tito Boy

      @Asol, ayos rin ang trip mo hehe. Ang payo ko ay kapag kinagat ka, kagatin mo rin para quits!

      May kaso nga e yung caretaker mismo ang tinira ng alaga niyang kalabaw. Dinimanda ng pamilya ng care taker yung may-ari ng kalabaw pero na-dismiss dahil dapat yung care taker mismo ang mangangalaga para hindi manakit yung kalabaw, tapos siya pala ito tuturbuhin ni kalabaw ahihihi.(Afialda v. Hisole 85 Phil. 67)

    • granger

      lagot ka kasi provoked attacked yan, di ka lulusot sa self defense, nyahahaha :D

  • xtremus

    tagal kong nawala ah…. hinabol kasi ako nang Aso… di agad nakabalik…. musta na ang lahat…

    Sa aming Subdi naman bawal pagala gala ang aso
    at pag nakita at nahuli iyong aso adobo ang kakalabasan…joke lang…bawal patayin ang aso….

    Ok din naman may aso sa bahay proteksyon sa mga magnanakaw… pero ang obligasyon mo bilang isang may-ari ay iyong responsibilidad.

    Mabuhay po kayo….

  • Trudis D'Dog

    Ngak, kaya pala parang may humihila sa akin papunta dito kahit busy ako sa pagngatngat ng buto…kami pala ang pinaguusapan!

    Boto ako sa desisyon ng Korte. Kaya di natututo ang mga irresponsible dog owners, hindi naman kasi sila ang nahuhuli at nakukulong sa pound. Dapat lang na may pananagutan sila sa batas.

    May kaibigan ako, gusto ng amo nya putulan sya ng pangil para wala sya makagat. Kagigil no? May mga kakilala din akong habang buhay naka (dog)house arrest o mapa ulan araw nakatali sa poste ( yung tali sobrang iksi, nakakatulog tuloy na nakatayo yung aso). Haaay, mag papasagasa na lang ako sa kotse pag ito ang buhay ko.

    Sa tingin ko, ang tunay na solusyon ay sa pag control ng animal ownership. Mag alaga lang ng kaya ng bulsa ( gagastos kayo sa food, health, and even educational needs ng alaga ninyo) at oras ( kelangan din sya ipasyal para maging friendly sa tao), at yung kasya lang sa bakuran para di titira sa kalye. Mag pa spay( tanggal obaryo) o neuter ( kapon) ng alaga para hindi sila dumami. Kung di kaya, wag na mag alaga.

    Tito Boy, maraming salamat sa post mo, nagkaroon ako ng excuse para mag emote sa kalagayan ng mga aso dito sa pinas :P

  • duking

    tito boy,paano kung ang ang aso o anumang hayup ay walang partikular na tagapag alaga (pusakal or askal o kaya osong pagala gala) nangangahulugan ba na kapag nakapaminsala sila,pananagutan na agad ng estado?

    (katulad nung kwento ng kapabayaan dun sa bumibili ng bagoong na nahulog sa manhole)

    • Tito Boy

      @Duking, wala naman sa batas na pananagutan ng estado ang mga baliw na aso na pagala-gala sa daan di tulad ng kaso ng mga public works vis-a-vis local government na defined sa Civil Code natin.

      Kaya ingat na lang sa mga asong ulol ahihi…

  • cheese

    isa na naman itong umaatikabong kaso :D

    wang wang wang

  • engrape financier

    Ikadena lahat na lng nang aso para walang sakit ng ulo: D

  • TARAGIS

    wahaha! kUHOL! un ang catch dun eh!!! panalo ang ending dun talaga ako naaliw hihih.

    anyway, bigla tuloy akong nag alala sa pag aalaga, ganun nga pala katindi ang responsibilidad, kaya dapat pabakunahan ang mga alagang aso, pusa at iba pa na maaaring mangagat at makaperwisyo. . salamat sa entry!!

    TARAGIS! ^^ DOTCOM NA!!!!

  • Tito Boy

    Haha ang taragis na yan, went a long way! IT for dummies the best!

  • Jovy

    Parang hindi ako makapaniwala na ang kagat ng aso ang proximate cause ng bronchopneumonia, unless na-confine sya ng ilang araw sa ospital at doon na sya nagkaroon ng hospital-acquired pneumonia.
    Paano sya magkakaroon ng impeksyon sa baga dahil sa isang dogbite? Paano kung inuubo na pala sya bago pa makagat?

  • ferdie

    Buti na lang namatay na mga aso ko at wala na ako iintindihing responsabilidad sa kanila. Bibigyan ko na lang kopya nitong entry mo Tito B. yung kapitbahay namin na may 10 askal.

  • lambing

    ahahaha paano kapag daga ang kumagat? awwts mas malabo ako toinks!

    nakuu tito boy dito sa street namin saksakan ng dami ang aso dito.. ang nakakainis pa nanghahabol.. hmppp may dalmatian , pitbul at askal nakakainis…

    pwede ba ireklamo kahit hindi pa nakaka kagat.. paano naman kung makagat ako diba? Yun tipong lalapitan ka tapos grrrrr… sabi nakakahimatay kaya yun ang lakas ng phobia ko sa aso.. tama tama sana mag alaga nalang sila ng kuhol kung di kaya ang obligasyon ng pag aalaga ng aso..

    tito boy na miss ko dito.. ngayon lang nakawala sa amo aaw aaw!

  • granger

    reklamo mo pag lumapit tapos nag meow meow :D

  • pediamom

    i live in a condo and a neighbor owns a dog. sinabihan na yung owner na pag ilalabas yung aso dapat may leash. one time, accidentally nakalabas yung aso and chased my 3 kids. my husband got really mad kasi the dog started chasing my kids, and there was a danger na mahulog sa stairs. may liability na po ba ang dog owners dito kahit hindi pa naman sila nakagat? can we demand that they get rid of their dog?

  • granger

    Report mo muna sa condominium owners association.

  • Trudis D'Dog

    Mahirap talaga ang magkaroon ng pet pag condo living or nagrerent lang ng bahay kasi kelangan sumunod sa patakaran. Space is another factor to consider when deciding whether or not to have a pet.

  • pediamom

    thanks! we’ll do that :)

Leave a Comment