ADOPTATION

by Tito Boy on May 21, 2010

Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng supling. Para sa ating mga pinoy, hindi buo ang pamilya kung walang anak.

Samantalang yung iba naman, anak ng anak ngunit hindi kayang alagaan at hinahayaang pakalat-kalat sa kalye.

Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang dumampot ng bata sa kalye, paliguan at lagyan ng pulbos at angkining atin.

Kaya para maprotektahan ang interes, kapakanan at mabigyan ng sapat na pangangalaga at pagmamahal ang mga batang inabandona at pinabayaan ng kanilang mga magulang, pinalawig ang RA 8552 o Domestic Adoption Act.

Take note – interes ng bata at hindi interes ng nag-aampon. Hindi dapat nag-aampon para lang meron kang laging hila-hila tuwing may handaan o okasyon parang chihuahua.

EFFECTS OF ADOPTION

Pero bakit pa kailangan dumaan sa proseso ng adoption? Hindi pa ba sapat na kapiling ng mga magulang ang kanilang tinuturing na anak? Kung tutuusin e sa papel lang naman yan.

Malaking ang epekto sa batas kapag legal ang adoption ng isang bata.

Una, Parental Authority. Kapag legal ang adoption, lahat ng karapatan at responsibilidad ng mga tunay na magulang sa kanilang anak ay mawawala at mapupunta sa mga nag-ampon.

Pangalawa, Legitimacy. Ang inampon ay itinuturing na legitimate child ng mga nag-ampon. Kung ano man ang karapatan at pribilehiyo ng isang legitimate child ay makukuha ng inampon na parang tunay na anak.

Pangatlo, Succession. Ito ang isa sa pinaka-importanteng aspeto. Bilang isang legitimate child entitled sa mana ang inampon. Kapantay niya sa hatian ang mga tunay na anak ng nag-ampon sa kanya.

WHO MAY ADOPT?

Bago natin pag-usapan ang proseso, tignan muna natin sino-sino ba ang pwedeng mag-ampon.

1. Lahat ng Pinoy na nasa hustong edad, na may “full civil capacity and legal rights,” may good moral character , hindi nahatulan ng kasong may “moral turpitude,” may emosyonal at psychological capacity na mag-alaga ng anak at dapat 16 taong mas matanda sa inaampon.

Syempre, para kapanipaniwala naman na anak niya ang inaampon niya dapat may tamang agwat sa edad pwera na lang kung yung aampon ay asawa ng tunay niyang magulang.

2. Ang mga alien ay pwede rin mag-ampon dito sa pinas basta may katangian din siya ng mga nabanggit ko sa taas. Basta dapat ay may diplomatic relations sa kanyang bansa (baka kasi dalhin sa N. Korea ang bata at gawin kimchi, mahirap na.)

At dapat tatlong (3) taon nang naninirahan dito sa bansa bago siya nag file petition for adoption sa atin, pwera na lang kung ang mag-aampon ay dating Filipino citizen at inaampon niya ang kamag-anak niya within 4th civil degree (hanggang pinsang buo); o kung ang aampon ay asawang ng tunay na magulang na nakabingwit ng puti.

WHO MAY BE ADOPTED?

Sino-sino ba ang pwedeng ampunin

1. May edad 18 pababa at nasa DSWD at dineklara ng ahensiya na “abandoned” at pwedeng ampunin.

2. Ang lehitimong anak ng asawa ng aampon.

3. Ang illegitimate child para ma-raise ang status ng bata bilang legitimate.

4. Ang taong kahit nasa anong edad basta tinuturing siyang tunay na anak ng aampon simula pagkabata. Kaya kahit may asawa at anak na pwede pa rin ampunin.

5. Ang batang naulila, basta hindi mag-pafile ng petition for adoption sa loob ng 6 na buwan tapos maulila. Diyos ko naman, hayaan ninyo muna magluksa ang bata ng 6 na buwan.

PROSESO

1. Magfile ng Petisyon sa Korte

2. Mag-set ng hearing ang korte sa loob ng 6 na buwan

3. Uutusan na ilathala sa dyaryo ang petisyon isang beses bawat linggo, sa loob ng 3 linggo

4. Uutusan ng korte ang social worker na mag imbestiga and magsagawa ng counselling at mag-sumite ng report sa korte sa araw ng hearing.

5. Bago bigyang ng adoption decree dapat may supervised trial custody ng hindi lalampas ng 6 na buwan na imo-monitor ng social worker. Para magkaalaman kung hiyang ang bata sa bago nitong magulang o baka gagawin lang katulong sa bahay.

ADOPTION DECREE

At kung ok na ang lahat. Magpapalabas ng “Decree of Adoption”. Uutusan ng korte ang Civil Registrar na mag issue ng bagong Birth Certificate na kung saan hindi nakalagay na ampon lang ang bata.

Ang lumang Birth Certificate ay seselyuhan ang itatago at hindi bubuksan hangga’t walang court order. Lahat ng dokumento ng petitsyon sa adoption ay confidential at hindi rin bubuksan sa publiko.

Ginagawa ito upang alisin ang stigma ng pagiging isang ampon. Kahit kasi papano hindi maganda ang tingin ng mga Pinoy sa ampon, kaya as much as possible hindi pinapaalam ito sa publiko.

Pero kung iisipin mo may publication sa simula ng petition for adoption, edi alam na rin ng iba na ampon ka diba? Well that’s life.

RECISSION OF ADOPTION

Pwede palang ipa-rescind ng inampon ang adoption sa kanya kung siya ay:

1. Ginugulpe at inaabuso ng umampon sa kanya

2. Pinagtangkaan ang kanyang buhay ng adopter

3. Minolestiya ng adopter

4. Inabandona

Ang umampon naman ay hindi pwede ipawalang bisa ang decree of adoption kung ayaw niya sa naampon niya (dahil malakas kumain). Kung inaabuso siya ng inampon niya, ang tangging remedyo ay disinheritance o pagtanggal ng mana.

Dahil tulad ng sabi ko, ang adoption ay para sa kapakanan ng inampon at hindi ng umampon.

Ikaw, gusto mo magpa-ampon?


 

———-

“People ask me. ‘What about gay adoptions? Interracial? Single Parent?’ I say. ‘Hey fine, as long as it works for the child and the family is responsible.’ My big stand is this: Every child deserves a home and love. Period.”

-Dave Thomas, Founder of Wendy’s adopted child

{ 80 comments… read them below or add one }

ghangzphak September 3, 2011 at 7:50 pm

ask ko lng po,. mi adopted child po aq,.23 years old aq.. walang trabaho,.3years old namn ung babay boy q,.sustento ko xa since birth tapos binigay na xa nang magulang nya sa akin nung 1year old na xa,.pero naka register xa name nang tunay nyang magulang,. gusto ko sana xa ilipat sa name q. single pa po aq,.kaso wala po aq work kaya natatakot aq na baka hindi mapasaakin ang bata,. magkano po ba ang gagastucin ko sa pag papalipat nang name nang baby ko sa name ko,.tulong namn po

salamat

Reply

ghangzphak September 3, 2011 at 8:01 pm

ask ko lng po,. mi adopted child po aq,.23 years old aq.. walang trabaho,.3years old namn ung babay boy q,.sustento ko xa since birth tapos binigay na xa nang magulang nya sa akin nung 1year old na xa,.pero naka register xa name nang tunay nyang magulang,. gusto ko sana xa ilipat sa name q. single pa po aq,.kaso wala po aq work kaya natatakot aq na baka hindi mapasaakin ang bata,. magkano po ba ang gagastucin ko sa pag papalipat nang name nang baby ko sa name ko,.tulong namn po
pa email naman po sa akin ang sagot,.
rodriguezreynalyn@ymail.com

salamat

Reply

Jhon September 27, 2011 at 1:23 pm

pwede bang adopt kahit hindi kasal? Live in lang.. pwede ba yun!

Reply

galahad pamuraga lagahit December 28, 2011 at 11:18 pm

merry christmas and advance happy new year po….

maaari po ba akong mag-ampon ng sanggol, binata po ako at walang asawa edad 34 na ako… at kung maaari po ay lalaki para masunod sa apilyedo ko…

Reply

roberto January 11, 2012 at 8:15 pm

ako po 20yrs. buy and sell po ng kotse at motor ung trabaho ko. may asawa ako kaso wlang anak at d pa kami kasal sa edad ko po bang ito pde na po ba akong mag ampon???

Reply

jay lord salvador santos February 1, 2012 at 3:19 am

ako po nagpapampon po ako.. i want to feel also kung panu mahalin ng mga mgulang po,,,

Reply

hcg levels by week February 14, 2012 at 2:32 am

I almost never comment, however i did some searching and wound up here ADOPTATION. And I do have a few questions for you if it’s allright. Is it just me or does it seem like some of these responses look like they are written by brain dead visitors? :-P And, if you are writing at other online social sites, I would like to keep up with anything new you have to post. Could you make a list of all of your communal pages like your twitter feed, Facebook page or linkedin profile?

Reply

Rica V. February 15, 2012 at 11:28 am

Hi!
Gusto ko lang malaman kung paano simulan at magfile ng petition sa court para maampon ko na yung pamangkin ko na iniwan samin ng mga magulang niy anung baby pa siya dahil nagkasakit until now na 4 years old na siya kami ng asawa ko ang kinalakihan niyang magulang.

Reply

Jean February 22, 2012 at 4:48 pm

Hi,
Interesado kasi kaming mag asawa na mag ampon ng baby pero andito kmi ngyn sa Qatar, incase my kilala kayo pwdi nyo akong ma contact sa email add ko na mijeanas@yahoo.com. THANK YOU

Reply

nikko February 23, 2012 at 9:54 pm

ask ko po kng magkano ang magagastos sa pag ampon hanggang matapos??tnx and God bless

Reply

Dee April 13, 2012 at 2:25 pm

Good afternoon po,
Gusto ko lang po magtanong. Meron kasing binigay sa akin na baby. dahil complicated yong relasyon ng mga magulang nito na talagang di pwedeng iuwi sa kani kanilang pamilya ang bata kaya ibinigay nila sa aming mag asawa. Di pa po na register yung bata sa LCR. pwede ko po bang i pa late register ang bata at kami ng asawa ko ang magulang? O may ibang paraan para legally magiging amin na ang baby. Naisip ko kasi baka someday magbago ang isip ng ina at kunin uli ang bb. Please help me.

Reply

Merry Reyes May 3, 2012 at 5:58 pm

Sir / Ma’am,
I’m 30 years old and married for 4 years na pero di po kami nabiyayaan ng anak (sa ngayon). My sister gave birth to a healthy baby boy and we already made a decision that my husband and I will adopt her son (because of her financial incapacity). Kung idadaan namin sa simulation birth ung birth certificate ng baby maari po ba kaming magkaproblem in the future? But we still prefer to make it legal (legal adoption) kaso we never had an idea kung gano katagal ang process and kung magkano ang magagastos namin. Please just give me an idea. Thanks alot and God bless

Reply

Tito Boy May 5, 2012 at 7:38 am

Simulation of birth is punishable under Art. 347 of the Revised Penal Code. You won’t encounter any problem, unless someone will file a complaint. Process of adoption takes a year the most, depending on the court.

Reply

shielamae November 11, 2010 at 5:33 pm

cnu po gus2 umampon ng baby frnd q kc buntis hnd alm ng fmily nya n buntis cia eh nbuntisan n cia dti kya ngaun hnd nya alm qng anu ggwn nya ngptulong cia skn n mgtnung dw aq qng cnu gus2 umampon s baby nya ngaun po 5mons plng tyan nya gus2 nya pglbas ng baby nya my ampon na f willing po kau email nyo nlng po sgot nyo s shielamaegenetia@yahoo.com

Reply

Coleen January 17, 2011 at 10:04 pm

sir,
yung frend ko gusto nya ipadopt sa kuya nya baby nya para lang masunod sa apelyido nila. Right now apelyido kasi ng tatay ang gamit nung bata. pero di nman sila kasal nung tatay. kapag po ba pinaampon nya baby sa kuya nya kelangan pa ba hingin consent ng tatay khit halos isang taon ng inabandona ng tatay yung bata? or may way po ba pra machange sa sa apelyido ng nanay nya yung bata? tnx po sa pagtulong

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: