DOUBLE WHAMMY

by Tito Boy on July 2, 2011

Nagpalabas ng press conference ang NBI at si De Lima. Nasa Pilipinas daw si Hubert Webb noong gabi noong pinagpapapatay ang mag-anak ng Vizconde. Ngunit, sabay bawi naman ang kalihim na hindi na maaring kasuhan pa si Webb dahil sa prinsipyo ng double jeopardy.

Ano ba itong double jeopardy?

Ayon sa mismo sa pinakamataas na batas dito sa bansa – ang mga kamag-anak, kaibigan at kabarilan (shooting buddy) ni Noynoy – ay mali, ang 1987 Constitution pala:

“Article III. Section 21. No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense. If an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under either shall constitute a bar to another prosecution for the same act.”

Ibig sabihin, walang taong maaring litisin ng dalawang beses sa parehong offense o krimen. Halimbawa, si “A” ay kinasuhan sa pagpatay kay “B”, kung sakaling ma-convict o ‘di kaya’y ma-acquit si “A” hindi na pwedeng kasuhan ulit si “A” sa pagpatay kay “B”.

Ang double jeopardy ay para sa kapakanan ng akusado. Isipin mo, kung walang ganitong klaseng patakaran, maari kang kasuhan ng paulit-ulit sa parehong krimen hanggang sa makulong ka. Hindi ka na makapag FB o twitter, hindi na rin maka-text dahil bawal sa loob ng korte. Wala ka nang gagawin sa buong buhay kundi pumunta sa bista at magbayad ng abugado.

 

Elements of Double Jeopardy

Ayon sa Section 7, Rule 117 ng Rules of Court, para pumasok sa double jeopardy ang isang kaso kailangan:

 

1. The complaint or information was sufficient in form and substance to sustain a conviction.

Dapat sampahan ka muna ng kaso ng prosecutor (kilala sa tawag na fiscal) sa korte. Kung hanggang prosecutor pa lang at na-dismiss agad ang kaso sa stage pa lang ng preliminary investagion, maari pa itong ihain ulit kung may bagong imbedensiyang madiskubre. Walang double jeopardy.

 

2. By a court of competent jurisdiction.

Dapat ang kaso ay isinampa sa tamang korte. Kapag sinabing competent jurisdiction ibig sabihin sa tamang korte nakakasakop kung saan nangyari ang krimen. Kung nangyari ang krimen sa Quezon City dapat sa korte ng Q.C. ito isampa at hindi sa Pasig, Caloocan, Maguindanao o kung saan pang lungsod.

Kung ang krimen ay pinaparusahan ng hindi hihigit ng anim (6) na taong pagkakakulong, sa Metropolitan Trial Court (Municipal Trial Court sa probinsya) dapat isampa ang kaso at hindi sa Regional Trial Court (Section 32, BP 129).

 

3. The accused had been arraigned and had pleaded.

Dapat ay “nabasahan ng sakdal” ang akusado. Ang tawag dito ay arraignment kung saan babasahin sa harap ng akusado kung ano ang kinakaso sa kanya sa lenggwaheng alam niya at mag-plead siya ng “guilty” o “not guilty”.

Kung hindi pa na-arraign ang akusado at na-dismiss ang kaso, hindi pa papasok ang double jeopardy

Tulad ng kaso ni Lacson sa umano’y pagpatay kay Dacer. Kung bumaliktad si Ray Aquino at sabihin niyang si Lacson ang promotor, maaring kasuhan ulit si Lacson dahil hindi pa naman umabot sa arraignment ang kaso kasi nagtago agad si Lacson sa Cebu (ooops).

 

4. The accused was convicted or acquitted or the case was dismissed without his express consent

Matapos sampahan ng kaso sa tamang korte at mag-arraign ang akusado, na convict o na-acquit siya o ‘di kaya ay na-dismiss ang kaso na wala niyang pahintulot, pasok na ang double jeopardy! Maari na siyang matulog ng mahimbing kung na-acquit siya o na-dismiss ang kaso.

Kahit sabihin pa nating siya talaga ang gumawa ng krimen, wala ka nang magagawa. Hanggang presscon ka na lang at kumuha na lang ng simpatya sa publiko at doon ipresenta ang kaso mo. Ganyan ang ginagawa ngayon ng kalihim ng DOJ.

Ang nakakatawa pa, ang NBI na sumablay sa kanilang unang imbestigasyon ang siya pang nag-iimbestiga ulit. Kung guilty man o hindi sila Webb, Diyos na bahala dun.

Pero sa batas ng tao, ang kaso ay may katapusan. Ano pa naging silbi ng prinsipyo ng double jeopardy?

(Sources: Tiu vs. Court of Appeals, G.R. No. 162370, April 21, 2009, Ivler vs. Hon. Modesto-San Pedro, G.R. No. 172716, November 17, 2010.)


 

——

“Margaret Skolowski: Ever hear of Double Jeopardy? Fifth Amendment to the constitution?

Elizabeth ‘Libby’ Parsons: No.

Margaret Skolowski: It says no person can be convicted of the same crime twice, the state says you already killed your husband right? So, when you get out of here, you track him down, and you can kill him. You can walk up to him in Times Square put a gun to his head and pull the fucking trigger and there’s nothing they can do about it! Kinda makes you feel all warm and tingly inside don’t it?”

- From the movie, “Double Jeopardy“, 1999.

{ 8 comments… read them below or add one }

BON July 2, 2011 at 9:52 am

pasok!! dagdag kaalaman salamat po sa pagpapaliwanag! yun pala yun!!

Reply

mile July 2, 2011 at 10:41 am

wow tito boy eto talaga inaantay ko.

Reply

onesounddrum July 2, 2011 at 10:56 am

simple lang pla..pag pumatay k at magpakulong 20yrs..abwelto na..d k n pwd kasuhan pa..naks na batas.protektado

Reply

sarah July 2, 2011 at 5:37 pm

Nakakatawa talaga ang NBI! Baket after 20 yrs saka lang naisipan na magprint ng records kung sino lumabas ng bansa… ngayon pa nila naisipan… ano pa silbi nun?

Reply

shiah July 8, 2011 at 5:34 am

hindi natin alam kung talagang bobo lang talaga or piniling maging bobo ng mga yan..alam ko bago mapasok sa NBI dapat lawyer na diba..hayst…

Reply

granger July 10, 2011 at 9:08 pm

Doctor dapat. :)

Reply

puyat lagi July 3, 2011 at 7:00 pm

iyon ang batas… sayang….sana bago naipalabas ung desisyon… nagpasa na ng karagdagan ebidensya ung NBI at DOJ …. mukha pa lang kase tarantado na ung grupo (mukha pa lang ebidensya na, ika nga
..)… lalo na ung bida… adik talaga…kita naman sa tv ung mga actuation niya.. gumagamit talaga… angggggkaso.. pinagbasehan ng SC ung record during hearing in lower court… acquit talaga.. daming butas ehh.

Reply

AsOL July 4, 2011 at 11:30 am

double jeopardy isa yan sa mga lagi kong sure na maitatama kong sagot sa exam namin sa consti dati. Pati na rin ung right against self incrimination. lage akong sure n may 2 points na ko. ^__^

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: