NUMBERS’ GAME

by Tito Boy on March 6, 2011

Ang pwesto sa gobyerno ay hindi karapatan ngunit isang pribilehiyo. Ang pwesto sa gobyerno ay isang tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan.

Kaya kung sinira nila ang tiwala ng taumbayan, dapat silang tanggalin sa pwesto at panagutin.

Pagdating sa mga pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan, isa lang ang paraan para tanggalin sila sa pwesto: Impeachment.

Impeachable Officers

Ayon sa ating Saligang Batas, eto lang ang mga opisyal ng pamahalaan na maaring matanggal sa pamamagitan ng impeachment:

1)   Presidente

2)   Bise-Presidente

3)   Ang 15 miyembro ng Korte Suprema

4)   Ang mga Commissioners ng tinatawag ng “Constitutional Commissions.” Eto ay ang Commission of Elections, Civil Service Commission at Commission on Audit

5)   At ang Ombudsman.

Ang limang klaseng opisyal lamang na nakalista sa taas ang tanging dumadaan sa impeachment process.

Ang ibang opisyal ng gobyerno ay maaring matanggal sa pwesto sa pamamagitan ng ibang paraan bukod sa impeachment. Tulad ng mga senador at kongresista na dumadaan sa kani-kanilang mga electoral tribunals o ‘di kaya ng kanilang ethics committee.

[Kaya noong nadinig ko sa balita na may grupong balak ipa-impeach si Senador Lacson dahil sa pagtatago sa batas, gusto kong umiyak….sa kakatawa.]

Impeachable Offense

Ayon sa ating Saligang Batas ito ay mga dahilan o grounds para ipa-impeach ang mga opisyal na nabanggit:

1) Lantarang paglabag sa Saligang Batas (Culpable violation of the Constitution)

2) Pagtataksil sa Bayan o Treason (tulad nang muntik ibenta ni GMA ang Mindanao sa MILF)  

3) Pagtanggap ng pang-soft drinks (Bribery)

4) Pagsuot ng polo shirt na Lacoste (Graft and corruption)

5) Other high crimes

6) Pagtataksil sa tiwala ng bayan (Betrayal of public trust)

 

Impeachment Process

Simple lang ang proseso ng impeachment, ang House of Representatives ang tatayong prosecutor o fiscal at ang Senado ang tatayong hukom o judge.

Sa Kongreso

1) Complaint. Magsisimula ang reklamo o complaint sa kongreso. Bilang kinatawan ng kanilang distrito, ang mga tongresman ang magpapagulong ng proseso.

Bukod sa mga buwaya este mga tongressmen, kahit sinong indibidwal din ay pwedeng mag-file ng impeachment complaint sa House basta’t may endorsement ng kahit isang kongresista.

2) Justice Committee. Kapag nahain na ang complaint, ipapasa ito sa Justice Committee. Dito ay pag-aaralan ng Komite kung sapat ba ang porma at kung may laman ba ang complaint. Kung ang complaint ay wala kwenta at inihain upang magpasikat o nais lang kumuha ng publicity at photo ops, sa committee pa lang patay na ang reklamo.

Kung patok naman sa porma at nilalaman ang reklamo, by a majority vote ay ipapasa ng Komite ang complaint sa plenaryo upang pagbotohan.

3) Members of the House. Dito ay pagbobotohan kung uusad ang impeachment. Sa botong 1/3 ng lahat ng bilang ng kongresista ay maaring ipasa o patayin ang impeachment complaint.

Kaya sa huli numero lang ang kailangan. Kahit may sapat na laman ang complaint kung walang 1/3 vote, walang impeachment. Yan ang dahilan kaya hindi umusad-usad ang impeachment complaint laban kay GMA. Marami ang kumita este bomotong kongresista upang patayin ang reklamo.

Numbers’ game ika nga.

Sa Senado

Kung may sapat na bilang sa Kamara ay ipapasa ang complaint sa senado para sa paglilitis o impeachment trial.

Parang korte ang proseso. Ang mga kongresista ang tatayong fiscal at magpapasikat dahil live telecast ito sa ANC.  Magpi-prisinta ang mga kongresista ng testigo at tatawagin nilang “mess wetness”.

Kapag ang presidente ang nasasakdal, ang Chief Justice ng Korte Suprema ang magpi-preside ngunit hindi siya boboto.

Syempre matapos magbigay ng ebidensiya ang mga kongresista, ay bibigyan din ng pagkakaton ang nasasakdal upang magprisinta ng kanyang depensa.

Pagkatapos ng trial o paglilitis ay pagbobotohan ng mga senador na tumatayong judge o hukom ang pasya o verdict sa pamamagitan ng 2/3 votes ng lahat ng miyembro.

Kaya numbersgame ulit ang usapan pagdating sa senado.

 

Political Exercise

Ang impeachment process ay isang political exercise at hindi isang judicial proceeding.

Sa isang ordinaryong korte o  judicial proceeding kasi, ibinabase lamang ng hukom ang kanyang pasya sa merito ng kaso, depende sa ebidensiyang iniharap dito. No more, no less.

Ngunit sa impeachment proceeding ang mga senador ay boboto hindi lamang dahil sa ebidensiyang ipiniresenta sa harap niya kundi dahil sa kanyang paniniwala. Kumbaga ito ay isang “vote of confidence

Bilang opisyal na hinihalal ng taumbayan, ipinagkatiwala ng mga Pilipino sa mga senador na boboto sila ayon sa kanilang konsensiya.

In short, kahit malakas ang kaso labang sa nasasakdal, maari niyang ipawalang sala ito. O kung mahina naman ang kaso ng mga tongressmen dahil puro sila pasikat, maari pa rin bomoto ang senador na i-convict ang nasasakdal dahil ito ang sinasabi ng kanyang konsensiya matapos isaalang-alang ang pulso ng sambayanan.

Dito papasok ang party consideration.

Kung tutuusin, bago pa lang mag-umpisa ang impeachment trial ay maari mo nang malaman kung ano ang kalalabasan ayon sa partido ng mga senador. Kung malakas ang nasasakdal sa mga senador, lahat ng proseso ay mababalewala dahil nasa kanya pa rin ang numero.

Halimbawa dito ay yung impeachment trial ni Erap, kung saan nasa panig niya ang majority ng mga senador na bomoto upang huwag buksan ang “second envelope”. Dito pa lang ay kita na kung papano boboto ang mga senador kung matatapos ang impeachment trial.

Ngunit hindi na pinaubaya ng sambayanan sa kamay ng mga senador ang pagpapasya. Bandang huli, ang milyon-milyong Pilipino ang nagtipon-tipon ang nagpakita ng sarili nilang numero, and the rest is history.

Numbers’ game pa rin bandang huli.


 

——–

“Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people…”

-Section 1, Article XI, 1987 Constitution.

 

{ 15 comments… read them below or add one }

BM March 6, 2011 at 10:55 pm

BASA!

Reply

mile March 6, 2011 at 10:57 pm

wow late ako

Reply

mile March 6, 2011 at 10:59 pm

ang inaantay ko ma impeach si ombusdman.. inuupuan ang kaso ! grabe tlga!

Reply

BM March 6, 2011 at 11:35 pm

“madam wetness” haha. hopeless na yata panyero na mabago pa ang systema ng impeachment natin sa bansa…numbers’ game nga talaga pala. pera-pera lang ang laban. eh di si ombudsman eh may posibilidad pang mawala na lang ang complaint sa kanya. ito sa’yo ombudsman, SLN!

Reply

BONISTATION March 7, 2011 at 6:20 am

at 3 times lang ba pwedeng mag file ng complain sa loob ng isang taon? kaya si crush ng bayan (merciditas) ay nang hingi ng tulong sa supreme court dahil pungpog sya ng complain? haha

salamat po sa siksik ng impormasyon. ^ ^ kala ko dati presidente lang ang na iimpeach.. lima pala sila hehe.

Reply

BON 2.0 March 7, 2011 at 6:21 am

pasabit! haha!

Reply

Ronald Redito March 7, 2011 at 1:24 pm

“Ang pwesto sa gobyerno ay hindi karapatan ngunit isang pribilehiyo.”

Kaya pala sila-sila na lang ang nakaupo.

Benigno Aquino Sr.
Benigno Aquino Jr.
Cory Aquino
Noynoy Aquino
Kris Aquino sa 2016.

Reply

ken March 8, 2011 at 3:21 pm

atty may stages din po sa arson?meron bang attempted o frustrated?

Reply

callboy March 9, 2011 at 5:00 pm

Parang raffle draw lang pala plenaryo Atty. The more entry of senators has, the more chance of winning.

Ibig po sagihin nito kahit GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT ang dapat ma-impeach as long as the accused has the right number wala din justice.

As the saying goes “PERA PERA LANG YAN.”

Reply

granger March 10, 2011 at 11:07 am

walang determination of guilt beyond reasonable doubt jan, di yan judicial proceeding

Reply

futuredaddy March 14, 2011 at 7:09 pm

Maganda sana ang impeachment proceeding kung ang mga senador na tatayo bilang mga huwes ay magde-decide base doon sa kanilang sariling pananaw at prinsipyo. Ibig kong sabihin ang kanilang judgment ay hindi base sa decision ng kanilang partido. Dapat ay base pa rin kung paano nila pinag-aralan ang mga testimonya at ebidensiya isinumite sa kanila ng magkabilang panig. Kahit sabihin natin na ito ay isang political exercise at hindi ordinaryong judicial proceeding, sa tingin ko mas makakabuti pa rin na maging tapat sila kung dapat ba talagang i-impeach ang isang opisyal o hindi. Sa makatuwid mas magiging makabuluhan ang boto na ibibigay nila kung ito ay galing sa sariling decision at hindi impluwensiya ng kapartido lamang.:)

Reply

xtremus March 23, 2011 at 8:11 pm

Akala ko pwedeng tanggalin nang presidente ang Ombudsman, mahaba pala ang proseso.
I hope sa Senado gawin nila iyong naayon sa kanilang pananaw at ebidensya kung nararapat bang impeach si Marci. May God Bless our Country.

Reply

joger March 27, 2011 at 12:16 am

pagkatapos maempeach c ditas na mga senador, ano kasunod?, may hatol din ba para makulong… o tanggal lang cya sa upuan niya….. at ipahiram sa iba ang upuan para cya naman ang uupo sa mga kaso….ngak.

Reply

mikey March 27, 2011 at 10:59 pm

oust lang… kakasuhan sa sandiganbayan kung gusto ipakulong… at sa ombudsman isasampa ang kaso (the irony)

Reply

granger March 27, 2011 at 10:53 pm

Tanggal lang. Nasa estado na kung gusto sya sampahan ng kasong kriminal.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: