WHAT'S IN THE NAME

by Rob aka Tito Boy on January 7, 2010

MATAGAL NIYA NA ITONG GINAGAMIT, halos sa buong talambuhay niya. Araw-araw niya itong sinusulat sa kwaderno at sa mga pasulit ng eskwelahan. Lahat ng kaibigan ay yaon na ang tawag sa kanya. Nag-graduate na siya at lahat sa kolehiyo ay yun na ang kinalakihan niyang pangalan, “BRYAN T. ONG”.

Nais niyang makipagsapalaran sa abroad at nag-apply siya ng passport sa DFA sa Pasay. Pagdating niya doon, isa pala sa requirement ay ang kanyang Birth Certificate. Wala siyang dala.

Umuwi siya sa bahay at naghanap. At naghanap. Nakita niya lang ay baptismal certificate. Hindi pwede yun syempre. Kaya nagtungo siya sa NSO sa East Avenue para kumuha ng Birth Certificate. Na-curious na rin siya at nais niyang malaman kung talagang pinanganak siya sa mundong ibabaw at hindi lang isang putok sa buho.

Mahaba ang pila. Tiniis niya at nakipag-gitgitan. Ilang oras rin siyang hindi huminga dahil lakas ng putok ng katabi. Pero ok lang. Matapos magbayad sa cashier ay pinabalik siya sa ika-3 araw para kunin ang NSO copy ng Birth Certificate.

Moment of truth. Pagbalik niya sa NSO ay ibinigay sa kanya ang dokumento. Excited siya at dahan-dahan binuksan habang hawak sa kaliwang kamay ang Coke in can (zero). Ngunit hindi niya inaasahan ang supresang sasambulat sa kanya kaya noong nakita ang Birth Certificate ay nabitawan niya ang Coke na nasa kaliwang kamay at nanlaki ang dalawang mata sa nabasa…

“BAYAG T. ONG”

Holy Shit!

Houston we have a problem.

Kung ikaw si Bayag este Bryan ano ang gagawin mo? Halata namang nagkamali lang sa pag-type ang inaantok na nurse noong ginagawa ang birth certificate mo. Pwede mo bang burahin na lang gamit ang liquid eraser at lagyan ng counter sign? Kung pwede lang.

Dati ay hindi pwedeng palitan ang ano mang entry sa iyong birth certificate na walang utos ang husgado. Lahat ay dadaan sa paglilitis kaya mahaba at magastos ang proseso. Kaya laking pasasalamat ng mga taong tulad ni Bryan nang palawigin ang Republic Act 9048.

TYPO ERROR

Dahil sa RA9048 ay hindi na kailangan pang dumaan sa paglilitis para mapalitan ang entries sa birth certificate na typographical error lamang. Inaatasan ang City Civil Registrar at ang Consul General (para sa mga nasa-abroad) na gawin ito sa isang mabilis at murang paraan.

Ang typo error ay yung halatang pagkakamali na nagawa sa pagsusulat, pagkokopya at paglalagay sa civil register na hindi makakapinsala (harmless and innocuous), tulad ng maling spelling ng pangalan o lugar ng kapanganakan, na maaring maitama sa pagtingin sa mga existing records.

Sa kaso ni Bryan, maari niyang gamitin ang mga records ng kanyang eskwelahan na nagpapatunay na hindi “Bayag” ang ginagamit niya. And I don’t think he will survive high school with that kind of name.

CHANGE OF FIRST NAME

Bukod sa typo error, pinapayagan din ng RA9048 ang pagpalit sa unang pangalang (first name) ng ganitong proseso kapag:

1. Ang unang pangalan ay mabantot o katawa-tawa (ridiculous), nakakahiya (tainted with dishonor), mahirap bigkasin o isulat (extremely difficult to write or pronounce).

2. Ang bagong unang pangalan ay dati nang ginagamit (habitual and continous) at ito na rin ang pagkakakilala ng publiko (publicly known) at kumunidad sa kanya.

3. Ang pagpapalit ng unang pangalan ay magtatanggal ng kalituhan (avoid confusion).

Tulad sa kaso ni Bryan, kung ang pangalan mo ay Burnek, Tarugs, Baktong o Wawawiway, ay pasok ka dito.

SUBSTANTIAL ENTRIES

Ang RA 9048 ay limitado lamang sa typo error at change of first name. Kapag substantial entries na ang papalitan, ay dadaan na ito sa husgado.

Substantial entries ay ang kasarian (sex), edad (age), nationality at status.

Ang pagpalit ng apelyido ay maituturing na substantial kaya husgado lang ang pwede magpalit niyan. Kung tutuusin ay may mga kasong nagkamali rin ng paglagay ng kasarian sa Birth Certificate imbes na ilagay ay Male ay naging Female and vice versa, ngunit ito ay substantial ayon sa batas kaya hindi applicable ang RA9048.

PROSESO

Saan dapat mag-file?

Sa Local Civil Registry Office ng City Hall kung saan nanduon ang record.

Sino ang pwedeng mag-file?

Ang taong nasa hustong edad (18 taon pataas) na may interes sa pagpapalit ng pangalan tulad ng:

(1) Syempre ang taong mismong may-ari ng record na papalitan; o ‘di kaya

(2) Kanyang asawa, anak, magulang, kapatid, lolo, lola o taga-alaga (guardian)

Papano?

Mag-fill-up ng form na ibibigay sa inyo kasama ng:

(1) Birth Certificate NSO copy

(2) Dalawa (2) sa anumang dokumentong ito: baptismal certificate, voter’s affidavit, employment record, GSIS/SSS record, medical record, school record, business record, driver’s license, insurance, land titles, certificate of land transfer, bank passbook, NBI/police clearance.

Para sa change of first name, kailangan ng clearance sa inyong employer, NBI, PNP at proof of publication.

Kailangan ng publication baka kasi nagpapalit ka lang ng pangalan para iwasan ang syota mo kaya dapat malaman ng madla.

PROVISIONAL

Kung nagmamadali ka at kailangan mo na i-submit ang birth certificate mo kasi may deadline ka sa embassy o para sa board exam, pwede ka mag-submit pansamantala ng affidavit to establish single identity of names.

Sinasaad mo doon na ang tao sa birth certificate at ang tao na nakasulat sa ibang dokumento ay iisa lang. At nagkaroon lang ng typo error kaya magkaiba. Pero dapat ayusin mo ‘yan kasi ikaw din ang mapeperwisyo sa katagalan.

Sa susunod na post ay ang proseso sa substantial entries.

————————–

Nicknames stick to people, and the most ridiculous are the most adhesive.” – Thomas C. Haliburton

{ 148 comments… read them below or add one }

oliver April 24, 2010 at 5:48 pm

maraming salamat po tito boy akala ko dadaan pa sa court proceeding laking gastos! God Bless~~~

Reply

the3rd April 28, 2010 at 12:19 am

tito boy, follow up lang dun sa tanong ko re my name suffix. actually, kaya ko tinanong yun kasi gusto ko sanang pabago yung nakalagay sa passport ko kasi walang “Jr” or “III” naman ang nakalagay dun. naalala ko kasi nung 1996 sinubukan kong pabago yun sa DFA nung nagrenew ako ng passport ko. Meron akong dalang Affidavit of Discrepancy (ng Birth Certificate) na pinagawa ng mother ko sa isang lawyer. pero hindi tinanggap noon sa DFA yung request ko to add the “III” suffix sa passport ko. ang sabi sa akin dun sa window ay kailangan daw pabago ko mismo sa NSO yung birth certificate ko. tanong ko eh kung nabago na ba ito at pwede na ba gamitin yung affidavit para magrequest ng change/update of name sa passport? maraming salamat.

Reply

granger April 28, 2010 at 10:23 am

kung nabago mo na sa NSO, NSO copy na dalin mo, surname yan kaya di pede affidavit lang kaya ni require ka na pabago sa NSO ng DFA, ano ka ba talaga Jr. or III?

Reply

angel June 2, 2010 at 11:39 am

good day po atty. Pano po yung gagawin kung tama naman po yung pangalan dun sa birth certificate from local civil registry tapos pagdating dun sa NSO copy mali na?

Yung name po kasi sa birth cert ko from city hall “Angel Girl” (tama po ito kasi eto talaga ginagamit ko) tapos pagdating sa NSO nawala na yung girl, “angel” na lang. Clerical error ba ito under RA 9048? Nagtataka ako pano nangyari ito eh yung nasa NSO kinopya lang from City Hall.

Thanks po!

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 10:35 am

NSO copy ang prevailing. Yes clerical error yan pwede RA 9048.

Reply

mario ampatin June 5, 2010 at 11:59 am

hi tito boy,
Ako po si Mario Ampatin,maling mali po ang aking birth certificate.Ang nasa NSO record po ay Maria Ampatin tsaka famale din po ang Gender..Matagal ko na po itong pinoproblima sana po ay matulungan niyo po ako.Ako po ay lalaki at hindi ako babae , ano po ang dapat kong gawin.Lahat ng mga Documents ko ay Mario sa NSO lang po ang mali..Sana po ay matulungan niyo ako…

Maraming maraming salamat po…GOD BLESS

Mario Ampatin

Reply

Rob aka Tito Boy June 5, 2010 at 5:05 pm

Substantial ang error sa birth certificate mo. Court order ang kailangan para maayos ang birth certificate mo. Anyway, try mo muna ang administrative procedure sa munisipyo, kung ayaw nila at sabi sayo “court order” kailangan mo, balik ka dito.

Reply

mario ampatin June 7, 2010 at 1:09 pm

Tito boy,pwede po ba na ang mga magulang ko ang mag-aayos?Kasi po dito po ako ngayon sa Valenzuela,pero lahat po ng mga documents ko pinadala kuna sa probinsiya ko taga Bohol po kasi ako..

Reply

granger June 7, 2010 at 7:14 pm

puede

Reply

sheng June 7, 2010 at 4:40 pm

hi atty! ask ko lng..ngaapply ksi ko ng passport,hindi nprocess ang passport ko kc my problema BC ko, sbi ng tga DFA ipareflect ko daw ung middle name ko kc s mga other supporting documents ko kso s BC ko middle initial lng meron,pagtingin s baba ng BC ko s part ng mother ko na instead n yung lastname ng mother ko nung single pa sya ang nka-reflect dun, ang nakalagay n dun is yung lastname n nya nung may asawa na.sbi ng taga DFA pa iapply ko dw ng petition un s municipality of civil registrar kung san ako npa-register before. under ba ito ng RA9048? help me pls..need ko kasing makakuha ng passport the soonest hindi ko nmn kc alam n may problema s BC ko. anu ang dpt kong gwin n mas mppbilis ang processing kc accdng.to our municipality 2-3 months dw before mforward ito s NSO.

Reply

Rob aka Tito Boy June 8, 2010 at 8:14 am

Gawa ka ng “affidavit to establish single identity of names” or “affidavit of discrepancy”. Tignan mo sa legal forms, may sample dun. Yun muna submit mo sa DFA para makakuha ka ng passport.

Reply

sheng June 8, 2010 at 5:56 pm

thank you atty.. i will try to submit that hopefully DFA will accept it..

Reply

lhezther July 9, 2010 at 8:44 pm

hi sheng i have the same problem. mali din ang nakalagay na maiden name ng mother ko. na try mo na ba mag submit ng affidavit of discrepancy or single identity of names sa dfa? kc im planning to get a passport na din. do you aacept tlga nila un?

Reply

sheng June 7, 2010 at 4:42 pm

sa other documents ko pala buo ang middle name ko

Reply

jen July 22, 2010 at 8:02 pm

Hi sheng,

Nakakuha ka ba ng passport gamit ang affidavit?
Kasi we have almost same problem eh un nga lang sakin, both my NSO and B.C has no middle name and the last name of my mother is mispelled.

Reply

joy roa June 11, 2010 at 4:13 pm

Hi! can i possibly file for fiancee visa though my first name in my birth certificate is not yet corrected yet? What shall i suppose to do with it? Please help me.

Reply

alene_19 June 14, 2010 at 3:16 pm

hi! ask ko lang po. puede po ba hindi umattend ng hearing kung pinapaayos ko po yung gender ko sa birth certificate ko. instead po na male female po kasi nakalagay. nasa abroad po kasi ako. puede ko po ba ipaayos na lang sa parents ko yun at di ako umattend ng hearing. bibigay ko nman po lahat ng kailangang documents. marami pong salamat.

Reply

Tito Boy June 14, 2010 at 7:43 pm

pwede yun but you have to provide a special power of attorney (SPA) authorizing other people to appear in your behalf.

Since you’re abroad, you must have it sworn under oath before the philippine consul there.

Reply

chie June 22, 2010 at 9:54 pm

hello po. i have a 15 y/o son and i had him when i was 17. me and his father got married 5 mos after his birth. my problem is, iba ang name nya sa BC nya sa ginagamit nya sa school and sa baptismal nya. kasi when he was baptized, ginawa syang junior ng byenan ko. anong process ang pedeng gawin para mapalitan ang name nya sa bc nya? isa po bang masalimuot madugong proseso ito? madugo as in magastos? and of ever na magastos, pede ko bang ibalik na lang ang name nya accdg sa name nya sa BC? allowed ho ba to sa school? salamat po ng marami

Reply

sherwin July 2, 2010 at 10:46 am

Naalala ko tuloy yung classmate ko nung high school, Bruno “Tada” ang sinusulat nya sa papel nya pag nag qquiz kami, nun pala eh Bruno “Tacla” ang real surname nya, pinagdidikit yung “c” at “l”, mautak din no? nakapagpalit na kaya ng surname yun… hehehe

Reply

Ningning July 8, 2010 at 4:57 pm

Good afternoon po. Sa birth certificate po ng anak ko from civil registry nakalagay “RAPHAEL CARLO” , while kanina po kumuha ako sa NSO, “CARLO” na lang. Nagyari po kasi nito ang nagparegister sa city hall ay ang midwife na nagpaanak sakin. Carlo lang po ang nakalagay ng una nyang binigay samin. Since kulang nga po ng Raphael, pinabalik po namin kinabukasan sa City Hall. Dating papel pa rin po ang binalik sa amin at dinagdag lang ang Raphael tapos pinirmahan sa katabi nito. Pwede ko po ba ipadagdag ang Raphael sa NSO copy? Lahat po kasi silang magpipinsan na lalaki two names at may CARLO ang pangalan kaya kawawa naman ang anak ko if Carlo lang ang sa kanya.

Maraming Salamat po.

Reply

granger July 15, 2010 at 10:12 am

File an affidavit to establish single identity of names with the local civil registrar under RA9048.

Reply

exrxnxsxtx July 14, 2010 at 6:21 pm

kahit po ba isang letra lang ang pagkakamali sa last name eh dapat pa rin po dumaan sa husgado?

Reply

granger July 15, 2010 at 10:13 am

Yes since that is a surname.

Reply

THER July 19, 2010 at 9:55 pm

ask ko lang case ng brother ko , sa BC
nya ang name nya is Joe Mhar Valenzuela pero ang ginagamit nya is Joemhar Valenzuela . Need pa ba nya kumuha ng affidavit of discrepancy?thanks

Reply

granger1220 July 19, 2010 at 10:13 pm

buti hindi Jejoemhar :D

Reply

pia July 22, 2010 at 5:01 pm

hello po,ask ko lang po ung name ng friend ko,gamit kasi niya sa school noon eh ricky,pero ngayon married n siya ang nakalagay pala sa BC niya larry,ibang iba po talaga ,pero pareho po ng surname,,at ung middle name niya iba din po ang spelling,dapat po caliyo,pero ang nakalagay sa BC eh caleo..pano po kaya un??kasi sa marriage cert. niya eh larry na ang gamit niya,pati sa BC ng mga anak niya….thanks po

Reply

granger July 22, 2010 at 5:27 pm

File an affidavit to establish single identity of names under RA9048.

Reply

JEN July 22, 2010 at 10:54 pm

Hi Atty,

I have problem with my Birth record.
I don’t have middle name in both of my Local copy and NSO birth certificate.
Also, from this, my mothers’ last name is spelled incorrectly on the last letter.

I am in a hurry to get a passport. Can I just request an Affidavit to Establish Single Identity of Names for these two problem?

Please help me people….

Thanks,
Jen

Reply

jade July 23, 2010 at 3:33 am

Sir,

Kung ang error ay nagreflect lang sa NSO copy, saan maaaring nangyari ang pagkakamali? sa local municipality ko ba dahil sila rin ang nagtataype ng isa sumbit na records sa NSO or sa NSO na dahil hindi electronic ang copy na submitted sa kanila? Baka kasi magreklamo yung local civil registry ko at sabihing hindi nila error un.

tnx

Reply

izzy me August 3, 2010 at 7:11 am

nanganak po ksi ako indi pa po kmi ksal ng boyfriend ko sa akin po nkaapelyido ung anak ko ksi po ala po sia ng manganak ako nasa province po kya indi din po sia nakapirma sa likod ng birth certificate na katunyan na sia ang tatay ng anak ko.tpos po pinabinyagan ung anak ko apelyido po ng boyfriend ko ung ginamit ngyon po gusto na po nmin ilgay sa apelyido ng boyfriend ko ksi may blak n po kmmi mag pakasal pno po b ang gagawin nmin?magastos po ba ito? sir paki sagot po asap tnx..

Reply

granger August 3, 2010 at 9:45 am

pakasal ka na muna para legitimate na anak mo which shall give the child to use the surname of the father and lift his status to legitimate from illegitimate

Reply

hannah August 9, 2010 at 4:07 pm

Hi atty,

Problem ko kasi mali yung name ng pareho nming mother sa marriage certificate. Nailagay po namin name nila nung dalaga pa..

dadaan po rin ba sa court ito? or pwede ng iipabago direct sa NSO?

thanks

Reply

granger1220 August 9, 2010 at 5:21 pm

ha ha ha nanay nyong 2 di nyo alam name, cguro wala kayong parents consent nung kinasal ano at walang license

Reply

hannah August 10, 2010 at 8:38 am

May parents consent at license kmi.. malayo lng sila. typo errors akala nmin mothers maiden name..kaya un.

pag mali po ba ang parents name sa marriage certificate null and void po ba ung kasal? or nid lng ng icorrect? name prin nmn po nila un kaya lng nung dalaga.

thanks

Reply

granger August 10, 2010 at 2:01 pm

It will not affect the validity of your marriage.

Reply

blue August 11, 2010 at 1:33 pm

hi po gusto ko lang po sana mag ask kung ano ang dapat gawin regarding sa name ng father ko. Lately ko na lng nakita na Pancho pala ang nasa birth certificate nya na siyang gamit ng 2 kapatid ko tapos sa birth certificate ko naman at sa another 2 ko pang kapatid Mario ang nakalagay so un po ang ginagamit ko sa lahat ng transactions ko like SSS, passport and credentials. ano po ba ang dapat kong gawin di ko po alam kung saan ako mag uumpisa. tnx. po

Reply

granger August 11, 2010 at 2:32 pm

File with the local civil registrar of the place of birth of your father an affidavit to establish single identity of names under RA9048.

Reply

Chel August 11, 2010 at 6:06 pm

Hi just need an advise regarding on my name also. Yung BC ko po may “JR” the problen is girl po ako yung father ko ang JR. ngkamali po yung nag type pero nilagyan pa rin ng JR yung name ng father ko,since nag aral po ako di ko ginamit yun kasi nga di naman ako boy..Sa aug 17 naka schedule na kami pamilya for passport application nagwoworry ako kasi baka di maprocess yung sakin. meron ako Affidavit of Discrepancy pero bata pa ko nun before ako mag aral,now I am married and of course gamit ko na last name ni hubby. Ano po dapat ko gawin. Thanks in advance! God bless.

Reply

bomalabs August 23, 2010 at 9:00 am

Hi I would like to ask if My Middle name which has typograpical error what should I do? need I go to Civil Reg or just make an affidavit of discrepancy?

Reply

blue August 23, 2010 at 5:11 pm

tnx po for answering my question…more power..

Reply

ALLAN MITCHELL SILONGA September 1, 2010 at 3:54 pm

Hi Tito boy,
Tanung ko lang po kung papano maayos yung problema ko, di po ako makakuha ng passport dahil nung kumuha ako ng birth certificate sa nso, “BABY SILONGA” po ang nakalagay, Ang name ko po at ALLAN MITCHELL S. SILONGA, poanu ko po itatama yung error, salamat po ng madami.

Reply

granger September 1, 2010 at 4:04 pm

sabihin mo kamag anak mo si Asiong Salonga para matakot :D

Reply

granger September 1, 2010 at 4:14 pm

Late Registration mo na lang.

Reply

Ria September 3, 2010 at 2:20 am

Hello po ask ko sana kung gaano katagal ayusin ang petition for correction on clerical errors:
eto po case namin ng asawa ko sa marriage certificate ay mali po ang birth place ko na wife nalagay namin ang Place of Residence ko instead of PLACE OF BIRTH.

Kasama po ba ito sa RA9048?
Kumuha po kami ng Marriage License sa Tarlac kung san ang residence ng Husband ko. Tapos kinasal kami sa Makati City nung April 24, 2010. Ngayon po ay magpalit/renew sana ako sa passport ko dito sa Philippine Embassy Vancouver Canada pero laking gulat ko dahil mali ang PLACE OF RESIDENCE ko sa Marriage Certificate namin. Ano po ang mga kailangan ko ihanda/submit na requirements?
May mga magpapatotoo na ako ay ipinanganak sa GONZAGA CAGAYAN hindi BATAC ILOCOS NORTE gaya po ng:
Passport
NBI Clearance
Transcript of Records
Salamat po sa tulong niyo kung may maipapayo po kayo. here’s my email address: air_91980@yahoo.com

Reply

granger September 4, 2010 at 10:42 pm

RA9048 is change of first name.

Reply

Emil F. Manapsal September 3, 2010 at 2:45 am

Hi Attorney:

I have a problem with my middle name. In my BC, it is SEVILLA, but my factual middle name is FUJISAWA which i have been using in all my records including school records, passport, voters id, drivers licence etc. I have a petition for US immigration soon to become current. In my petition papers it is EMIL FUJISAWA MANAPSAL. What should i do ? Will affidavit of single identity of names suffice? Or i should go with the process of filing a petition to change my middle name in court. Thank you. Emil.

Reply

Jancarvel September 7, 2010 at 3:23 pm

Ask ko lang po if kailangan po ba na dumaan sa court kung change of birth place? May kamag-anak kasi akong makulit na rinegister ako sa province namin kahit hindi naman ako doon pinanganak. Nag-doble tuloy ang birth certificate ko. Ang problema lang, yung birth certificate ko na mali ang napasok sa NSO.. Pero nauna pong nagawa yung totoong birth certificate ko. Ano po dapat kong gawin?

Reply

granger September 7, 2010 at 4:15 pm

Pa kansel mo yung mali na pangalawa tutal nauna naman marehistro ang tama.

Reply

gee September 9, 2010 at 3:00 am

sir, pano if my kids birth certificate shows his father’s occupation is a driver which is not, and mine shows as housekeeper, can that be changed? i’m not sure where they got those information, i just decided i wanted it corrected since my kid is growing up na. is that possible? thanks!

Reply

YOSS September 9, 2010 at 10:15 pm

Sir, magandang gabi po. Hihingi pa ako ng payo sa inyo. Julius LIMATOC delos Santos po ang pangalan ko, pero ang nakalagay po sa birth certificate ko ay Julius TORRES delos Santos. LIMATOC po talaga ang totoong middle name ko, kaya lang TORRES po ang ipinalagay ng nanay ko sa kadahilanang hindi po ako nakasisiguro. TORRES po and maiden name ng lola ko, yun po ang ginamit nya. pero nung magsimula po akong makapag-aral LIMATOC na po ang ipinagamit nya sa akin. Balak ko po na kumuha ng passport, kaya lang po matagal daw po ang proseso para mabago ang mga dapat baguhin sa birth certificate ko. Maaari po na lang po ba akong gumamit ng affidavit of discrepancy para makakuha agad ako ng passport. Sana po ay matulungan ninyo ako.

-yoss

Reply

Michelin September 10, 2010 at 5:28 am

Sir, clarification lang: pag gumamit po ba ng affidavit to Establish Single Identity of Names, ang lalabas yun name ko muna sa birth certificate? tapos pag na change na…pwede ko na ulit i file sa DFA under na dun sa tamang name? san ko po attach yun affidavit? sa application ko po ng passport?

Reply

rennelicio September 10, 2010 at 9:13 pm

magandang araw po. gusto ko lang humingi ng payo tungkol sa birth certificate ng anak ko. ang pangalan po kasi ng nanay nya ay MICHELLE VERA CRUZ SEREZO. pero ang nakalagay po sa BC ng anak ko ay MICHELLE VAY VERA CRUZ SEREZO. nagkaroon po ng “VAY”. maaari pong kasalanan ko na naisama ang kanyang palayaw nung irehistro sa ospital.
ito po ang aking mga tanong:
a.] saan ko po una kailangang pumunta para maitama yung pagkakamali sa birth certificate ng anak ko?
b.]ano pong mga papeles ang kailangan ko para maiayos ang nasabing birth certificate?
c.] gaano po katagal (kalimitan) inaabot ang pagpoproseso ng ganitong dokumento?
magandang araw po ulit at maraming salamat in advance….

Reply

Mally Gargar September 15, 2010 at 4:17 pm

Tanong ko po ay eto.

Sa pangalan ng kaibigan ko, may JR. pero yun pala hindi sila magkapareho ng pangalan ng Tatay nya so apparently, hindi sya JR. Pwede po ba ang RA 9048? Enough na po kaya ang marriage contract ng parents nya, birth certificate ng tatay nya at isa o dalawa sa kapatid nya para ipatunay na hindi nga sya JR at ang petition nya is only to remove the Jr. sa dulo ng pangalan nya?

Reply

granger September 15, 2010 at 5:04 pm

Ang mga humihingi ng legal advice sa chat at blog comment ay hindi sasagutin. punta kayo sa forum

Reply

gilbert malapitan November 25, 2010 at 1:09 am

mam/sir,
gud day po,meron lng po ako katanungan sana matulungan nyo po ako.yung pamangkin ko po ay di makapgtrabaho graduate na po cia ng college kaya lng problema nya ay yung kanyang surname.hindi pa po kasal ang parents nya nung pinanganak cia,kaya ang nakafile sa nso ay apelyedo ng nanay nya.mula pumasok cia ng grade 1 gamit nya ay apelyedo ng kanyang ama hanggang makatapos cia ng college.sa totoo lng po meron ciang BC kaso nung hiningan cia n2 ginawan ng paraan ng tatay na magamit ang kanyang apelyedo,penaxerox nya ang original na BC at pinatungan ng apelyedo ng tatay nya.ngyun ang problema nya ay ganito lahat ng dukumento nya ay apelyedo ng tatay nya na hindi naman nakafile sa nso.ano po ba ang mga dapat gawin upang mabago ang kanyang pangalan.ang ibig ko pong sabihin ay mapalitan ang pangalan sa BC nya na nakafile sa nso,na ang gagamitin nya ay ang apelyedo ng tatay nya na sa simulat simula pa ay yun na ang ginamit nya. salamat po

Reply

Nalds November 25, 2010 at 4:07 pm

Sir,may pRoblema kc aq sa brth crtfc8 q.. Sa launion kc aq pinanganak kaso wala yung tatay ko nun, nand2 sya sa bataan. db dati hndi pwd ilagay sa brth crtfc8 ung surname nung ama hnggt d xa nka2pirma. kya ung sa original birth crtfc8 q, ung nkalagay na surname ung sa nanay ko,tapus wlang nkalagay na middle.. hndi q lam panu q maaaus ng d gagastos ng malaki at di na dadaan sa korte. panu po un? kc gagrduate n q nxt yr. tnx po ng madame..

Reply

Annalyn December 22, 2010 at 4:20 pm

hello atty –esq! ang pangalan ko pong ginagamit sa kasalukuyan ay pangalan is under my dad’s name. Meron po akong petition sa USA pero is under my mom’s name. I have the BC ng parehong pangalan. kasi di kasal ang mum at dad ko so i do not know po kung pano nila na-fabricate yun nung araw na nagamit ko pangalan ng dad ko..MY QuEStion is, ang gusto ko nang gamitin ay yung mum’s name ko sa PAssPOrt para magtugma sa petition ko. Anu po ang gagawin ko. I have a passport under my dad’s name at hindi ko po alam kung dapat bang pacorrect ko nlng yung nasa passport or magapply nlng ako ng iba under my mum’s name. The only LEGAl papers that I have under that name is my NSO. Wla nang ibang supporting documents kasi buong buhay ko ginamit ko ang pangalan ng tatay ko. Tulungan nyo po ako. Thank You po!

Reply

Annalyn December 22, 2010 at 4:25 pm

And your approach sa website nyo is inspiring. You made it feel light esoecially for those na namomopblema sa pangalan because of ur story. I was enjoyin the story kahit sumasakit na ulo ko sa kasong to. I hope and pray for your success. and Merry Christmas!

Reply

granger December 23, 2010 at 12:29 pm

NSO will suffice and the Certified True Copy of your BC issued by the local civil registrar, both under your mother’s surname.

Reply

jane dizon December 30, 2010 at 7:50 pm

hello poh… ask ko lang po kung paano bout my case may typo error po ung marriage crtific8 q.. narelease po tlaga kc ung license namin ng oct 04 then kinasal ng oct 8 kaso ung secretary natype nya po sa marriage certificate namin na narelease and license namin ng oct 10 kya kung titingnan ang mariage cert namin ay di valid kc nauna ung kasal bago ung license… tatanggapin din po kaya ung affidavit of discrepancy ang case na i2 kc mejo maselan xa,,, gagamitin ko po kc sa dfa kailangan na pti sa CFO for seminar… slamat poh hope u can help me..God bless

Reply

jerome licmoan January 13, 2011 at 1:39 pm

good day!! ask ko lng po kung paano process sa bc kasi yung sa portion ng last name ko, first name ang nakalagay and vice versa. bale ang nakalagay sa mismong b.c. ay LICMOAN INOCALAN JEROME dapat JEROME INOCALAN LICMOAN. nagkapalit yung first name at last name. panu kaya to?? Need help. Salamat!

Reply

john-rich concepcion January 21, 2011 at 1:09 pm

hi atty. ask lng po…kasi po kukuha ako ng pasport. nakalagay po sa bc ko. john-rich concepcion.bali po lahat ng mga valid id naka lagay john rich concepcion. bali das lng po un descrepancy.. ano po b un pede kong gawin???maquequestion po b ito sa dfa??? salamat po…..

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: