KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE

by Tito Boy on September 9, 2012

Pinasa ng House of Representatives ang HB No. 6144 o ang tinatawag nilang “Kasambahay Bill”. Tungkol ito sa karapatan ng mga masisipag na sina Inday at Dodong. Hindi pa ito ganap na batas, dahil kailangan din itong aprubahan ng Senado. Ngunit  sa laki ng papuri at suportang natanggap ng batas na ito sa mababang kapulungan, hindi malayong maisabatas din ito sa madaling panahon.

Kaya bago kayo magulat, isa-summarize ko na sa inyo ang version ng Kamara. Maari pa itong magbago kung may ipapasok ang mga senador at mapag-sangayunan ng dalawang kapulungan sa bilateral committee. Pero, more or less, ganito na rin ang kakalabasan.

DEFINITION

1. Domestic Worker o “Kasambahay” ay ang mga yaya, katulong, nursemaid, cook, hardinerong may abs, labandera, atsay, longkatuts, o kung ano pang tawag sa taong na may employment relationship upang magsagawa ng “domestic work”.

Hindi kasama dito ang mga sandalian o sporadic/occasional na domestic work. Yung hindi nakatira sa bahay ngunit kinontrata upang maglaba, magtabas ng damo o magsibak kay amo..este..ng kahoy ng ilang oras. O yung driver na tinatawag upang magdrive at pag hindi kailangan ay suma-sideline sa pagda-drive ng FX. Hindi sila sakop ng batas na ito.

2. Domestic Work ay mga gawain sa loob ng bahay tulad ng paglaba, luto, tong-its, etc.

 

 

 

MGA KARAPATAN NG KASAMBAHAY

1. Syempre hindi pwedeng buntalin ang kasambahay. Labag sa batas na pagsamantalahan o gagawing yaya sa umaga at yayariin sa gabi. Eto’y mga basic na human rights na meron ang lahat, mapa-mayaman man o kasambahay.

2. Libre board, lodging at medical assistance. 3 kain sa isang araw, makataong tulugan na may privacy at ligtas. Pagpapahingahin kung may sakit at bibigyan ng gamot ng hindi binabawasan ng benepisyo. Hindi pwedeng i-withhold ang mga karapatan na ito bilang parusa. “O neneng nakabasag ka ng pinggan, sa kulungan ng aso ka matulog.” Bawal yun.

3. Privacy sa mga gamit at mga messages sa cellphone, facebook, instagram, twitter, picasa, wordpress at blogspot. I-respeto ang mga sweet at mushy text ni Inday at Dodong.

4. Access to outside communication kapag libre o day-off. May access din kahit may trabaho kapag emergency. Ang paggamit ng telepono (long distance) o makiki-hitch sa Wifi ay sagot ng kasambahay, unless libre ni amo.

5. Right to education & training. Payagang mag-aral ang kasambahay kung gusto niya. Maaring i-adjust ang schedule ni Nene nang hindi makaka-apekto sa kanyang performance. Kung gusto ni Dodong mag doktor o abugado, go! Pero hindi sagot angtuition fee.

6. Freedom to association. Kung gusto ng kasambahay sumali sa fans club ni KimGerard, pabayaan. Basta hindi iligal ang layunin ng grupo tulad ng pagsali sa “Bahala na Gang” o “Notorious Brown Killa“.

7. Privilege communication. Lahat ng impormasyong nakuha ng kasambahay tungkol sa amo habang namamasukan ay hindi pwedeng iladlad sa publiko, at ituturing na privilege communication. Maikukumpara ito sa mga impormasyong ibinigay sa doktor o abugado.

 

PRE-EMPLOYMENT

1. Employment contract. Dapat may kasulatan na bago magsimula ang kasambahay. Nakasaad dito ang scope of services, compensation, etc. Maglalabas ang DOLE ng format para sa kontrata na ipapamigay ng libre sa mga kasambahay upang pirmahan ng kanilang amo.

2. Pre-employment requirement. Maaring mag-require ang amo ng medical/health certificate, brgy., police at NBI clearance, birth certificate, passport, etc., bago kunin ang kasambahay. Gastos ng amo o ng agency.

3. Bawal nang magpataw ng deposit sa kasambahay na ibabawas kung makabasag ng pinggan o makasira ng flat screen TV.

4. Prohibition on debt bondage. Bawal na hindi paalisin ang katulong dahil lang may utang o pagsisilbihan niya hanggang bayaran.  Tawag dun pag-aalila o slavery.

5. Prohibition on employment of minors as domestic workers. Bawal na ang kasambahay na may edad 18 below. Yung mga may katulong diyan na minor  (tingnan kung may buhok na sa kili-kili), pwedeng i-retain ang serbisyo ng minor sa loob ng isang taon from the effectivity of the law, provided, hindi hazardous ang trabaho nila at libre pagpapa-aral, at entitled sa minimum wage at lahat ng benepisyo.

6. Employer’s reportorial duty. Kailangan irehistro ng lahat ng amo ang kanilang kasambahay sa Registry of Domestic Workers sa barangay. Ang DILG at DOLE ay inatasang gumawa ngregistry systempara dito.

 

EMPLOYMENT TERMS AND CONDITIONS

1.Health and Safety. Siguraduhin ng amo na ligtas ang kalusugan ng mga kasambahay. Huwag pag-tulayin sa alambre o pakainin ng apoy kung hindi kailangan.

2. Daily rest period na walong (8) oras sa isang araw. Aggregate to, maaring 2 oras sa tanghali para manood ng soap operaat 6 sa gabi.

3. Weekly rest period.  May 24 consecutive na oras na pahinga ang kasambahay sa isang linggo. In short, dalawang araw sa isang linggo. Depende na sa usapan kung sabado-linggo o lunes-martes, etc. Pwedeng magkasundo na: a) Offset ang araw na absent ang kasambahay, b) Mag-trabaho kahit rest day basta babayaran c) Ipunin angrest dayna hindi hihigit ng 5 araw d) ang other similar arrangement.

4. Assignment to non-household work. Bawal pagtrabahuhin ang mga kasamabahay sa commercial, industrial o agricultural na enterprise at makatanggap ng mababawang sweldo na itinakda ng minimum wage sa mga ganitong trabaho. Kung katulong, katulong lang, wag na gawing sales lady.

5. Extend of duty. Pwedeng magkasundo na gagawa ng trabaho ang kasambahay labas sa usapan basta may dadag na molah!

6. Minimum wage.  Ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang magde-determine sa minimum wage. So abangan na lang natin.

7.Payment of wages.Monthly in cashdiretso sa palad ng kasambahay. Bawal angvoucher, promissory note, coupons, play money, etc.Basta cash!Si Ninoy, at si Tito, Vic and Joey.

8. Prohibition againt withholding of wages. Bawal i-hold ang sweldo o takutin ang kasambahay na ibigay ang parte ng kanyang sahod.

9. Meron ding 5-day service incentive leave sa loob ng isang taon. Hindi ito naiipon taon-taon at kapag hindi na-avail ng katulong, convertible tocash.

10. Entitled ang mga kasambahay ng mga benepisyo ng labor laws tulad ng 13th month pay, holiday pay, etc.

 

O yan, ang haba na. Ang dami no? Naku, baka mabasa ni Elvie ‘tong post ko, singiling pa ako. Charge ko na kaya siya sa wifi?

Para sa buong batas eto ang link: http://www.congress.gov.ph/download/basic_15/HB06144.pdf


 

“The State recognizes the need to protect the rights of domestic workers against abuse, harassment, violence, economic exploitation, and performance of work that is hazardous to their physical and mental health” – Declaration of Policies (Sec. 2 [c]) – HB 6144

{ 8 comments… read them below or add one }

balongcruz September 10, 2012 at 10:34 am

Hello Atty,

Malaking bagay to para sa mga kasambahay.. Salamat po sa pag eexplain para kina inday at dodong..

Cheers!

Balong Cruz

Reply

darang22 September 14, 2012 at 10:29 am

sarap na ng buhay ni inday at dodong nito..lagot ang mga amo nila pag nalaman nila ang lahat ng kanilang mga karapatan.

Reply

promdi September 19, 2012 at 5:21 pm

“yaya sa umaga at yayari-in sa gabi” hahah. lol
tito boy, 1 araw lang yata per week minumum ang rest day. pareho lang sa labor code na homewokers at least 4 days a month. more power to panyero.net

Reply

Adam September 20, 2012 at 11:45 am

That made me laugh! Haha!

Reply

Kiko October 2, 2012 at 9:31 pm

Tito Boy, discuss nyo naman po ang RA 10175. Maraming Salamat Po

Reply

Tito Boy October 2, 2012 at 9:46 pm
Kiko October 3, 2012 at 11:04 pm

Thank you Tito boy

Reply

mile October 4, 2012 at 12:00 am

3. Bawal nang magpataw ng deposit sa kasambahay na ibabawas kung makabasag ng pinggan o makasira ng flat screen TV.

pang mayaman na lang ang kasambahay ngayon. =(( tiis tiis na lang ako mag isa. heheh!

wow meron na pala regarding cybercrime buti nacheck ko link! thanks Tito Boy Mabuhay!!

wala na tyo chatroom?

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: