UPDATED: BATMAN HATES ROBIN

by Tito Boy on August 8, 2010

Anong ang nangyari ng mahuli ni Batman na may ibang nilalandi si Robin?

Tuwing nanonood tayo ng balita, lagi nating naririnig sa mga reporter at pulis ang mga katagang “homicide” at “murder”. Hindi lang yun, bukambibig din ni Gus Abelgas ang mga salitang “attempted” at “frustrated.”

Ano ba talaga ang pinagkaiba nila? Paano natin masasabing homicide at hindi murder ang nagawang krimen? Ano rin ang pinagkaiba ng frustrated sa attempted?

HOMICIDE vs. MURDER

Ang murder at homicide, isa lang ang common denominator — ang pagpatay ng tao. Ayon sa Revised Penal Code, ang murder ay maisasagawa sa pamamagitan ng:

1) With treachery, taking advantage of superior strength, with the aid of armed men, or employing means to weaken the defense or of means or persons to insure or afford impunity.

In short, pumatay na may pagkabading dahil sinigurado niyang hindi makakaganti ang kanyang biktima. Sa pamamagitan ng patraydor na paraan o paggamit ng kanyang mga ka-berks para pumatay nang walang kalaban-laban.

2) In consideration of a price, reward, or promise.

Ang mga hitmen na binabayaran para pumatay ay pasok sa kasong ito.

3) By means of inundation, fire, poison, explosion, shipwreck, stranding of a vessel, derailment or assault upon a street car or locomotive, fall of an airship, by means of motor vehicles, or with the use of any other means involving great waste and ruin.

Ang paggamit ng mga mapanirang bagay upang pumatay tulad ng apoy, pagsabog, sasakyan at kili-kili power.

4) On occasion of any of the calamities enumerated in the preceding paragraph, or of an earthquake, eruption of a volcano, destructive cyclone, epidemic or other public calamity.

May kalamidad na nga, nakuha pang pumatay kaya dapat mas mataas ang parusa.

5) With evident premeditation.

Ang pagpaplano para siguraduhing malinis ang kanyang pagpatay.

6) With cruelty, by deliberately and inhumanly augmenting the suffering of the victim, or outraging or scoffing at his person or corpse.

Ang pagiging sadista at pagpapahirap sa kanyang biktima tulad ng sapilitang pagpapanood ng Pilipinas Win na Win bago ito patayin.

Kung wala sa mga nabanggit ang ginawa ng isang mamamatay-tao, ay homicide lamang ang kanilang kaso na may mas mababang parusa.

STAGES OF FELONY

Nais kong linawin na ang katagang attempted at frustrated ay hindi limitado sa krimeng murder at homicide, ngunit ito ay ina-apply sa karamihan. Ito ay ang mga hakbang (stages) sa pagsagawa ng isang krimen.

Nahahati ito sa consummated, frustrated at attempted. Pinakamatindi ang una at pinakamahina ang huli.

Kung lahat ng elemento ng krimen ay nandoroon at nasagawa na ng akusado ito matatawag na consummated.

(all the elements necessary for its execution and accomplishment are present)

Sa frustrated stage naman, lahat na ng bagay na dapat gawin sa isang krimen ay nasagawa na ng akusado, ngunit hindi nagresulta sa ninanais niya.

(offender performs all the acts of execution which would produce the felony as a consequence but which, nevertheless, do not produce it by reason of causes independent of the will of the perpetrator).

Sa attempted stage naman, sinisimulan pa lang ng akusado ang krimen, ngunit hindi natuloy dahil sa mga bagay, bukod sa pagbabago ng kanyang isip

(offender commences the commission of a felony directly by overt acts, and does not perform all the acts of execution which should produce the felony by reason of some cause or accident other than his own spontaneous desistance).

HALIMBAWA

  1. Consummated – Kung pinatay ni Batman si Robin, automatic consummated ‘yun .
  2. Frustrated – Kung sinaksak ni Batman si Robin sa kanyang mga vital organs ng ilang beses at iniwan niya ito sa daan sa pag-aakalang patay na ito, ngunit nung dinala sa ospital ay naisalba pa ng doktor, frustrated murder o homicide ang kaso.
  3. Attempted – Habang sinasaksak ni Batman si Robin sa kanyang mga vital organs ay may nakakitang pulis at siya’y sinita, at dahil dun ay hindi niya natapos ang pagpatay, nasa attempted stage pa lang kaya attempted murder o homicide ang kaso.

Para mag-qualify as attempted o frustrated homicide/murder, dapat ay may “intent to kill.” Ang intent ay dapat maipakita sa kanyang aksyon dahil hindi naman tayo si Madam Auring para hulaan ang iniisip ng isang akusado.

Sa halimbawang nabanggit, ang pagsaksak ni Batman kay Robin sa vital organs nito at nang makailang ulit ay indikasyon ng intent to kill. Pero kung ang gamit lang ni Batman na panaksak kay Robin ay isa lamang nail cutter, obvious naman na walang intent to kill at gusto lang niyang itong kilitiin at kurutin sa singit. Ang kaso maaring isampa kay Batman ay slight/less serious/ serious physical injuries lang depende sa tama.

Wala palang frustrated o attempted stage ang physical injuries, basta nagkasugat ang biktima na walang intent to kill, automatic consummated agad yun.

QUESTIONS:

Dahil sa alam na ninyo ang pinagkaiba ng homicide, murder, serious physical injuries, frustrated at attempted stage, subukan niyong sagutin ang mga sumusunod na kaso na denesisyunan ng Korte Suprema:

1. Ang magkapatid na sila Marlon at Jeonito ay galing kina Tino para maningil ng utang. Pabalik sa kanilang bahay, nasalubong nila ang grupo ng mga kalalakihan na may dalang mga panaksak at tubo at sila’y pinag-gugulpi at iniwang duguan sa daan.

Namatay si Jeonito samantalang si Marlon ay nadala pa sa ospital at nabuhay dahil ayon sa doktor ay hindi naman malubha ang naging tama nito.

Tanong: Ano ang tamang kasong ihain sa mga pumatay kay Jeonito, murder o homicide?

Ssgot:

MURDER.

“It must be noted in this regard that the manner in which the stab wounds were inflicted on the deceased were clearly meant to kill without posing any danger to the malefactors considering their locations and the fact that they were caused by knife thrusts starting below going upward by assailants who were standing behind the victim.

Treachery is present when the offender commits any of the crimes against persons employing means, methods or forms in the execution thereof which tend directly and specially to insure its execution, without risk to himself arising from the defense which the offended party might make.

That circumstance qualifies the crime into murder.”

Kinonsidera din ng korte ang aggravating circumstance na abuse of strength at conspiracy.

Ano naman ang dapat na kaso pagdating sa pagkakabugbog kay Marlon: attempted o frustrated, homicide o murder? O baka naman serious physical injuries lang?

Sagot:

FRUSTRATED HOMICIDE

“Suffice it to state that the intent to kill of the malefactors herein who were armed with bladed weapons and lead pipes can hardly be doubted given the prevailing facts of the case.  It also can not be denied that the crime is a frustrated felony not an attempted offense considering that after being stabbed and clubbed twice in the head as a result of which he lost consciousness and fell, Marlon’s attackers apparently thought he was already dead and fled.”

Homicide lang kasi sinampa ng prosecutor. Hindi pwede ma-convict ang isang akusado ng mas mataas pa sa sinampang “information” ng prosecutor, pero pwede mas mababa. Kung murder ang sinampa, pwede maging homicide, kung homicide and sinampa, hindi pwedeng maging murder.

2) Si Gener at Roberto ay mga tigasin at mortal na magkaaway. Isang araw ay nagkita sila, nagkamurahan at naisipan na mag mano-mano. Tamang-tama ay nagdoon rin ang mga barkada ng dalawa at naging instant street fighter.

Nang hindi matanggap ni Gener ang pagkatalo sa suntukan ay nakisawsaw ang kanyang mga barkada at nagsimula ang karambola. E may panaksak pala tong grupo ni Gener, kaya nagtakbuhan ang grupo ni Roberto at itong si Anthony, palibhasa ay lampa, ang naabutan kaya gulpi ang inabot.

Pinagsasaksak at pinagbabato si Anthony hanggang lumabas ang bituka at nahulog sa kanal at doon ay pinabayaan na ng grupo ni Gener. Nakuha pa ng biktima na pumunta sa ospital hawak-hawak ang kanyang bituka at naagapan ang sugat at nabuhay.

Tanong, ano ang kaso dito, physical injuries, homicide o murder? Anong stage, attempted or frustrated?

Sagot:

ATTEMPTED HOMICIDE

Homicide lang ang sinampa ng prosecutor dahil wala naman daw element para mag-qualify sa murder. Nagpang-abot lang ang dalawang grupo, nagkataon lang na mas-astig ang grupo ni Gener. Attempted dahil hindi napatunay ng prosecution na deadly ang tama ni Anthony (kahit lumabas na ang bituka nito) dahil hindi piniresinta ang doctor na gumamot sa biktima.



 

——

The man who strikes first admits that his ideas have given out.”  - Chinese Proverb

Serrano vs. People G.R. No. 175023, July 5, 2010, People vs. Listerio, G.R. No. 122099, July 5, 2000

{ 52 comments… read them below or add one }

Bonistation August 9, 2010 at 4:57 am

base! Sunday Special talaga to! paranng Balitang K lang ni Korina Sanches at ang The Sharon Cuneta Show pag Linggo! hahaha
kawawang robin,,,, teka basa muna hahah. basta EARLY BIRD ako dapat me premyo!

Reply

Bonistation August 9, 2010 at 5:04 am

ang daminng tanong~~ hahah. assignment nalang muna yan… mahalaga may keynotes nako =)

Reply

Tito Boy August 9, 2010 at 8:00 am

IT Master Bon,

Dalawa lang nga yung tanong kasi inantok na ako. lagi na akong puyat pag linggo para mahabol ang deadline haha.

Salamat Taragis!

Reply

Taragis August 12, 2010 at 3:02 pm

1. Homicide ang kasong dapat isampa sa mga pumatay kay Jeonito
2. Frustrated and kaso na pwedeng isampa ni Anthony.

kala ko dati atty. basta sa loob ng bahay pinatay homicide na agad ang kaso hihi, tapos pag madaming napatay o pinatay – murder.. =)

Reply

bulletspeaks October 16, 2010 at 4:29 pm

ayos sir! from the root word daw na home nice kala ko sir ung mureder kaso sa restaurant, murder ng murder di nag bayad. galing sir!

Reply

Renz August 9, 2010 at 9:46 am

Di ko akalain na masaya pala ang pag aaral ng batas. hehehe. O dito lang yan sa panyero.net? Ang galing nyo talaga tito boy.

Reply

foobarph June 4, 2012 at 8:30 am

d2 lang yan syempre, may halong comedy (may namatay na, tawa pa rin, lolz)

Reply

azar August 9, 2010 at 11:02 am

Dick Tracy meets Batman. hahaha..

Pwede pala kasuhan ng murder pag namatay dahil sa kili kili power. hehe..

Nicely done tito boy!

Reply

azar August 9, 2010 at 11:10 am

try ko nga sumagot dito.

1) murder dahil sa paggamit ng mga panaksak at walang kalaban laban o depensa si Juanito.

Sa pagbugbog kay Marlon, attempted mureder lang kasi nga hindi malala.

2) Ang kaso ay murder dahil pumasok ang ito:

1) With treachery, taking advantage of superior strength, with the aid of armed men, or employing means to weaken the defense or of means or persons to insure or afford impunity.

Tama po ba tito boy? Maikili sagot kasi di ko maipaliwanag ng mabuti. hihi..

Sana next time multiple choice na din tulad ng prinopose sa Bar Exams. hehehe

Reply

Ronald Redito August 9, 2010 at 11:37 am

Brod, sadista nga yung panonood ng Pilipinas Win na Win ng sapilitan!!! hahaha

Reply

Mhonski August 9, 2010 at 1:15 pm

Eto ang sagot ko:
1. Murder ang pwedeng ikaso sa pumatay kay Jeonito dahil sa ito’y ginawa with aid of armed men with intent to kill dahil sa pagpossess ng deadly weapon. Mukhang planado rin ang pagpatay dahil armed sila ng mga tubo at panaksak ng harangin at alam kung saan sila dadaan at pupuntiryahin.

2. Frustrated Homicide naman ang pwedeng ikaso ni Anthony dahil naisagawa ang krimen at iniwan na lang syang nakahandusay sa pag-aakalang patay na sya. Hindi pwedeng murder dahil wala naman sa nabanggit ang nangyari. Hindi rin pwedeng physical injuries dahil sa ang ginamit na weapon ay patalim na may intent to kill.

Sana tama lahat ang sagot.

Thanks Tito Boy sa pageeffort. Nalilibang na kami, natututo pa kami ng batas sa mas masaya at mas maiintindihang paraan.

Reply

azar August 9, 2010 at 2:10 pm

ay oo nga. thanks monski. na-overlook ko yung tumakbo ospital dala ang bituka. hehehe.

pero with curelty ginawa.
so in short, frustrated murder lang kaso sa bumugbog kay anthony? *cross fingers*

Reply

granger1220 August 9, 2010 at 2:28 pm

Tanong: Ano ang tamang kasong ihain sa mga pumatay kay Jeonito, murder o homicide?

Homicide.

Ano naman ang dapat na kaso pagdating sa pagkakabugbog kay Marlon:

Frustrated homicide.

Reply

granger1220 August 9, 2010 at 2:29 pm

Anthony = Frustrated homicide

Reply

iami August 9, 2010 at 2:58 pm

malamang tumpak sagot ni granger. pinagpupuyatan kaya niya yung show ni Gus. di ba G?

Reply

iami August 9, 2010 at 3:27 pm

Jeonito = homicide

Marlon = serious physical injury

Anthony = frustrated homicide

Reply

granger1220 August 9, 2010 at 5:19 pm

he he hula ko lang yan :)

Reply

duking August 9, 2010 at 7:17 pm

pakopya ako!

para sa magkapatid,tingin ko,murder kay Jeonito at attempted murder naman kay marlon.lalo pa’t mapapatunayan na mga sugo ni tino ang mga goons na trumabaho sa kanila.

kay anthony naman,serious physical injury.biglaan ang pangyayari kaya posibleng hindi mapatunayan ang intent to kill.

Reply

Abe August 10, 2010 at 2:57 am

Great… another valuable topic. i would say… copy-paste nalang sa mga hurado hehe ..cheating like bonistation said, assignment.homework po sir atty. then bukas skip hehe…

Salamat po nakaka-aliw talaga tumambay sa bahay mo.. and more power…

Reply

ms hopeful August 10, 2010 at 12:52 pm

ang aking mga sapot po ay
1. jeonito – consummated Murder kasi ang pumatay sa kanya ay grupo ng mga kalalakihan na may dalang mga panaksak at tubo at sila’y pinag-gugulpi at iniwang duguan sa daan.

2. Marlon – Frustrated Murder din , pareho ng kay jeonito di lang na conssumate kaya frustrated.

3. Ang sa kay Anthony – Frustrated homicide, wala sa listahan ng mga grounds for murder.

Reply

ms hopeful August 16, 2010 at 10:33 am

ngee 1 out of 3 lang , haaay

Reply

jongskie August 10, 2010 at 2:19 pm

nalilito pa din ako sa aking binabasa ngayon, siguro dahil kulang ako sa tulog, sasagutin ko ang pagsusulit na ito, bukas o mamaya pagka gising ko :) wahahaha

Reply

ms hopeful August 10, 2010 at 2:55 pm

Kelan kaya malaman ang tamang sagot, hehe excited

Reply

Tito Boy August 10, 2010 at 3:14 pm

Bukas ms hopeful! tapusin ko lang ginagawa ko hehe

Reply

iami August 12, 2010 at 11:37 pm

tb, bukas? ang tagal naman ng bukas na yan. gusto ko lang naman malaman kung magaling ako o hindi.

Reply

Tito Boy August 13, 2010 at 9:18 pm

Eto sasagutin ko na!

Kaso low batt na ako, bukas iami promise.

Reply

iami August 14, 2010 at 5:50 pm

which reminds me of – “if tomorrow never comes”

Reply

iami August 14, 2010 at 5:51 pm

siguro busy si manay

Reply

BatangMangyan August 12, 2010 at 9:58 pm

1. jeonito: murder
2. Marlon: frustrated murder
3. Anthony: frustrated murder

mahirap pala maging abogado…ito pa lang ngarag na ko taragis! geography naman hahaha!

Reply

hicort August 13, 2010 at 7:53 pm

Sa pilip[nas win na win lang ako mag re-react. Ha ha ha kasadistahan pala na panuurin ang Win na Win. Dahil ba kay Kris? he he.

Reply

Tito Boy August 13, 2010 at 9:18 pm

Hicort nabuhay ka! Welcome Back!

Reply

iami August 14, 2010 at 5:55 pm

shucks. 0 out of 2 na correct ko. huwag mo na lang kaya sagutin yung 3rd, tb. ayaw ko na malaman. :-)

Reply

Jet August 15, 2010 at 2:07 am

AW BITIN!!!!

Reply

Jet August 15, 2010 at 2:09 am

Frustrated Murder yung kay anthony…
^_^

Reply

Jet August 15, 2010 at 2:10 am

*like*

Reply

Jet August 15, 2010 at 2:12 am

l
l
l
—–> sana may *like* button din parang fesbuk
bah..

Reply

Tito Boy August 15, 2010 at 9:09 pm

Sige aalamin ko pano yan “Like” Jet

Reply

duking August 15, 2010 at 10:48 pm

maliban kay jeonito na obvious na na murder,mali na ko kay marlon at anthony.

hahaha!33.33%.

bagsak ako sa bar.

Reply

Jet August 20, 2010 at 12:32 am

ay mali ako… ggRRRrR!!!

Reply

Jet August 20, 2010 at 12:33 am

thanks tito Boy

Reply

margie September 6, 2010 at 4:52 pm

hello po, may karapatan po ba ang landlord na hindi palabasin ang mga gamit namin dahil hindi nakabayad ng renta? sabi nila bawal daw po kami maglabas ng kahit na ano kung di pa nakakabayad ng renta…..
di nila maintindihan na kaya nga kami maglalabas dahil nag bebenta na po kami parang garage sale para lang po makatustos panandalian habang po nag iintay ng padala as pambayad…. chinese po may ari ng building… next month po kami nag promisory note due date, ika 5th month pa lang po ngayon para lang po di kalakihan habang may nagkakainteres pa na buyer balak po sana namin magbenta… =(

Reply

granger September 6, 2010 at 9:30 pm

walang karapatan ang lessor lalo na kung residential dwelling ang leased premises, coercion yan

Reply

pat September 7, 2010 at 9:30 pm

hi po, matagal na po nagtatago yata ang naidemanda namin … nagpadala na po ng writ of execution pero nung nagpunta po kami kasama ng sherrif,,wala daw po yung respondent…
ang pumirma lang po sa papeles na pinaririsive namin ay yung anak …
di po ba kahit wala yung respondent, basta po may dala na kaming writ eh anytime pede na po namin kunin ang kanilang kagamitan bilang pambayad nila sa danyos at utang?
ano pa po ang prosesong inaantay namin, kung sa susunod na babalik kami ay hindi muli magpakita? sila po ay nangungupahan lamang, ano po ang habol ko kung bigla po silang umalis sa tinitirhan habang kami po ay nag iintay ng pag asa?

Reply

granger September 7, 2010 at 10:51 pm

No, the judgment creditor cannot simply seized properties belonging to a person other than the judgment debtor. The burden of proof as to whether the ownership of the thing about to be seized belongs to the judgment debtor rests with the judgment creditor.

Reply

pat September 8, 2010 at 2:53 am

kuya, sensya po talaga di ko po naintindihan po yung sinabi nyo sobra po akong nalaliman =)

Reply

granger September 8, 2010 at 11:57 am

Kahit may writ of execution, di pede na basta basta kunin ang gamit, kelangan patunayan ng creditor na ang gamit na kukunin ay pagmamayari ng may utang.

Reply

pat September 8, 2010 at 5:22 pm

maraming salamat po granger =) buti po kayo nakaka tulong sa advices… kapag po english minsan ang lalalim na po ang sinasabi medyo mahirap intindihin =) thank you

Reply

lexis November 28, 2010 at 10:50 pm

may tanong po ako, paano po kung may pagtangkang pag patay gaya ng pag amba ng pananaksak o paghabol para manaksak… ano po ang kaso?

Reply

granger November 29, 2010 at 10:32 am

Either grave threats or other light threats.

Reply

reynold September 9, 2011 at 3:08 pm

tanung ko po ito…. may nagiinuman kc samin..tapos medyo my nagkakagalit pinalayo naun isa… tapos… pagbalik nya may dala ng syang gulok.. nataga nya sa ulo ung isa.pero buhay pa at nsa ospital ngaun.. anu ba ikakaso dun? anu penalty?

Reply

marvin May 31, 2012 at 7:13 pm

pede bang kasuhan ng attempted murder ang kalaro sa basketball ng malakas ang putok sa kilikili.. nahilo kase ako eh…

Reply

Tito Boy June 2, 2012 at 8:36 pm

Multiple murder yan with evident premeditation.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: