ISANG BALA KA LANG!

by Rob aka Tito Boy on December 31, 2009

ISANG ARAW NA LANG NEW YEAR NA at ngayon pa lang ay andami nang putukan. Ok lang sa akin ang mahilig magpaputok dahil ako rin mismo ay gumagastos sa paputok tuwing sasapit ang bagong taon. Ang hindi ko lang gusto, ay ang mga taong malakas ang putok at mga taong nagpapaputok ng baril tuwing Bagong Taon.

Sa mga taong malakas ang putok, naku walang kasong pwede isampa diyan. Kausapin niyo na lang at ipakilala si Pareng Rex(ona). Para naman sa mga taong nagpapaputok ng baril tuwing bagong taon, yan may magagawa tayo diyan.

Kaya aarmasan ko kayo ngayon ng karunungan at impormasyon kung ano ang maaring pananagutan ng mga taong magpapaputok ng baril sa New Year at kahit walang okasyon. Kung may nakita tayong nagpapaputok ng baril ay siguradong may kaso silang kakaharapin at huwag tayong mag-atubiling isuplong sila sa Pulis at mga Tanod na rumoronda sa Barangay.

ILLEGAL POSSESION OF FIREARMS

Ang orihinal na batas tungkol dito ay pinagtibay ni Marcos noong palawigin niya ang Presidential Decree No. 1866. Mahigpit ang parusa noong unang nilabas ito: Reclusion Perpetua. Sinadya yan para daw sa mga kumunista at kalaban ng estado.

Kaso noong naging senador si Ramon Revilla Sr., ay pina-bago niya ang batas at binabaan ang parusa na naging  Republic Act No. 8294. Sinadya ‘yan para sa kapakanan hindi ng estado ngunit ng isang tao, ang nag-iisang “Bad Boy” Robin Padilla na noon ay nasentensiyahan ng malupit na parusa ng PD 1866. ‘Yan may panibagong trivia kananaman pampa-impress sa crush mo.

Kapag ang batas kasi binago at pabor sa akusado, ay dapat makinabang siya. Kaya ‘yun, ang agang nakalabas ni Bad Boy sa bilibid, kasama na rin ang ibang akusadong na nasa kaparehong kalagayan .

Ang galing diba? Kung hindi dahil kay Bad Boy ay mabubulok sa kulungan ang ibang taong nahuling may dalang armas dahil sa ideyalismo (at hindi dahil gusto lang nila maging astig).

Ang RA 8294 at hindi lang limitado sa pagdadala ng baril. Kasama sa pinaparusahan ang pagdadala ng paltik, o teka-teka (pag binaril mo kasi e mag “teteka” ka muna sa kalaban), bala, mga pasabog tulad ng granada, pillbox, molotov cocktail bombs. Sa mga miyembro ng Sputnik, Oxo at Sigue-Sugue, take note: Kasama rin sa uri ng baril ang air rifles at air pistols na hindi tinuturing na laruan ng Executive Order No. 712.

Pwede rin makasuhan ang isang tao nang Illegal Possession of Firearms kahit lisensyado ang baril niya kapag nilabas niya ito sa kanyang residence na walang Permit to Carry (PTC). Oo, hindi porket may lisensya baril mo ay pwede mo na siyang dalhin sa labas ng bahay mo na nakabuka ang kili-kili na parang makikipag-dwelo kay Clint Eastwood.

 

 

ILLEGAL DISCHARGE OF FIREARMS

Kapag nagpaputok ng baril (may lisensya o wala) sa ibang tao at wala siyang intensiyong pumatay, Illegal Discharge of Firearms (Article 254 Revised Penal Code) ang asunto niya. Malalaman ang intensiyon ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang kilos. Kung binaril niya ang isang tao na sadyang hindi pinatamaan para manakot lang, Illegal Disharge lang yun.

Ngunit kung talagang pinatamaan niya at sinundan pa ng putok ngunit may pagka-Palos ang biktima at nakatakas. May intensiyon na siyang pumatay at attempted murder or homicide na kakaharapin niya.

ALARMS AND SCANDALS

Kung ang kapitbahay mo naman ay basta na lang magpapaputok ng baril sa inyong subdivision para lang magpasikat at hindi nakatutok sa ibang tao, Alarms and Scandals (Art. 155 RPC) naman kakaharapin niya. Pero mababa ang parusa nito.

LOOPHOLE

Makinig kayong mabuti: may “loophole” ang RA 8294.  Kapag ginamit ang hindi lisensyadong baril sa isang krimen na pagpatay (murder or homicide) ay magiging matindi ang parusa (aggravated). Ngunit kung ginamit ito sa kasong rebellion, insurrection, sedition or attempted coup d’ etat, hindi na rin siya kakasuhan ng Illegal Possession of Firearms dahil sangkap ito sa mga kasong nabanggit. (Bakit, may nakita na ba kayong rebelde na tirador lang ang gamit?)

E pa’no kung ginamit ang baril sa ibang krimen (bukod sa nabanggit ko sa itaas) tulad ng rape o robbery? E di hindi na sila kakasuhan ng Illegal Possession of Firearms kundi rape o robbery na lang.  Dahil ‘yan sa isang pangungunap ng nasabing batas na “Provided, that no other crime was committed.”

(Kaya bawat pangungusap sa anumang dokumento o batas ay malaki ang kahulugan dahil diyan humahanap ng loophole ang mga abugado).

Ano implikasyon nito? Kung ang kapitbahay mo na nagpaputok ng baril para magpasikat ay nahuli, lusot siya sa kasong Illegal Possession of Firearms dahil may ibang krimen siyang ginawang (Alarms and Scandal). Kaya imbes na ang parusa niya ay Prision Correccional (6mos-6years kulong) ay magiging Arresto Menor na lang (1-30 days kulong)!

So ano ang ibig sabihin nito? Kung may dalang baril ang isang tao na hindi lisensyado at huhulihin na siya ng awtoridad, ay magpapaputok na lang siya sa ere para makaiwas sa Illegal Possession of Firearms at bababa sa Alarms and Scandal lang ang kaso! ‘Yan ang loophole! ‘Yan ang nangyayari kung pinapakialaman at binabago ang batas nang hindi pinag-aaralan ng mabuti!

Kaya ‘yan, kapag may dalang baril ang isang tao sa publiko at hindi siya alagad ng batas (kahit alagad ng batas ngunit hindi naka-duty) dapat lisensyado ang baril niya at may PTC siya. Kung wala, pasok siya sa Illegal Possession of Firearms. Kung nagpaputok naman siya ng baril maaring attempted murder/homice, illegal discharge or alarms and scandal lang kaso niya, depende sa kanyang intensiyon na pinapakita ng kanyang kilos.

Kung hindi ninyo masyadong naintindihan at dahil nagulantang ang utak ninyo sa malalakas na putukan ay mag-iwan na lang kayo ng tanong at sasagutin ko pagbalik ko. Bibili lang ako ng paputok.

HAPPY NEW YEAR!

————————

Kung kayo lang ang magiging kaibigan ko, bibili na lang ako ng aso.” – FPJ

{ 23 comments… read them below or add one }

abetumil December 31, 2009 at 4:10 pm

Tito Boy,

Ano’ng nabili mo? Palagay ko watusi.

Syempre di ka mamumuno sa pagpapaputok.

Hindi pa ‘ko nagmimedia noche, inuna ko ‘tong panghimagas mo.

Hapi nyu yir!

Reply

Tito Boy December 31, 2009 at 4:19 pm

3 picolo, supot pa ang dalawa haha..

Cheers!

Happy New Year Pare!

Reply

Babs December 31, 2009 at 8:39 pm

Happy new year dn po Tito Boy.!

Reply

bonistation January 4, 2010 at 2:29 am

hala, ganun pala yun, hindi na pala pwedeng kasuhan pa ng illegal possesion of firearms pag may ibang kasong nagawa, minsan napapanood ko sa balita sinasabi nung pulis “maliban sa ganito sa ganyan etc blah blah, kakasuhan din namin sya ng illegal possesion of firearms..” so hindi pala dapat ganun?

ic! salamats po! hehe armado ako ngayon ng kaalaman!

Reply

Rob aka Tito Boy January 7, 2010 at 3:05 am

Bon, wag ka maniwala sa mga pulis patola.

Reply

karoger January 5, 2010 at 4:24 am

hmmm. astig. may nalaman na naman ako. dapat talaga sinusuri ang mga batas eh.

kaya ako, i propose na kelangan qualified talaga ang isang tao bago umupo sa senado at kongreso. qualified as in abogado or atleast nakatapos ng pag-aaral. pero madaming magrereklamo niyan. haha. pwede siguro kung sa executive branch eh kahit sino, pero pag sa legislative, dapat yun mga magagaling talaga! :)

mahirap bang kumuha ng lisensya sa baril?

Reply

Rob aka Tito Boy January 5, 2010 at 8:14 am

Madali lang ka roger. Parang lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan, pera-pera lang hehe. may kasama pa ptc yun. pagbumili ka baril sa authorized dealer sila na rin aasikaso, ID lang kailangan.

Reply

joyce April 20, 2010 at 9:51 am

ang galing, ang sarap basahin ng mga detalye at nakakatuwa… may natutunan ako, kaya lang di patas talaga no

Reply

Renz August 3, 2010 at 5:05 pm

tito boy, sakop din po ba ito ang mga airsoft pistols at rifles? Hindi naman sila deadly since ginagamit naman ito sa war games kaso kamukhang kamukha sya ng totoong armas. ang fps ninto hindi enough para ma penetrate ang balat ng tao. (around 350 fps lang.)

Reply

joker October 23, 2010 at 10:54 am

mag tatanong lang po ako may kaso po akong homiside.
ganito po ang ng yari
naliligo kami sa dagat kami ng mga best friend ko
pag katapos namin maligo sabi ko sa kanila uwe na tayo at gagabihin tao
pag dating ko sa sasakyan ginising ko ang isang kaybigan ko at sinabi ko alis na tao pag kagising nya nakita nya ang isang friend ko na nag lalaro ng kanyan gun 9mmtinutuk sa amin at sa akin habang nakatalikod ako pinipitik pitik pa nya pag karinig ko ng pitik pitik ng gun nya kinuha ko sa kanya sabi ko wag nung nasakamay ko na ang gun ilang sigundo lang at pumutok na ang baril pero nasakamay ko na na click ko ata ang gatilyo pero hindi ko sinasadya. pag katapos dinala ko sa hospital sinabi ko sa pulis ang ng yari kinulong ako kinasuhan ako ng homiside di ko alam ano ang gagawin ko kong makukulong ba ako ng matagal nag piyansa po ako. ang tanong ko lang po ano po ba mang yayari sa kalagayan ko ngaun at may kasong ho0miside na ako makakalaya pa ba ako accidente lang naman lahat ng ngyari di ko naman sinasadya na pumutok ang baril patay po sya. pag potok ng baril sa kanya po ang baril kinuha ko lang sa kamay nya kasi pinipitikan nya ako meron po ako saksi marami kasi nakakita kala nila ako ang natamaan ang kaybigan ko pala di ko na po alam ano ang gagawin ko.

Reply

joker October 23, 2010 at 10:59 am

may pahabol po ako wala po ako intinsyon na patayin sya kasi kaybigan ko matalik sya at di ko rin alam bat pumutok ang baril sa pag pitik nya sa akin di naman un pumutok akala ko di un pumupotok na baril wala po talaga akong intinsyon sa mga ng yari accedinte po ang ng yari pinitik nya sa akin di pumutok pag katapos kinuha ko ng nasakamay ko na pag ka kuha ko accedente talaga

Reply

granger October 23, 2010 at 10:02 pm

kulong yan – homicide yan eh

Art. 4 of Revised Penal Code – Criminal liability shall be incurred by any person who committed a felony although the wrongful act done be different from that intended.

Presence of these two mitigating circumstances will lower the penalty by one degree from reclusion temporal to prision mayor:
1. Praeter intentionem (Article 13 (3))
2. Voluntary surrender (Article 13 (7))

ilang taon ka nga pala nung nangyari ang insidente?

Reply

joker October 27, 2010 at 10:23 am

23 na ako ngaun ng yari ilang linggo lang nakalipas na linggo ilang taon po ba yan ma kukulong
kua granger 20 years?uhuhuh sakit sa loob ko mawawalay ako sa familya ko at sa girlfriend ko di ko naman sinasadya sakit ta laga

Reply

Tito Boy October 27, 2010 at 2:17 pm

Habang may buhay, may pag-asa. Kailangan mo ng magaling na abugado. This forum is not enough to answer your questions in full.

There were cases of accidental firing that ruled in favor of the accused [U.S. vs. Barnes (12 Phil. Rep., 93), United States vs. Tañedo (15 Phil. Rep., 196)]

If you need help, sign in the forum, pm me and I will refer you to a good one. Good luck!

Reply

granger October 27, 2010 at 11:31 am

Above 18 ka na pala so di na ma invoke ang exemption from criminal liability under Article 12 of the RPC as amended by RA9344.

Pede pa bumaba yan sa Prision Mayor (6 years and 1 day to 12 years) basta lumusot ang 2 mitigating circumstances na mentioned sa taas.

Alam ng lawyer mo yan.

Wag kasi kayo maglalaro ng baril at lalo wag itututok sa tao. Cardinal rule of gun safety yan.

Reply

Mr`niceguy December 19, 2010 at 12:54 pm

Good day sir. tanong ko lang po ba kung may kaso po ba ang ang pag bebenta ng lisensyadong baril ng walang deeds of sale? bagkus nireport nya sa pulis station na ninakaw ang baril nya. ang gusto po nya mangyari ngayon ay maging legal ang proseso at kung maaari pa ba nyang palagyan ng deeds of sale kahit nireport na nya sa pulisya na ninakaw ang baril nya? kung hindi naman po pumayag ang pinag bentahan nya na palagyan ng deeds of sale ang baril ano po ang maaaring maging kaso ng nang benta kung sakaling mahuli o masangkot sa krimen ang dati niyang baril? maraming salamat po.

Reply

granger December 19, 2010 at 9:36 pm

dapat may deed of sale

Reply

Mr`niceguy December 20, 2010 at 3:12 pm

san po ako pwede makakuha ng deed of sale na legal? sa attorney lang po ba or may ibang special establishments na pag aayusan ng deed of sale. at ano po ang mga reqyuirements? salamt.

Reply

shen August 8, 2011 at 6:38 am

may bail po ba pag ang kasong isinampa ay illegal possession of firearms and expolsives na may sintensyang prison mayor o 6-8 yrs. na pagkakabilanggo? pwede po padalhan nyo ko na sagot nyo sa email ko? thanks po in advance..

Reply

Aragon January 16, 2012 at 6:36 pm

Sir tanong ko lang if ang nahuling baril ay lesensyado at dinala sa labas ng tirahan at pinaputok. anu po ba and dapat kaso nito? illegal possession of firearm or Illegal Discharge?

Reply

eds March 17, 2012 at 6:50 pm

Goodday Sir..tanong ko lang po kasi po yung kaibigan ko eh napagtripansa kanilang lugar ngayun rumesbak po sila na me dalang baril ang pinaputukan yung nag trip sa kanila ewan ko po kung tinutukan nila o hindi basta nagpaputok sila ng 3times … ano po ba kaso nila…tapos yung nagtrip pa ang nagrereklamo at humihingi ng areglo yung isa 10k at yung pangalawa eh 50k ano pa dapat gawin… eto pa sabi ng pulis ilalagay daw sila sa wanted list tama ba yun…

Reply

duncruz July 11, 2012 at 8:36 pm

Paano ba ma rerecover and firearm na na-confiscate kung withdrawn na ang kasong PD1866. the firearm owner has a license and authority.

Reply

Tito Boy July 15, 2012 at 6:52 pm

File a motion in the court to release the firearm.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: