WORKING CLASS HERO

by Tito Boy on May 1, 2010

“The right of the people, including those employed in the public and private sectors, to form unions, associations, or societies for purposes not contrary to law shall not be abridged.

Lahat may karapatang magtatag ng sariling samahan, grupo or organisasyon. Samahan ng mga manginginom, car enthusiast , o samahan ng mga jejemon, kahit ano pwede, basta hindi kayo gagawa ng labag sa batas. Garantiya ‘yan ng ating Konstitution.

Pero para maging isang legitimate labor organization, kailangan iparehistro muna ito sa Department of Labor and Employment. May dalawang paraan para mabigyan ng certificate of registration sa DOLE:

1) magtayo ng independent labor organization na may bilang ng miyembrong humigit 20% na kinakatawang empleyado o tinatawag na bargaining unit.

2) mag-apply bilang isang chapter ng isang national o federal union na rehistrado sa DOLE.

Mas madali ang pangalawang paraan, short cut ika nga. Kahit kasi hindi umabot ang bilang ng miyembro ng 20% ng bargaining unit, ok lang.

At syempre malaki ang maitutulong ng isang national o federal union sa bagong labor organization na itatayo.  Bibigyan kayo ng sapat na kaalaman, training at participants sa welga. (Bakit sa tingin mo ba lahat ng nasa welga talagang empleyado ng kumpanya?)

Rights of Legitimate Labor Organizations

Tulad ng sabi ko, karapatan ng bawat isa na magtayo ng samahang o grupo ng mga manggagawa. Pero mas maganda kung rehistrado upang magkaroon ng “juridical personality.

Kapag may juridical personality ang isang grupo, para na rin itong isang tao (natural person) o korporasyon, tulad ng karapatang mag may-ari ng ari-arian at karapatang magdemanda at idemanda gamit ang kanyang pangalan.

Pero ang pinaka-importanteng karapatan ng lehitimong labor organization ay ang karapatang ikatawan ang mga empleyado sa collective bargaining.

Ano ang CBA?

Isa sa malaking dahilan sa pagtatayo ng samahang manggagawa ay para lumaki ang sweldo at gumanda ang benepisyo ng mga empleyado.

Tulad ng naunang sabi ko, dahil hindi sapat ang labor standard na binibigay sa karaniwang empleyado tulad ng minimum wage, kailangan itong hingin sa kumpanya.

Dito papasok ang collective bargaining.

At kapag nagkasundo na ang manggagawa at kumpanya, ang kasunduan o kontrata ay tinatawag na collective bargaining agreement o CBA.

(For purposes of collective bargaining; bawal magtatag, sumali o tumulong sa labor union ang mga managerial at confidential employees.)

Duty to Bargain

Meron ka nang legitimate labor organization o kinilala ka nang chapter ng isang national o federal union ano ang susunod mong gagawin?

Parang isang anak na biglang lalapit at hihingi ng increase ng baon sa tatay habang nagbabasa ng diyaryo sa agahan, ay bubulagain mo ang management ng isang sulat na nagsasaad na kayo ang kinatawan ng mga manggagawa ng kumpanya, at hinihiling ninyo na pumasok ang management sa isang collective bargaining upang pag-usapan ang umento sa sahod at benepisyo.

Hindi pwedeng ibalewala ng management ang demand ng labor union na makipag collective bargaining dahil ito ay isang “duty” ayon sa Labor Code. At kung hindi, maaring kasuhan ng Unfair Labor Practice ang nagpapatakbo ng kumpanya at ito’y may parusang kulong.

Certification Election

Kung ikaw naman ang nasa HR department o nagpapatakbo ng kumpanya, ano ang una mong gagawin?

Syempre aalamin mo muna kung talagang kumakatawan sa karamihan ng manggagawa ang labor union na nagde-demand ng collective baragaining.

Malay mo, sampung makukulit na empleyado lang pala ang miyembro ng labor union na nagde-demand ng collective bargaining.

Kaya para magkaalaman, maghahain ang management ng petition sa DOLE para sa certification election.

Sa certification election ay pagbobotohan ng mga empleyado na sakop ng bargaining unit kung gusto nilang kumatawan ang labor union sa collective bargaining o hindi. Majority vote lang ang kailangan.

Kung talo sa botohan ang labor organization, ibig sabihin lang ay ayaw ng mga empleyado sa makukulit na labor union. Kaya wala ring collective bargaining at balik na sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay dahil kuntento sa sila sa minimum wage.

Pero kung nanalo ang labor union sa certification election ay aasa silang matutugunan ang pagtaas ng kanilang sahod at benepisyo. ‘Yan ay kung magiging tagumpay ang collective bargaining.

Ang tanong, papano kung magmatigas ang management at ayaw magbigay ng kahit isang kusing na umento sa sahod at benepisyo ng manggagawa?

Diyan papasok at strike at lockouts.

Ang strike ang sandata ng manggagawa, at lockouts naman ang option ng management.

Susunod…

—————-

Workers of the world unite; you have nothing to lose but your chains.” –Karl Marx


 

{ 15 comments… read them below or add one }

iami May 1, 2010 at 10:12 pm

akala ko mag strike lang mga tauhan kung wala sila sa minimum wage or below standards ang working conditions nila. hindi pala.

Reply

Tito Boy May 1, 2010 at 10:32 pm

See, may natutunan rin ang kapitalista hehe…ya, hindi basta-basta ang strike. Next post abangan mo, you’ll learn how to deal with them.

Reply

batangmangyan May 2, 2010 at 10:13 am

panyero, salamat dito. pero pwede request na din pa-include yong para sa mga nasa public offices (parang ako ba..haha), kasi madugo yata. sa mga nasa private, management lang ang kausap, kami buong gobyerno ang kakausapin para sa wage increase, kelangan pa i-legislate waaaaaah.

Reply

xtremus May 2, 2010 at 3:09 pm

Sa aking karanasan bilang empleyado dati sa Pinas sa isang Manufacturer Company… Nakita ko ang mga skilled workers na atin ding kaibigan na nag Welga dahil ayaw makipag usap nang Management sa kanilang kahilingan. Hindi kami pwedeng sumama sa Welga dahil na rin kami ay nasa Management side sa Engineering. Naawa ako sa mga workers dahil wala na silang sahod may namatay pa sa Welga dahil sa pakikipaglaban at nagutom ang kanilang Pamilya. Nakita ko ang pakikipaglaban nila, pero ang tanong hanggang saan ?

Tinanong ko minsan ang isang kasama sa welga, Bakit di ka nalang maghanap nang ibang trabaho kaysa nagtitiis kang nang ilang buwan walang sahod pati pamilya mo ginugutom mo ? Isa lang ang sinagot nya….. PRINSIPYO.

Pilit kong intindihin ang sagot nya….. “Prinsipyo ” nakakain ba iyon….?

Minsan ang Batas natin para sa mga manggagawa ay hindi sapat para sila ay protektahan.

Maraming salamat atty. sa maganda mong paliwanag… napahaba yata kwento ko…..hehehh
Mabuhay ka po….

Reply

HOKENS May 2, 2010 at 7:48 pm

maraming salamat ulit sa magandang info. tanong ko lang, pag may unyon/samahan ba ng manggagawa sa isang company, automatic na membro na ang empleyado nito, maliban na lang sa mga manager o confidential employees tulad ng sabi nyo. o kailangang dumaan muna sa mga pagsusulit?

Reply

Tito Boy May 2, 2010 at 8:40 pm

Pwede yan ilagay sa CBA. Tawag diyan ay “union shop” o “closed shop” agreement, kung saan required ang mga papasok na empleyado ay compelled na sumali sa union, except kung hindi ito sang-ayon sa kanilang pananampalataya.

Reply

granger1220 May 2, 2010 at 10:37 pm

eh yung eskirol?

Reply

duking May 3, 2010 at 3:13 pm

ang masakit na katotohanan sa ngayon,bibihira na ang kumpanyang may roon pang matatag na unyon ng mang gagawa.

kami din sa kompanya ko umabot na sa punto ng pagtatagumpay na magkaroon ng C.E. kaso nabigo kami dahil sa ilang paraan na sa tingin ko,naka paloob pa rin sa ‘union busting’.

pero sa ngayon,meron kaming LMC(labor management council)pampalubag loob,walang collective bargaining pero at least may pagkakataon na magsalita at madinig ang bawat isa.ewan na nga lang kung papakinggan hehehe.

ganun talaga ang katotohanan sa buhay ng mga ordinaryong mangagagwa.

salamat ulit sa napakagandang post atty!

Reply

ferdie May 3, 2010 at 10:58 pm

Sa dami ng walang trabaho sa atin at sa dami ng guma-gradweyt kada semester ay mas pinipili nang marami na magtiis na lang.
Kulang ang trabaho marami ang trabahador.

Reply

asero May 5, 2010 at 9:28 pm

nakakalungkot isipin na kahit na may mga ganitong batas tayo ay di p rin nananaig sapagkat nakakalusot ang karamihan s mga kumpanya sa batas… nakapagtrabaho na rin ako sa bank na may ganyang labor pero confidential emp ako kaya di ako nakasali dyan… pag oras ng rally or strike, ang mga tinatawag na skeletal structure ng company ang kailangan punan para magpatuloy ang operation nito.
Karamihan nga sa kompanya, binbalewala ang mga manggagawa. wala naman magawa ang pobreng trabahador dahil wlang mapasukang iba…
salamat atty.

Reply

Emily June 3, 2010 at 3:18 am

nakakalungkot isipin na kahit na may mga ganitong batas tayo ay di p rin nananaig sapagkat nakakalusot ang karamihan s mga kumpanya sa batas… nakapagtrabaho na rin ako sa bank na may ganyang labor pero confidential emp ako kaya di ako nakasali dyan… pag oras ng rally or strike, ang mga tinatawag na skeletal structure ng company ang kailangan punan para magpatuloy ang operation nito.
Karamihan nga sa kompanya, binbalewala ang mga manggagawa. wala naman magawa ang pobreng trabahador dahil wlang mapasukang iba…
salamat atty.

Reply

Chef July 20, 2010 at 8:55 pm

In my experience nun sa isang Hotel when i was a member of Supervisor Union e nag strike ang Rank and File, ilang taon din ang labanan ng management at rank and file hanggang ngayon e kaso pa rin, almost 9 yrs. na at ilang taon na ring sarado ang company, kaya lang ang nag suffer ng husto e ung mga ordinariong mangagawa, ung ngang iba nagkamatay na at ung iba e kung saan saan na napadpad e ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon lalo na kung nag kakaedad ka na, Imagine nsa 25 yrs. service na ung iba e napunta lang sa pa ganun-ganun at ung iba hanggang ngayon umaasa pa rin sa resulta…. asus ko po!.. samantalang ung El Presidente ng union e nsa magandang kalagayan ngayon.. tsk ! tsk! tsk!

Reply

jen September 19, 2010 at 9:34 pm

strikeable issue po ba yung violation sa (mga) provision(s) ng CBA? Why or why not? :)

Reply

sarah September 25, 2010 at 11:51 am

hai naku…kawawa n ung mga mangggagawa ntin hahaist sila a nga ung my pinakamahirap at pinakadilikadong trabaho tapos sila pa ung mababa ung shod….hai nku…

Reply

futuredaddy March 16, 2011 at 5:55 pm

Para sa akin atty. maganda pa rin yung kompanya na may lehitimong union. Ito ay protection ng mga manggagawa ng mga benepisyo para sa kanila ayon na rin sa batas. Nagkakaroon lang ng problema (i.e. rally, strike etc) kung ang management ay ayaw ibigay yung mga benepisyo para sa mga ordinaryong manggagawa. Ngunit kung ang management naman ay makikipag-usap ng maayos sa union ng kompanya at sasabihin nila kung magkano lang ang kayang ibigay na benepisyo na hindi naman labag sa batas, sa tingin ko ay hindi na hahaba pa ang bargainining ng dalawang panig.:)

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: