Meron ka bang kapitbahay na may mala-mansyong bahay at punong-puno ng magagarang sasakyan ang garahe? Lagi ba siyang pumupunta sa ibang bansa at ginagawang parang Quiapo lang ang Hongkong upang mag-shopping?
Hindi naman siya negosyante at wala ka namang alam na maaring niyang pagkakitaan kundi ang kanyang sweldo bilang isang ordinaryong empleyado ng gobyerno. Something is very wrong there my friend.
Ayon sa R.A. 6713 (Sec. 8), lahat ng empleyado ng gobyerno ang kailangan mag sumite ng Statement of Assets and Liabilities and Net Worth at Disclosure of Business Interests and Financial Connections. Dito nakasulat lahat ng impormasyon tungkol sa kanyang ari-arian e.g. bahay, sasakyan, investments, pera sa bangko, stocks, shares sa kumpanya, negosyo, etc. Ang hindi sumunod dito ay maaring makulong ng limang (5) taon o multang P5,000.00 (seriously?), o kulong at multa.
Ayon rin sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang empleyado o opisyal ng gobyerno na hindi nag-file SALN pagka-upo sa tungkulin tuwing Enero taun-taon hanggang siya ay magretiro o mag-resign ay maaring matanggal sa serbisyo at sampahan ng kasong kriminal.
Ayon naman sa R.A. 1379 o ang Anti-Ill-Gotten Wealth Law, kapag ang isang empleyado o opisyal ng gobyerno ay nagkamal ng limpak-limpak na yaman “which is manifestly out of proportion to his salary,” ay isa itong prima facie o pinapalagay ng batas na nakuha sa sa masamang paraan. In short, eto ay mula sa kickback, tongpats, bukol, lagay, pang-softdrinks, pampadulas, at kung ano pang tawag dun.
Kaya kung hindi idineklara sa SALN ang ilang ari-arian, bukod sa pagkatanggal sa serbisyo at kasong kriminal, maaring ring mag-petisyon ang estado upang kumpiskahin o i-forfeit ang ill-gotten wealth pabor sa gobyerno.
Bukod dito, maari ring kasuhan ng perjury ang taong hindi nagdeklara ng materyal na impormasyon sa kanyang SALN o nang Falsification of Public Documents under Article 172 ng Revised Penal Code, kung may falsity o kasinungalingan sa kanyang SALN.
Kaya dito makikita natin ang kahalagahan ng SALN. Isa ito sa madali at episyenteng paraan upang mahuli ang corrupt na opisyal ng gobyerno. Lahat nagsisimula sa SALN. Tignan mo si CJ Corona, dito unang tinitira.
Bumalik tayo sa kapitbahay mo. Kung gusto mong ipaalam sa autoridad ang kanyang mga tagong ari-arian, sumulat lang sa Ombudsman sa pamamagitan ng snail mail. Hindi mo kailangang ilagay ang iyong pangalan bilang proteksyon. Titingnan lang nila ang SALN nito, at kung hindi ito dineklara, alam mo na ano ang mangyayari.
Kung tutuusin, madali lang mahuli ang isang kurap na opisyal o empleyado ng gobyerno dahil sa SALN. Mahirap kasi maitago ang yamang hindi pinaghirapan. Kulang lang talaga sa implementasyon. Isipin mo, ayon sa batas, kapag may yamang hindi maipaliwanag, ipapalagay agad na galing ito sa iligal. Ang daling patunayan.
Ang problema, may mga kurap nang pamilya na sa ilang henerasyon nang buyawa ay nalinis na ang maduming pera. Inilagay na ang kanilang mga kinurakot sa lehitimong negosyo. Kaya kapag kinuwestyon, sasabihin lang nila na galing ito sa negosyo at dati na silang mayaman. Yung iba naman, gagawing bloated ang SALN at kapag naka-delehensya ay wala nang itatago kasi nauna na ito sa SALN.
Ang mga Pilipino nga naman, magaling magpalusot.
Anyway, magandang bagong taon sa lahat. Gusto ko rin magpasalamat at dalawang taon na rin tayo sa Panyero.Net. Sanay marami kayong natutunan at pipilitin nating ipagpatuloy ang ating misyon na ipaliwanag ang batas sa pinakasimpleng paraan =)
Sabi nga ni Manny Pacquiao: “Maraming salamat kay Jengke at sa inyong walang sawang supurta!”
———–
Behind a great wealth is a crime – Anonymous



{ 12 comments… read them below or add one }
Base muna =P
dada nang dada si neil tupas-cio. heheh
“Anyway, magandang bagong taon sa lahat. Gusto ko rin magpasalamat at dalawang taon na rin tayo sa Panyero.Net. Sanay marami kayong natutunan at pipilitin nating ipagpatuloy ang ating misyon na ipaliwanag ang batas sa pinakasimpleng paraan.”
Magandang bagong taon din. Sana di ka magsawang magpost dito at sana maraming taon pa ang magdaan at di ito matatapos. marami po kaming natutunan sa mga post mo. kahit di ako nagko-comment, parati po akong nakasubaybay sa post nyo. Alam ko pati abogado natutulungan nitong mga post mo, lalo na kaming hindi abogado. Maraming salamat at may ganitong site.
Salamat din Atty. Astig ang post na ito.tatandaan ko ang mga R.A. 1379 dahil balak kung maglingkod sa publiko balang araw hehehe.Skul mona ako ng abogasya.naks!
nice one Sir Atty.
tuloy tuloy mo lang po sana
pag eeducate sa men sa batas. =)
salamat atty. sa walang sawang pagbibigay liwanag sa masalimuot nating mga batas. sana lalo mo pang madagdagan ang aming kaalaman tungkol sa batas.
Mabuhay po kayo.
Maraming Salamat din Atty.at napakarami ko natututunan sa mga post mo.
may kilala ako empleyado ng custom..4-6 years lang cya don ngayon tig-iisa n ng sasakyan ang kanyang immediate familay..papali-palit pa cya ng sarili niyang sasakyan..at hindi lang basta basta ang kanilang sasakyan ha..as in fortuner..estrada..balita ko ngayon nakapagtayo na din cya ng sarili niyang brokerage kaya daw talgang yumaman na cya ng nag husto..hmmp..napapatupad ba ng tama yang mga batas na yan
di na mauubos yan. swerte ang tao pag sa custom nakapasok. bawat galaw dyan pera. dadaan ka lang may nag iinuman custom police kelangan mo pa abutan ng pera. pag minalas malas ka hahawakan pa ang kamay mo ng mga loko lokong yan. bwiset!
pag pumasok ka dyan lalo na sa north sandamakmak na BAWAL ANG LAGAY karatula kahit sa id ng mga port user pero di naman nasusunod.
loko pala talaga mga taga custom..db bago na hepe nila dun..c biazon ba un..bata ni pnoy..dapat mawala na ang lagayan dun..dba tuwid na daan ang moto nila..
dapat yan ang pagtuunan ng pansin ng mga idol ko..UNG PAG BINANGGA SILA EH GIBA DAW!! THE UNBREAKABLE TULFO3..HEHEHE
to: tito boyax
keep up the good work! ayos tlga ang panyero.net. ano kya kung bago magbotohan ang mga senator judges, magpakita rin sila ng SALN at lahat ng dokumento ng kanilang mga ari-arian para at least worthy silang mang judge?