ADOPTATION

by Tito Boy on May 21, 2010

Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng supling. Para sa ating mga pinoy, hindi buo ang pamilya kung walang anak.

Samantalang yung iba naman, anak ng anak ngunit hindi kayang alagaan at hinahayaang pakalat-kalat sa kalye.

Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang dumampot ng bata sa kalye, paliguan at lagyan ng pulbos at angkining atin.

Kaya para maprotektahan ang interes, kapakanan at mabigyan ng sapat na pangangalaga at pagmamahal ang mga batang inabandona at pinabayaan ng kanilang mga magulang, pinalawig ang RA 8552 o Domestic Adoption Act.

Take note – interes ng bata at hindi interes ng nag-aampon. Hindi dapat nag-aampon para lang meron kang laging hila-hila tuwing may handaan o okasyon parang chihuahua.

EFFECTS OF ADOPTION

Pero bakit pa kailangan dumaan sa proseso ng adoption? Hindi pa ba sapat na kapiling ng mga magulang ang kanilang tinuturing na anak? Kung tutuusin e sa papel lang naman yan.

Malaking ang epekto sa batas kapag legal ang adoption ng isang bata.

Una, Parental Authority. Kapag legal ang adoption, lahat ng karapatan at responsibilidad ng mga tunay na magulang sa kanilang anak ay mawawala at mapupunta sa mga nag-ampon.

Pangalawa, Legitimacy. Ang inampon ay itinuturing na legitimate child ng mga nag-ampon. Kung ano man ang karapatan at pribilehiyo ng isang legitimate child ay makukuha ng inampon na parang tunay na anak.

Pangatlo, Succession. Ito ang isa sa pinaka-importanteng aspeto. Bilang isang legitimate child entitled sa mana ang inampon. Kapantay niya sa hatian ang mga tunay na anak ng nag-ampon sa kanya.

WHO MAY ADOPT?

Bago natin pag-usapan ang proseso, tignan muna natin sino-sino ba ang pwedeng mag-ampon.

1. Lahat ng Pinoy na nasa hustong edad, na may “full civil capacity and legal rights,” may good moral character , hindi nahatulan ng kasong may “moral turpitude,” may emosyonal at psychological capacity na mag-alaga ng anak at dapat 16 taong mas matanda sa inaampon.

Syempre, para kapanipaniwala naman na anak niya ang inaampon niya dapat may tamang agwat sa edad pwera na lang kung yung aampon ay asawa ng tunay niyang magulang.

2. Ang mga alien ay pwede rin mag-ampon dito sa pinas basta may katangian din siya ng mga nabanggit ko sa taas. Basta dapat ay may diplomatic relations sa kanyang bansa (baka kasi dalhin sa N. Korea ang bata at gawin kimchi, mahirap na.)

At dapat tatlong (3) taon nang naninirahan dito sa bansa bago siya nag file petition for adoption sa atin, pwera na lang kung ang mag-aampon ay dating Filipino citizen at inaampon niya ang kamag-anak niya within 4th civil degree (hanggang pinsang buo); o kung ang aampon ay asawang ng tunay na magulang na nakabingwit ng puti.

WHO MAY BE ADOPTED?

Sino-sino ba ang pwedeng ampunin

1. May edad 18 pababa at nasa DSWD at dineklara ng ahensiya na “abandoned” at pwedeng ampunin.

2. Ang lehitimong anak ng asawa ng aampon.

3. Ang illegitimate child para ma-raise ang status ng bata bilang legitimate.

4. Ang taong kahit nasa anong edad basta tinuturing siyang tunay na anak ng aampon simula pagkabata. Kaya kahit may asawa at anak na pwede pa rin ampunin.

5. Ang batang naulila, basta hindi mag-pafile ng petition for adoption sa loob ng 6 na buwan tapos maulila. Diyos ko naman, hayaan ninyo muna magluksa ang bata ng 6 na buwan.

PROSESO

1. Magfile ng Petisyon sa Korte

2. Mag-set ng hearing ang korte sa loob ng 6 na buwan

3. Uutusan na ilathala sa dyaryo ang petisyon isang beses bawat linggo, sa loob ng 3 linggo

4. Uutusan ng korte ang social worker na mag imbestiga and magsagawa ng counselling at mag-sumite ng report sa korte sa araw ng hearing.

5. Bago bigyang ng adoption decree dapat may supervised trial custody ng hindi lalampas ng 6 na buwan na imo-monitor ng social worker. Para magkaalaman kung hiyang ang bata sa bago nitong magulang o baka gagawin lang katulong sa bahay.

ADOPTION DECREE

At kung ok na ang lahat. Magpapalabas ng “Decree of Adoption”. Uutusan ng korte ang Civil Registrar na mag issue ng bagong Birth Certificate na kung saan hindi nakalagay na ampon lang ang bata.

Ang lumang Birth Certificate ay seselyuhan ang itatago at hindi bubuksan hangga’t walang court order. Lahat ng dokumento ng petitsyon sa adoption ay confidential at hindi rin bubuksan sa publiko.

Ginagawa ito upang alisin ang stigma ng pagiging isang ampon. Kahit kasi papano hindi maganda ang tingin ng mga Pinoy sa ampon, kaya as much as possible hindi pinapaalam ito sa publiko.

Pero kung iisipin mo may publication sa simula ng petition for adoption, edi alam na rin ng iba na ampon ka diba? Well that’s life.

RECISSION OF ADOPTION

Pwede palang ipa-rescind ng inampon ang adoption sa kanya kung siya ay:

1. Ginugulpe at inaabuso ng umampon sa kanya

2. Pinagtangkaan ang kanyang buhay ng adopter

3. Minolestiya ng adopter

4. Inabandona

Ang umampon naman ay hindi pwede ipawalang bisa ang decree of adoption kung ayaw niya sa naampon niya (dahil malakas kumain). Kung inaabuso siya ng inampon niya, ang tangging remedyo ay disinheritance o pagtanggal ng mana.

Dahil tulad ng sabi ko, ang adoption ay para sa kapakanan ng inampon at hindi ng umampon.

Ikaw, gusto mo magpa-ampon?


 

———-

“People ask me. ‘What about gay adoptions? Interracial? Single Parent?’ I say. ‘Hey fine, as long as it works for the child and the family is responsible.’ My big stand is this: Every child deserves a home and love. Period.”

-Dave Thomas, Founder of Wendy’s adopted child

{ 80 comments… read them below or add one }

rah May 21, 2010 at 11:52 pm

Hahaha, oo nga, napansin ko nadin to dati, bat pa kailangan itago kung napublish naman na. Tsaka anong masama kung ampon lang? Dapat ba ikahiya yon? Dapat source pa nga yon ng pride. tnx for posting this.

Reply

lee mi May 22, 2010 at 4:40 am

kahit pala may asawa at anak na pwede pa ring ampunin.. Sino kaya aampon sa ‘kin?=)

tsaka tama ka Sir, hindi naman lahat bukas ang isip para sa mga ampon.. parang mga movie scene.. ampon lang pala sya, tapos aagwan ng kung anu anong mana….

Every child is a blessing…yun na lang sasabihin ko..=)

Reply

selene May 22, 2010 at 10:16 am

ang galing talaga ng mga articles mo atty..
everyday i’m learning,

tapos chika ko to sa lahat ng friends ko…gosh, stand out ang beauty ko….hehehehehe…

and i agree ” every child is a blessing and blessed are those who has the benevolence of the heart”

Reply

ferdie May 23, 2010 at 3:52 pm

Dapat pala 16 na taon ang agwat sa aampunin, at kailangan pala 6 na buwan naoobserbahan.
Touch move din pala para sa mga nag-ampon, kaya dapat pag-usapan mabuti at pagisipan ng maigi ang pagpasok dito.
Salamat muli sa isang informative na post.

