SHE SHOT THE SHERIFF

by Tito Boy on July 6, 2011

 

Like father, like daughter. Kung gaano ka-astig ang dating mayor (ngayon ang bise-alkade), ganun din pala ang kanyang anak. Mukhang mas magaling pa yata siyang sumuntok sa akin. Parang si Pacquiao habang ginugulpe si Dela Hoya.

Ano nga ba ang kasong kakaharapin ni Sara “ang munting mayora” sa pag-buntal kay sheriff? Yan ay kung  maisipin ng Sheriff na maghain ng reklamo dahil ayaw na niyang bumalik at manirahan sa Davao.

In general, ano ba ang pananagutan ng isang taong nanakit ng mga pulis, sheriff o sino pang nagpapatupad ng batas?

 

DIRECT ASSAULT

Ayon sa Art. 148 ng Revised Penal Code (RPC) ang sino man manakit, manakot, mangurot, singahan o maglaban sa isang “person in authority” o kaya sa mga alalay nito na kung tawagin ay “agents of person in authority” habang ginagampanan ang kanilang opisyal na tungkulin ay paparusahan ng pagkakulong (prision correccional-minimum period) at multa na tumataginting na P500.

Kung ang akusado ay gumamit ng sandata (what a word, naiisip ko tuloy yung itak ni Andres Banifacio) o ‘di kaya’y isa rin siyang opisyal o empleyado ng gobyerno, mas matindi ang parusa (prision correccional-medium to maximum period) at mas mataas ang multa (P1,000 wow, baka mamulubi ang akusado niyan).

Eto ang buong sabi ng batas, para sa mga walang tiwala sa English-Filipino translation prowess ko:

Art. 148. Direct assaults. — Any person or persons who, without a public uprising, shall employ force or intimidation for the attainment of any of the purpose enumerated in defining the crimes of rebellion and sedition, or shall attack, employ force, or seriously intimidate or resist any person in authority or any of his agents, while engaged in the performance of official duties, or on occasion of such performance, shall suffer the penalty of prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding P1,000 pesos, when the assault is committed with a weapon or when the offender is a public officer or employee, or when the offender lays hands upon a person in authority. If none of these circumstances be present, the penalty of prision correccional in its minimum period and a fine not exceeding P500 pesos shall be imposed.:

 

Person in Authority

Sino ba itong “person in authority?” Ayon sa Art. 152 ng RPC, sila ay ang mga taong direktang binigyan ng “jurisdiction” tulad ng mga hukom, opisyal ng “governmental corporation,“board” o “commission” tulad ng mga politiko simula Presidente hanggang Barangay Chairman.

Yap, si Kap kasama, kala mo ha.

 

Agents of Person in Authority

Ang mga alagad ng “person in authority” naman ay ang mga halal (elected) o tinalaga (appointed) ng batas bilang tagapangalaga ng katahimikan (maintenance of public order) at tagapagtanggol ng buhay at ari-arian (protection and security of life and property – Pasok si Superman dito!)

Sila ay ang mga pulis, barangay tanod, sheriff, etc. na nagpapatupad ng mga utos ng “person in authority.

Huwag ka, pati tambay sa kalye ay pwedeng maging “agents of person in authority” kung sasaklolo sila (who comes to the aid) sa “person in authority

Pero kung ang sasaklolohan ng mga tambay ay isa lang “agent of a person in authority” at sinaktan ang mga tambay, ang tawag sa krimen ay “Indirect Assault” ayon sa Art. 149 ng RPC.

Aktuwali, nagkaleche-leche ‘tong batas na ‘to noong inamendahan. Dati, Indirect Assault ang tawag kapag sinaktan ang tumulong sa “authorities or their agents.” Kaso noong binago ang batas ginawang “agent” na rin ang tumulong sa “person in authority,” kaya naging Direct Assault na tuloy kasi nga “agent” na rin siya kahit naki-epal lang. Gulo ‘di ba?

 

Amendment of Batas Pambansa Blg. 873

Dahil sa BP 873, ginawang “person in authority” na rin ang mga guro, professor, supervisors ng mga pampubliko at mga recognized na pribadong paaralan. Pero kung inaya ng propesor ang kanyang estudyante sa motel para daw gumawa ng “project” – ibang klaseng “Direct Assault” ang maaring mangyari.

Kasama na rin sa listahan ng “person in authority” ang mga abugado (ahem!) in the actual performance of their professional duties.

Ibig sabihin, kung inaway mo ang kapitbahay mong abugado habang nagpapahinga siya sa bahay, dahil ayaw mo lang sa pangit niyang mukha (obviously not me) – hindi papasok sa Direct Assault yun. Dapat “in the actual performance of their duties,”  tulad ng pagpasok sa Bar – ng korte, (ayan, nililinaw ko lang) para mag-attend ng hearing (yun naman pala).

Tama na nga, baka saan pa mapunta ang usapan. Tapusin ko na rin ‘to kasi may naghahanap daw sa aking mga lalake sa labas, miyembro daw sila ng “DDS.” Kakatawa naman ang pangalan – “DDS”, parang dance troupe. Ano kaya pakay nila sa akin?


 

—————

The man who strikes first admits that his ideas have given out.“  – Chinese Proverb

{ 20 comments… read them below or add one }

Patrick July 6, 2011 at 4:50 pm
Ronald Redito July 6, 2011 at 5:28 pm

Base lang Tito Boy. =)

Reply

AsOL July 6, 2011 at 6:42 pm

wow! ang bilis sir Atty. express nga!

malinaw na malinaw nga na may nagawang paglabag sa batas si Mayora kaso eh kung ganung lang naman pla ang penalty eh talgang kahit ilang beses p niang sampalin ung sheriff eh balewala nga lng sa kanya un. Baryang barya lng ung penalty na un sa kanya.

haynaku!
haybuhay!
tsk! tsk!

Reply

mile July 6, 2011 at 7:12 pm

sa sobrang inis ni mayor duterte di nya napigilan ang sarili nya. sa totoo lang may tama naman siya kaso un nga lang iba pa rin talaga pag nanakit ka ng kapwa mo.

napanood ko walang balak ung sheriff magdemanda. naku kung magdedemanda pa sya eh baka hindi lang un ang abutin nya kay mayor. hehe joke!

pero ako di ako naawa sa sheriff. nakahanap lang siya ng katapat nya. may usapan pala tapos hindi sumunod kasalanan nya un. (hehehe sama ugali ko)

Reply

mile July 15, 2011 at 3:46 pm

siguro pag hinuli nila si mayor black eye aabutin nila. iba talaga ang babaeng gabriela.

kung si tito boy magiging professor ng law sana si mayor duterte maging trainer din ng boxing. naku for sure dami mag eenroll at isa na ko dun. hehehe!

Reply

granger July 6, 2011 at 7:31 pm

DDS?

Reply

puyat lagi July 6, 2011 at 8:42 pm

2hours extinction lang hindi pa pinag bigyan…hindi naman cnabi hwag ituloy ung demolisyon..extinction lang ang hiningi …un lang..dapat lang sa kanya un….kaso mas batas tau….un ang dapat ipairal lalo na c lady mayor abogado pala..matikas….Atty. ung ginawa ni mayor grounds ba un for disbarment? just in case ayaw magsampa ng demanda ung victim…kumbaga SC na ang bahala sa kanya bilang pagdisiplina…pwede ba ipataw un without the complainant.

Reply

Whatda Hec July 6, 2011 at 11:43 pm

500 lang? tapos pag opisyal ka rin 1,000??? kaya pala nag-withdraw si Mayor Sara ng 10,000 bago sumugod sa site ng demolition operations hehehe.

Reply

24/7 July 7, 2011 at 1:54 am

he,he,he, tumataginting na 500 pesos na penalty, dapat talagang amiendahan na ang batas natin.

Reply

saturn July 7, 2011 at 8:15 am

tito Boy nagtuturo ka ba ng Law? if not dapat kang magturo para mas madami kang matulungang Law studs. galing mag explain! :-) mag-eenrol agad ako!

Reply

igorot July 7, 2011 at 11:13 am

paglilinaw lang po..saan tlaga kabilang ang pulis, sa person in authority o sa agent of person lang..saka po ung sa barangay tanod, kasali po ba sila sa agent of person? kc may narinig ako dati na hindi daw kabilang ang mga tanod sa agent of person in authority..just asking lang po..tnx

Reply

puyat lagi July 10, 2011 at 10:00 pm

pls.. read art.152 of revised penal code… agent lang po talaga ung pulis at BT…

Reply

onesounddrum July 7, 2011 at 11:24 am

stress si lady mayor kaya ayun…buntal na.ikaw ba naman nasalanta na ibang constituent mo dhil sa flashflood.panget naman tignan may sumabay na demolisyon..mayor ka..ikaw lhat kaya may tendency mapikon ka..at kung hindi nya ginawa yun malamang may natigok dun..mas panget na balita yun..at bigla EEPAL NAMAN MGA OBISPO NAKAPA SUV..hehe..morality issue ibanat.eh sila ba merun ba?

Reply

shiah July 8, 2011 at 5:25 am

napakahusay mabuhay ka tito boy…

Reply

hicort July 9, 2011 at 7:57 pm

Tama o mali saludo ako kay Mayora sara duterte. Talagang pinangangalagaan niya ang mga constituents niya. Kaya lang masyadong naging bayolente siya pero mauunawaan naman dahil sa bugso nang damdamin. Kaya nga ayaw din mag demanda ni Abe Andres dahil alam niya na may mali din siya.

Mahalaga ang batas kaya kung dapat may panagutan ay dapat parusahan.

Reply

granger July 10, 2011 at 9:05 pm

“Kaya nga ayaw din mag demanda ni Abe Andres dahil alam niya na may mali din siya.”

Mali. Ayaw nya maghabla dahil nasasarapan pa sya sa init ng araw. :)

Kung kaya kahit maaari ng arestuhin at sampahan ng kaso (di kelangan ng private complainant) ng walang mandamiento de aresto si Mayor ay di pa rin ginawa ng mga kapulisan. Subukan lang nila.

Reply

Manny July 11, 2011 at 9:14 am

Update:According sa Vice mayor na erpats niya…illigal ang demolition na yon hay naku…dapat ksi sundin ang mayor para peace lahat.:-)

Reply

BON July 11, 2011 at 10:34 am

updated sa current events si atty! haha! ayos!!

Reply

jongskie721 July 23, 2011 at 9:00 pm

pasensya na, at matagal ulit na di ako nkadalaw dito.
isa lang ang masasabi ko, AGREE ako sa ginawa ni sheriff. Sori ha, barumbado dinkasi ako kung minsan, pero tanggapin na natin, kahit sinong tao, maliban nalang kung sya ay Santo ay makakapagtimpi pa.

Reply

jay contreras September 23, 2011 at 8:16 pm

pakilinaw nga po yung hatol sa direct assault in authority,thnx..

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: