PERA-PERA LANG ‘YAN (Part 2)

by Tito Boy on April 23, 2010

 

Sa totoo lang, ang bonds at stocks ay hindi para sa ordinaryong tao.

Una, ang stocks ay masyadong kumplikado. Maraming bagay ang dapat pag-aralan para magtagumpay dito. Ang mga bonds naman ay mahal. Karaniwang nagkakahalaga ng milyon ang pagbili mga investments dito.

Kaya kung wala kang sapat na kaalaman at walang milyong i-invest, sagot diyan ay Mutual Funds.

MUTUAL FUNDS

Ang Mutual Funds ay isang sistema kung saan ang pera ng mga maliliit na investors ay pagsasama-samahin at pangangalagaan ng mga taong magagaling sa stocks at bonds.

Kahit wala kang alam sa mga stocks o milyon sa bank account mo, pwede ka dito. May mga initial investment na nagsisimula sa P5,000.00. Ang pera rin ay inilalagay sa iba’t-ibang investment kaya kahit bumagsak ang iba, hindi damay ang buong fund.

Meron din silang iba’t-ibang produkto na sapat sa karakter ng investor. Kung aggressive ka, ay ilalagay ang pera mo sa mabilis kumita ngunit malaki rin ang risk. Kung conservative ka naman, ay ilalagay ang pera mo investment na maliit ang tubo ngunit sigurado ang balik.

Ngunit tulad ng lahat ng investments, “oras” ang iyong kaibigan. Ika nga, “Time is money.” Kung bumagsak ang halaga ng mutual fund sa ngayon, huwag ka mag-alala, tataas rin yan.

Kailangan mo lang ay tiyaga.

Bumili sa murang halaga, hintayin tumaas ang presyo at ibenta. Ito ang konsepto ng investment.

Palaguin ang perang naipon, imbes na hayaan na lang itong  matulog  sa ilalim ng unan. Kung wala kang tiwala sa mga paper investment tulad ng stocks o bonds, pwes eto ang bilhin mo: Lupa at alahas.

REAL ESTATE

Ang bangko bumabagsak, ang mga kumpanya nagsasara. Pero ang lupa, hindi nawawala. Mahirap kasi sa mga stocks at bonds ay wala kang mapanghahawakan kundi certificates. Papel lang ibibigay sa ‘yo.

Ang lupa tangible, makikita at mahahawakan.

Bukod dun, ang mga lupa ay usually tumataas ang halaga o value. Ang dating P600/sqm, ngayon P6000/sqm na. At sabi ko nga, ang tao gumagawa ng tao, ang Diyos hindi na gumagawa ng lupa. Kaya ang mga dating tinuturing probinsiya tulad ng Cavite at Laguna, ngayon ay ganap nang lungsod dahil sa de-urbanisasyon.

Ngunit ang halaga ng lupa ay bumabagsak din. Isang magandang halimbawa nito ay ang mga lupa sa Marikina at Cainta na sinalanta ng Ondoy. Syempre, wala nang gustong bumili dahil prone sa baha.

Sa tingin ko ito’y temporary lang, dahil ang mga Pinoy makakalimutin. Kapag nawala na sa utak nila ang nangyari noong bagyong Ondoy ay tataas rin ulit ang halaga nito. Kaya kung gusto mong magsugal, hala e mamakyaw ka ng lupa sa Provident. Hintay ka ng 10 taon at tataas rin yan.

Andiyan din ang mga pre-selling na subdivision at condominium. Pre-selling kasi hindi pa naitatayo ang bahay o condominium at lumilikom sila ng pera sa mga unang bumibili. Mura ang halaga at kapag natapos na, pwede mong ibenta sa mas mahal na halaga.

Kaso, kapag hindi naman natapos ang proyekto dahil walang sapat na budget, TY ka na rin. Kaya importanteng magsaliksik kung sino ang developer para malaman kung matatag ba yan o di kaya isa lang scam.

Isa rin sa paraan para makabili ng murang bahay o lupa ay sa mga Real and Other Properties Owned or Acquired ng mga bangko o ROPOA. Eto ang mga lupang nasubasta sa mga hindi nakabayad nilang kliyente. Halos kalahati o mas mababa pa ang presyo nito.

Ngunit mag-ingat naman at baka may mga illegal settlers pa dun. Mas maganda siguro ay puntahan mismo ang lupang bibilhin para makasiguradong walang iskwaters.

JEWELRIES

Kung mahilig ka naman sa porma, alahas ang magandang investment para sa iyo. Tulad ng lupa, lagi rin tumataas ang halaga ng ginto.

Pero kung iskwater at pekeng titulo ang kalaban mo sa real estate investment. Dito, magnanakaw, estafadora at pekeng alahas ay kaayaw mo.

Kaya malaking issue ang siguridad sa ganitong investment.

BAYARAN ANG UTANG AT MAG-IMPOK

Pero bago mo isiping mag-invest ay syempre bayaran mo muna ang mga utang mo.

Huwag gumastos na mas mataas pa sa kinikita mo. Bago gastusin ang iyong sweldo ay ilagay muna sa bangko ang iyong ipon.

Kahit maliit lang buwan-buwan. Ang importante, umuusad ka.      

Dahil kung wala kang perang naimpok ay wala ka ring pang-invest. Ganon lang ka simple yun.

—–

The individual investor should act consistently as an investor and not as a speculator. This means.. that he should be able to justify every purchase he makes and each price he pays by impersonal, objective reasoning that satisfies him that he is getting more than his money’s worth for his purchase.”  - Benjamin Graham

{ 20 comments… read them below or add one }

batangmangyan April 23, 2010 at 10:25 pm

pa-BASE muna. basa muna ako sa part1. tagal ko absent. hahabol ako sa class panyero.

Reply

batangmangyan April 23, 2010 at 10:44 pm

panyero, sakto ang iyong topic sa aking trabaho..nakarelate ako sa lahat ng iyong mga sinabi. tama panyero, mag-impok sa tamang pamamaraan at panahon. pero di mo pinaligtas ang cainta…wahhh mura na pala ang lupa dito. haha.

Reply

asero April 24, 2010 at 12:49 am

salamat atty. mukhang ok yun sa ROPOA. sa ngayon dun muna ako sa siguradong investment. Overtime! hahaha

Reply

bonistation April 24, 2010 at 8:23 am

wow nakaka inspire talaga ang topic na ‘to!! ^^ sino ba pedeng ka MU dyan!! hahahah

Reply

Tito Boy April 24, 2010 at 8:36 am

Ang marerekomenda ko kung saan ako nag-invest ay sa BPI, philequity at axa life. Mga mutual fund mga ito.

google niyo na lang, baka sabihin nag-po-promote ako hehe..kasama sa investment yan, ang research.

Meron din akong nabiling lupa sa ropoa ng bpi sa antipolo sobrang mura hehe.

Basta itanong mo lang sa bangko kung may ropoa sila, ilalatag nila sa harap mo ang mga available nilang lupa.

Reply

iami April 24, 2010 at 11:30 am

“…Eto ang mga lupang nasubasta sa mga hindi nakabayad nilang kliyente. Halos kalahati o mas mababa pa ang presyo nito.”

totoo ba yan? ang alam ko kasi sa market value nila binebenta. kung ganoon, ayos yun a. e di yung lupa na binili mo sa antipolo, naka jackpot kayo tito boy.

Reply

Tito Boy April 24, 2010 at 11:47 am

Mababa iami, punta ka sa may BPI Property Asset Management (PMS) sa may paseo cor. de la rosa sa makati. May sila nung “Buena Mano” magazine, andun lahat for sale properties.

Reply

iami April 24, 2010 at 12:25 pm

a okay. pero wala naman akong pambili e. hehe. sa stock market lang muna ako ulit. mahirap kasi yang real estate. maraming cheche bureche. transfer, tax, loan, etc

Reply

jongskie721 April 24, 2010 at 8:38 pm

tama ka tito boy :D dahil hindi naman ako masyado marunong sa stocks at bonds doon nlang ako sa alahas at lupa :D

Reply

ferdie April 24, 2010 at 10:16 pm

Salamat sa post, malaking tulong ang mga impormasyon na nandito.

Gusto ko ang ROPOA ah, ma-check nga sa mga bangko sa amin kung may mg available. Ako mas gusto ko sa lupa mag-invest.

Reply

xtremus April 24, 2010 at 10:50 pm

Atty. paano mag invest nang mutual fund sa BPI ? ano nga mga requirements? interesado ako sa mutual fund…

Reply

Tito Boy April 25, 2010 at 7:17 am

Nilagay ko ang mga site sa baba extremus.

Kundi di ka sure anong product gusto mo, punta ka sa kahit anong branches nila at sabihin mo mag-invest ka.

May fill-up kang form para malaman nila what kind of investmet bagay sayo, then iaalok sayo yun.

Wala requirements, minimum investment amount lang. That goes to BDO and Metrobank.

Tatlong banks lang nilagay ko kasi sila ang top 3 banks sa pinas. Mag-inquire ka rin sa iba. Basta pag sobrang laki na ang return at hindi kilalang bangko (e.g. Rural of Kurimaw) mag-ingat ka na.

http://www.mybpimag.com/index.php?option=com_content&view=article&id=169&Itemid=202

http://www.bdo.com.ph/Personal/FinancialServices/WealthManagement/TypesUITF.asp

http://www.metrobank.com.ph/trust_product.asp

Reply

xtremus April 25, 2010 at 7:56 pm

salamat atty. para kahit papaano gusto kong subukan ang ganitong investment… if ever na magkaroon ka nang itatayong negosyo… pa share ah… hehehe…. salamat uli ….Mabuhay ka…

Reply

Bruce May 22, 2010 at 3:57 pm

salamat atty. para kahit papaano gusto kong subukan ang ganitong investment… if ever na magkaroon ka nang itatayong negosyo… pa share ah… hehehe…. salamat uli ….Mabuhay ka…

Reply

eddie June 20, 2010 at 10:09 pm

atty… Panalo tong blog nyo…
interested po ako sa stock market…
Yung professor ko, inaalok kami na laruin un kaso ang problema eh wala pa kaming budget… Kasi nga estudyante pa lang kami…

sa bolg nyo po, Stock market lang po talaga yung pwede ko na sapalagay ko eh kaya kong pasukan… yun na ata pinaka-mura dyan eh.. Risky nga lng talaga… tsak dapat magling kang mag-analyze…
salamat po…

Reply

mcajator July 27, 2010 at 9:09 pm

me nag iskwat sa lupa ko, after 19 years d man dinevelop ng developer ang subdivision..me value pa rin ba ang lupa ko. masasanla ko ba ang titulo? pag 1500/sq.meter ang current market price.magkanu kaya masasanla yun???ty po

Reply

granger1220 July 27, 2010 at 9:38 pm

Mahirap ibenta o isanla yan kasi may illegal settlers. Sampahan mo ng kaso ang developer sa HLURB. File a civil case for annulment of the sale and return of the price at current market value with interest and damages, plus criminal action for estafa.

Reply

mcajator July 28, 2010 at 10:16 am

ang sampahan ko ng kaso yung developer po? nasa mexico pampanga po ang lupa eh..dun po ba? me charge po ba pag nagfile?

Reply

mcajator July 28, 2010 at 10:25 am

ay salamat po pala atty. pero lagi na po ako magtatanung ha

Reply

marge October 28, 2011 at 3:54 pm

ang galing ng mga advice nyo swak sa masang hirap umintindi.. gus2 ko tlga pg ang usapan ay 2ngkol sa pag iipon at pag nenegosyo khit sa maliit na capital lng.more power and financial advice 2 come

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: