DIVORCE, PINOY STYLE

by Rob aka Tito Boy on December 10, 2009

SINONG NAGSABING WALANG DIVORCE SA PILIPINAS?!

Well, technically, wala nga. Conservative “daw” ang mga Pinoy. Palibhasa, malaki impluwensuya ng simbahan sa ating mga congressman at senador, kaya hindi mapasa-pasa ang divorce law.

Pero, matalino man daw ang matsing, naiisahan din.

Sa tingin niyo ba, sa dami ng kabit ng mga mambabatas natin ay papayag silang matali sa isang babae lamang? Kaya dahil diyan, pinauso nila ang “psychological incapacity“.

DAPAT BA MAGING BALIW PARA MAWALANG BISA ANG KASAL?

OOPS, TEKA LANG, ang psychologically incapacity ay hindi isang mental disorder. Hindi ibig sabihing kapag psychologically incapacitated ka para mag-asawa ay sinto-sinto kana.

Masasabing psychologically incapacitated ang isang tao kung hindi niya kayang gampanan ang obligasyon ng isang may asawa. Kailangan dapat ang kaso ng taong psychologically incapacitated ay malalim (gravity), dati nang katangian (juridical antecedence), at walang gamot (incurability).

Anu-ano ba ang obligasyon ng isang may asawa (bukod sa sex)?

Ayon sa Art. 68 ng Family Code, ang mag-asawa ay obligadong mag-sama sa iisang bubong (live together), magmahalan (observe mutual love), irespeto ang bawat isa (respect) at magtulungan (render mutual help and support)…oh wait, incidentally, kailangan din pala maging tapat (fidelity).

Marami nang petisyon para mapawalang bisa ang kasal na napapayagan ng husgado buwan-buwan, at parami ng parami ang nagpa-file nito araw-araw. Nagiging trend na nga. Hindi ka “in” kung hindi ka psychologically incapacitated.

So kung hindi mo kaya ang mga obligasyon ng may asawa, at ito ay matutukoy na nag-simula sa iyong pagkabata ngunit lumabas lang noong nag-asawa ka, at ito’y wala nang remedyo…

Congratulations! You are psychologically incapacitated!

Pero bago yan, kailangan mo ng pera. Oo, tama ka, pera ang nagpapatakbo ng mundo. Ang totoo niyan ay mas mahal pa ang gastos sa pag-file ng Declaration of Nullity of Marriage kesa sa gastos ng isang disenteng kasal. We are talking about six figures baby. Gumastos ka na sa kasal na iyong pangarap, mas gagastos kapa para mapawalang bisa ang lahat. Parang isang batong pinulot mo sa lupa at pinukpok mo sa sarili mo. Ouch!

Kung sa kasal ay gumastos ka sa venue, gown, cake, etc. Sa kasong ito gagastos ka para sa psychologist, filing fees at syempre sa abugado (ahem). Hindi pa siguradong papaburan ng husgado ang kaso mo. Kung panalo ka, swerte mo.

May pailan-ilan naman nanalo sa RTC ngunit minalas kasi inaapela ng Solicitor General (SolGen) sa Court of Appeals at Korte Suprema.

E BAKIT EPAL NAMAN TONG SOLGEN?

Mandato kasi ng estado ayon sa Saligang Batas na palakasin ang pamilyang Pilipino, at ang pundasyon ng bawat pamilya ay ang mag-asawa. Kaya ang SolGen, bilang abugado ng estado ay pinipilit na salbahin (hindi salbahihin) ang kasal ninyo.

Sabi ng kaibigan ko na nasa SolGen, random daw, hindi lahat inaapela dahil sa dami nang napapawalang bisa na kasal. Buti na lang *sigh*.

MAMA’S BOY

Isa sa kasong inapela ng SolGen ngunit pinalad paring ideklarang walang bisa ng Korte Suprema na lumabas lang noong May 26, 2009, ay ang kaso ng mag-asawang Marieta at Rodolfo Azcueta (G.R. No. 180668). Ayon sa kwento, itong si Rodolfo ay sadyang mama’s boy, simula daw na ikasal sila ni Marieta ay hindi na naghanap ng trabaho kesyo matanda na daw siya, mahirap mag-hanap at eto pa — wala daw siyang damit na isusuot sa interview (walang biro). Ang nanay ni Rodolfo ang nagbabayad ng renta nila sa bahay at ibang gastusing mag-asawa.

Ginawa ni Marieta ay binigyan niyang diyaryo si Rodolfo araw-araw para maghanap ng trabaho at syempre…binilhan niya ng bagong longsleeves pang interview (hanep!).

Alas, nakahanap ng trabaho si Rodolfo, at tuwang-tuwa naman si Marieta. Matapos ang ilang linggo, nalaman niya na tumatambay lang pala si Rodolfo sa bahay ng nanay niya at wala talagang trabaho. At hulaan ninyo kung saan nanggaling ang “sweldo” ni Rodolfo?

Yup, kay inay. Ang lufet.

Kaya karapat-dapat lang ipawalang bisa ang kasal ni Marieta kay Rodolfo na psychologically incapacitated to observe the marital obligations. Ang kaso ni Rodolfo ay malalim, nag-simula noong siya ay bata pa (baka high school na siya nang huminto sa breast feeding) at lumabas lang noong ikasal siya (baka hindi pina-breast feed ni Marieta) at wala nang gamot, kumbaga, isa nang basket case.

Kung tutuusin ay marami pa ang dahilan para mapawalang bisa ang kasal, pero itong psychological incapacity ang pinaka-madalas gamitin.

Kaya para maiwasan ang gastos at kahihiyan, mag-isip muna ng sanlibong beses bago sumabak sa buhay may-asawa (at hindi puro libog lang ang pinapairal).

May alam ba kayong kaso ng psychological incapacity?

Ilang araw na ako nagsasalita…kayo naman.

Libre lang ang post, huwag kayong mahiya :)

——————————–

“Getting a dog is like getting married. It teaches you to be less self-centered, to accept sudden, surprising outbursts of affection, and not to be upset by a few scratches on your car.”  – Will Stanton

{ 46 comments… read them below or add one }

Babs December 11, 2009 at 12:09 am

ay. bakit ganun? haha.. divorce na rin sya eh.. kakatawa naman sila.. dapat be sure na lang na you have met your “one” diba? divorce, or any other form of separation, di ako gaanong pabor doon. Maliban na lang kung may abuse na.. XD

Reply

Tito Boy December 11, 2009 at 3:11 am

May tama ka diyan. Iba kasi padalos-dalos hehe.

Parang divorce na rin kasi sa dami nag-a-avail nito ngayon. Kaliwa’t-kanan.

Magugulat ka nullified na agad…hmmm.

Reply

alaehboi December 12, 2009 at 5:02 am

wahahahahahaha…

ginaa, ito po ba ay may kinalaman sa huli kong post o aksidenteng napa linya lang…? no di yan dahil sa huli mong post,? okay…

“minsan iniisip ng mga tao, na ang anino mong nakadikit sa kadiliman ay hindi na maalis sa kadiliman, anino yon, tingnan sana ‘yong pinanggalingan ng anino…”…

Reply

Tito Boy December 12, 2009 at 5:51 am

Alaehboi,

naguluhan ako sa comment mo, considering na abogado pa ako niyan hehehe….

Reply

bonistation January 4, 2010 at 1:36 am

haha “ilang araw nakong nagsasalita kayo naman” wahaha dun ako natawa! sarap magbasa dito ordinaryong salita lang ang gamit! intinding intindi ganuwwwn sana!!

saludo ako sayo!! =)

Reply

Myra Christine January 17, 2010 at 9:34 am

Will you use this on my “future” case? :)

Reply

Rob aka Tito Boy January 17, 2010 at 10:30 am

Tama ka dyan myra hehe

Reply

jongskie721 January 17, 2010 at 10:01 am

ewan ko :) mas gusto ko pa magkaroon ng renewal ang marriage every year. at sana may senador o congressman na makabasa ng posgt ko. kasi dba angbusiness license ay ni re-renew every year?bakit ang marriage license hindi? hahaha

Reply

Rob aka Tito Boy January 17, 2010 at 10:31 am

ginawa mo namang tindahan ang kasal jongskie haha

Reply

jongskie721 January 17, 2010 at 1:33 pm

hindi kaya :) katulad din nung driver’s license ko, may hangganan sya. kailangan mong i renew,kung capable ka pa din bang mg drive:) dapat i renew din yung marriage license, kung capable ka pa bang maging asawa, at kung gusto mo pa rin bang maging asawa niya :)

Reply

Rob aka Tito Boy January 18, 2010 at 1:25 am

jongskie,
meron na nag-propose niyan lately lang and it created a buzz.
sounds good to me haha

Reply

budjong October 11, 2010 at 2:53 pm

hndi kasi ganon ang buhay ng mag-asawa tsong. heheh. alam ko naman biro mo lnag yan. pero kung totoo naman, mag-asawa ka ng sasakyan. gusto mo c mercedez asawahin mo. dba maganda? heheh

Reply

jongskie721 January 18, 2010 at 2:26 am

hahaha tama ako dba? kaya nga ayaw kong mag-asawa,dahil ayaw kong magkamali. mas mahal kasi ang mgpa annul. hahaha dapat sigurado talaga ako,101% sa taong mamahalin ko at pakakasalan.. hehehe

Reply

budjong October 11, 2010 at 2:55 pm

korek ka dyan yha……….

Reply

mocca February 13, 2010 at 10:14 pm

lahat ng sinabi mo tama. at isa ako sa na annull sa pag gamit ng psychological incapacitated sa ex husband ko. salamat sa akin lawyer im free at last sa ngayon kung tinatanong ako? hindi ako pakakasal basta hehehehe

Reply

Tito Boy February 14, 2010 at 8:36 am

@mocca, good for you! ‘wag ka na ulit kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo hehe. salamat sa bisita at daan ka lagi!

Reply

kat February 15, 2010 at 12:57 pm

Hi! Can i get your email add? i have a legal question? Thank you.

Reply

granger1220 March 3, 2010 at 5:12 pm

if the marriage is subject to renewal then it connotes that it is subject to expiration without judicial intervention wherefore it will simply be in the form of private contracts which runs counter to the state mandate under the constitution to strengthen the family as part of the community, however, should this bill be passed into law then who are we not to abide as it is said dura lex sed lex … he he

Reply

Rob aka Tito Boy March 4, 2010 at 9:47 am

@granger1220, mukhang malalim ang kaalam mo sa batas, keep it up!

Tama may issue ng constitutionality ang bill na yan. Pero sino naman tayo para tumanggi? mwehehe..

Reply

granger1220 March 4, 2010 at 11:10 am

he he and now this makes the woman a 2nd class citizen too….. he he he he …… pag di mo ko pinaglaba, di ko rerenew kontrata mo …. he he

joke lang

Reply

John March 9, 2010 at 4:06 pm

Question lang po. What if ung husband mag file ng annulment case and pero ung wife is no show sa hearing (Deadma lang) What will happen to the case?

Reply

Rob aka Tito Boy March 9, 2010 at 5:58 pm

@john, it will proceed accordingly. The court will render a decision based on evidence you presented.

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 4:21 pm

Ask ko lang po tho di naman para sa akin to. Na-grant na yung annulment and yung custody ng mga bata of course sa babae. Sa decision di nakasaad kung magbibigay ng sustento ang husband or hindi. What happen to the husband? Oblige pa rin ba syang magbigay ng sustento kahit nga yung grounds eh di nya kayang buhayin pamilya nya (psychological incapacitated)?

Reply

granger May 5, 2010 at 5:09 pm

as the father he is required to give support to the children commensurate to his capacity and the need of the recipient of support,

the support may be agreed-upon between the spouses otherwise it should be decided by the court,

the welfare of the children is the paramount concern of the court upon filing of the annulment case and the support may be charged initially to the community or conjugal property of the spouses,

support is demandable from the time the need for support arises but it shall accrue from the time the extra-judicial or judicial demand for support is made by the person to be supported

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 5:37 pm

what if po at first nagbibigay ng support yung ex-husband for the kid and then all of a sudden di na sya nagbigay its because malaki ang demand ng ex-wife? pwede po bang maghabla sa court for that reason na di kayang ibigay ang demand ng ex-wife? example yung binibigay na support ng ex-husband ay ; 5k a months, educational expenses including projects, field trips, school supplies and the likes, clothing (dress, shoes, uniforms). but the ex-wife demand an additional amount para daw may pampasyal at pangkain sa labas yung bata.

Reply

granger May 5, 2010 at 5:47 pm

the support may be agreed-upon between the spouses otherwise it should be decided by the court,

as the father he is required to give support to the children commensurate to his capacity and the need of the recipient of support,

take note of the word “commensurate” because the person giving support should also not be deprived of his means to live in the process of giving support

eh yung ex-wife ano ba ang support na binibigay sa anak nila? take note ina ka rin

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 5:57 pm

yun nga ang nilalaban ng ex-husband. may work din ang ex-wife pero kahit small amount (ex. 20 pesos) na bayarin sa school sa ex-husband pa rin kinukuha kaya napikon si ex-husband nung sabihin nyang dapat nagbibigay din sya ng pampasyal at pangkain sa labas. habang si ex-wife solong solo nya ang kita nya sunod pa rin sa luho. gustong kunin ni ex-husband ang mga bata para sa custody kaso pantapat ni ex-wife yung decision ng court in which sya mismo di na magampanan ang pagiging ina.

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 6:00 pm

wala ba talagang chance na maibigay ang custody ng bata sa father despite na siya yung nasampahan ng psychological incapacitated?

Reply

granger May 5, 2010 at 6:17 pm

linawin ko lang ha, eh di ba yung father ang psychologically incapacitated? so hindi annulment yan kundi declaration of nullity of marriage meaning the marriage was void from the start as if walang kasal na nangyari,

when it comes to custody, a child 7 years old and below shall automatically be in custody of the mother unless the court finds compelling reasons to deprived the mother of custody of the child

at eto pa check mo:
Art. 90. When a marriage is annulled, the court shall award the custody of the children as it may deem best, and make provision for their education and support. Attorney’s fees and expenses incurred in the litigation shall be charged to the conjugal partnership property, unless the action fails. (33a)

Reply

granger May 5, 2010 at 6:05 pm

like the father, the mother is also obliged to support their children,

support is not limited to money, to wit:
Art. 290. Support is everything that is indispensable for sustenance, dwelling, clothing and medical attendance, according to the social position of the family.

Support also includes the education of the person entitled to be supported until he completes his education or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. (124a)

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 6:17 pm

thanks GRANGER sa ma impormasyong pagbabahagi.. magiging kasama na sa routine ko ang pagba-browse ng site nyo kesa puro facebook ako..hehehe

Reply

angel on legal May 5, 2010 at 6:32 pm

ay pasensya na po annulment po kc yung term na ginagamit… ground is psychological incapacity. ang nag file si ex-wife. sa decision nakasaad nga yung bata mapupunta sa ex-wife pero wala naka state dun regarding sa child support. si ex-husband kusang loob po yung pagbibigay nya ng sustento kaso lang nung di na kaya yung demand ni ex-wife regarding sa sustento nagkaroon sila ng usapin to the point na ayaw nang tanggapin ni ex-wife yung binibigay nya.

at first maayos na sana sila regarding sa sustento pero humirit si ex-wife at ayaw yatang mabawasan ang sahod. Nung magkaroon nga sila ng mainit na usapin nagmatigas na si ex-wife di na tinanggap yung sustento at sinabing siya na lang daw yung bubuhay sa bata.

In a way advantage sa ex-husband yung decision ni ex-wife pero what if dumating ang araw at sabihin ni ex-wife wala syang karapatan sa bata dahil pinabayaan nya, may habol ba ang ex-husband? or now ano ang pwedeng gawin ni ex-husband para habang maaga magawan ng paraan?

Reply

granger1220 May 5, 2010 at 9:28 pm

itabi lang nung ama ang pang support nya at ipunin, wala naman just cause para mag refuse yung ina sa support na binibigay nung ama, para lang di mabigla ang ama pag biglang nag demand ng support ulit

di mawawala ang karapatan ng ama sa anak nya dahil di naman cya ang nagtigil ng support kundi ang ina na ayaw tanggapin ang support na para naman sa anak nila ng walang just cause

at ang father ay may visitation rights sa anak na nasa custody nung ina at di mawawala yun dahil lehitimo nyang anak yan kahit pa dineklarang walang bisa ang kasal nila sa simula

Reply

angel on legal May 6, 2010 at 1:18 am

linawin ko lang po yung “just cause” yun po ba yung written order from the court?

Reply

granger May 6, 2010 at 9:43 am

hindi, ibig sabihin lang is walang basehan ang pagtanggi sa support na binibigay ng ama para sa anak, anak naman ang entitled sa support di ang ex-wife, kaya lang kung ayaw naman tanggapin di maaari pilitin, di rin naman pede ipilit ng ina ang amount ng support dahil kung yan lang talaga ang kaya ibigay nung ama ang mahalaga eh nagbibigay ng support, ano sya cinuswerte eh di ipasyal nya yung anak nya bilang ina at ipasyal nung ama yung anak nya bilang ama, baka nakakalimutan nung ina na di cla mag-asawa dahil sa nullification nung kasal nila

Reply

granger May 6, 2010 at 9:45 am

pede rin sana yan direcho sa bata kaso kung minor pa di pa rin nya kaya i-administer yung finances nya, so kung ayaw yanggapin nung ina eh di i-deposit sa banko under under trust fund di kumikita pa yung pera nung bata

Reply

angel on legal May 6, 2010 at 1:32 pm

yah ryt, parang ganun nga ang magandang gawin magbukas ng account para sa bata. kakatuwa nga yung ina feeling nya kasama pa sya sa sustento kahit hiwalay sila.

Reply

stac October 3, 2010 at 5:42 pm

My wife is working abroad for three years, umuwi sya last month para ipaalam sa akin na di nya na ako mahal, mag file daw po sya ng annulment.. is it possible?

Reply

granger October 3, 2010 at 8:53 pm

If solely on the ground that she does not love you it is not possible, it must be within the grounds enumerated under A45 of the Family Code, in relation to, Articles 46-47 of the same code.

Reply

rach October 7, 2010 at 10:02 pm

hello po. pano kung parehong psychologically incapacitated ang mag asawa, kanino po ang custody ng bata na 2years and 7 months pa lang? yung nanay po nag undergo ng psychological evaluation. yung tatay psychologcal impression kasi nagrefuse mag subject sa psychological evalutaion pero sabi ng psychologists inaallow daw ng sc na sabihin ng doctor yung personality kahit di nag undergo ng evalutaion. ano pong chances na ma aaward sa nanay yung custody kung ganito ang sitwasyon? thanks po! physically abusive po ang huisband at may previous marriage din po na may history ng abuse na din.. saan po mapupunta ang custody at paniniwalaan po ba ng court na may psychological incapacity yung husband kahit psychological impression lang? thanks!!

Reply

granger October 7, 2010 at 10:38 pm

Under Article 213 of the Family Code, the custody of the child age seven years and below shall belong to the mother. Unless for compelling reasons the court decrees otherwise.

Reply

lan December 7, 2010 at 1:50 pm

hi po, gusto q na po makipag hiwalay sa asawa q first even before d q cya mahal second 8years na po aq ang nagtatrabaho at cya e sa bahay lang na if cnbi q maghanap work e matanda na daw cya at wla daw mag aalaga daw cya anak namin.which is lumaki mga anak namin sa yaya

Reply

mhay January 29, 2011 at 5:09 pm

need po ba ang pirma ng respondent to finalize the annulment?

Reply

willy July 27, 2011 at 6:36 pm

hello po! ako po ay isang ofw up to now pero nagka problema po ako sa asawa ko noong past 2009,na hndi ko po nala2man na nilo2ko na pla ako,binibigyan ko po ng monthly allowance na sa tingin ko po e hndi ako nagkulang sa knya,pro after 2 years po na ko e mag bakasyon,nadatnan ko na buntis sya,wla n akong magawa kundi makipaghiwalay,,,,,asks ko lng po kng ano po ba ang dapat kng gawin para mapawalang bisa ang kasal nmin,sa ngayn po e may asawa n syang iba,..salamat po

Reply

Nicolle Anne September 14, 2011 at 10:51 pm

Gusto ko ng makasal sa lalaking mahal n mahal ko at mahal n mahal din ako.. kaya lng un nga marriedn n rin sya. Nung una ndi ko alam ng committed n ang loko, nka 2 yrs n relasyon namin nung nlaman ko nkpaghiwalay ako s kanya. after 5 yrs nagkabalikan kami & dun ko nlamang 5 yrs n silang hiwalay, ako nman single p din. Nagkabalikan kami & ngayon more than 3 yrs n uli kami.
Gusto ko ng maging legal pagsasama namin, kaya lng ang laki ng gagastusin s pagpapa annul, may iba p bng praan?

Reply

margie January 26, 2012 at 2:00 pm

Hi Good Day!
Kakakasal ko lang noong december last year. Bago pa yung kasal namin sa pag process palang ng mga papers na kailangan sa kasal namin yung partner ko napaka irresponsible na. Hindi sya kumikilos kapag wla ako. Lahat nlang inaasa nya sa akin. Hanggang sa nakasal kami ganun parin. And napaka worse pa dahil narinig ko sa mga kaibigan namin na sinisiran ako ng partner ko sa kasamahan namin. Magagamit ko bang dahilan eto para mapawala ang bisa ng kasal namin?

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: