Lagi nating nadidinig ang annulment at nullity of marriage.
Uso-usong ang mga ito ngayon at patok na patok sa mga gustong makalaya sa kanilang bitter half.
Pero bakit wala magyadong nagpa-file ng legal separation?
Bago natin, sagutin yan ay tingnan muna natin ang mga dahilan para magfile ng legal separation sa korte.
GROUNDS FOR LEGAL SEPARATION
1. Ginagawa kang punching bag, pati anak mo ginagawang football (repeated physical violence or grossly abusive conduct).
2. Pilit kang pinapaanib sa partido ni Oliver Lozano na Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at El Shaddai ni Mike Velarde (moral pressure to compel you to change religious or political affiliation).
3. Isa siyang pimp (attempt or induce you or your child to engage in prostitution).
4. Miyembro siya ng Batang City Jail – Tondo Chapter (spouse imprisoned to six years).
5. Isa siyang lambanog connoisseur (alcoholic and drug addict).
6. Masyado siyang mapagmahal (contracted another marriage).
7. Lagi siyang nangangati (sexual infidelity or perversion).
8. Mahilig siya mag biro (made an attempt against your life), at
9. Ayaw ka na niyang makita (abandonment without any cause for more than one year)
Dapat isampa ang petisyon sa loob ng limang (5) taon simula nung nangyari ang mga insidente na nasa itaas.
Hindi didinggin ng korte ang petisyon sa loob ng anim (6) na buwan matapos isampa dahil baka magkabati pa raw.
Kaya dapat huwag magpadala sa kanyang mga mapupungay na mata, dahil kapag pinatawad mo siya ay dismiss agad ang petisyon.
Kailangan din daw gumawa nang paraan ang korte para pag-ayusin ang mag-asawa.
Kung mapapansin ay talagang pabor ang batas na hindi matuloy ang petisyon dahil gusto ng estado na magsama parin ang mag-asawa at mabuo ang pamilya.
Ngunit kung talagang wala nang bawian, papayagan ng korte na ibigay ang decree ng legal separation, at eto ang mga epekto nito:
EFFECTS OF DECREE OF LEGAL SEPARATION
Good News:
1) Pwede ka nang mag-impake dahil wala ka nang obligasyon na makitira na kasama siya sa bahay ng biyenan mo, kasama ang lima niyang kapatid na may mga pamilya na rin (the spouses shall be entitled to live separately from each other.)
2) Lahat ng napundar ninyong sabon, kaldero at batya ay mapupunta sa iyo (the absolute community or the conjugal partnership shall be dissolved and liquidated but the offending spouse shall have no right to any share of the net profits earned )
3) Ikaw na ang magpapalaki sa makulit mong anak na mag-isa (the custody of the minor children shall be awarded to the innocent spouse) at;
4) Hindi na niya mamamana ang mga nagtututong mong underwear (the offending spouse shall be disqualified from inheriting from the innocent spouse by intestate succession).
Bad news: KASAL PA RIN KAYO!
Oo, matapos kang bugbugin, ibugaw, piliting sumali sa El Shaddai at tangkang patayin ng asawa mo ay kasal pa rin kayo at hindi ka pwedeng mag-asawang ulit.
Kung gagastos ka na rin lang sa abugado, e di mag file ka ng petition for annulment or declaration of nullity of marriage.
Got it?
—————-
“A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.”
- Mignon McLaughlin, The Second Neurotic’s Notebook, 1966


{ 52 comments… read them below or add one }
aww! which is which!? haha mas ok nga yata ang annulment.. base sana ako! yahoo BASE!!!
bakit ang mga artista parang ang bilis nadesisyunan pag sila ang mga nag pa file…
wow.. Sir Atty.. sa ganda ng quote sa dulo ohh…
“A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.”
hayys.. nawawalan na talaga lalo ako ng pag-asa nito.. legal separation.. annulment or nullity of marriage.. di pa nga ako nakakaisa .. hiwalayan na agad ang tema..hehehe
ung qoutation sa huli parang ung kanta na ginawa ni Ninoy Aquino sa Asawa nia. hehhe!
ung quotation sa dulo galing sa neurotic’s notebook, hehe
magkano usually ang charge ng lawyer for an annulment case?
Depende. Ranging from 150k-500k depende sa abugado. Kung sa makati mahal kasi mahal renta nila sa opisina, kung solo practitioner mura kasi wala silang overhead cost. But the result is actually the same.
testing 1,2,3
Tito Boy, ang pangit naman ng legal separation na yan! Parang nag reseta lang ng Ponstan sa masakit na ngipin.
Oo nga kaya walang gumagamit nito. Bed and board lang. Effective kung ayaw mong magmana asawa mo at isa kang mayaman at wala kang planong magpakasal ulit.
and you cannot have a paramour, saklap!
gusto ko pong mapa-walang bisa ang kasal ko kc mali ang mga impormasyon na nakasaad dun..
anung impormasyon?
nice post na naman . . . at as usual ganda ng mga banat para mapaliwanag ang mga english words. hehehe. dagdag info pero sana hindi ko gagamitin ang mga ito. forever na kami ni misis. ahihihi
wow.. kinilig ako sa “forever na kami ni misis”.., =)
@Tito Boy—>>Nice post Bro..madaling maunawaan ng mga gustong mag file ng legal separation…Kayo dyan..tara na…hahaha
ano ang mga grounds for annullment?
1. unsoundness of mind
2. fraud
3. force, violence, threat, intimidation
4. impotency
5. STD
6. 18-21 yrs old w/o parent consent
ung unsoundness of mind, yan ba ang psychological incapacity, paano ma prove yan?
no it is not the same
unsoundness of mind refers to insanity, permanent or not, of one of the contracting parties at the time of celebration of marriage, here the marriage is merely voidable, the action to file an annulment shall prescribed in 5 years after marriage
psychological incapacity refers to the inability of either of the contracting parties to fulfill the respective marital obligations at the time of celebration of marriage whether it manifest after the solemnization of the marriage, here the marriage is void ab initio, the action for the petition for judicial declaration of nullity of marriage is imprescriptible
toinks, hehe, oo nga pala no, magkaiba nga yun. thanks granger for the reply. palagi ko naririnig ang psychological incapacity , siguro mas madali i prove.
unsound mind – baliw. Sa psychological incapacity, hindi necessarily “baliw” at dapat may juridical antecedence or dati nang may topak bago pa mag-asawa. Yung dito sa legal separation, nag ka topak lang nung mag-asawa na.
“A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.” – asteeeeeg….
Teka…emphasis on the word “SAME”
para mas safe…huwag muna kayo magpakasal for five years.tapos kung talagang tingin n’yo para kayo sa isa’t isa at handang magpakasal,mag prepare pa ulit ng 10 years para sa wedding preparation.after nun,hindi na rin matutuloy ang kasal dahil by that time,college na yung mga anak nyo at wala na kayong extrang pera para magpakasal.
pero sa lipunan kasi natin,isang bagay yung kasal na lalong nagpapalakas minsan ng pagsasama ng dalawang taong nagmamahal.personal opinion ko lang po.bow
Kung pagiging practical lang paguusapan, di rin ako boto sa pagpapakasal, magastos mag pa annull at kung mamalasin ka, legal separation lang ang remedyo mo. Para ka na rin pinatawan ng reclusion perpetua na walang pardon!
Maaring totoo na nagpapalakas ng pagsasama ang kasal, pero kung obligasyon lang ang tumutulak sa isang tao para mahalin ako, eh di bale na lang. No thanks.
Mas pipiliin ko yung style ni Kuya Duking..pag sure na sure na talaga saka na lang pakasal. Kung sakaling magka tuta ako, they will be legitimated naman by the mere fact of subsequent marriage ng parents, diba Tito Boy?
Yun nga lang sa society natin, parang may stigma yung mga nag li-live in. Haaay. Ang dami tuloy nagdudurusa kasi we rush into things just to conform to social norms.
Bow.
Yap, legitimated basta yung ama nila mapangasawa mo.
this is what happened.. nagkaanak, but the father was abroad so ung nanay ang ginamit sa bata is ung name nya.. the father came back and they got married.. pano ung baby.. automatic na ba un or may process pang kailangan pagdaanan?
the reason why those parties who have cohabited for 5 years without legal impediment to marry each other are exempted from obtaining marriage license, to save them from humiliation, and they’re children legitimated after such valid marriage
Got it! too I’m just about to get married, and I have been living with him for 8 long years, and I think I’m not getting a divorce. But if a person is being treated badly like you mentions, it really better to live alone.
Nawawala na ata talaga ang pagsalig natin sa Banal na Kasulatan…
may tanong lng po may frend po kc ako kakasal lng nila nong girl 5months tpos nahuli nyang may kalandian sa kama ung girl pero hindi po lalake babae din po saka may mga katibayan po na may relasyon tlaga ung dalawa pwede po bang kasuhan nong frend kong lalake yung asawa nya at ano naman po ang pwedeng ikaso eh parehas po babae pwede po ba na mgfile ng kaso? Adultery din po ba tawag don?
salamat po
at mabuhay po kayo?
Hindi pwede adultery kasi sabi ng batas “Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband “
Wala akong makitang pwedeng ikasong kriminal sa kanilang dalawa. Iyak na lang, wawa.
“salamat po
at mabuhay po kayo?”
parang hindi ka sigurado hehe
ahahaha may tandang pananong? patawad naman po ahahahaha:-)
tama nga po kayo naiyak na sya dahil sa iyong tinuran gusto nya magfile ng annulment hindi nya lng malaman kung ano ang pwede na gmitin na sandata pra mawalan ng bisa ung kasal nila sa katunayan sumama na ung asawa nya don sa babae at ang masakit pa pinagpalit sya sa isang babae wawa tlga po
salamat po:-)
lesbianism is a ground for legal separation, and so is abandonment without just cause for a period of 1 year, yun nga lang kasal pa rin kayo because in legal separation the marital bond is not severed
Why dont you try Art. 36 of the Family Code, baka lumusot sa psychological incapacity yang kaso mo, dahil kung matino yan eh bakit sasama sa tibo yan at iiwan ang asawa. Ang kagandahan pa ng psychological incapacity eh petition for declaration of nullity of marriage ang ipa-file mo and the effect once confirmed by the court that your marriage is void ab initio due to the psychological incapacity of your spouse eh di malaya ka na to remarry.
mas ok nga ang annulment. huwag na lang kaya magpakasal para walang problema pagnagkasawaan
hehe.
korek!!
mas mahal pa ang annulment keysa kasal
he he
ang mga lalaki kasi…..
Iami, puno ng puot ang puso mo para sa mga kalalakihan.
Kelangan ma prove na prior or at the time of the wedding may pagnanasa na sa kaparehong girlaloo itong wife para swak sa ground ng pyschological incapacity.
O.T: Guys, mas masaklap ba na iwan kayo ng minamahal nyo not for another guy na mas pogi sa inyo, but for a girl?
‘nga pala, hindi rin pasok sa crime na concubinage kung si mister ay maglandi at sumama sa kapareho nyang lalaki. Haay naku, dapat may mag propose na ng revisions sa revised penal code to adapt to the changing times! ahihihi
Masakit siya kahit anong gender. Kung sa babae pinagpalit ok lang, alam ko babalik yun dahil meron ako na wala si girl…
tunay na pagmamahal
Psychological incapacity must be existing prior to the celebration of marriage in other words there must be juridical antecedence in addition to the gravity of the incapability to perform the essential marital obligations and must be incurable but take note that Art 36 takes their bearing from the failure to perform the essential marital obligations under Art. 68 -71 of the FC and Art. 220, 221 and 225 of the same Code in regard to parents and children.
So the fact of abandonment even w/o regard to cohabitation to the same sex or opposite sex is contrary to Art 68 of the FC.
However, it is worth mentioning that 2 cases pa lang ang nakakalusot sa SC under psychological incapacity for it is decided on a case to case basis.
Pero pasok yan sa sexual infidelity under LS
tito, yung mga bading pa tsaka tibo… hahaha ^_^
nagkaanak ako sa ibang babae,pwede bang pigilan ng legal wife ko yung pagpapagamit ko ng apelyido ko sa anak ko? madedemanda ba ako?
The right to recognized an illegitimate child and to allow the same to use the surname of the father belongs only to the father being hi personal right. Therefore, your wife cannot prevent you from recognizing your illegitimate child.
No case may be filed against you in that aspect alone.
Ask ko lang poh anu po ba ang pwedeng ikaso dun sa dating asawa ng ka live-in ko ngaun. kasal po sila dun sa girl na yun, bale po yung girl po ang unang nang iwan sa kanya bigla lang po kasing umalis na walang paalam. Ang ginawa po ng ka live ko hinanap siya at dun nga natuklasan na may kinakasama na siyang iba. gusto po nya kasuhan yung asawa nya dahil sa pangangaliwa nito pero, ginusto nyang pabayaan n lang sila. Makalipas ang ilang buwan bumalik ung girl at humingi ng tawad sa asawa niya. Pinatawad naman nya at binigyan pa ng second chance para mgbagong buhay at yun nga nagsama sila ulit pero, makalipas ang 2 buwan iniwan na naman yung asawa nya. Nag iwan ng sulat ung babae at sabi dun sa sulat humanap na raw ng iba yung mister nya dahil hindi daw sa kanya ung dinadala nya ngayon. Gusto po mg file ng annulment ka live-in ko para po makasal na kami. panu po nyo kami ma22lungan buntis po kasi ako ngaun eh.
Mga magulang ko po kasi pilit kaming pinaghihiwalay dahil hindi po kami pwedeng ikasal.
Actually, it is the other way around. The legal spouse is the one who has the standing to file a case of concubinage against you and her legal husband, which you are cohabiting with right now. The husband in turn may also file a case of adultery against his legal wife and her paramour.
There is no ground for annulment in the instant case but from the circumstances that you mentioned the husband may file a petition for declaration of nullity of marriage on the ground of psychological incapacity of the legal wife under A36 of the FC when she allegedly abandoned her husband twice but it must be proved in court and it is for the court to decide.
Consequently, your parents are correct that you cannot validly be married because the person who fathered your child is married to another. If you proceed to marry, then you will expose yourselves to prosecution of the crime of bigamy. Consequently, your marriage is null and void for being bigamous.
By the way, the child in your womb is an illegitimate child.
{ 1 trackback }