FOR UNOFFICIAL USE ALSO

by Tito Boy on May 7, 2010

Pula ang plaka pero nasa harap ng “Classmate” sa Quezon Avenue nakaparada. “For Official Use Only” ang nakalagay sa gilid ng pinto ng sasakyan pero nasa harap ng mall at nagkakarga ng groceries.

Ano ibig sabihin nito?

Sa patay-sindi na ba ginaganap ang mga conventions?

Hindi na ba nagbi-bidding at dapat sa SM bumili ng supplies ang gobyerno?

Isa lang ibig sabihin niyan.

Technical malversation.

Ayon sa Revised Penal Code:

Art. 220. Illegal use of public funds or property. — Any public officer who shall apply any public fund or property under his administration to any public use other than for which such fund or property were appropriated by law or ordinance shall suffer the penalty of prision correccional in its minimum period or a fine ranging from one-half to the total of the sum misapplied, if by reason of such misapplication, any damages or embarrassment shall have resulted to the public service. In either case, the offender shall also suffer the penalty of temporary special disqualification.

Ibig sabihin lang, bawal ang gamitin ang pondo ng isang kawani ng gobyerno sa bagay na hindi naman pinaglaanan.

Kaya kapag may nakita kayong sasakyan ng gobyerno na mukhang nasa lugar na hindi dapat. Alam mo na ano ang pananagutan.

Maigsi lang entry ko kasi ako ay kasalukuyang nasa liblib ngunit magandang isla sa timog at kanluran ng Quezon, silangan ng Mindoro, at hilaga ng Romblon (sabi ng wikipedia).

{ 11 comments… read them below or add one }

asero May 8, 2010 at 3:27 pm

Kailangan daw gamitin atty dahil masisira ang makina pag hindi pinaandar hehe.

Reply

duking May 9, 2010 at 10:26 am

ito ay isa sa mga added benefits ng napakaraming benefits ng mga public officials.dahil hindi tayo direktang nasasaktan,hindi na lang natin pinapansin.karamihan kasi ng mga abusadong public officials,wala na ring natitirang kahihiyan.

tsk tsk.lalong lalo na yung may low number plates na may hagad na kasama at laging naka sirena kapag natakbo sa kahit anong kalsada.pupunta lang naman sa kung saang party.bwisit!

Reply

batangmangyan May 11, 2010 at 3:01 pm

nasa marinduque?? haha.

nagkalat ang ganyang sasakyan panyero..pero alam nyo, marami na din sasakyan ang gobyerno na nananatiling GREEN PLATE, bakit nagagawa ang ganun? bakit nakakalusot?

Reply

Len May 13, 2010 at 10:35 pm

panyero, nakikidaan lang po.. :-)

Reply

jongskie721 May 13, 2010 at 10:42 pm

oo nga, kahit Linggo o Sabado eh ginagamit yung sasakyan sa pagpunta sa mge resorts (kasi daw, outing ng mga kawani o opisyal ng Munisipyo) pwede ba yun?

Reply

Manay Cristy May 14, 2010 at 7:50 am

Meron na ring mga na-feature niya sa TV. In one Bitag episode (na paborito ni TB), merong red plate vehicle na laging namamataan sa isang sikat na men’s club along Q. Ave. Wala namang raid kaya for sure e hindi official business kundi monkey business ang ginagawa ni kolokoy.

Reply

granger May 14, 2010 at 9:49 am

ano po yung men’s club?

Reply

lee mi May 14, 2010 at 5:31 pm

sir granger,
nag green lights yung utak ko pagkabasa ko sa “mens club”..=)

Reply

granger May 14, 2010 at 5:54 pm

sorry leemi talagang di ko maintindihan kung ano yung men’s club

Reply

xtremus May 15, 2010 at 3:13 pm

men’s club….. ? puro kaya lalaki nasa loob nun…hehehe

ang dami ngang ganyan nag kalat… Red Club…ay Red Plate……ginagawang private club…ay private car pala……Sumbong ko kayo kay Bitag…..

Reply

ferdie May 16, 2010 at 3:40 pm

baka nagpapalakas lang yung mga pumupunta ng men’s club..hehehe

galing ng pektyur, sakto hehe.

Kaya dapat lagi handa ang mga camera natin para sa mga official abusero

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: