NAKAKA-ALIW AY MAGKAROON NG SARILING BLOG. Maipapahatid mo ang iyong saloobin sa mabilis at epektibong paraan. Mas lamang pa nga sa mga manunulat ng diyaryo at magasin, dahil ang makakabasa ng akda mo ay buong mundo.
Sa loob lang ng limang minuto ay makakagawa ka na ng sarili mong blog ng libre, ang kailangan mo lang ay internet access. Matapos noon ay malaya ka nang maisusulat ang iyong gusto sa paraang nais mo.
Pero naisip mo na ba na ang kalayaan sa pagba-blog ay may naka-akda ring responsibilidad?
Sumagi na ba sa ulirat mo na tulad ng isang lihitimong mamahayag ay maari ka ring kasuhan ng libel dahil sa post mo?
‘Yan ang kinakaharap ngayon ni Ella, isang ring blogger.
Sa mga nakatira sa Timbuktu at planetang Venus na hindi pa alam ang binabanggit ko, basahin ninyo nalang ang mga ulat.
Para naman sa mga blogger na hindi alam ang libel at pano maiiwasan ito, makinig kayo.
DEFINITION
Ang libel ay ang pagpapakalat sa publiko ng malisyosong pagpaparatang (malicious imputation) ng isang krimen, masamang hilig (vice) o kasiraan (defect), totoo man o kathang-isip (real or imaginary), o anumang kilos o pagkukulang (act or omission), kondisyon, estado, o kalagayan, na magiging sanhi (tending to cause) ng kahihiyan (dishonor) o kasiraan ng pangalan (discredit) o pag-aalipusta (contempt) sa isang tao o samahan, o dungisan ang ala-ala ng taong namayapa (blaken the memory of one who is dead)
Hay, ang haba. Ako lang ata ang nagtangkang isalin sa tagalog ang bawat letra ng batas na ‘yan. Mabuhay ang English-Filipino Dictionary!
ELEMENTS OF LIBEL
May apat na elemento ang libel:
(1) Defamatory imputation tending to cause dishonor, discredit or contempt o ang mapanirang-puring pagpaparatang na magiging sanhi ng kahihiyan o kasiraan ng pangalan o pag-aalipusta sa isang tao;
(2) Malice o malisya ng taong nagpakalat;
(3) Publication o ang pagpapakalat sa madla;
(4) Identifiability of the person defamed o ang pagkakakilanlan ng taong siniraan.
PUBLICATION
Isa sa pinaka-importanteng elemento ng libel ay publication. Kung walang publication, walang libel.
Masasabing published ang libel kung ito ay malawakang pinakalat (widely circulated) sa pamamagitan ng babasahin, kung ito ay binigkas at hindi nakasulat ang tawag naman diyan ay slander (ibang kaso ‘to).
Bukod sa malawak na pagpapakalat, masasabi ring may publication kung ang paninirang puri ay pinaalam sa ibang tao bukod sa may akda at taong siniraan.
Ang pagsulat sa blog ay hindi maitatangging isang publication. Sa wordpress.com pa nga, kailangan mo pindutin ang katagang “publish” para maipakita ang ginawa mong post.
Jurisdiction in Libel Cases
Ang kasong libel ay dapat isampa sa Korte ng lugar:
(a) Kung saan inilathala at unang pinakalat ang babasahin (where the libelous article is printed and first published)
(b) Kung ang siniraan ay pribadong tao, kung saan siya nakatira noong nangyari ang krimen.
(c) Sa Manila kung ang siniraan ay taong gobyerno at ang kanyang tanggapan ay nasa Manila rin.
(d) Sa lungsod ng kanyang tanggapan kung ang siniraan ay taong gobyerno at may tanggapan sa labas ng Manila.
Mahirap malaman kung saan lungsod unang inilathala at pinakalat ang isang blog. Maaring sa bahay, sa starbucks, o sa banyo habang naglalabas ng sama ng loob.
Nineteen kopong-kopong pa kasi ang batas na ito at hindi inasahan ang pagdating ng internet. Hindi ako magtataka kung unang sinulat ang libel law sa dahon pa ng kaimito gamit ang balahibo ng manok.
DEFAMATORY IMPUTATION
Ang paninirang puri ay ang kahit anong pangungusap na makakasira sa magandang pangalan o reputasyon ng isang tao.
Para malaman kung ang mga pinagsasabi ay defamatory, ang salitang ginamit ay iintindihin (construe) sa pangkabuuan (in its entirety) gamit ang payak at natural nitong kahulugan na naiintindihan ng ordinaryong tao (in its plain, natural and ordinary meaning).
Halimbawa, kung sinabi ko na ikaw ay mukhang kabayo. Para sa makakarinig o makakabasa, ang kanilang pagkakaintindi ay tinawag kitang pangit.
Hindi ko ngayon pwedeng sabihin na ang gusto kong ipahiwatig ay isang kang sensitibo at mabait na tao dahil ito ang katangian ng kabayo, dahil para sa ordinaryong tao ang ibig sabihin ng mukhang kabayo ay pangit.
IDENTIFICATION
Ang panunurang puri ay dapat nakatuon o maitutukoy sa taong sinisiraan (ascertained or ascertainable). Hindi kailangang isulat ang mismong pangalan, basta madali lang siyang matukoy bilang siya.
Kaya huwag kayong maiinis kung mahirap hulaan ang mga blind item sa tabloid dahil iwas pusoy rin sila.
MALICE
Ang malisya ay ang poot o sama ng loob (ill will or spite) para siraan ang reputasyon ng isang tao.
Masasabing may malisya kung ang pinagsasabi ay alam niyang mali o walang pakialam sa katoohanan o kasinungalingan (with knowledge that it was false or with reckless disregard as to the truth or falsity thereof).
Exceptions:
May mga kasong masasabing walang malice, tulad ng:
(1) Qualified Privileged Communication –
a. Pribadong komunikasyon na sinabi ng isang tao bilang pagtupad sa legal, moral at social duty.
b. Mga ulat o balita na walang komento o remarks; mga report o speech na ginawa sa judicial, legislative o official proceedings; o mga ginawang bagay ng mga opisyal ng gobyerno bilang pagtugon sa kanilang tungkulin.
c. Mga komentaryong patas at walang kinikilingan (fair commentaries) patungkol sa bagay na may public interest.
(2) Absolute Privilege Communication -
a. Mga sinasabi ng mga Congressman at Senador. Kahit murahin ka niyan ng harap-harapan ay hindi sila makakasuhan ng libel. Ang pananagutan nila ay sa Ethics Committee.
PUBLIC FIGURE
Ang malice ay presumed kung walang maipakitang magandang intensiyon o makatarungang motibo sa pagpaparatang (if no good intention and justifiable motive for making it is shown).
Kaso kung ang taong naghabla ay isang public figure, kailangan patunayan na talagang may malisya ang taong naglathala.
Masasabing isa kang public figure kung dahil sa iyong accomplishments, kasikatan, pamumuhay, propesyon ay nagka-interes ang publiko sa iyong mga ginagawa, at ang iyong karakter ay naging isang “public personage.” In short, sikat ka.
Kaya mas madali depensahan ang kasong libel kung sikat ang inalipusta mo kesa sa ordinaryong tao tulad ko, kaya yari ka sa akin hehe…
ANALYSIS
Sa kaso ni Ella, maaring niyang lusutan ang kasong libel dahil walang malisya ang kanyang ginawa bagkus maganda ang kanyang intensiyon at gusto niya lang kalampagin ang kinauukulan. Bukod pa dito, ay isang public figure ang Secretary ng DSWD na maghahabla sa kanya.
Ang nakakalungkot lang ay ang psychological effect nito sa mga blogger na tulad niya. Magkakaroon ng “chilling effect” sa mga blogger kung saan parang may suppression ng freedom of speech dahil matatakot na silang ihayag ang kanilang nararamdaman baka kasi makasuhan rin sila ng libel.
Sa kabilang banda, kung aabot ito sa Korte Suprema ay magiging test case rin ito para magkaalaman na. Isa kasi itong case of first impression at kung ano man ang kalalabasan, ay magagamit for or against sa future cases ng libel vs. bloggers.
Ano sa tingin mo?
————————————-
“ Libel actions, when we look at them in perspective, are an ornament of a civilized society. They have replaced, after all, at least in most cases, a resort to weapons in defense of a reputation.” – Henry Anatole Grunwald
SOURCES: Revised Penal Code, Art. 353, 354, 360; Yuchengco vs. Manila Chronicle, G.R. No.184315, November 25, 2009; Guingguing vs. CA, G.R. No. 128959, September 30, 2005; Christy Fermin vs. People, G.R. No. 157643, March 28, 2008.


{ 45 comments… read them below or add one }
sa tingin ko si panyero rob ay isang public figure ahaha yoown yun eh! salamat po sa napakagandang entry na ‘to, saktong sakto para sa lahat ng mga blogger.. bilang isang blogger natutunan ko ang blogging ay maihahantulad din sa mga propsyon ng manunulat at mamamahayag dapat matuto tayong “maging responsable sa ating mga salitang ilalathala” maraming magagandang paraan para maging isang makabuluhan ang blog..
pero sa ngayon SALAMAT muna uli kay panyero.net ang ABOGADO SA BLOGOSPERYO! clap clap!
** base ako!
salamat panyero!
fellow bloggers – maingat dapat, dapat tumpak! even a single word can incriminate us. be careful. be responsible!
panyero, paano yong sinabi ko na misleading na ad, yong nagkukuwaring piloto? lagot!
Naku, kailangan n ayata may magsulat tungkol sa “art ng blind item” para iwas pusoy ang mga blogista.
Dapat ‘wag tayong papadala sa ganyang mga sitwasyon pag-aralan dapat ang mga tama o maling paraan ng pagsisiwalat ng katotohanan. Buti nalang nandito ang panyero.net, balita ko sikat na sikat na yun e. Parang si Atty. Alex Lacson, hintay ko nalang ang librong gagawin ni panyero.
pero dapat talaga ingat lagi kasi makakalusot man, mhirap nang mahirapan. dapit siguro, lagi tandaan, hindi absolute ang ating karapatan …pagpapahayag. wag padalus-dalos… tama ba? heheh
Naku naman…katakot pla…kahit sabihin ikwento ang karanasan mo sa particular na lugar,produkto or tao..iba pa rin pla labas..kung ordinaryo tao palagay ko hindi mapapansin maliban kung marami kang follower..lagot talaga..kabado ako ah…pero sa akin sinasabi ko lang opinion ko..kung ayaw nla eh..paki nla di ba?..kung may react.ayos lang..kasi tao ka..pumapalag..hindi robot para gawing tanga..ganun talga pang demokrasya..
ayan na!
nabasa ko rin yata yang kay ella na yan noon.
Buti nalang sarili ko lang sinisiraan ko sa blog ko wahahaha. Salamat po sa info atty rob.
Bilang blogger dapat talaga maging responsable tayo sa mga pinag susulat natin. Kung hindi libel ang katapat mo!
@Bon, speaking of public figure, pare binoto na kita sa top 100 pinakapoging blogger, alam mo bang no. 3 ka sa nomination? haha lufet! I’m proud of you!
@Batangmangyan, diba nga sabi niya licensed pilot daw siya? si gibo ba tinutukoy mo? hehe.
Eto lang mapapayo ko:
1. Dapat walang defamatory statement, just pure facts.
2. Always make fair comments balancing both sides of the issue, and always put phrase like”this is just my opinion”.
3. Show your source or basis para hindi ka maakusahang may malisya at nagtatahi ng istorya.
4. At kung hindi talaga maiwasan, blind item na lang haha.
@ferdz, naku marami pa akong kakaining bigas para ikumpara kay atty. alex lacson, masaya na akong maipamahagi ang nalalaman ko, yun lang naman alam ko sa buhay hehe.
@onesoundrum, ganyan ang sinasabi kong “chilling effect”, natatakot ka nang magsulat baka makasuhan hehe. Pero kung tama naman ang sinasabi mo at walang malisya, wag ka matakot.
@lambing, ok na tip yan, siraan na lang ang sarili haha. Lahat ng bagay may katapat!
wow, nice Blog…News…. sa mga blogger….
buti na lang ung Blog ko wlang laman kaya di ako kakasuhan nang Libel… heheh
Ok iyong suggestion ni Ferdz, na gumawa u nang libro…. at nandito kami para suportahan ka… kami ang sales coordinator dito sa Qatar…hehe
Dapat naman maging responsible ang isang blogger sa sinusulat nya… eh paano halimbawa siniraan ni X si Y sa Blog, eh hindi matukoy ni Y si X kung sya ba talaga un kasi iba ung screen name or mga personal info sa net…. pero ang feel ni Y si X talaga iyon… kasi sya lang ang galit kay Y….pwede bang kasuhan nang Libel kung feelings lang ang basehan…?
Tito Boy,
Pag lumaganap ang “chilling effect”, sa isang lavel e, baka dumami ang production ng “sweater.” Ang problema, baka may legislator na magpanukalang ipagbawal ang sweater.
Pero parang analgesic ang “legal, moral at social duty” sa Exceptions. At hindi ito dapat maging excuse. Karamihan sa mga nasa-cyberbuklat kong blog, personal ang bases ng “About” page, conditions at object ng opinions. Pero public ang category.
Sa mga nakakachika kong creative writers, madalas na ipaalala sa mga katoto ang “social responsibility” sa pag-akda ng sulatin. At sa panahong ito, ang social responsibility ay isang phrase na madalas abusuhin.
Magbu-volunteer ka ba kay Ella?
Tito Boy,
Saan po ba kayo puwedeng i-email? Meron po akong importanteng tanong that I think should fall under the category of : “wait lang…”
Salamat po in advance
Ella
@xtremus, kung sino ang nag-akusa, siya ang magpatunay (he who alleges must prove). Kaya kulang ang “tamang hinala” para mapatunayan na siya nga ang nanira.
Gumamit ng ibang paraan para matukoy ang taong nanira tulad ng IP address, email na ginamit, etc.
@Abet, musta na, long time no hear! ”
Malawak nga ang sakop ng katagang “legal, moral at social duty,” parang term na “for art’s sake” pagdating sa mga mahahalay na palabas na puro kahalayan lang hehe..
Bukas ang serbisyo ko Abe, kay Ella man o sa mga may legal na katanungan, isang malamig na beer lang ok na haha.
@ Ella, ang woman of the hour! Maari po ninyong ihulog ang inyong katanungan sa robenson@gmail.com.
Marami ang nakatutok sa kaso mo kaya God Bless and more power!
isa rin ako sa milyon-milyong nagbabasa dito. ordnaryong tao lng po ako…ako poy nagpapasalamat sa bomubuo nito..marami tayong matutunan…God Bless
Tito Boy,
I tried to send my email to the address above. Ayaw ma-send eh. Eto po ang sabi ng gmail:
Error
Some addresses in the “To” field were not recognized. Please make sure that all addresses are properly formed.
Ella
@ Ella, I just sent you an email.
yes, tama nga atty rob:) kailangan talaga mabasa lahat ng Pinoy itong blog mo, para naman may matutunan sila
hahaha
binoto ko po si BONI at BATANGMANGYAN
bakit wala ka tito boy?:) hahaha
@ jongskie, ‘wag muna akong isali diyan baka matalo pa si bonn, haha kapal
batangmangyan andun din pala, maiboto nga
woohohoho yan nga din iniisip ko
baka ikaw yung manalo, bukod sa abogado ka na, eh magiging most handsome blogger ka pa, bigay mo nalang sa iba
In my online readings of the DSWD-blogger brouhaha, I came across two online personas who are quite insightful in the way they dissect the issue, the way they try to be balanced in their views and the way they zoom in on details that prove material to the issue at hand.
Here are links to Danny Arao’s Posts:
http://risingsun.dannyarao.com/2009/10/24/pahaging-sa-responsableng-blogging/
http://risingsun.dannyarao.com/2009/11/01/pahaging-sa-responsableng-blogging-2/
http://risingsun.dannyarao.com/2010/01/26/filipino-bloggers-should-help-decriminalize-libel/
and Jigs Arquiza’s comments.
http://globalvoicesonline.org/2010/02/07/philippines-cabinet-member-sues-blogger/
http://tonyocruz.com/?p=2773&cpage=2#comments
With the media furor this issue has created and the resulting reactions from solons, it is perfunctory that we allow more room for this type of in-depth analytical blogging approach. Our reactions and non-reactions will help contribute to the Cyber Law platform these influencers (media, solons, and the blogging world) may later shape, and this DSWD-blogger case may be one benchmark they’ll base it on.
***I posted the links which I have come across so far regarding this timely national issue, on their sites as well.
@ opiniononissues
Thanks for the insights and for the links
Blogs just like other form of media is within the ambit of the libel law, no doubt about it.
New issues like jurisdiction and accountability are the things that should be clarified.
Generally, phil courts dont have jurisdiction to try criminal cases that happened outside of its territory.
What if I posted the blog while I’m outside the country?
The question is, do phil courts have jurisdiction to try libel cases “published” outside the country?
Or will it be considered as an continuing crime that if the blogger went back home, phil courts can now acquire jurisdiction?
These questions need to be answered because of the proliferation of blogs around the net.
Hindi mo naman pala masisisi si miss ella ganda na gumamawa ng blog dahil actual naman pala na nakita niya ito. Mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong ondoy at peping eh hindi naipamahagi sa oras ng pangangailangan Yan siguro ang dahilan kaya na promote pa si Docrora Cabral na ngayon ay secretary na ng DOH. Opinion ko lang ha. Sana ipadala na yan sa Haiti para mapakinabangan doon. O kaya sa mga deppress area dito sa atin, nakanapang hinayang.
Paano ba mag edit ng post dito? He he
@hicort, natakot kaba baka isama ka ni sec. cabral kay ella dahil sa comment mo? haha
‘Wag ka mag-alala covered yan ng free speech!
Playing safe lang tito boy. Sabi mo kasi wag kalimutan sa last statement ng comment ang ” opinion lang po”.
Pero talagang maingat ako mag pahayag ng comment at opinion ko ayoko kahit saang forum dito. Ayoko maka sakit ng ng damdamin ng kapwa ko kahit pa sabihin na di naman ako kilala. kaya kahit ano lang ang masabi. Katwiran ko Nakikilala ang karacter ng tao simple sa paraan ng mga sinasabi nito at sa isinusulat nito. Tama po ba?
Tito Boy, padaan lang. Ano yung sinasabi nyong blog awards sa taas. Nominated ka na ba? San ka na bumili ng domain?
@hicort, bilib ako sa prinsipyo mo sa commenting hehe..
@ronald, brod blog awards? wala ata akong sinabing ganun, wala akong alam tungkol dun.
sa web.com.ph ako bumili brod, P1,300 lang/yr kasama domain 500mb storage 10gb bandwith, may customer service pa sa telepono.
ang ganda ng service, mura, walang downtime, walang sinabi yung ploghost.
Hi Rob,
Bakit kaya hindi novela de un amor ang comment niya dito? hehe Hindi template ah.
Update: Hanggang ngayon, mahiwaga pa rin ang “mahiwagang mga papeles” haha abangan mo ang email ko ha?
Meanwhile, happy V day muna tayo, my dear. Ciao
@ella, hindi ko pa pinupuntahan yun mga link na pinost niya eh. sinagot ko naman haha
happy valentines sayo at araw mo ‘to, ingat lagi
sa tingin ko ang tanong ni ronald tito boy eh yung sa most handsome blogger na award
at dumugo ilong ko sa komento ni opiniononissues
ngano man gud nga di ko kasabot ug ingles ui. hahaha
NAKAKA-ALIW AY MAGKAROON NG SARILING BLOG. — nakaka-aliw ang magkaroon ng sariling blog tito boy?
attny pwede bang kasuhan ng libel yong dating kaibigan na matapos magkagalit, kinausap nya ang kapatid at kamag anak ko at idinaldal nya lahat ng sinabi ko sa kanya tungkol sa pamilya ko pati na ang mga hinanakit ko sa kanila na nauwi sa pag aaway ng buo naming pamilya? ang iba ay totoo ang iba ay conclusion lang nya?
Oral Defamation (Art. 358 RPC) ang isasampa diyan conftradia, pwede rin Intriguing Against Honor (Art. 364 RPC). Pero dapat mapatunayan mo na siya nga ang nagpakalat.
atty, yung ginagawa ng collector na pinagkakalat sa mga kapitabahay na may utang ka, pwede rin bang oral defamation yun?
anong ibig sabihin ng blind item
thanks
blind item = para di makasuhan ng libelo ang mga manunulat kasi di obvious kung cino pinagtsitsismisan
sobrang galing nyo po talaga Tito Boy! wala kayong sawa sa pag sagot ng mga inquiries dito. mabuting tao ka talaga kasi wala ka naman fee dito pro sipag mo sumagot at wala kang pinili. obrang informative ng site mo.
pwede po bang yong mga kamag anak ko din na pinagsabihan nya ang maging testigo ko? pwede bang gamiting evidence ang mga txt messages? para sa kasong oral defamation? tnx po.
he he, “oral” defamation (slander) meaning verbally, unless nagsasalita yang cellphone mo, ang alam ko pedeng i alleged pero as to validity as evidence of text message c tito boy na bahala jan
kahit loro pa ng kapit-bahay mo testigo mo walang problema he he joke, di naman bilang at dami ng testigo ang pinagbabasehan kundi ang kalidad at bigat ng ebidensya
good day! thank you granger sa reply ha. god bless!
ano po bang ground para magkaso ng tresspassing?
“Tresspass to dweling” pumasok sa bahay ng walang paalam and against your will. It refers to private person, kapag pulis pumasok: violation of domicile.
Yung twitter? Does it count? Yung case ni chocoleit at cristy fermin? Test case din daw ito eh. Anyone, care to opine?
nagsalita ako ng shit sa facebook sa isang tao at akoy kinasuhan. anong tsansa na madismiss ang kaso?
good pm
sino po ba pwede makatulong saken?
may poser po kasi sa facebook. using my name and pictures.. somebody pls help me po.. parang awa nyo na.. paano q po matatanggal un account na iyon..???
Report the matter to FB admin, to take down the fake account.
Tito boy,
pano po pag tinawag kang mandurugas, sinungaling, swapang, mapamagsamantala, masamang damo, walang kunsensya, mapunta sa imyerno, lamunin ka ng lupa at mang gagamit to name a few sa facebook! and mga salitang nag iimply na immoral, not a good mother, not a good family, etc..
magkapitbahay kasi kami at meron kaming issue sa pader na inayos na sa barangay dun and sabi nga sa brgy na sila yung mali so gigil na gigil sya.
hindi naman ako pala patol na tao kaso ang mommy ko ang pinapatungkulan ng mga fb post nya so syempre it hurts you know!
pwede po ba tong libel?
Great blog bossing. Madami na ngang tao ang umaabuso sa freedom of speech online.
Siguro panahon na rin magkaroon ng kaukulang batas at ahensya tungkol sa cyber crimes.
hm m Binasa ko ito ng sampung beses.Blogger kc ako may mga sensitibong mga issues din naka post.I tried to reveiw the whole artcle para iwas pusoy .ayos to!.ma-bookmark nga!
{ 1 trackback }