Reply

granger1220 May 23, 2010 at 10:01 pm

16 yrs age gap generally, except if the adoptee is the illegitimate child of the adopter

the 6 month period is called the “supervised trial custody” to see the compatibility of the adopting parents to the adoptee

Reply

Sphere May 23, 2010 at 9:34 pm

ah ok sabi kasi sakin nong friend ko hindi daw ako pwede mag ampon kung ang status ko daw eh single…

Salamat po sa info :-)

Reply

bonistation May 24, 2010 at 12:04 am

haha gusto kong mag paampon sa pamilya ng abugado at dentista! lol!

naalala ko ang pag aampon, familiar na familiar ako sa procedure at court orders; madalas ako ang taga type ng kapatid ko sa mga adoption cases nya! =)

oopss! pero hindi ako ampon! hahah

Reply

Mel May 24, 2010 at 5:21 am

@Tito Boy–Isa na naman itong tulong sa mga mahirap at gustong umintindi sa batas.Good Luck Bro. Anyway nakabold talaga ang Visit Panyero.net for free legal consultation sa “Ang Balaud” sa Birada News Daily.God Bless Bro:):)

@Selene puwedi ba kitang ampunin?

…di ba may member dito from Bukidnon?..sino ngaba yun Bro?Im from Cagayan de Oro.

Reply

Tito Boy May 24, 2010 at 7:19 am

Thanks bro! Si Jongskie taga bukidnon.

Reply

selene May 25, 2010 at 8:07 am

bonggacious ka talaga mel, ginawa mo pang socialization site ang napaka.wholesome na site neh atty…hehehehe

anyways, ampunin mo nalng yong aso ko, recession na kasi sa US mahal na ang dog food.

Reply

Tito Boy May 25, 2010 at 9:39 am

Mel, ayos talaga mga “birada” mo heheh

Reply

Trudis D' Dog May 25, 2010 at 11:07 am

Hindi ko ikinakahiya na pinulot lang ako sa kalye ng Mommy ko. May mga ampon din ba dito? Welcome to the club. We should be proud!

Kelangan talaga ng 16 year gap noh, mahirap na eh…hihi

Reply

granger May 25, 2010 at 12:46 pm

16 yrs old gap is not in all cases required

Reply

melanie May 25, 2010 at 2:22 pm

Very informative! May I ask po if puedeng ampunin ng common-law husband ang mga anak ng common-law wife nya?

Reply

granger May 25, 2010 at 3:10 pm

yes as long as the legitimate, legitimated, adopted children, 10 yrs old above, of the adopting parents has consented to the adoption

Reply

confradia May 27, 2010 at 5:27 pm

hello everybody! void ba ang pag adopt kung verbal agreement lang ng 2 magkapatid na iparegister directly ang bata sa kapatid sa isa ng di dumaan sa proseso ganyan? at pano kung after 8years gusto na bawiin ng tunay na nanay yong bata? pro ayaw ng bata sumama, may laban ba yong nag ampon?

Reply

Rob aka Tito Boy May 30, 2010 at 7:53 am

simulation of birth yan. may parusang kulong yan. Patunayan through dna na sa kanya ang bata. Kapag napatunayan, pwede bawiin kapag minor pa.

Reply

confradia June 1, 2010 at 1:04 pm

makukulong po yong nag adopt kahit yong tunay na magulang ang nagsabi sa ganong set up? pano po kung ayaw na sumama ng bata sa tunay na magulang?

Reply

batangmangyan June 1, 2010 at 7:16 pm

YES panyero, gusto ko paampon!

Reply

cheesecake June 9, 2010 at 10:49 pm

ang galing naman po ng site na ito, more power po sa inyo

pasensya na po kayo kung yung itatanong ko e parang hindi pa rin ako nakakaintindi ng batas :D

I quote:
“2. Ang lehitimong anak ng asawa ng aampon.”

yan po ba yung anak ng asawa ko na hindi ko naman anak?

ganyan po kasi yung kaso ko. sa ngayon hindi pa kami kasal ng partner ko, pero alam ko na rin po naman na darating din yung oras na pagkinasal kami kailangan namin dumaan sa proseso na aampunin ko yung anak nya. tama po ba? (tanong ng isang di makaintindi)

follow up questions:

1. ang sabi po sa akin malaki ang magagastos sa prosesong ito, hmm mga magkano po?

2. pwede ba umapela yung tunay na ama nung bata?

ps: asawa nyo po ba yung dentista o kayo din yun? hehe

Reply

granger1220 June 9, 2010 at 11:01 pm

“2. Ang lehitimong anak ng asawa ng aampon.”

yan po ba yung anak ng asawa ko na hindi ko naman anak? – YES

ganyan po kasi yung kaso ko. sa ngayon hindi pa kami kasal ng partner ko, pero alam ko na rin po naman na darating din yung oras na pagkinasal kami kailangan namin dumaan sa proseso na aampunin ko yung anak nya. tama po ba? (tanong ng isang di makaintindi) – YES, kung gusto mo na maiangat ang estado ng bata from illegitimate to adopted, pero depende yan kung ang anak ng kinakasama mo ay illegitimate o legitimate (dahil baka separation de facto lang ang naganap sa ama at ina ng bata, legitimate yang bata kung ganun at kelangan ng consent ng tunay na ama at nung bata kung 10 taong gulang na at the time of adoption)

Reply

cheesecake June 11, 2010 at 9:49 pm

salamat po sa paglilinaw.

ang totoo, hindi po kasal ang kinakasama ko now sa ama noong tinutukoy na bata. oo nga po’t nasa birth certificate ang pangalan ng tunay na ama pero wala pong dokumento na nagsasabing pinapanagutan niya ang bata katulad ng pinirmahan ko nuong ipinanganak ng aking kinakasama ang kanyang ikalawang anak sa akin.

muli, mabuhay po kayo at marami po kayong natutulungan.

Reply

ane June 11, 2010 at 11:58 am

pnu nman po s case q?ung umampon skin n ba2e eh patay n…at aqoh lng tlg anak nia my karapatan bko s mga maaaring mana nia s nanay nia or ung lola q?kz wala nman akong hawak n proweba n ako nga magma2na but..legal adopted ako..pls help me?

Reply

Tito Boy June 12, 2010 at 8:05 am

Hindi mo kailangan ng “last will and testament” o “huling habilin” ng nanay mo para mag mana ka. Automatic ikaw ang “sole heir” sa ‘yo lahat mapupunta mana, swerte mo!

Reply

cheesecake June 16, 2010 at 9:20 pm

balato! joke lang.

tanong lang, pano kung ‘anuhin’ sya nga mga kamag-anak nung nag-ampon sa kanya? (which i guess happens all the time).

Reply

granger June 17, 2010 at 9:45 am

anong anuhin?

di pede basta basta anuhin baka makwan cla ni ano, he he

Reply

iami June 17, 2010 at 9:24 pm

nakainom ka ba pare?

granger1220 June 17, 2010 at 11:12 pm

c cheesecake ata lasing :)

iami June 17, 2010 at 11:56 pm

hindi ko nga rin gets ang “anuhin”

iami June 17, 2010 at 11:57 pm

congrats at natuto ka ring gumamit ng smiley, granger!

ane June 23, 2010 at 8:04 am

kelangan ko po ba ng 1 abogado para maayos lahat ng mku2ha ko?my parte rn po b ang papa ko as mga naiwan ng mama ko?anu po 1st steps n pwd ko gawin?wat f ayaw akong hatian?

Reply

granger June 11, 2010 at 1:13 pm

Yes. Adoption raises the status of the adopted child equal to that of a legitimate child and as such you have succession rights (right of representation as a direct line ascendant) as a legitimate child of the decedent.

Reply

ane June 23, 2010 at 8:08 am

lyk cheesecake said…wat f magalit sila skn?at hindi nga cla pumayag n hatian ako?consedering n my mga apo xa n legal tlg rather than me n isang adopted lng?

Reply

granger June 23, 2010 at 9:40 am

An adopted child is a compulsory heir or legal heir in intestate succession of equal footing with a legitimate child of the decedent. Kaya wag mo intindihin galit nila. :D La naman magagawa galit nila because what you have is a vested right that cannot be impaired. :D

Reply

abby June 23, 2010 at 4:43 pm

mga magkano po kaya ang aabutin kung mag aadopt ako ng 16 yrs old na bata ulila na po sa mga magulang.. salamat

Reply

melody June 30, 2010 at 7:40 pm

paano po ba mag ampon kung ang magulang ng aampunin mo ay menor de edad ( 15 ys old)..kailangan ba ng consnt ng parents nila? ano po ba ang proseso? magkano po ba ang magagastos?

Reply

granger1220 June 30, 2010 at 7:52 pm

The answer will be in the affirmative for the parent of the child to be adopted is a minor whose capacity to give consent to the adoption is restricted by minority.

Reply

rose August 4, 2010 at 4:05 am

ask ko lang po yun bata 3 months palang nasa akin na now 8 years old na siya wala po ako alam sa history niya kasi pasa-pasa na dahil po malnuorish at galisin siya. para po magamit niya ang medicare ko nag suggest ang friend ko registered namin siya as illigetimate child para mapagmot siya ng maayos. La ba maging problem kung magfile ako sa court adoption para po maging legal na akin siya at ever since la naman nag claim sa kanya. thanks

Reply

granger1220 August 6, 2010 at 4:50 pm

you need to course it thru DSWD to have it declared a legally-free child otherwise the petition for adoption will be dismissed

Reply

Jemaphe Rebato August 22, 2010 at 12:41 pm

balak ko ampunin ang sarili kong anak. dahil bata p ako non ipinanganak at iparehistro, siya ay ipinangalan sa aking mga magulang, ngayon n me trabaho n akong matiwasay at nagmature gusto ko ng ilipat ang karapatan bilang isang magulang sa akin.pero di ko alam kung panu.if adoption ang gagawin ko…panu…sana nmn me makasagot ng katanungan ko at malaman ko din kung magkanu ang aking maggastos.salamat

Reply

granger1220 August 22, 2010 at 10:20 pm

simulation of birth ang ginawa ng magulang mo punishable under the revised penal code

Reply

granger1220 August 22, 2010 at 10:22 pm

basahin ang nasa taas sa proseso

Reply

wayne September 7, 2010 at 12:23 pm

Sir, pwede ko ba mahiram tong article mo para sa report ko, para mas maintindihan ng mga classmates ko hehehe. Salamat po!

Reply

janice October 21, 2010 at 1:23 pm

pwede mag tanung…. ung asawa ko nag ka anak sa iba…nung binata pa xa…. at tagal na sila hiwalay… ngayon ung bata pina adopt sa side nang grl…sa mga tyahin nya… at naka apilyedo ung bata sa nanay… hindi sa awasa ko.. may.. mahabol ba sila sa asawa ko? ngayon ung nag ampon…gzto nila legal ampunin ang bata…kailangan ba ung asawa ko… kng sakaling pa tawag xa atty? pwede ba un?.kng mag bgay cla letter.. at d ka maka dalo mkasuhan ba asawa ko? ..please help……

Reply

granger October 21, 2010 at 1:38 pm

Illegitimate child shall have the right to use the surname of the mother, right to receive support, and right to succeed.

The consent of your husband is required in adoption being the biological father of the illegitimate child.

Reply

janice October 21, 2010 at 1:29 pm

ngayon ka txt ako kanina ung nag alaaga sa bata… hingi pera kc daw na admit last month.. pang bayad daw sa utang na gasto nila…15k d ko alam kung totoo dahil malayo kami sa kanila taga davao cla….ano gawin ko….. please help….. at nag txt kunware ung court na pa punta daw asawa ko office nla…. pero a minute txt ko ung nag alaga…. is this panakot para maka padala me pera?

Reply

Pretty October 22, 2010 at 12:27 pm

hi, may gusto lang po ako itanong… pwede po ba ampunin ng asawa ko ang anak ko sa first marriage ko (annulled na po ako sa 1st) ang age ng mga anak ko ay 22,19 &15y/o…. we’re been marriage ng 2nd hubby ko 8yrs ago… both po kami annuled sa una… ung husband ko po may anak na isa sa first wife niya age 14y/0 girl po ung bata… noon pa po gusto iadopt ng husband ko ngaun ang 3 kung anak pero ako po ang ayaw kasi po ang katwiran ko gusto nasa legal age na mga anak ko b4 sila ampunin para naman po sila rin ang magdedesisyon kung gusto nila magpa ampon sa step-father nila. Ang biological father po ng mga anak ko ay pinaubaya niya ang desicion sa 3 niyang anak dahil alam niya he never beeb agood father sa mga anak niya sa akin, never po siya nagbigay ng support sa mga bata…. Ang husband ko now ang siyang katuwang ko sa pagpapalaki ng mga anak ko. my eldest already work na as regular employee sa isang big corp. dito sa bansa po natin…. natutuwa naman po ako at willing magpa adopt ang 3 kung anak sa step-dad nila…
My other questions po ay kailangan pa po ba ng consent ng biological father para maampon ang mga anak ko ng stepdad nila? and what about po ung anak ng husband ko sa ex niya magbibigay din po ba ng consent maging legal sibling sila ng mga anak ko? Dana po matulungan nu ako sa mga katanungan ko. thanks and Godbless po!

Reply

granger October 22, 2010 at 1:06 pm

Under RA8552 or the Domestic Adoption Act:

SEC. 9. Whose Consent is Necessary to the Adoption.- After being properly counselled and informed of his/her right to give or withhold his/her approval of the adoption, the written consent of the following to the adoption is hereby required:
a) The adoptee, if ten (10) years of age or over;
b) The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, or the proper government instrumentality which has legal custody of the child;
c) The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter(s) and adoptee, if any:
d) The illegitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter if living with said adopter and the latter’s spouse, if any; and
e) The spouse, if any, of the person adopting or to be adopted.

Reply

granger October 22, 2010 at 1:08 pm

Husband and wife shall jointly adapt, except in the following cases:
(i) if one spouse seeks to adopt the legitimate son/daughter of the other; or
(ii) if one spouse seeks to adopt his/her own illegitimate son/daughter: Provided, however, That the other spouse has signified his/her consent thereto; or
(iii) if the spouses are legally separated from each other.

Reply

eagermother November 11, 2010 at 10:44 pm

hello po. i just read your article. kasi manganganak na ung friend ko at nag decide sya na ipaadopt ung baby nya. nakahanp na kami ng family and gusto nung friend ko bigay na agad dun sa family ung baby para d sya maattach. panu ung process pag ganun?

Reply

lingeyes November 25, 2010 at 8:50 am

tnx for a very informative site. May gusto po akng linawin on my situation. Hindi po ako mkpagdecide eh. Ito po ang sitwasyon: 1. Married ang status ko pero 8 yrs na kming hwalay 2. May anak at kinakasama na siya sa iba 3. Ako ay isang gov. Employee 4. Hindi legaly separated o annuld 5. Ngkaroon ng bagong boyfrnd 6. Nabuntis ako at ngkaanak sa bgo kung boyfrnd. 7. Lahat ng credentials ko ay am stil married. Ito ang kya pati apelydo ng exhusbnd ko ang ipinapagamit ko sa akng bb ngayon. Pwd po ba na ampunin ito ng bf ko kpag anuld na ako at kasal na kami? Kailangan pa rin ba ang consent ng xhusbnd ko?

Reply

granger November 25, 2010 at 9:18 pm

Yes

Reply

liz5 December 20, 2010 at 2:02 pm

hi, tanong ko lang po kung my bisa po ba yung pag-ampon ko sa anak ng frend ko kung nagkapirmahan lang po kami s isang kasunduang kami lang ang maygawa.pero my mga witnesses naman po kami.panu po pag gusto ng bawiin ng frend ko ung anak nya sa akin after 2yrs for example,maku2ha po ba nya ung bata sakin?

Reply

granger December 21, 2010 at 12:20 am

walang bisa yan – kelangan dumaan sa korte para magkabisa

Reply

Rodela Bonto December 22, 2010 at 12:52 pm

Tanong lang po kung magkano po ung bayad ng pag-aampon? Atsaka, pano po pag pamangkin yung aampunin, kelangan pa rin po ba magundergo ng Trial Custody?
I am from Puerto Princesa City.
Sa nabasa ko po, 6months trial custody. Pano po yan, kung sa january po kami magsisimula? By april aalis po kami ng bansa.. Hindi po ba pwede na mapabilis ung pag-aampon even just 3-4months.
Ang pinaka-concern ko lang naman po is yung adoption fee. at yung tamang pinakamaikling period ng pag aampon..

Thankyou po..!

Reply

dave August 4, 2011 at 1:00 pm

Hi! Ako din ganyan question ko, nagwwork ako overseas ngaun, and i think malabo ung 6 mo. Trial period. May nkasagot nb sa tanung mu and musta nangyare, pls help. Email me at frostburnt_98@yahoo.

Reply

yumiko hyuga February 10, 2011 at 6:04 pm

sana po pwede nyo kong ampunin
tawagan nyo lang po ako sa cell # na
09061447669

Reply

kurah March 7, 2011 at 6:19 pm

hello po.. i have 4 illegitimate kids and ngayon po na married na ko, gusto ko pong gawing legitimate ang mga kids ko..
mga magkano po ba ang magagastos sa ganitong proseso?

Reply

belle April 3, 2011 at 1:10 am

hi. question po. concern lang ako kasi yung friend ko is 24 yrs of age. the time na nanganak yung biological mom nia, nandun na yung adoptive parents. the adoptive parents signed the certificate. would you consider that as legally adopted? kulang na nga lang, si adoptive mother na ang nagluwal sa kanya eh.. need your reply asap.

Reply

Dole April 20, 2011 at 10:47 am

Pwede bang i-adopt yung baby boy ng kapatid ko? 17yrs old ang age niya. Im still single at may permanenteng trabaho na. ako lahat ang nagsagot ng mga gastusin ng bata hanggang ngayon. please send me thru email. thank you

Reply

lhon July 11, 2011 at 11:14 am

May nag reply na ba sa tanong mu? Please inform me by email kung anu sagot…
Maraming Salamat…

Reply

dave August 4, 2011 at 12:46 pm

Mrcv ko po b sa email reply nyo? Anyway, ngwwork po ako dto sa US, and ppakasal kmi ng wife ko after ng annulment nya. After ng kasal, cympre plan ko adopt ung anak nya sa una. Questions ko po, since nagwwork ako dto overseas, exempted b ung 6 mos trial custody checked by soc. Worker? And if ever need ng court appearance, ilang times po needed. And need b mghire p ng atty for the process? Gaano po ktagal eto? Kc after annul. Supeer tgal na png 1st year na ngaun, pwde b kya isabay na ung adoption? Please po if my valid info email me.

Reply

rams August 14, 2011 at 10:57 pm

hi poh!! pwede bang mag’ampon ang wlang pang asawa? at malake ba ang mgagastos sa pag’aampon?

Reply

alexi August 19, 2011 at 4:32 pm

Panu kung hindi dumaan sa legal na process?. Binigay lang yung bata dun sa aampon tapos dinala sa malayo pinagawan ng bagong birth certificate. May habol pa ba yung biological mother kung gusto nyang mabawi yung bata? New born palang nung pinaampon

Reply

patti September 3, 2011 at 1:54 am

paano naman advise sakin..18years old ako.at buntis now 5 months i want na ipa adopt baby ko pagkalabas agad?any advice?offer?

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: