THE HUNK

by Rob aka Tito Boy on January 8, 2010

SIYA SI RODRIGO DACOYCOY. Isang gwapitong med rep, matipuno at makisig. Popular dahil sa kanyang ka-machohan kaya lahat ng babae, may ngipin o wala, ay gusto siyang yapusin. Pati mga bading ay kina-babaliwan rin ang kanyang bato-batong katawan at ang abs niyang mala-pandesal.

Bawat lugar kung saan siya na-destino ay meron siyang babae. Wala siyang sinasanto, taga-miriam, scholastican, paulinian, povedan, at pati bosconian, tinalo niya. Ngunit ni isa ay wala siyang dinala sa dambana ng simbahan at tuwing tatanungin siya ng kanyang mga syota ang tanging sagot niya: “Sorry, I’m not the marrying type“.

Bukod sa pagiging pogi ay makamandag din ang dugo niya. Kaya ‘yun, ang dami niyang dayunyor at lahat panganay. Kapag pinagtabi-tabi mo ang maliliit na Dacoycoy ay parang poster shoot ng United Colors of Benetton. Isa siyang deboto ng simbahan kaya sinusunod lang naman niya ang utos ng bibliya “Humayo at magparami”.

Dahil sa gusto niyang palawigin ang lahing Dacoycoy,  nais niyang ipagamit ang kanyang apelyido sa bawat isa. Ngunit hindi siya pinayagan ng NSO dahil lahat daw yun ay illegitimate.

Hindi nag-iisa si Rudy.

Iyan din ang dilemma ng isang senador na biniyayaan ng ka-gwapuhan, kakisigan, pamatay na bigote at mahigit 45 na anak (sabi ng iba 80 daw, hindi ako magtataka). Kaya ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang i-akda ang RA 9255 o An Act Allowing the Illegitimate Children to Use the Surname of Their Father. Tailor fit diba?

Bago ko ipaliwanag ang RA 9255, ay ibigay ko muna sa inyo ang background ng batas.

Una, sino ba ang legitimate at illegitimate child?

LEGITIMATE

1. Mga batang pinanganak sa loob ng kasal ng kanyang mga magulang (during the marriage). Ang mga batang conceived sa loob ng kasal ay legitimate rin. Conceived, ibig sabihin kelan nagtagpo ang sperm at egg. In short, kelan ginawa.

Kaya kung ipinanganak ang bata pagkatapos na-annulled ang kasal ay legitimate parin yun kung ginawa siya bago pa nangyari ito.

Nais ko linawin na iba ang annulment sa nullity. Bukod sa iba ang dahilan (grounds) ng dalawa, iba rin ang epekto. Ang annulment ay para sa valid na kasal ngunit naging invalid kinalaunan (voidable).

Ang nullity naman ay talagang void ang kasal sa simula. As-in wala, nada, zero. Parang walang nangyari. Parang hindi kayo nag-palitan ng “I do”. Para lang isang masamang panaginip. Isang halimbawa nito ay ang kasal na napawalang bisa dahil sa psychological incapacity.

Marami kasi akong naririnig sa radyo at tv na “nagpa-annul” daw ang dalawang artista pero psychological incapaciy pala ang ginagamit na ground. Mali yun. Dapat ang tawag dun “sila ay nagsampa ng nullity of marriage” hindi “nagpa-annul”.

2. Mga batang ginamitan ng artificial insemination. Kailangan gumawa ng kasulatan ang mga magulang at ipa-record sa Civil Registry kasama ng birth certificate ng bata. Ang donor ng sperm o surrogate ay hindi kikilalaning magulang.

ILLEGITIMATE:

1.  Mga batang pinanganak sa magulang na hindi kasal. Kasama diyan ang live-in o tinatawag na common-law marriage, kahit single silang dalawa o walang legal impediment para magpakasal.

2. Mga batang pinanganak sa loob ng kasal ng mga magulang ngunit kanilaunan ay nagkaroon ng declaration of nullity. Pwera na lang kung ang ground ay psychological incapacity. Kaya maganda talaga itong psychological incapacity, napawalang bisa na ang kasal mo, legitimate pa ang mga anak mo.

2. Mga batang pinanganak sa pakiki-apid (adulterous relation). Kahit pinanganak ang bata sa loob ng kasal, e kung iba naman tatay, syempre hindi na legitimate yun.

RA 9255

Nakalagay sa Art. 176 ng Family Code na ang illegitimate child ay dapat gumamit ng apelyido ng ina. Kahit parang carbon copy pa ni dayunyor ang kanyang tatay, hindi niya pwedeng gamitin ang apelyido nito. Binago ito ng RA 9255, kaya ngayon ay pinapayagan na ang illegitimate child na gumamit na apelyido ng ama.

Pero syempre dapat pumayag ang tatay.

Mahirap na, baka kasi isang umaga paggising mo ay magugulat ka na lang na may bata sa pinto ng bahay mo at humihingi ng baon at nang tinanong mo pangalan ay Jr. mo pa pala!

Ang pahintulot ng tatay ay dapat ilagay sa isang dokumento na public or private.

Public document ay maaring ang Affidavit na makikita sa likod ng birth certificate o kahit anong Affidavit na notaryado at nagsasaad na kinikilala niya ang anak bilang kanya.

Private document naman ay hindi notaryado pero dapat nasa sulat kamay mismo ng tatay at pirmado.

SINO ANG MAG-FILE

Kahit sino sa mga ito: ang mismong tatay, nanay, ang anak (kung nasa hustong edad), o taga-pangalaga (guardian) ng bata.

SAAN

Sa Local Civil Registry Office (LCRO) ng lugar kung saan pinanganak ang bata. Kung ang bata ay pinanganak sa labas ng bansa o ang mga dokumentong nabanggit ay ginawa ng tatay sa labas ng bansa, ay mag-file lamang sa LCRO ng Manila.

ANO ANG I-FILE?

Ang public document na ginawa ng tatay.

Kapag ayaw makisali ng tatay pero mayroon kayong hawak na  private document na ginawa niya dati (noong nalasing siya) na kinikilala ang anak niya, samahan ninyo ng Affidavit to Use the Surname of the Father at dalawang (2) record ng tatay bilang patunay, tulad ng  SSS/GSIS, ITR, employment record, insurance, certificate of membership of any organization, statement of asset and liabilities.

Nililinaw ko na hindi ibig sabihin na kapag isinumite ninyo ang  public o private document sa LCRO ay papalitan na ang entry ng pangalan sa birth certificate. I-annotate lang ito sa birth certificate at nakalagay dun na pumayag ang tatay na ipagamit ang apelyido niya sa bata.

Ang mga taong pinanganak bago ang batas na ito ay sakop pa rin, kaya’t mabuti pa ay hingin na ninyo ng pahintulot ng kanilang mga ama bago pa sila kunin ni Lord. Hindi na kasi nakakapagsalita ang patay, hindi na niya masasabi ang tunay na nangyari noong gabing ‘yon at maitatanggi ang akusasyon.

Kung ayaw ninyo dahil hindi naman karapat-dapat para sa inyo ang kanyang ama, ok lang din. Wala namang pumipilit. Pero kung ang ama ay isang bilyonaryo at maraming ring anak, nako bilis-bilisan mo para maambunan ka ng mana.

‘Yun lang po.

———————–

“The child should not suffer the stigma of his illegitimacy” – Ramon Revilla Sr.

Sources: Republic Act 9255 An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the “Family Code of the Philippines”. Family Code of the Philippines, Republic of the Philippines vs. Trinidad R.A. Capote, G.R. No. 157043, February 2, 2007

{ 55 comments… read them below or add one }

BatangMangyan January 8, 2010 at 9:04 am

BASE…

legitimate ako..haha. salamat sa impormasyon.

Reply

Rob aka Tito Boy January 8, 2010 at 9:19 am

Baka gumawa ka ng illegitimate haha…

Reply

BatangMangyan January 8, 2010 at 2:57 pm

pwede…..hahaha.

Reply

bonistation January 8, 2010 at 6:53 pm

galing! uu nadidinig ko na ung ganyan batas pero wala ako idea na si sen.revilla sr. pala ang nag akda.. proper naman din kasi yun. naobserve na natin dati ung mga illegitimate nahihirapan din magpaliwanag minsan sa mga kaklase o kaibigan kung bakit aplido ng nanay nila ang gamit dun palang parang dyahe na kasi na “anak ka sa labas”. mainam nadin yang batas na ganyan. sala mat po uli sa inpormasyon.

kasulatan lang po ba talaga ang requirement? at basta pumayag ang tatay? hindi na kailangan ung magastos pang DNA tests, atbp.

Reply

Rob aka Tito Boy January 8, 2010 at 11:44 pm

Bon ang DNA test nire-require kapag nag-contest ang tatay na hindi sa kanya. Kapag payag naman, edi mas ok. Mahal kasi DNA test mga 70K ata or more.

Reply

GLENNZ April 20, 2010 at 5:34 pm

TITO BOY,
ASK KO LANG PO APELYEDO KO PA GAMIT NG ELDEST,ILLIGITMATE PO SYA, ANO PO BA ANG MIDDLE NMAE NYA? MIDDLE NAME KO RIN PO BA?

Reply

xtremus24 January 9, 2010 at 4:33 am

ganda nang paliwanang mo tito boy….
una ko palang narinig ang batas na yan…. ako’y natuwa dahil maraming matutulungan ang batas na yan….

Ang mahal pala nang DNA test… tapos hindi pala sayo…. masasakal mo ung nanay….hehheh

Reply

jongskie721 January 9, 2010 at 12:40 pm

hmmmmm… pweded :D hahahaha

kasi po,ako ay legitimate child :) and anak ko lang ang hindi.. hehehe kasi single-mom ako,pero okay lang din naman sa akin na dalhin nya ang apelyido ko kasi wala din naman akong hiningi mula sa tatay niya :)

Reply

Rob aka Tito Boy January 9, 2010 at 3:07 pm

Buti naman :) Isa kang ulirang ina.

Reply

jongskie721 January 10, 2010 at 4:02 pm

salamat.. alam ko aksi na mas mabuti kung hindi ko ipagpipilitan ang ayaw :) i mean, i don’t wanna get married for the wrong reasons. so better leave it there.

Reply

Roger January 10, 2010 at 2:07 pm

ako ay isang illegitimate child. sa paanong paraan? secret. hahahaha :D

Reply

strategist February 3, 2010 at 12:36 am

tanong lang po tito boy (nakiki tito lang) kasi po yung aking napangasawa ay may ilegitimate child. gusto ko pong ilipat sa aking apelyido ang bata. paano po ang magiging proseso nun?

maraming salamat po at marami akong natututunan sa blog nyo.

Reply

Rob aka Tito Boy February 3, 2010 at 7:59 am

@strategist

Salamat at may natututunan ka sa site na ito
at welcome ka lagi dito!

Punta ka sa forum para sa sagot sa tanong mo:

http://www.panyero.net/forum/index.php?topic=6.0

Reply

strategist February 4, 2010 at 9:14 pm

Maraming salamat sa reply nyo Tito boy.

Reply

FlameHEart March 8, 2010 at 8:14 pm

hello po…my problema po kc ako and im not really sure wat to do.may anak po kmi ng live in partner ko(di kc kmi kasal bgo ako inutusan ng parents niang pumunta ng overseas pra magtrabaho)..ung anak ko po nasa tatay nia til now,ako sustento s bata since nagpunta ako abroad pra magtrabaho.but since sept.(2009)til now khit anung tawag ko sa kanila ayaw ni lng ipakausap ang anak ko at ayaw din ng tatay ng bata akong kausapin at mga padala kung allowance ng bata d n rin nila tinatanggap,d nrin nila idinadalw and bata sa family ko..means pinutol n nila lhat ng communication namin sa bata.at ang sabi ng parents ng tatay ng bata wala daw akong karapatan sa kanya dhil wala daw akong bnbgay n sustento at cla daw ang mas may karapatan dhil cla nag aalaga..and tatay ng bata ang tumatanggap ng perang pdla ko.gamit ng bata ang apelyedo ng tatay nia(btw may ibang kasintahan nrin ang tatay nia na wala man lng pasabi oh sana nakipag ayos man lng skin,but dats ok)ang concern ko po may pag asa po b akong kunin and bata sa kanila pag uwi ko?kung hindi po cla payag ibagay ang bata skin knino po ako pwedeng humingi ng tulong?anung mga proseso ang pwede kung gawin?thanks 4d help…GOD BLESS

Reply

Rob aka Tito Boy March 9, 2010 at 7:55 am

@Flameheart, ang batang pitong (7) gulang pababa ay dapat nasa puder ng nanay. Punta ka dito at mag file ka ng Writ of Habeas Corpus, kung saan uutusan ng korte ang tatay o sinumang may hawak sa bata at ibigay sa iyo. Immaterial kung sino ang nagsusustento.

Sana nakatulong.

Reply

granger1220 March 9, 2010 at 10:27 am

can an arrangement between the married parents of a child, who mutually decided to separate, below 7 years of age be valid that the parents share custody at least on a bi-monthly basis or monthly basis?

Reply

Rob aka Tito Boy March 9, 2010 at 4:44 pm

@granger, yes, it is valid. It is not contrary to law, customs, morals & public policy. If the parties agreed.

Reply

FlameHEart March 11, 2010 at 10:39 pm

Hello po,salamat po sa reply.GOD BLESS!!^_^

Reply

ms. query March 12, 2010 at 5:16 pm

Good day atty. have question with regards to change of name kasi my adopted kami na babae 1.5 year old pa xa napunta sa amin we decided to change her name and she want it also since shes in her college now.
1. Ano ba ang legal process pg change of name ive heard e file pa in court or may hearing process ba yon?

2. how long usually it take?
3. since shes below 18 may consent kasi na penermahan ang parents nya that was when she ws stil at her grade skul was it valid paba if we’re going to use it kasi na discontinue kasi namin yong processing namin before due to finances.
4. kung magwait nlang kami until she gets at her 18 y.o. kailangan paba parents consent kung gusto tlga ng bata ipa change na ang name nya? madali lng po ba i process? hoping for your urgent reply thanks so much

Reply

Tito Boy March 13, 2010 at 7:05 am

@ms. query, yes it will undergo court process.

Two ways of doing it, its either you adopt her (if you are related to her by blood), or you can just change her name through a petition in court.

She don’t need to be of legal age. You can file a case in her behalf as guardian.

Reply

FlameHEart March 13, 2010 at 9:06 am

Hello po ulit.Back here for some question.Magkanu po ba ang pwedeng magastos at anu ang mga kailngan ng korte if mag file po ako ng Writ of Habeas Corpus?Thank u po ulit!God Bless po.

Reply

FlameHeart March 13, 2010 at 9:41 am

Hello po again..post ko ulit tanung ko tito boy kc d ata nag appear my kunting error knina…Tanung ko po,if mag file po ako ng Writ of Habeas Corpus,anu mga kailangang pwedeng hanapin ng korte at magkanu po ang pwede kung magastos?thank you po again and GOD BLESS!!

Reply

spac3crow April 18, 2010 at 6:17 pm

tito boy, may katanungan rin po ako, nandito po sa link na to yung kumpletong detalye http://www.panyero.net/forum/index.php?topic=266.0

sabihin na po nating ganito, 2 ang naging birth certificate ng anak ko, isang ORIG at isang LR(late registered). ang LR po ang ginagamit ng anak ko sa pagaaral dahil apelyido ko ang nakalagay dito samantalang apelyido ng ina ang nasa ORIG. (hindi pa kasi kami kasal at wala pang revilla law nuong 2000) ang problema po, marami palang mali sa hinayupak na LR BC na pinagawa ng nanay ko at gusto ko sanang ipaayos na lang ang ORIG dahil pwede naman na palang gamitin ng bata ang Apelyido ko. malaki ba ang magiging epekto nito sa pagaaral ng anak ko since yung LR ang ginagamit nya sa pagaaral? salamat tito boy.

Reply

Tito Boy April 19, 2010 at 7:27 am

@spac3crow,

Wala naman akong nakikitang epekto sa pag-aaral ng anak mo dahil una hindi naman niya kasalanan. Pangalawa, talaga namang may karapatan ang anak mong gamitin ang iyong apelyido.

Retroactive naman ang epekto ng Revilla Law kaya kapag naitama na ang Orig na BC ng anak mo ay epektibo na rin ito sa araw ng kanyang kapanganakan.

Tignan mo muna kung ano ang nasa record ng NSO, kung yung orig or LR para hindi magulo ang records ng anak mo.

Reply

spac3crow April 21, 2010 at 2:15 pm

so kung sakali pong napaayos ko yung orig na birth certificate ng anak ko, pwede nang iyon ang gagamitin ko pag humihingi ng birth certificate ang school na pinapasukan nya? hindi po ba magcontradict yung records nya dahil dun sa Orig na BC nya eh 10yrs old na sya pero yung sa ginagamit nya sa ngayon ay 9yrs old pa lang sya? ok lang po ba yun?

Reply

Rob aka Tito Boy April 24, 2010 at 7:31 am

Kung napaayos mo ang orig, cancelled na yung isa. Basta ang NSO copy lagi ang magpe-prevail.

Reply

spac3crow June 7, 2010 at 11:51 am

Tito boy, ok na po.. salamat sa payo mo.. naway marami ka pang taong matulungan. God Bless.

GLENNZ May 3, 2010 at 11:29 pm

hello po,ask ko din po , ung sa share custody ng bata, ano po gagawin?knino po lalapit or mkipag usap para magkaroon ng kasunduan sa custody ng bata, ung ama kasama nya ung anak nila na babae sa cebu, at ung ina nman ay nsa manila, paano po ang share custody nun?
salamat po…..

Reply

chie June 22, 2010 at 12:14 am

hello po. i have a 15 y/o son and i had him when i was 17. me and his father got married 5 mos after his birth. my problem is, iba ang name nya sa BC nya sa ginagamit nya sa school and sa baptismal nya. kasi when he was baptized, ginawa syang junior ng byenan ko. anong process ang pedeng gawin para mapalitan ang name nya sa bc nya? isa po bang masalimuot madugong proseso ito? madugo as in magastos? and of ever na magastos, pede ko bang ibalik na lang ang name nya accdg sa name nya sa BC? allowed ho ba to sa school? salamat po ng marami

Reply

granger June 22, 2010 at 10:40 am

The name on the BC prevails. Unless you want to change the first name of your son, then you can use RA9048 for relief but only based on the grounds stated there otherwise you need to go to court.

Reply

chie June 22, 2010 at 9:55 pm

how about his surname.. his surname kasi sa akin… madali ho ba ang process ng surname nya?

Reply

granger1220 June 22, 2010 at 10:25 pm

Try mo RA9255.

Reply

sherwin June 30, 2010 at 3:23 pm

Tito Boy paano po kung pineke lang yung pirma nung pinipilit nilang tatay nung illegitimate child? pano ba mapapatunayan na peke ang isang pirma? saan dapat magreklamo? salamat po ulit!

Reply

granger1220 June 30, 2010 at 6:47 pm

san ba nakapirma?

Reply

sherwin July 1, 2010 at 12:19 pm

sa birth certificate po. na nakalagay eh inaacknoledge nya na siya ang tatay nung bata.

Reply

granger July 1, 2010 at 1:00 pm

file civil case for petition for cancellation of entry of birth and criminal case either for usurpation of civil status, perjury in solemn affirmation, falsification of public documents

Reply

isa vidal July 11, 2010 at 8:34 am

sir, gud day po! halimbawa po 2001 po pinanganak yung bata sa america eh hindi po kasal yung mga magulang niya pede po ba niyang magamit nung panahon na yun sa US ung apelyido ng tatay niya? kahit di sila kasal?

Reply

Jet July 11, 2010 at 4:56 pm

makikiepal ako…

first, kung pinanganak si bata sa america, at pinoy ang magulang nia, dual citizen na siya.

insofar as the phil.law is concern,
di pa po pede gamitin yung surname. unless na lang kung kinikilala nung tatay yung anak,…
illegitimate child shall use the surname of the mother, pero kapag kinilala ni tatay si anak, such as sa mga written documents kung san nakasaad na anak niya yun, magiging legitimate na si bata kaya pwede nia ng gamitin yung surname.
that is of course under the Philippine .

pero ewan ko lang kung may law sa america na nagpprovide na pwedeng gamitin ni anak yung surname ni tatay.

ayun, wala, try ko lang, di din ako sure kung tama ahahah!
anatayin na lang natin sagot nila granger at tito B

Reply

granger1220 July 11, 2010 at 7:09 pm

Children conceived and born outside a valid marriage are illegitimate, unless otherwise provided in this Code.

Illegitimate children shall use the surname of their mother. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by their father thru the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father.

However, the recognition above does not change the status of the child from illegitimate to legitimate for it is a mere admission of illegitimate filiation to allow the use of surname of the father. Only thru legitimation or adoption can the child’s status be changed to legitimate.

Reply

isa vidal July 13, 2010 at 8:24 pm

sir, salamat po sa pagsagot ng tanong ko…ganun po ba yung law sa states talaga? maari talaga gamitin nung bata yung surname ng tatay?

ano po yung mga halimbawa ng documents na pwedeng naipakita nung tatay during those times para magamit yung apelyido ng tatay?

at halimbawa po pinanganak naman sa Pinas yung bata 2001 nga po dito sa Pinas, pwede na po ba gamitin ng bata ang apelyido ng tatay? o kailangan po ulit ng kasulatan?

Ano po ba ang makukuhang porsiyento sa kita ng batang illegitimate sa ama niya po?

salamat po sorry po marami lang pong gustong malaman

thank u at meron pong ganitong site na maaring mapagtanungan =)

Reply

granger1220 July 13, 2010 at 10:02 pm

Just to clarify, we only talk of Philippine laws here, we made no mention of any law in the US.

Your question was already answered above when it comes to use of surname of an illegitimate child.

The illegitimate child shall have the right to be supported by the illegitimate father, if he is recognized by the putative father. Otherwise, he is not entitled to support.

Reply

isa vidal July 15, 2010 at 8:00 am

thank you sir =)

Reply

Lhuwie July 30, 2010 at 9:24 pm

Magkanu po usually ang nullity of marriage here in the Philippines?how long po ung process???reply po Kayo pls…thnx

Reply

maoy August 20, 2010 at 8:41 pm

Hello po! my niece is an illegitimate child, sa BC niya wala yung name ng father niya. Ngayon, gusto na ng tatay niya na gamitin yung last name niya, pano po ang pag-change ng last name nung bata? thank you so much!

Reply

granger1220 August 20, 2010 at 11:11 pm

Di basta-basta yan. There is presumption of legitimacy.

Reply

nicole September 11, 2010 at 12:43 am

hi po ask ko lng po kng paano mapapalit ang apilyedo ng anak ko ? ksi apilyedo ng tatay nya ang gmit gsto ko sna sa akin na…..4year na ng anak ko…hnd kme kasal…. anak ko sa pag kadalaga..sana pa2lunga mo ako kc gsto ko maka pag aral anak ko….na gmit nya apliyedo ko..pls and tnx…….god bless

Reply

granger September 12, 2010 at 9:16 am

The illegitimate child shall use the surname of the mother. Pero if recognized illegitimate child pede surname ng father gamitin kung pumayag ang tatay at gusto ng bata.

Reply

Flav Arbasto December 21, 2010 at 8:35 pm

gud day po, ask ko lang kung paano ko machange ang name ko legally from Flav A Arbasto to Flav A Arbasto Sr , dahil may anak na po ako na sinunod sa pangalan ko Flav T Arbasto Jr. Thanks

Reply

AHM May 6, 2011 at 1:20 pm

i just gave birth, and i used my surname to my child (conceived out of wedlock), father unknown at all. Question know is what is the middle name to be used of my child?

Reply

vsiomai October 1, 2011 at 10:04 am

tito boy, gusto ko lang pong isangguni sa inyo ‘yun pinoproblema ko sa BC ng 2 kids ko. gusto ko na kaseng papalitan na lang ang apelyido ng mga anak ko at isunod na lang sa apelyido ko since hindi naman kami nagsasama na ng father nila at ako na ang nag-support sa kanila eversince although acclaimed naman sila parehas ng papa nila sa BC kase present nmn ang papa nila when they were born at maayos pa naman kami nun. Kaso nga napaka-iresponsable niya at di niya kami mabigyan ng maayos na buhay (wala siyang trabaho until now at mabisyo pa). Ano pong dapat kong gawin? LR pa po ang anak kong panaganay at according sa nakausap ko sa local registrar pwede ko pa daw ipabago ‘yun apelyido ng anak ko at isunod sa akin. kung ganon po ang gawin ko maiden name at middle name ko po ba ang gagamitin ng anak ko? parang lalabas namna na kapatid ko siya? at un sa bunso ko po naman paano ko po mapapalitan yun e nakalagay na talaga sa BC niya yun apelyido ng tatay. ayoko naman po na magkaiba ang apeliydo nilang dalawa.. magkano po kaya ang magagastos at gaano katagal ang proseso. mag-aaral na po kase ‘yun panganay ko. hindi po kaya magka-problema pag dating ng panahon na apelyido ko ang gamit nila? pls tulungan niyo po ako.. =((

Reply

jay January 29, 2012 at 11:22 pm

magandang araw tito boy, Tanong ko lang po kung pano ang dapat kong gawin sa problema ko..kasi ang gamit kong apilyido ay sa ex-hasbond ng nanay ko. pano ko po papalitan ang surname ko?may pag asa pa bang mapalitan ko?gusto ko po kasi gamitin ang surname ng totoo kong tatay. nung ipinanganak kasi ang nilagay na suname sakin ay yung sa ex-hasbond.pero wala rin pirma sa B.C ko si ex-hasbond ng mother ko..kasi yung totoong tatay ko hindi nya ako makuha abroad kasi ang gamit kong surname iba…

sana tito boy matulungan nyo ako. salamat po!! :) )

Reply

acelkate April 25, 2012 at 10:18 pm

Gudpm po! i hope matulungan niyo po ako aaminin ko po isa akong mistress and now buntis sa 2nd child with the same guy ung first child nka apelyido sa kanya pero yung pangalawa ayaw na niya dahil madedehado daw yung asawa niya at baka magdemanda na daw yung babae meron kasi silang isang anak pwede po ba yun sinasabi niya advise daw po yun ng attorney niya salamat po

Reply

Tito Boy April 28, 2012 at 9:35 pm

Pwede ka rin mag-hain ng kaso to claim legitimacy para sa bata. Isama mo na rin sa kaso ang claim for support at criminal case under RA 9262 (violence against women and their children)

Reply

acelkate April 30, 2012 at 11:34 am

Tito boy san ko po ba kayo pwedeng ma contact? nais ko po kasing humingi ng legal advise pakiramdam ko kasi ginagawa na akong tanga ng lalaking un pagdating sa batas may personal attorney kasi siya salamat po

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: