Na-nulllify na ang kasal ni Kris kay James Yap. Base sa bibig ni Kris (oo lahat naman nanggagaling doon), hindi daw nila alam na hindi katolikong pari ang nagkasal kaya walang daw authority ang solemnizing officer.
Ayon sa Art. 3 ng Family Code (FC), isa sa formal requisites ng kasal ay “(1) authority of the solemnizing officer.” At ayon naman sa Art. 35 ng FC, void o walang bisa ang kasal kung ang nag solemnized ng kasal ay wala palang kapangyarihang magkasal, in short Jafakers.
Kaya kung tama ang sabi ni Kris, dahil hindi authorized ang nagkasal sa kanila ni James Yap, ergo void ang kasal nila. Ok na sana, kaso ayon sa mismong Art. 35 valid pa rin ang kasal kahit hindi authorized ang solemnizing officer if – “either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so.”
So kahit magbabalot na bagong ligo at nagsuot ng sotana ang magkasal sa inyo, kung naniniwala naman ang partido na isa siyang pari na may kapangyarihan magkasal, valid pa rin ang marriage. Bakit hindi yun ang na i-apply sa kaso ni Kris? Siguro naman noong maganda pa ang relasyon nila at wala siyang bukambibig kundi si James Yap, naniniwala siya in good faith na authorized ang solemnizing officer nila. Tapos ngayong nagkakalabuan na, bigla nilang sasabihing “teka, hindi pala siya Real McCoy.”
Ayon din sa Art. 6 ng FC:
“No prescribed form or religious rite for the solemnization of the marriage is required. It shall be necessary, however, for the contracting parties to appear personally before the solemnizing officer and declare in the presence of not less than two witnesses of legal age that they take each other as husband and wife. This declaration shall be contained in the marriage certificate which shall be signed by the contracting parties and their witnesses and attested by the solemnizing officer.”
Walang pakialam ang batas kung anong relihiyon o version ng Bibliya ang gamitin sa seremonya. Basta humarap sila sa solemnizing officer at may dalawang testigo at sabihin nilang “I do.” So materyal ba na katolikong pari ang nagkasal?
At panghuli, bakit hindi ko nababalitaang inapela ng Solicitor General ang pagka-nullify ng kasal? Sa “normal” na proseso ng kaso, umeepal este inaapela ng Sol. Gen. ang mga napapawalang bisang kasal dahil layunin ng estadong protektahan ang institusyong, ayon yan mismo sa Section 2 ng Article XV ng Constitution: “Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.”
Dapat bago lumampas ang 15 days mula sa pagkatanggap ng desisyon ay iapela ng Sol. Gen. ang kaso sa Court of Appeals upang baliktarin at ideklarang valid ang kasal. Dahil ba sa kapatid siya ng presidente at ang Sol.Gen. ay hawak ni PNoy kaya nag-bulag-bulagan na lang sila?
Hmm…anyway, wala naman akong personal na pakialam dun, nagtatanong lang.
———–
“All marriages are happy. It’s the living together afterward that causes all the trouble.” -Raymond Hull


{ 21 comments… read them below or add one }
hmm…. oo nga naman!
pampatanggal umay sa impeachment
bkit sinibak sa pwesto c Solgen Cadiz? dahil ba hndi sya umepal sa desisyon sa nullity ng kasal ni kris?
)
nag resign si cadiz, kasi gusto nya umepal paglabas ng desisyon ng rtc sa kasal ni kris, e sabi ni pnoy wag na umepal, so nag resign na lang wahahahaha
joke! – yung dahilan – ewan yung pagresign
E ung jafaker na yan, di ba dapat kasuhan?
tito boy, thats justice for the rich and the influencial. sabi pa nmn ng tanyag na reviewer namin last year, hindi ma aanul yong kasal nila ni kris. gulat sya ngayon. heheh. defect of the formal requisites lang kasi.
yong jafaker pala, administrative liability lang. e kung pari, nasa simbahan na yun kng pano nila didisiplinahin kalahi nila
@Neil, tama ka neil. Good luck sa review!
@Iami, dapat kasuhan ng administratibo or estafa kung nagpanggap yung nagkasal.
@mile, alam ko sawa kana rin sa impeachment, paggising ko sa dyaryo, pagsakay sa sasakyan sa radyo, hanggang sa pag-uwi sa tv patrol panay ganun na lang wah! Buti na lang namatay si whitney at may ibang pinagusapan.
@tito boy hahahah! korek po kayo dyan Atty. haha!
wehhhh. ganyan na talaga ang uso ngayon sa mga artista? ehehe
tito boy kapag po ba null and void ang kasal (ground: psycological incapacity) yung anak ba legitimate ba? at yung ex-wife dapat pa bang gamitin yung apelyido ng ex-husband?
sa case ni kris bakit may nabanggit pa siya na kailangan nyangi-adopt pa yung mga anak nya di ba pwede maging YAP si bimbi…
Yes legitimate kapag Art. 36 or Psychological Incapacity ang ground:
“Art. 54. Children conceived or born before the judgment of annulment or absolute nullity of the marriage under Article 36 has become final and executory shall be considered legitimate.”
Hindi kasi Art. 36 and basis ng nullity ng kasal ni kris at james yap kaya naging illegitimate ang anak nila:
“Art. 165. Children conceived and born outside a valid marriage are illegitimate”
Kung nullified and marriage (void from the beginning) gagamitin ng babae ang dati niyang apelyido. Pero kung annulled lang (valid but later became invalid) eto ang effect:
“Art. 371. In case of annulment of marriage, and the wife is the guilty party, she shall resume her maiden name and surname. If she is the innocent spouse, she may resume her maiden name and surname. However, she may choose to continue employing her former husband’s surname, unless:
(1) The court decrees otherwise, or
(2) She or the former husband is married again to another person.”
mga artista (not all) easy lang sa kanila ang mga ganitong legal procedure kasi may pera sila.:-(
abangan ko ule ang pagpapakasal ni kris sa iba….. at tingnan ko iyong pare kung katoliko o hindi….. hehhehehe
atty. bka po pwede next post about sa traffic violation..for example, sa checkpoint..ung mga violation and fines, pag wala po license impound na agad ang motor o confiscate na agad license..san po babayaran at magkano..kapag nasangkot ba sa aksidente, impound na agad ang sasakyan?
pasado nako tito boy. number 1294 ako sa lista. heheh. salamat sa panyero.net. sa simpleng ng sari-saring punto legal, mas nauunawaan ko lalo ang batas. more power to panyero.net
1294. OBLIGADO, Neil Arvin B
Congrats!
“simpleng paglalahad ng mga sari-saring isyung legal”
salamat GRANGER!
Panalo ang inyong mga blog Tito Boy! More power po sa inyo!
Tito Boy,
Pakigawa naman din po ng topic about sa RA 10158.Maraming Salamat
Interesting piece of legislation. I’ll consider it =)