Umalis ka sa Pilipinas upang maghanap ng magandang kinabukasan para sa iyong pamilya.
Palibhasa ay sanay sa hirap, kinain mo na parang mani ang mga trabaho sa abroad. Lahat ng overtime ay kinuha mo at binaon ang sarili sa pagtatrabaho para maiwasan ang lungkot.
Dahil sa iyong sipag at tiyaga, naka-ipon ka ng limpak-limpak na salapi. Syempre, iba pa rin sa ‘Pinas, sabi nga nila, kaya naisip mong bumalik para dito magretiro at i-invest ang iyong kayamanan.
Ang problema, kahit hindi maitatanggi na isa ka pa ring Pinoy dahil maitim pa sa tsamporado ang iyong kulay at parang nadaanan pa rin ng pison ang iyong ilong, sad to say, ay iba na ang iyong citizenship.
Ngunit ayaw mo rin namang i-renounce ang foreign citizenship dahil baka kailanganin mong bumalik doon kapag nahita na ng mga kamag-anak mo ang iyong salapi dito, just-in-case.
Dahil hindi ka na Pilipino, limitado lang ang iyong kayang bilhin na ari-arian at lagi kang hinuhuthutan ng mga taga Bureau of Immigration (BI) dahil isa ka nang “alien” na ang tingin sa iyo ay isang bakang punong-puno ng gatas.
Meron kayang paraan para mabalik ang dati mong pagiging mamamayan ng Pilipinas, but at the same time, hindi rin nawawala ang iyong foreign citizenship?
Ala eh mag pa-burger ka na!
Apat na numero lang sagot sa problema mo – 9225
O ang Republic Act No. 9225 o “An act making the citizenship of Philippine Citizens who acquire foreign citizenship permanent”
Ano ba ang ibig sabihin nito?
Simple lang, pwede nang mabawi muli ng mga Pinoy na pinanganak dito sa Pilipinas (natural-born) ang kanilang Philippine Citizenship kahit naging citizen na sila ng ibang bansa.
At kung inaakala mo ay kailangan mo pang kumain ng apoy o tumulay sa alambre para ibalik sa iyo ang iyong inaasam na Philippine Citizenship, nagkakamali ka, kabayan.
Kailangan mo lang ay pumunta sa embahada ng Pilipinas o di kaya sa BI at isumite ang mga dokumentong kailangan. Kapag nakumpleto mo ang requirements, ay ikakansela ang iyong Alien Certificate of Registration (ACR) at bibigyan ka na agad ng Identification Certificate (IC) ng BI.
Tapos noon ay maglagay ka na ng deodorant at itaas ang kanang kamay at bigkasin ang mga sumusunod:
“I _________________, solemnly swear (or affirm) that I will support and defend the Constitution of the Republic of the Philippines and obey the laws and legal orders promulgated by the duly constituted authorities of the Philippines, and I hereby declare that I recognize and accept the supreme authority of the Philippines and will maintain true faith and allegiance thereto; and that I impose this obligation upon myself voluntarily without mental reservation or purpose of evasion.”
O hindi ba? Mas madali pang makuha muli ang Philippine Citizenship kesa pumila sa Jollibee at bumili ng Chicken Joy.
But wait there’s more!
Tulad ng pagkain sa isang fast food chain, parang combo meal din ang RA 9225 dahil pati ang single mong mga anak na hindi lalagpas ng 18 taon ay instant na makakakuha ng Philippine Citizenship sa ayaw nila at sa hindi. Ang tawag diyan ay “Derivative Citizenship.”
Oo, kahit hindi pa sila nakatikim ng balot o ni minsan ay hindi naranasang makasabit sa dyip papuntang Quiapo, ay pwede na silang bumalik dito sa Pinas para maging artista, matinee idol o modelo kung saan titiba sila ng limpak-limpak kahit daig pa sila managalog ng batang apat na taong gulang at mas maiintindihan ko pang mag-Tagalog ang kapitbahay kong ngongo.
Civil and Political Rights
Kapag nakuha muli ang iyong Philippine Citizenship gamit ang RA 9225 ay makukuha mo ulit ang iyong full civil and political rights, at pwede ka na muling:
- Bumoto ayon sa RA 9189 o “The Overseas Absentee Voting Act of 2003”
- Tumakbo sa Halalan
- Tumanggap ng Posisyon sa Gobyerno
- Practice ng Profession (basta sumunod sa regulasyon ng PRC o Supreme Court para sa mga abugado)
Ngunit para sa mga may balak na kumandidato o tumanggap ng posisyon sa gobyerno, kailangan rin nila iwaksi o i-renounce ang citizenship nila sa ibang bansa.
Kung mapapansin, hindi nakalagay sa RA 9225 na kailangang iwaksi ng isang Pinoy ang kanilang citizenship sa ibang bansa pwera na lang kung naisipan niyang tumakbo sa halalan o tumanggap ng posisyon sa gobyerno dito.
Samantalang malinaw na nakalagay sa Article 4, Section 5 ng ating Saligang Batas na:
“Dual allegiance of citizens is inimical to the national interest and shall be dealt with by law.”
Ngayon, eto ang malupit na tanong: Kung hindi mo tatalikuran ang iyong citizenship sa ibang bansa matapos mong makuha muli ang Philippine Citizenship under RA 9225, hindi ba maituturing na dual allegiance ito at dapat kang parusahan ayon sa Saligang Batas?
AASJS vs. Datumanong
Yan ang sinagot ng Korte Suprema sa kasong hinain ng AASJS (Advocates & Adherents of Social Justice for School Teachers and Allied Workers) laban sa Sec. of Justice na si Datumanong upang ipatigil ang pagpapatupad ng RA 9225 (ang BI kasi ay napasailalim ng DOJ)
Ayon sa AASJS, na tinayo ng aking magaling na guro na si Atty. Samson Alcantara, ginawa daw na parang murang kamatis ng ating Kongreso ang ating Philippine Citizenship sa pagpapalawig ng RA 9225, na kung saan manunumpa lang ay bawi na agad ito at hindi man lang kailangan iwaksi ang citizenship sa ibang bansa. Ito raw ay labag sa Saligang Batas laban sa dual allegiance, dahil nanumpa na siya sa ibang bansa para maging citizen doon at nanumpa pa ulit siya dito sa atin.
Ngunit ano ang sabi ng Korte Suprema? Tama ba ang AASJS?
Mali.
Una, hindi naman pinapayagan ng RA 9225 ang dual allegiance. Ang pinapayagan lang ng batas na ito ay dual citizenship para sa mga natural-born Filipinos na naturalized sa ibang bansa.
Pangalawa, kapag nanumpa daw ang isang tao ayon sa RA 9225 ay para sa Gobyerno ng Pilipinas ay winawaksi na nito ang citizenship niya sa ibang bansa. Nasa ibang bansa na ‘yon kung matatawag nila ang pagsumpa ng kanilang citizen sa Gobyerno ng Pilipinas na dual allegiance at labag sa batas nila. Wala nang pakialam dito ang gobyerno ng Pilipinas.
Kumbaga, parang isang martyr na asawa ang Gobyerno ng Pilipinas, hindi iniisip ang sasabihin ng iba.
“Bahala kayo, basta etong si Juan Dela Cruz ay nanumpa na sa akin at sa akin na ulit ang kanyang katapatan.”
Pangatlo, kahit pinagbabawal na mismo ng ating Saligang Batas ang dual allegiance e hindi naman daw to “self-executing.” Ibig sabihin, kailangan pang gumawa ng batas ang Kongreso upang pagbawalan at bigyan ng parusa ang mga taong nag-dual allegiance.
Kaya hangga’t wala pang batas laban sa dual allegiance ay hindi pa mareresolba ang issue tungkol dito.
Kaya yun, valid ang RA 9225.
O, ano pa ang hinihintay mo? Mag-deodorant ka na!
——————-
“Every good citizen makes his country’s honor his own, and cherishes it not only as precious but as sacred. He is willing to risk his life in its defence and is conscious that he gains protection while he gives it.”
-Andrew Jackson






Sa isang banda, mainam na rin itong batas na ito upang i-welcome muli (basta’t nag deodorant at nagpaburger) ang ating kababayang naglingkod sa bansa. Ngunit siguro mas maganda kung may kaakibat pa rin na kondisyon ang panunumpang ito upang hindi maabuso.
Salamat atty!
yay! dual citizenship…. yay ulit!
yung ibang mga kababayan natin gagawin ang lahat makakuha lang ng greencard, tapos pag natapos na ang maliligayang araw nila sa ibang bansa,kapag napaunlad nila ang ibang bansa at ang kanilang sarili saka naman sila uuwi sa Pinas para magpahinga at isabuhay ang mga nalalabing araw nila sa mundo..
napakabait pala ng batas natin.. parang sa “Ang alibughang Anak”..
**seryos mode ako..
hala! Ibig sabihin may loophole yun RA 9225?
tapos yung dual allegiance kailangan pa ng batas eh 1987 pa nakasulat dun.
hmm. sino kayang magaling na mambabatas ang makakagawa ng batas about dual allegiance?
Boboto ko siya sa susunod na halalan. ehehehe
hindi naman maisasama sa libingan ang salaping kinita ng mga dual citizens, hindi ba???? pasasaan ba? Lahat naman, makikinabang – magmula sa mga corrupt officials na tumatanggap ng “lagay” hanggang sa “mananahi sa kanto”; sa taxi driver at sa tindera sa palengke…..sino bang balikbayan and umuwi at hindi nag-libre; sino ang hindi sinundo sa NAIA ng dalawang jeepney, puno ng mga kamag-anak na hindi naman niya nakikilala….kaya, bakit ipag-kakait pa sa mga tunay pilipino na “uuwi lamang para mamatay at imudmod rin naman ang kanyang mga kinita?” Hindi sapat na bashean na maiwan ang isan tao sa bansa kung wala rin namang naitulong sa pag-unlad….Kaya yang mga officials na kumakalaban? Tingnan ninyo, baka sila pang ang unang sasahod!!!! “hypocrites”
sa pagkakaalam ko, self-executing ang constitution except article 2 which is a declaration of principles and state policies, at sa pagkakaalam ko rin eh dapat liberally construed ang constitution in favor of the intention of the framers and in case of doubt it should be resolved in favor of the people as the author of the constitution, at sa pagkakaalam ko pa sa citizenship when it comes to naturalization eh all doubts are strictly construed against the applicant and liberally in favor of the state, kaya nga dapat ang applicant must not only possess the qualifications but he must also not possess any of the disqualifications as provided by law
bkt kaya nagkaganoon, hay buhay, pamparami ng botante ata
bilang karagdagan….hindi lahat ng nakakakuha ng “greencard” ay nagdiriwang ng “masasayang araw”….pitong araw din kaming nag-tatrabaho…..5 araw lang ang fiesta opisyal dito…..alas 5 ng umaga kaming gumigising at karamihan ay may mga ikalawang hanap-buhay….at kumakain din kami ng de-lata…..ang air-con; heater; hot water…, hindi libre…..kaya huwag ninyong isipin na lahat kaming expats, at masasaya…..kayo nga my mga katulong at nakakapag-enjoy ng inuman linggo-linggo, kami – wala!!!
yazoo, wala naman bumabatikos sayo sa forum na to, opinion nila yan, gaya mo may sarili karing opinion, sa katunayan yung batas at ang pagkakainterpret ng batas ang pinag uusapan, kaya huminahon ka at uminom ng tubig
maliban na lang kung ikaw ang ponente ng desisyon,
During the deliberation of RA 9225 ang dating nagkainitan na rin na si Teddy “sonofabitch” Locsin at si Dig “shutup” Dilangalen ang nagdebate dito.
“Pursuing his point, Rep. Dilangalen noted that under the measure, two situations exist – - the retention of foreign citizenship, and the reacquisition of Philippine citizenship.
In this case, he observed that there are two citizenships and therefore, two allegiances. He pointed out that under the Constitution, dual allegiance is inimical to public interest.
He thereafter asked whether with the creation of dual allegiance by reason of retention of foreign citizenship and the reacquisition of Philippine citizenship, there will now be a violation of the Constitution…
Rep. Locsin underscored that the measure does not seek to address the constitutional injunction on dual allegiance as inimical to public interest.
He said that the proposed law aims to facilitate the reacquisition of Philippine citizenship by speedy means. However, he said that in one sense, it addresses the problem of dual citizenship by requiring the taking of an oath. He explained that the problem of dual citizenship is transferred from the Philippines to the foreign country because the latest oath that will be taken by the former Filipino is one of allegiance to the Philippines and not to the United States, as the case may be.
He added that this is a matter which the Philippine government will have no concern and competence over.
Rep. Dilangalen asked why this will no longer be the country’s concern, when dual allegiance is involved.
Rep. Locsin clarified that this was precisely his objection to the original version of the bill, which did not require an oath of allegiance. Since the measure now requires this oath, the problem of dual allegiance is transferred from the Philippines to the foreign country concerned, he explained”
@Yazoo, ok lang yan. Your argument is well taken. Kinikilala ng lahat ang hirap na pinagdaraanan ng mga bayaning OFW tulad mo. This is just an academic discussion
Tama, kaya dapat kilalanin rin ang mga bayaning nasa bansa. Nagbabayad rin naman sila ng buwis.
Ewan ko nga lang kung tama at kung san napupunta.
In other words, wag ganun.
tingin ko,para sa karaniwang OFW na may iba nang citizenship,karapatan pa rin nyang maging filipino sa mga huling sandali lalo pa’t ang isyu ng allegiance ay hindi magiging malaking factor.
tignan muna ang work background nya.baka kasi nagta trabaho pala sya sa CIA,FBI,NSA.baka rin isa syang KGB o M16 agent.dun na nakakapagduda ang pagbibigay sa kanya ng karapatan pang maging Filipino.baka espionage na ang dahilan nya ng pagbabalik bansa.hehehe!
hi,
this is reynz, owner of the blog www.***.com. i noticed that you are using my logo. please follow this link to prove my ownership where i spent more than P10,000 for this one: http://****
whereas, I allow anyone to use my OFW Logo, there is only one very simple requirement, please link up to my reyna elena dot com site and do give me proper credits for the logo. that would be highly appreciated.
otherwise, please take it down.
thank you.
reynz
www.***.com
www.***.com
@ Reyna Elena,
I apologize if I offended you. I don’t intend to steal your logo, in fact if you hover on the image you will see where it was taken from, my fault is that I just didn’t link it to your blog. Anyway I am removing it as we speak.
Sorry again.
Rob
“I _________________, solemnly swear (or affirm) that I will support and defend the Constitution of the Republic of the Philippines and obey the laws and legal orders promulgated by the duly constituted authorities of the Philippines, and I hereby declare that I recognize and accept the supreme authority of the Philippines and will maintain true faith and allegiance thereto; and that I impose this obligation upon myself voluntarily without mental reservation or purpose of evasion.”
This alone says it all. I can understand the benefits RA9225. Pero sana required sila na sa Pilipinas na manirahan once nanumpa na ulit sila allegiance sa Pilipinas. Para kasing nakakaloko yun kung sa ibang bansa pa din sila naninirahan. At mas hindi ko maintindihan kung bakit pwede silang bumoto. Pwede pa siguro sa mga Pilipino na hindi pa citizen ng ibang bansa. Pero dun sa citizen na, nakakaloko naman na parte sila ng pagdedesisyon para sa atin na andito pa, tapos pag bugak yung nanalo sa halalan we’re stuck with them habang sila nagpapayaman sa ibang bansa.
Wala lang. hehehe
Brod welcome! Nag-comment ka rin hehe. Mukhang marami kang makakaaway sa comment mo aw!
Adik di ako nakikipag away. Mabait na ako LOL.
Kanya-kanyang diskarte lang iyan lalo na kung galing ka lang sa isang normal na pamilya..aliping namamahay at mga aliping sagigilid.
Pero ayus din iyang batas na iyan at least di ba may babalikan sila, lalo na kung mag-excel pa ang magiging anak-anakan ng mga nagsisipag migrate e, isang heroes welcome ang naghihintay sa pagbabalik, ala-julaton.
Ayus talaga ang Pinas!
Welcome back ferdz! Ganyan talaga mga pinoy, basta kadugo kahit sobrang layo na at hindi marunong magtagalog, aangkinin hehe…