PASAWAY (2 of 2)

by Tito Boy on February 27, 2010

4. FRAUD OR WILLFUL BREACH OF TRUST

Para tanggalin ang manggagawa sa dahilan ng pagkawala ng tiwala, dapat ang kanyang posisyon ay pinagkakatiwalaan (entrusted with confidence) sa mga maseselang bagay (delicate matters), o sa kustodiya ng mga bagay o pera ng kanyang amo.

May dalawang klaseng posisyon na may inaatas na tiwala o  “trust“:  1) managerial position at 2) fiduciary rank-and-file employee.

Ang managerial employee ay yung nagpapatupad ng mga patakaran ng kumpanya. Ginagawa niya ang mga bagay na para na rin siya ang may-ari kaya napakalaking tiwala ang inaatas sa kanya.

Fiduciary rank-and-file employee ay hindi managerial ngunit sa selan ng kanilang trabaho ay malaki rin ang tiwalang binibigay, dahil hawak nila ang mga ari-arian ng kumpanya tulad ng cashiers, auditors, property custodians, etc.

Kaya ang mga posisyon na hindi kasama sa nabanggit ay hindi maaring matanggal gamit ang breach of trust dahil wala namang tiwala na binigay sa kanila sa simula pa lang.

Tulad ng mga naunang dahilan o just causes, ang breach of trust ay dapat sinadya (willful). Kailangan ay may basihan din (based on clearly established facts) ang pagkawala ng tiwala hindi yung basta ayaw lang ng amo mong makita ang iyong pagmumukha. May totoong pangyayari at hindi gawa-gawa o kathang isip lamang.

5. COMMISSION OF A CRIME OR OFFENSE

Ang paggawa ng krimen ng empleyado laban sa kanyang amo o miyembro ng kanyang pamilya o kinatawan (duly authorized representative).

Pagtangkaan mo ba naman ang mismong nagpapasweldo sa ‘yo, di syempre tanggal ka.

6. ANALOGOUS CASES

Mga dahilang hindi kasama sa mga nabanggit ngunit maituturing ding dahilan para matanggal sa trabaho tulad ng:

Abandonment – O pagliban sa kanyang mga tungkulin ng walang dahilan at walang paalam.

Gross inefficiency – Maihahantulad din ‘to sa gross neglect. Dapat ang pagiging inefficient ay isang malalang kaso na maaring mapahamak o malugi ang kumpanya.

Disloyalty/Conflict of interest - Ang pagtatrabaho sa kalabang kumpanya o tinatawag na “moonlighting“. Tulad ng isang nobya, ang mga kumpanya ay seloso, gusto nila ay itutok mo sa kanilang ang iyong buong oras at atensiyon.

Pero kung may pangalawang trabaho ka at hindi naman related sa pinapasukan mo, at hindi mo ginagamit ang oras at resources ng kumpanya, at hindi naapektuhan ang iyong efficiency, pwede yun. Pero mukhang kailangan mo yatang hatiin sa dalawa ang katawan mo.

NO SEPARATION PAY

Kapag natanggal ang empleyado dahil may just cause, sorry na lang — walang separation pay. Kung bibigyan kang pabaon, swerte mo.

May mga kaso na pinayagan ng Korte ng Supremang bigyan ng maliit na separation pay, dahil na rin siguro sa tagal ng panahon ng kanilang paglilingkod sa kumpanya, ngunit hindi binigay ang malaking retirement pay na sana ay natanggap kung hindi lang nagloko.

Kaya ingatan natin ang ating trabaho. Ang ating malinis na pangalan lang ang ating tanging kayamanan. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon at mas mahirap kung may masamang record ay iyong pangalan. ‘Wag maging pasaway.

——————-

“The rule, therefore, is that if there is sufficient evidence to show that the employee occupying a position of trust and confidence is guilty of a breach of trust, or that his employer has ample reason to distrust him, the labor tribunal cannot justly deny the employer the authority to dismiss such employee.” – Eat Cetera Food Services vs. Letran , et al.

Sources: M+W Zander vs. Enriquez, G.R. No. 169173, June 5, 2009; Rosario et al., vs. Makati Cinema Square, G.R. No. 170014, July 3, 2009;

{ 26 comments… read them below or add one }

ferdie February 28, 2010 at 3:03 pm

Applicable ba ito sa mga contractual? Noong nagtatrabaho kasi ako sa SBMA, marmaing mga tagalugar namin ang nababalitaan kong bigla nalang natatanggal daw dahil walang gaanong trabaho ang mga factory, kaya kailangan munang magtanggal ng mga trabahador, kapag mayroong malaking order ay tatawagan na lang ulit sila. Sa tingin ninyo legal ba ang ganitong sistema?
E paano naman po kung ang empleyado ang gustong umalis at hindi makaalis dahil sa binding contract? At kailangan magbayad ng karampatang halaga para mapawalang bisa ito, maroon bang legalidad ang ganitong sistema?
Sana maging topic din ito sa susunod.

Reply

bonistation March 1, 2010 at 2:47 am

wow! LABOR ATTORNEY! hihi! binasa ko mula part1 hanggang pagtulog mo at paggising at paggwa ng part2 haha adik naba ko sa batas!? lol!!

pa authograph pag uwi ko!!

Reply

jeniffer March 1, 2010 at 10:27 pm

wow atty? kailangan namai ito malaman, lalo pat “innocense is not an excuse dba?” naalala ko tuloy ang POLSCI ko..

Reply

Rob aka Tito Boy March 2, 2010 at 2:18 pm

@Ferdie, 2 klase ang causes para matanggal, just (pasaway) at authorized causes. Yung binabanggit ko ay mga just causes lang.

Sa mga susunod na post ay mga authorized causes.

Regarding sa bond na sinasabi mo, valid yan. Kapag nag-invest na ng time at pera ang company at nasa contract na hindi ka aalis ng certain period, valid yun basta reasonable.

@Bonn “Dotcom Hunk” uuwi ka pala at magpapaiyak naman ng mga dalagang Pilipina, lalo pa’t alam mo na “breach of promise to marry is not actionable”….awww!

kita kits tayo nina batangmangyan at extremus! Iwan si ferdz hehe.

@jeniffer, salamat sa pagdako dito sa mumunting blog. Daan ka lagi!

Reply

ferdie March 2, 2010 at 7:05 pm

Mayroon palang aybol ang mga iskolar ni Atty. hehe, sige i-post nyo na lang kwentuhan niyo dito.

Reply

Rob aka Tito Boy March 3, 2010 at 2:46 pm

@Ferdz, kung magkaige ang mga oras namin hehe..

Reply

silencio March 4, 2010 at 11:10 am

atty. ask ko lang, pwede ka bang tanggalin kung pinaghinalaan ka lang pero wala naman sila mahanap na ebidensya para patuyan ang mga binibintang sayo?

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 3:35 pm

* front page
* FREE LEGAL ADVICE
* LEGAL FORMS
* Subscribe

Batas Para Sa Mahirap…Umintindi header image 2
← PASAWAY (1 of 2) NOW YOU KNOW: SINGKONG DULING →
PASAWAY (2 of 2)
February 27th, 2010 · 8 Comments · LABOR, Termination/Just Causes

4. FRAUD OR WILLFUL BREACH OF TRUST

Para tanggalin ang manggagawa sa dahilan ng pagkawala ng tiwala, dapat ang kanyang posisyon ay pinagkakatiwalaan (entrusted with confidence) sa mga maseselang bagay (delicate matters), o sa kustodiya ng mga bagay o pera ng kanyang amo.

May dalawang klaseng posisyon na may inaatas na tiwala o “trust“: 1) managerial position at 2) fiduciary rank-and-file employee.

Ang managerial employee ay yung nagpapatupad ng mga patakaran ng kumpanya. Ginagawa niya ang mga bagay na para na rin siya ang may-ari kaya napakalaking tiwala ang inaatas sa kanya.

Fiduciary rank-and-file employee ay hindi managerial ngunit sa selan ng kanilang trabaho ay malaki rin ang tiwalang binibigay, dahil hawak nila ang mga ari-arian ng kumpanya tulad ng cashiers, auditors, property custodians, etc.

Kaya ang mga posisyon na hindi kasama sa nabanggit ay hindi maaring matanggal gamit ang breach of trust dahil wala namang tiwala na binigay sa kanila sa simula pa lang.

Tulad ng mga naunang dahilan o just causes, ang breach of trust ay dapat sinadya (willful). Kailangan ay may basihan din (based on clearly established facts) ang pagkawala ng tiwala hindi yung basta ayaw lang ng amo mong makita ang iyong pagmumukha. May totoong pangyayari at hindi gawa-gawa o kathang isip lamang.

5. COMMISSION OF A CRIME OR OFFENSE

Ang paggawa ng krimen ng empleyado laban sa kanyang amo o miyembro ng kanyang pamilya o kinatawan (duly authorized representative).

Pagtangkaan mo ba naman ang mismong nagpapasweldo sa ‘yo, di syempre tanggal ka.

6. ANALOGOUS CASES

Mga dahilang hindi kasama sa mga nabanggit ngunit maituturing ding dahilan para matanggal sa trabaho tulad ng:

Abandonment – O pagliban sa kanyang mga tungkulin ng walang dahilan at walang paalam.

Gross inefficiency – Maihahantulad din ‘to sa gross neglect. Dapat ang pagiging inefficient ay isang malalang kaso na maaring mapahamak o malugi ang kumpanya.

Disloyalty/Conflict of interest – Ang pagtatrabaho sa kalabang kumpanya o tinatawag na “moonlighting“. Tulad ng isang nobya, ang mga kumpanya ay seloso, gusto nila ay itutok mo sa kanilang ang iyong buong oras at atensiyon.

Pero kung may pangalawang trabaho ka at hindi naman related sa pinapasukan mo, at hindi mo ginagamit ang oras at resources ng kumpanya, at hindi naapektuhan ang iyong efficiency, pwede yun. Pero mukhang kailangan mo yatang hatiin sa dalawa ang katawan mo.

NO SEPARATION PAY

Kapag natanggal ang empleyado dahil may just cause, sorry na lang — walang separation pay. Kung bibigyan kang pabaon, swerte mo.

May mga kaso na pinayagan ng Korte ng Supremang bigyan ng maliit na separation pay, dahil na rin siguro sa tagal ng panahon ng kanilang paglilingkod sa kumpanya, ngunit hindi binigay ang malaking retirement pay na sana ay natanggap kung hindi lang nagloko.

Kaya ingatan natin ang ating trabaho. Ang ating malinis na pangalan lang ang ating tanging kayamanan. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon at mas mahirap kung may masamang record ay iyong pangalan. ‘Wag maging pasaway.—> masamang record ang iyong pangalan po?

Reply

jongskie721 March 16, 2010 at 3:36 pm

ay paki delete :D na copy ko lahat lolz

Reply

granger1220 March 16, 2010 at 4:04 pm

@jennifer, Art. 3 of the Civil Code “Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith.”

not innocence

Reply

anna reyes April 23, 2010 at 9:02 am

Tito Boy, nasa construction business kami, yung construction manager namin, napag alamang humihingi sa mga contractors..anong grounds ng pag terminate sa kanya at ano ang proseso? salamat po

Reply

granger1220 April 23, 2010 at 1:42 pm

breach of trust and confidence, serve notice of violation with preventive suspension and schedule of admin hearing

Reply

anna reyes April 23, 2010 at 4:55 pm

ano ang kriomen nung humingi at nagbayad?

Reply

Rob aka Tito Boy April 24, 2010 at 7:47 am

Kung yung pera ay dapat pupunta sa kumpanya qualified theft sa manager. Pwede rin coercion kung namimilit na magbigay or estafa kung nanloko para magbigay. Yung nagbayad para wala akong makita krimen kasi hindi naman kayo gobyerno kaya hindi mag-aaply ang corruption of public officials.

Reply

Rob aka Tito Boy April 24, 2010 at 7:42 am

pwede rin breach of trust

Reply

Joel May 13, 2010 at 2:58 pm

Good Day! Nag-resign po ako sa company, pero di na po ako nagreport hanggang sa effectivity nun resignation ko. Pinadalhan po nila ako ng letter rejecting my resignation, dahil kailangan ko daw magturn-over. Meron din kasi po akong cash advances dun sa company nung inoperahan yung mother ko. Gumawa po ako ng letter to tell them na willing naman po akong bayaran yung utang ko ng paunti-unti kasi di ko naman kaya ng buo. Kaya lang ayoko na talaga bumalik dun. Torture po para sa akin yun trabaho ko dun kaya ako nagresign. Licensed Pharmacist po ako. Ano po bang legal actions yun pwede po nilang gamitin against me? Thanks

Reply

granger May 13, 2010 at 3:16 pm

civil case to collect the unpaid cash advance, but the final pay and the unpaid SL conversion and pro-rated 13th month pay will be applied to your accountability first

they cannot compel you to work again for them for it is tantamount to involuntary servitude, neither can you be charge under services rendered in compulsion of debt for you are not a farmer and household help

the issue is the turn-over, you’ll not get your clearance and final pay and 13th month pay unless you are cleared and it goes without saying that you can not use them as reference in future applications

tama ba tito boy?

Reply

john briones June 10, 2010 at 10:48 am

tito boy pwede ba ako magfile ng illegal dismissal kahit na probationary employee at naterminate ang isang empleyado sa first offense lang?

Reply

Rob aka Tito Boy June 10, 2010 at 4:46 pm

oo pwede, basta ang dismissal ay walang valid cause.

Reply

john briones June 16, 2010 at 8:48 am

ok lang ba kahit verbal lang ang pagsabi na terminated na ako at ayaw nila ako bigyan ng termination letter?

Reply

Rob aka Tito Boy June 16, 2010 at 11:23 am

dapat in writing.

Reply

john briones June 18, 2010 at 12:35 pm

hi tito boy, nabigay na ang sahod and 13th month ko…kaya lang after ng pirmahan ng quitclaim sa office ng mediator, ang sabi ng mediator di na daw ako pwede magsampa ng kasong illegal dismissal pagkatapos nun kasi nasettle na daw yung quitclaims…samantalang ang advice sa akin ng abogado ng nlrc nung ngkonsulta ako ay dapat daw magsampa ako ng paisa-isa lang unahin daw muna yung money claims tapos pag ok na saka ako pwede magsampa ng illegal dismissal… alin po ba ang tama?

Reply

Tito Boy June 18, 2010 at 3:46 pm

Ano pa ba ang gusto mong ireklamo? diba nakuha muna ang sahod + 13th month mo?

Kasi kapag quitclaim, ibig sabihin lahat wala na, quits.

Yung illegal dismissal mo is settled na rin by signing the quitclaim.

Reply

alexa March 17, 2011 at 5:54 pm

hello po. possible po ba may mas malala png gawing ang employer s employee nya na nagnakaw ng malking halaga other than termination…kahit willing nman niya itong byaran lhat… kahit installment. thanks

Reply

josephine August 3, 2012 at 1:27 pm

db po illegal dismissal un?pnayagan pa po cya magleave tapos kng kelan magrereport na ska nla cnb na tnggal na papa ko, dpat po nun bago p cya ngleave cnbhan na cya na pra ung mga personal na gmit nya nadala nya na, ngaun po sb ung mga gmit nya ppdala na lng sa knya eh panu kng may mwala dun panu po ba ggwin dun?panu po ba mgfile ng case against his employer dun sa gnwa nila sa papa ko?

Reply

Tito Boy August 12, 2012 at 2:35 pm

Josephine,

Punta ka sa NLRC sa Banawe kung nasa NCR ka. May step-by-step process dun, dala ka lang ballpen. Tanong mo sa guard pag pasok mo. Google mo ang exact location ng NLRC.

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: