Nagka-problema ka na ba ng Legal?
Karamihan sa ating problema kaya nating pag-paliban o takasan kung gugustuhin.
Pag may problema ka sa syota mo, pwede mo siyang iwasan at i-text mo siya na “it’s not you, it’s me“. O kung may problema ka naman sa tatay at nanay mo, maari kang lumayas at tumuloy sa kabarkada mo at bumalik ka na lang sa bahay kapag na-gutom ka o kailangan mo nang maligo dahil puro suka damit mo kinagabihan dahil naglasing kayo.
Pero kung may problema ka sa batas…naku patay kang bata ka. Sabi nga nila, “you can run, but you can’t hide“. Subukan mo iwasan ang summons at subpoena ng korte, at isang araw ay magugulat ka nalang may darating na Court Sheriff sa harap ng bahay mo at hahakutin lahat ng gamit mo para ibenta at ipambayad sa mga obligasyon mo. Huwag ka mag-alala, ititira naman sa’yo yung brief mo.
Buti kung ganoon lang. E papano kung may kasama nang pulis at warrant of arrest na pala ang dala. Ang malas mo, kung Biyernes kapa hinuli at walang bukas na Korte hanggang Lunes. Happy weekend na lang sa detention center kasama ang nagsisiksikang mga detainees sa seldang 3×3 meter ang laki na may lamang 50 katao.
May problema ka ba sa pinatatrabahuhan mo? Hindi sapat ang sweldo? O basta ka na lang bang tinanggal kinabukasan dahil ayaw makita ng boss mo ang pangit mong mukha? Ipapasa-Diyos mo na lang ba? O reresbak ka kasama ang buong angkan mo? Happy weekend ulit sa kulungan ‘pre.
Lahat tayo sa mata ng batas pantay-pantay. Oo, alam ko na minsan parang pang-mayaman lang ang hustisya. Pero hindi ito ang dahilan para hindi lumaban. Kung alam mo ang karapatan mo. Hindi ka basta-basta maloloko. Hindi ka basta-basta makokotongan ng mga pulis. O basta ka na lang dadamputin ng mga barangay tanod na walang dahilan.
Kung alam mo ang karapatan mo, sa susunod na huhulihin ka ng pulis at sa tingin mo wala ka namang nilabag na batas. Malakas ang loob mo na tanungin:
Bakit pare, ano problema?
“Silence never won rights. They are not handed down from above; they are forced by pressures from below” – Roger Baldwin


{ 15 comments… read them below or add one }
Hindi na maalis sa isipan ko ang sinabi ng isang kaibigan dati noong nasa kolehiyo pa ako na “Ignorance of the law is not an excuse.”
Ang galing ng site ninyo Sir. Marami akong natutunan. Nakabookmark na ito sa akin, pwede ko bang i-dagdag kayo sa blogroll ko, marami kasing matutunan dito, mainam at payak ang pagpapaliwanag.
No prob ferdz. I tried as much as possible to keep it simple, and I am glad I explained it fully well without nosebleed
Taena!!! ang galing mo Sir mag explain! cool na cool! parang si bob ong lang!!! Astig!!!
Nabasa ko lahat libro ni Bob Ong kaya nahawa na ako sa kanya haha
sana lang kung nakaka access ang maraming mahihirap sa internet napakalaking tulong ng site nato kung saan naeexpalin nyo tito boy ang batas in a very realistic& applicable way….
Bakit pare, ano problema?
easy lamang po siya pero makatotohanan… kung pelosupo ang kausap talaga naman… Happy weekend sa kulungan.
Salamat po atty. at mabuhay kayo.
“Kung alam mo ang karapatan mo, sa susunod na huhulihin ka ng pulis at sa tingin mo wala ka namang nilabag na batas. Malakas ang loob mo na tanungin:
Bakit pare, ano problema?”
Tito Boy, tinitingnan ko muna kung may baril yung pulis, mahirap na eh.
ignorantia juris non excusat.
huli ako recto jaywalking daw sabi ko di ko alam bawal dito. nyak d ako lusot kc ignorance of the law excusses no one. pa cute na lang sabay labas ng bente pesos! nabawasan pa baon ko ! ok lang atleast di na ko nagwalis walis nakauniform pa namn ako that time kakahiya.
tandaan ko pa nasa fx ako (tabi ng driver )malapit na ko sa morayta ung babae sa likod umiiyak . nabanas driver kaya nagtanong y ka crylalu? sagot ni girl hinhawakan po kasi boobs ko nitong katabi ko.. ha? sagot naman nung pinagbibintangan . natutulog ako dito pano ko hahawakan yan? ayun buti may cute guy sa likod inutusan ung driver na itabi nyo dyan may pulis dyan sa overpass! yun binitbit ang mokong! ung girl naman umiiyak na sumama sa presinto. sa isip isip ko yari ung manyakis friday pa naman tlgang happy weekend!
totoo sinabi ni tito boy pag friday ka nahuli kawawa ka. waaaaaaaa!!!! hirap nun!
Ignorantia legis non excusat.
dapat sinabi mo di ko alam na may nanghuhuli pala para lusot ka kasi ignorance of fact is an excuse
pwede un? d nga? hahaha! maniniwala ako!
Backreading completed. Natapos ko din. Salamat Tito Boy for this blog. Back up compiled. Thanks
Ok then, prepare for a quiz!
hi po..salamat sa at may tao na kagaya mo na magexplain ng mga bagay bagay..
question po: utang is 100,000 pero may atty fee na 60K ..dapat ba bayaran ung atty fee? nagkautang po kasi ako dahil nagbenta ako ng computer tapos tinakbuhan ako ng bumili sa akin, ako ngayon ng sinisingil..ano po ang rights ko dito..wala ko pambayad..may letter na po na ipapasheriff ung gamit ko..what should i do..
ty and God bless
Yes kung inaward ng court.