DON’T TOUCH MY SNAKY

by Tito Boy on July 18, 2010

"Huwag ka humarang sa TV, naglalaro ako ng Barbie & Ken..ano ba!"

The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support. – Article 68 of the Family Code

May nabasa ka ba sa batas na “the husband and wife are obliged to have sex”?

Basahin mo ulit. Para wala ata. Oo nga sabi “observe mutual love” pero masasabi mo ba na tumutukoy ito sa pagtatalik? Pwede naman magmahal na walang kasamang ganon diba?

Kaya ang tanong, ano kaya ang mangyayari kung ang isa sa asawa ay ayaw makipagtalik kahit kasal na sila?

Ladies and Gentlemen, meet Chi Ming & Gina.

Dahil sa maselan na talakayan, ang mga edad 18 pababa ay pinakikiusapang pumunta muna sa site na ito -> Below 18 years old.

Para sa mga 18 patataas, buksan ang inyong kamalayan at tuloy lang sa pagbasa.

LONG HONEYMOON

Enggrande ang kasalan ng mag-asawang Chi Ming & Gina na ginanap sa Manila Cathedral at tinuloy ang reception sa South Villa sa Lungsod ng Makati.

Matapos ang masayang okasyon ay tumuloy sila sa bahay ng nanay ni Chi para sa unang gabi bilang mag-asawa.

Dahil nga honeymoon, akala ni Gina na ito na ang gabi ng mga gabi. Gabi kung saan magpapaalam siya sa kanyang kamusmusan at matitikman na sa wakas ang luto ng Diyos.

Kaya hindi maiitatago ang kanyang pagkasabik at pamumutla. Kakayanin kaya ni Gina ang “one eyed snake” ni Chi?

Eto na, sila na lang dalawa ni Chi sa kwarto, it’s show time!

Ngunit laking gulat niya nang pagdating sa kwarto ay biglang humikab itong si Chi, sabay higa sa kama at humilik na parang walang nangyari.

Hmm…

Baka pagod lang. Naisip siguro ni Gina. Dumaan ang pangalawang araw ay bitin pa rin. Pangatlo, pang-apat na gabi walang nagbago. Mailap talaga ang one-eyed snake ni Chi.

Kaya naman naisipan ni Gina na ganapin ang kanilang honeymoon sa isang malamig at romantikong lugar – sa Baguio.

Dito ay masosolo at mako-korner niya si Chi at wala nang kawala ang mala-palos na kanyang asawa at alaga nitong ahas.

Ngunit laking dismaya ni Gina nang imbitahan ni Chi ang buong barangay kasama ang kanilang mga magulang, tiyuhin at pamangkin. Apat (4) na malamig na gabi ang lumipas ay wala pa ring nangyari.

Tuwing tanghali ay lumalabas itong Chi upang maglakad mag-isa na para bang iniiwasan na maiwan silang dalawa ni Gina sa kwarto at natutulog siya lagi sa sala.

Sampung (10) buwan ang lumipas ay tigang pa rin si  Gina.

Oo, tama ang nabasa mo, 10 buwan ang binilang ay birhen pa rin si Gina. Ni hindi man lang nasilayan ni Gina ang alagang ahas ni Chi. At itong si Chi ay hindi man lang nasilip ang hagdang papuntang langit ni Gina.

Kaya naisipan nilang dalawa na mag patingin sa dalubhasa. Kaya pumunta sila kay Madam Auring este sa isang urologist sa Chinese General Hospital.

Ayon sa resulta, normal naman ang kondisyon ni Gina at tulad ng inaasahan ay isa pa rin siyang birhen. Samantalang may gamot na pinapainom ang doktor sa kanyang asawa at pinababalik ito, ngunit hindi na ito pinagpatuloy ni Chi.

THE LONG HONEYMOON IS OVER

Hindi na hinintay ni Gina na magsara ang kweba o tirhan ng mga paniki kaya nagpetisyon siya sa korte na ipawalang bisa ang kanilang kasal. Ayon kay Gina, isang bading ang kanyang asawa dahil ayaw nitong ipakita o ipahawak man lang ang alagang ahas.

Sigurado si Gina na miyembro ng federasyon si Chi at hindi lang isang punkista o miyembro ng isang gothic group nang mahuli niya itong gumagamit ng eyebrow pencil at cleansing cream ng kanyang nanay.

Ang Filipino Citizenship lang daw ni Gina ang habol ni Chi (na isang Chinese) at hindi ang kanyang alindog.

Inamin ni Chi ang mga akusasyon at sinabing si Gina ang umiiwas tuwing hinahawakan niya ang flower ng asawa. Pinagpipilitan niyang hindi siya impotent at kaya niyang pasukan at punuan ang pagkukulang sa asawa dahil bata pa naman sila.

Pumayag si Chi na sumailalim sa pagsusuri ng doctor para malaman kung siya ay talagang impotent. At isa lang ang paraan upang malaman kung tumitigas pa si manoy…

Ilabas ang FHM, Tiktik, Taliba at Bulgar…at 100 gramo ng lotion.

Ang resulta: Positive!

Nagulat ang sumuring doktor sa nakita, mula daw sa dalawang (2) pulgada ay lumaki ito ng labin-dalawang (12) pulgada at mala-Maling Luncheon Meat ang taba…ugat pa lang yun!

Yan ay sa panaginip lang ni Chi.

Ayon sa tunay na report: kahit papaano ay lumaki rin ng isang (1) pulgada at isang (1) sentimetro ang alagang ahas. Maaring maglilinis lang ng kuko ang mga pokpok na papasukan nito, ngunit sapat na raw yan para magpaligaya ng birhen ayon sa mga eksperto.

HATOL NG HUKUMAN

Matapos ang paglilitis ay pinawalang bisa ng hukuman ang kasal ng mag-asawang Chi at Gina at ginamit na dahilan ang Article 36 ng Family Code na “Psychological Incapacity.” Ito naman ay pinagtibay ng Court of Appeals.

KORTE SUPREMA

Inapela ni Chi hanggang sa Korte Suprema ang kanyang kaso.

Sabi niya, wala namang ebidensiya ang nagpapakita na may “psychological incapacity” ang sino man sa kanila. Hindi daw porke’t hindi sila nagtalik ng 10 buwan ay psychologically incapacitated na agad sila. Masusulusyonan naman daw ang problema nila ni Gina “through proper motivation”.

Hindi naniwala ang Korte Suprema sa alegasyon ni Chi.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, hindi naman pala impotent si Chi pero ayaw niyang makipagtalik kay Gina sa loob ng 10 buwan kahit sila ay natutulog sa iisang kama.

Kahit paniniwalaan na si Gina ang umaayaw tuwing sinusubukan ni Chi na painitin ang kalan, dapat ay pinilit pa rin nitong tahakin ang masalimuot na daan papuntang langit. Dahil malay mo nga naman, nagpapakipot lang ng kaunti si Gina at ayaw niyang magpahalatang excited.

Pinaalalahanan din ng Korte Suprema ang pinakaimportanteng aspeto ng kasal – ang pagpaparami o procreation. Yun lumabas din ang totoo -  it’s all about sex.

Isang mahalagang aspeto ng pag-aasawa ang pagtatalik upang magparami.

Tinago pa kasi sa salitang “mutual love”.

Kaya nakalaya rin sa wakas si Gina sa sampung buwang dry spell. Ano sa tingin mo, bading ba si Chi?

—————-

Never get married in the morning, because you never know who you’ll meet that night.” – Paul Hornung

Source: Tsoi vs. Court of Appeals, G.R. No. 119190.  January 16, 1997.


 

{ 66 comments… read them below or add one }

taragis July 18, 2010 at 9:45 pm

waaah ang ganda ng illustration!! obrang obra!! TARAGIS!!!!! panalo!! woooooooooo!!

base muna ko. tapos tsaka babasa mode na!!

Reply

asero July 18, 2010 at 10:09 pm

Atty for the first time, tungkol ata sa travel yung blog post nyo ah. May kasama pang unggoy at mapang may ngipin.
Aba ano ba yung napasok ko. Naclick ko kasi yung below 18 years old hahaha. Ok basa din muna. Malapit na naman akong mag 18 pede na yun hehe

Reply

taragis July 18, 2010 at 10:32 pm

awww ang salimuot naman! taragis!! sampung buwan!! bading ang chi na yan aba palay na ayaw pang tukain haha!!!

maliwanag na maliwanag na nga atty na ang batas na yan ay batas ng sex! ahihihi!!!

peace!!

** ganda talaga ng drawing! parang painting, for auction sana.. makapag bid uli.

Reply

Tito Boy July 18, 2010 at 10:44 pm

@Bonn, oo nga, Duking mabuhay ka!

Reply

iami July 18, 2010 at 10:58 pm

bading nga si chi.

imposible na ayaw niya makipag sex sa babae kung lalaki siya. libre na, ayaw pa.

walang lalaki na aayaw makipag sex sa babae kahit pangit pa yun

Reply

bonistation July 19, 2010 at 3:48 am

hahah
walang lalaki na aayaw makipag sex sa babae kahit pangit pa yun

Reply

Tito Boy July 19, 2010 at 7:40 pm

May motto pa nga dyan Iami eh:

“Walang panget sa t*ting galet!”

Reply

granger1220 July 19, 2010 at 9:28 pm

meron pa “Ang lalakeng gipit sa bading kumakapit.”

Reply

Renz July 20, 2010 at 6:23 am

At saka, bergin pa si gina. Parang brand new car. kahit pa sabihin mo na pangit itsura ng “brand new” car mo, sasakyan mo parin yan kasi nga brand new. Mahirap na kaya makakuha ngayon ng birheng asawa…

Reply

iami July 18, 2010 at 11:01 pm

question lang. kung bading ba hindi tinitigasan kahit pag type niya ang lalaki?

Reply

granger July 19, 2010 at 9:27 am

sagot na ang mga nakakaalam nito :)

Reply

Rancid99a July 19, 2010 at 12:18 am

bading nga yan. hehehe

@iami: matagal na ding palaisipan sakin yan eh. Tingnan natin kung masasagot ni Rob. hehehe

Reply

Manay Cristy July 19, 2010 at 10:11 am

Haha…interesting—I, too, await for his answer.

Reply

rah July 19, 2010 at 3:33 am

chi ming choi, hindi tinitigaszan :) haha

Reply

granger July 19, 2010 at 9:28 am

tinitigasan sya ayaw lang nya magasgas and mala palo-tsina nyang ahas tulog :D

Reply

lee mi July 19, 2010 at 5:18 am

click ko yung below 18years old.. wahahha. si Dora nag eexplore.. :)

pambihira namang lalaki yun.., buti na-annul yung kasal nila.. pero kawawa din yung lalaki sa ganitong sitwasyon.

**ganda ng picture, ang sexy nung girl.. :D
Kuya Duking.., galeng!!

Reply

granger July 19, 2010 at 9:31 am

hindi na annul, rather it was declared a nullity under art 36 of the FC for failure to perform the concomitant marital obligations under Art 68 of the FC

ganda pa naman ng pangalan ni Gina, Chi-ming Tsoi vs Gina lao-tsoi, kaso di ginalao :D

Reply

Abe July 19, 2010 at 8:54 am

Alin ako.. kung kasing sexy ng gurl doon sa illustration ni duking. (panalo sir) ba! bitiwan mo muna ang joystik at mag games na tayo ahehehe… sorry po tabi – tabi tao lang. Sir atty. halos sanglinggo na ako nagbabasa ng mga blog mo dito at talaga namang magaganda po at kapupulutan ng mga aral, lagi na nga po akong puyat eh. maganda po ito lalu sa’ming mga mahirap… umintindi.. salamat po at mabuhay kayo.. Pero bakla si chi..ahehe

Reply

granger July 19, 2010 at 9:41 am

bkt bibitiwan mo pa joystick eh pede naman na pahiramin mo sya ng JOYstick mo habang naglalaro ka para nakakapaglaro din sya :D

Reply

Renz July 20, 2010 at 6:24 am

Hay. sana ako na lang si chi kung ganyan ka aggressive si gina. Hehehe.

Reply

granger July 20, 2010 at 9:43 am

Ok yan renz para maging 3 inches erected rin ang snaky mo. :D

Reply

Manay Cristy July 19, 2010 at 10:12 am

Astig sa picture duking!

Reply

lambing July 19, 2010 at 11:02 am

awwwwtsss baka nga bading o hindi lang talaga type si gina haha

ang galing nun drawing galing talaga ni duking woot woot

sasagutin ko yun tanong ni iami.. tinitigasan daw sila kapag madaling araw lalaki pa rin daw sila sagot saken yan ng close friend kong bading nung natulog kaming magkatabi haha

Reply

granger July 19, 2010 at 11:36 am

hmmmm, were you able to prove that indeed there was erection at dawn, otherwise we will treat it as hearsay :D

Reply

Renz July 20, 2010 at 6:26 am

Pag tunay na lalaki at may katabing magandang babae (tulad ng nasa illustration ni duking), mahirap mapigilan an pag tayo ni putotoy… Oh tukso layuan mo ako….

Reply

lambing July 20, 2010 at 10:28 am

hindi ko kaya i prove yun granger mahirap na .. :D

Reply

Tito Boy July 19, 2010 at 7:44 pm

Lambing nabuhay ka!

Kapag kahalayan ang talakayan nabubuhay ka haha

Wee Bee!

Reply

lambing July 20, 2010 at 10:27 am

hahahaha tito boy natawa ko dun nagkataon lang anubeee

Reply

ferdie July 19, 2010 at 12:51 pm

Aba may illustrator na si Tito B. Panalo! wala ng magrereklamo hehe.

Sinasabi na nga ba badingerzi si Chi. Anak ng teteng naman kung ganun ka hottie (ayon sa drawing) si Gina lao ay amoy palang attention na. Parang may kilala rin akong ganyan ah, mas marami pa ang rekutitos ng lalaki kesa sa babae, pero nakaka-1 daw sa siang linggo pero nakakahalata na ako sa pagpapauti at pagpapapula ng labi nitong si Pare e, acheche!

Paano kung ang napakasalan mo ay umamin na siya ay bading pagkatapos ng 10 buwan dahil ‘di na niya makayanan ang kadirihan na giangawa niya (hahahaha!), pwede bang maging grounds iyon ng separation?
May isa pa akong kilala na bading talaga pero may asawa, ayaw na nitong si ladyboy sa kanyang esmi pwede nya bang gamitin ang kanyang pagka-sheman sa paghihiwalay?

Reply

granger July 19, 2010 at 1:19 pm

Yes homosexuality is a ground for legal separation.

If the homosexuality is concealed and it is existing at the time of celebration of marriage then it is a ground for annulment.

Yes it may be used as a ground for legal separation subject to the defenses available in legal separation under art 56 of the FC.

Reply

ferdie July 19, 2010 at 2:06 pm

Salamat sa pagsagot Granger ipapabasa ko ito sa kanya at sasabayan ko pa ng 10 printout. :)

Maraming mga masokista pagdating sa pag-ibig.

Reply

AsOL July 19, 2010 at 2:15 pm

wahahaha! what a post! comedy to.. hahaha!

kawawa naman si Gina. Tinamaan din sia ng El niño. Ang tagal na tag tuyot nun. talo pa summer! hahaha!

kalokohan na di tigasan o malibugan yung si Chi kung lalake talaga xia. Iniisip mo pa lang na magkakatabi kayo sa isang kama para matulog e tayong tayo na etits nun kakaisip sa mga manyayari.. hehehe!

ung pagtigas ng etits sa umaga normal un.. tawag dun morning wood. kaxe parang kahoy sa tigas. ang pag kakaalam ko dahil sa lamig un kaya naninigas hindi dahil sa na eeL ka…

Nice illustration Sir Duking.. Imba ka! ^_^

Reply

asero July 19, 2010 at 3:08 pm

ang sinomang makakita ng tulad sa larawan sa itaas, manipis na damit pantulog, nakalaylay na mangas, nakataas pa ang hita at sa iksi nung damit na yun ay alam ko na ang makikita sa pwestong ganun, at di nagliyab sa init at di umalulong sa bangis ay talagang DTNL! Gina, sayang ang 10 buwan ng buhay mo hehe

Reply

granger July 19, 2010 at 3:45 pm

eh di naman c Gina Lao yang nasa picture eh :) malay ba natin ano itsura nya

Reply

batangmangyan July 19, 2010 at 7:06 pm

ito pala yun panyero, galing talaga ng kamay ni duking..sana gumagalaw sa sunod, ilipat ang mga doodles dito haha.

taragis ang kaso… maliwanag pa sa sinag ng buwan na bading nga si chi. may tanong panyero, ‘yong lawyer ba ni chi, babae ba o lalaki o bading din? hehehe, ito pala tanong, kung ikaw pala ang nilapitan ni chi to defend him in court, would you? haha, nangulit lang.

taragis…byahe na sa batangmangyan.com!

Reply

Tito Boy July 19, 2010 at 7:42 pm

@BM ganda na ng bagong bahay mo! Wala refer ko na lang si Chi sa PAO hehe..

Reply

duking July 19, 2010 at 9:31 pm

whaaa…

timang si chi ming kung hindi bading.

mantakin mong ayaw tumuklaw ng ahas nyang cylops?whahaha!

dapat mag chinese garter na lang si chi ming na bading.kung bago lang yang kasong yan,pakilala nyo naman sa akin si gina.hehehe!

Reply

granger1220 July 19, 2010 at 9:43 pm

1997 pa yan

Reply

iami July 20, 2010 at 9:08 am

question again.

pag nakakuha na si chi ng fil citizenship sa pagpapakasal niya kay gina, pag na-annul ba sila, babawiin ba yung fil citizenship?

Reply

Tito Boy July 21, 2010 at 10:57 am

The marriage of a Filipino citizen to an alien does not automatically confer Philippine citizenship upon the latter. He/she must possess the qualifications required by law to become a Filipino citizen by naturalization.

So kung nakuha na niya ang Filipino Citizenship through naturalization and not by marriage to a Filipina, then the subsequent annulment/nullity of the marriage is immaterial.

Reply

sphere July 20, 2010 at 2:01 pm

hindi malamang bading si chi ming baka may mapait lng syang karanasan nong bata pa sya sana nakapaghintay pa ulit ng 10araw si Gina malay mo naman ahahahha

galing galing nong drawing Duking panalong panalo…

Reply

Trudis D'Dog July 21, 2010 at 10:55 am

Wala ata representation ang mga bading dito kaya sagutin ko na ang tanong ni Ate Iami: nagkakaroon din ng erection ang mga bading, walang pinagkaiba sa straight na lalaki. Ang pinagkaiba lang eh sa lalaki din sila tinitigasan. Kung ano yung ini imagine gawin ng mga straight guys sa babae, diring diri naman sila, yung iba nasusuka pa sa idea. ( based on my research hehe).

So dun sa Tsoi case, kung ako yung abogado ng gurl, mag pi-present ako ng macho dancer sa korte, tingnan kung pano mag react si Tsoi pag nagumpisa ng gumiling giling ang Exhibit ko.

Reply

granger July 21, 2010 at 12:04 pm

baka ma direct contempt ka nyan pag bumigay ang judge :D

Reply

Trudis D'Dog July 21, 2010 at 1:01 pm

nakakagulat meron palang mga bading na kung umasta lalaking lalaki talaga, anlaki pa ng mga muscles, ang popogi pa nila!

Reply

Tito Boy July 22, 2010 at 7:18 pm

Trudis pano malalaman kung ang aso ay bading?

Reply

Trudis D'Dog July 23, 2010 at 11:52 am

@tito boy- pag sa kapwa lalaking aso din sila sumasampa hihihi

ako di na tinatablan, na spay na kasi ako. :)

p.s yung Yvonne Reyes na case pala tungkol din as annulment, yung gurl dito pathological liar at tinuring ng korte na pasok sa pyschological incapacity.

Reply

granger July 23, 2010 at 12:22 pm

maganda yang kaso na yan, di papasok ng annulment yan di naman insanity ang ground jan eh

Reply

Trudis D'Dog July 23, 2010 at 1:49 pm

Granger, are you referring to Antonio vs Reyes ( GR 155800)? Na declare na null and void yung marriage nila under Article 36 ng FC.

granger July 23, 2010 at 4:42 pm

May iba pa ba na kaso yung 2 maliban jan?

granger July 21, 2010 at 2:23 pm

dito sa opis namin marami ex-men :D pilit na pilit na palakihin ang boses pero di maitago ang taas ng bewang ha ha ha ha

Reply

bobtom July 22, 2010 at 6:18 pm

eh sir question… probable ba kung yung kabaligtaran naman ang sitwasyon… this time sobrang walang tigil si chi sa kaka-kayod este sakyod. as in sa loob po ng 10 mos (sabihin na nating lahat ng energy drink eh iniinom nya para lang mangyari ang 10mos na non stop) at dumating na sa point na dahil na lamang sa kanilang papel sa kasal kaya pumapayag si misis pero hindi na niya masikmura.

Maari po bang psychological din ang grounds naman ni misis para i-nullify ang kanilang marriage.

sensha na po baka nonsense ang tanong hehehe
at least nag-participate.

Salamat :)

Reply

Tito Boy July 22, 2010 at 7:17 pm

hehe ok yan ah. dapat naging porn star na lang siya haha. dapat dun idemanda yung gumagawa ng energy drink!

Reply

granger1220 July 22, 2010 at 10:23 pm

:D unfair competition

Reply

granger July 22, 2010 at 6:48 pm

No, it will not fall under Art 36 of the Family Code as psychological incapacity and it will not invalidate the marriage.

However, the husband may be held criminally liable for violation of RA9262 under sexual violence.

Reply

bobtom July 23, 2010 at 12:24 pm

pero would it qualify as sexual violence kung mag-asawa naman sila? edi sir igigiit lang ni husband ang kanilang papeles bilang mag-asawa and as you said it under the law na kasama ang pagsisiping. Wala naman po naka state dun na over sex ay pwedeng criminal case (gunun nga po ba yun?).

Let’s just say na hindi naman humihindi si misis (dahil gusto naman din niya ang ligaya) ang kanyang dahilan lamang po ay dahil sa sobrang palagi kaya gusto niyang makipaghiwalay.

Will there any law na papanig sa reasoning ni wife :)

Ang kulit ng tanong hehehe…

Salamat! nagpaparticipate lang po :)

Reply

granger July 23, 2010 at 1:04 pm

I already answered that.

Reply

iami July 23, 2010 at 12:58 pm

puwede atang kasuhan ng girl ang hubby niya ng rape di ba?

Reply

granger July 23, 2010 at 1:04 pm

Yes under RA9262.

Reply

xerim.com July 26, 2010 at 8:50 am

wahahaa ng tagal naman nun 10 months.. nagdidiliryo na siguro si Gina kaya nakipaghiwalay.. astig ng mga artikulo mo!

Reply

jongskie July 29, 2010 at 2:24 pm

naku, sampung buwan? grabe naman yun… buti at nkapaghintay si Gina ng ganun ka tagal bago pinawalang bisa ang kasal LOL

Reply

jongskie July 29, 2010 at 2:26 pm

tsaka buti hindi nangaliwa si Gina :D sa boy, driver o yung hardinero ahaha

Reply

salbehe August 6, 2010 at 2:55 pm

Ang galing talaga ng nagagawa ng boredom sa opisina, nakapagbasa ako dito. Akala ko noong una makakatulog din ako sa pagbabasa dito pero hindi pala, nakakaaliw. Para sa mga mahirap umintindi katulad ko.

Ah, kaya ako nagkoment ay dahil nagustuhan ko ang sinabi mong “tahakin ang masalimuot na daan papuntang langit”. LOL!

Reply

bernardumali August 8, 2010 at 5:34 pm

bakit ngayon lang ako napadaan dito, astig tong site mo ah, at ang illustrations hanep hehehe.

Reply

Tito Boy August 9, 2010 at 8:05 am

Salamat Bernard Umali! Care of duking lahat ng illustrations hehe.

Ok yung Saranggola Awards, inspirational. Kung may badge ka, ilalagay ko dito. Pwede entries ni Batangmanyan at Bon doon.

Reply

mile August 12, 2010 at 1:11 am

dami pala matutunan dito!

Reply

tantantan February 3, 2011 at 4:39 pm

natawa ako sa link dun sa ‘below 18 years old’. hahaha

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: