MATAGAL NIYA NA ITONG GINAGAMIT, halos sa buong talambuhay niya. Araw-araw niya itong sinusulat sa kwaderno at sa mga pasulit ng eskwelahan. Lahat ng kaibigan ay yaon na ang tawag sa kanya. Nag-graduate na siya at lahat sa kolehiyo ay yun na ang kinalakihan niyang pangalan, “BRYAN T. ONG”.
Nais niyang makipagsapalaran sa abroad at nag-apply siya ng passport sa DFA sa Pasay. Pagdating niya doon, isa pala sa requirement ay ang kanyang Birth Certificate. Wala siyang dala.
Umuwi siya sa bahay at naghanap. At naghanap. Nakita niya lang ay baptismal certificate. Hindi pwede yun syempre. Kaya nagtungo siya sa NSO sa East Avenue para kumuha ng Birth Certificate. Na-curious na rin siya at nais niyang malaman kung talagang pinanganak siya sa mundong ibabaw at hindi lang isang putok sa buho.
Mahaba ang pila. Tiniis niya at nakipag-gitgitan. Ilang oras rin siyang hindi huminga dahil lakas ng putok ng katabi. Pero ok lang. Matapos magbayad sa cashier ay pinabalik siya sa ika-3 araw para kunin ang NSO copy ng Birth Certificate.
Moment of truth. Pagbalik niya sa NSO ay ibinigay sa kanya ang dokumento. Excited siya at dahan-dahan binuksan habang hawak sa kaliwang kamay ang Coke in can (zero). Ngunit hindi niya inaasahan ang supresang sasambulat sa kanya kaya noong nakita ang Birth Certificate ay nabitawan niya ang Coke na nasa kaliwang kamay at nanlaki ang dalawang mata sa nabasa…
“BAYAG T. ONG”
Holy Shit!
Houston we have a problem.
Kung ikaw si Bayag este Bryan ano ang gagawin mo? Halata namang nagkamali lang sa pag-type ang inaantok na nurse noong ginagawa ang birth certificate mo. Pwede mo bang burahin na lang gamit ang liquid eraser at lagyan ng counter sign? Kung pwede lang.
Dati ay hindi pwedeng palitan ang ano mang entry sa iyong birth certificate na walang utos ang husgado. Lahat ay dadaan sa paglilitis kaya mahaba at magastos ang proseso. Kaya laking pasasalamat ng mga taong tulad ni Bryan nang palawigin ang Republic Act 9048.
TYPO ERROR
Dahil sa RA9048 ay hindi na kailangan pang dumaan sa paglilitis para mapalitan ang entries sa birth certificate na typographical error lamang. Inaatasan ang City Civil Registrar at ang Consul General (para sa mga nasa-abroad) na gawin ito sa isang mabilis at murang paraan.
Ang typo error ay yung halatang pagkakamali na nagawa sa pagsusulat, pagkokopya at paglalagay sa civil register na hindi makakapinsala (harmless and innocuous), tulad ng maling spelling ng pangalan o lugar ng kapanganakan, na maaring maitama sa pagtingin sa mga existing records.
Sa kaso ni Bryan, maari niyang gamitin ang mga records ng kanyang eskwelahan na nagpapatunay na hindi “Bayag” ang ginagamit niya. And I don’t think he will survive high school with that kind of name.
CHANGE OF FIRST NAME
Bukod sa typo error, pinapayagan din ng RA9048 ang pagpalit sa unang pangalang (first name) ng ganitong proseso kapag:
1. Ang unang pangalan ay mabantot o katawa-tawa (ridiculous), nakakahiya (tainted with dishonor), mahirap bigkasin o isulat (extremely difficult to write or pronounce).
2. Ang bagong unang pangalan ay dati nang ginagamit (habitual and continous) at ito na rin ang pagkakakilala ng publiko (publicly known) at kumunidad sa kanya.
3. Ang pagpapalit ng unang pangalan ay magtatanggal ng kalituhan (avoid confusion).
Tulad sa kaso ni Bryan, kung ang pangalan mo ay Burnek, Tarugs, Baktong o Wawawiway, ay pasok ka dito.
SUBSTANTIAL ENTRIES
Ang RA 9048 ay limitado lamang sa typo error at change of first name. Kapag substantial entries na ang papalitan, ay dadaan na ito sa husgado.
Substantial entries ay ang kasarian (sex), edad (age), nationality at status.
Ang pagpalit ng apelyido ay maituturing na substantial kaya husgado lang ang pwede magpalit niyan. Kung tutuusin ay may mga kasong nagkamali rin ng paglagay ng kasarian sa Birth Certificate imbes na ilagay ay Male ay naging Female and vice versa, ngunit ito ay substantial ayon sa batas kaya hindi applicable ang RA9048.
PROSESO
Saan dapat mag-file?
Sa Local Civil Registry Office ng City Hall kung saan nanduon ang record.
Sino ang pwedeng mag-file?
Ang taong nasa hustong edad (18 taon pataas) na may interes sa pagpapalit ng pangalan tulad ng:
(1) Syempre ang taong mismong may-ari ng record na papalitan; o ‘di kaya
(2) Kanyang asawa, anak, magulang, kapatid, lolo, lola o taga-alaga (guardian)
Papano?
Mag-fill-up ng form na ibibigay sa inyo kasama ng:
(1) Birth Certificate NSO copy
(2) Dalawa (2) sa anumang dokumentong ito: baptismal certificate, voter’s affidavit, employment record, GSIS/SSS record, medical record, school record, business record, driver’s license, insurance, land titles, certificate of land transfer, bank passbook, NBI/police clearance.
Para sa change of first name, kailangan ng clearance sa inyong employer, NBI, PNP at proof of publication.
Kailangan ng publication baka kasi nagpapalit ka lang ng pangalan para iwasan ang syota mo kaya dapat malaman ng madla.
PROVISIONAL
Kung nagmamadali ka at kailangan mo na i-submit ang birth certificate mo kasi may deadline ka sa embassy o para sa board exam, pwede ka mag-submit pansamantala ng affidavit to establish single identity of names.
Sinasaad mo doon na ang tao sa birth certificate at ang tao na nakasulat sa ibang dokumento ay iisa lang. At nagkaroon lang ng typo error kaya magkaiba. Pero dapat ayusin mo ‘yan kasi ikaw din ang mapeperwisyo sa katagalan.
Sa susunod na post ay ang proseso sa substantial entries.
————————–
“Nicknames stick to people, and the most ridiculous are the most adhesive.” – Thomas C. Haliburton


{ 152 comments… read them below or add one }
Next Comments →
Haha! Astig ng kwento atty! Ke galing mo talaga! Lols! Natuto ako sa paraang hindi boring..
Yun pala. Madali na ngayun.. May ganun na plang pagpapalawig kala ko un dati padin na may hearing etc etc pa. Cool! Wawawiway!! Tawa ko ng tawa!
Bon, ang wawawiway daw ang tawag sa pawis ng singit ng boobs. Yung burnek syempre alam mo ibig sabihin nun. hehe
hahaha..sama naman ng name ako rin ganyan nangyari sa akin..single S ang lagi ko gamit nung kumuha ako ng NSO aba double SS pala…graduate na ako saka ko nalaman na ganun..sobrang complicated nga talaga ganyan typo error na yan..buti na lang notary lang katapat..ayun ok na ang kasalan yun nga lang yun double ss ang nilagay sa marriage contract ko kasi yun ang recommend nung civil registrar..kasi daw may hearing pa!!!!…nasanay ko ng single S lang…nice post ito guide ko to..maiprint nga..hehehe..salamat atty!!!
onesounddrum,
Yap, better stick with what is indicated in the NSO Birth Certificate.
Kung hindi naman ka-”bantotan”, pantiyagaan muna hehe.
Houston we have a problem. (hahaha, i like this line).
napaka-informative naman talaga ng mga kwento mo atty., kahit walang mali sa name ko, eh sobrang naapreciate ko ang mga bagong updates sa mga batas na may kinalaman sa pangalan ng tao.
may tanong lang, may kinalaman din sa NSO- issued birth certificate: bakit ba yong mga embassy, o kahit DFA pag nagrerequire ng birth certificate eh minsan dapat valid for a certain period like dapat issued within 3 months, 6 months, one year. does it expire? salamat po.
Hindi nag-expire yun. Siguro, gusto lang nila ma-update yung status mo from single to married to annulled and back to single again haha.
hahaha ngayon alam ko na
Laking tulong nito kasi kuya ko mali po ang first name sa gnagamit nya as compared to what was filed sa birth cert nya.
Thanks ng marami!!!
wow, another dagdag kaalaman na naman ito… akala ko pa naman dadaan pa sa Supreme Court… heheh sa korte lang pala….
Salamat Tito Boy… bago sa pandinig ko ung…
“Houston we have a problem”
time: 7:01am
place: Office
xtremus24,
“Houston we have a problem” ang sinasabi ng mga astronaut sa US kapag may problema sila sa kalawakan, ang Houston ay ang base nila.
Panyerong tito boy pinatawa mo ako ng husto…galing mo.
haha its my honor panyero!
Ganito ang nangyari sa akin. Hindi ko na nakuhang palitan pa ang mali sa apelyido ko, sabi kasi ng attorney na panagkonsultahan ko ay aabutin ng 30K hanggang 100K ang pagpapalit ng isang letra. Wala kasi kaming pera pagpapatapos lang ng pagpapaaral ay mhirap na kami yun pang pagpapabago ng paelyido, kaya ang ginawa ko nalang ay isinunod ko nalang kung ano ang nakasulat sa birth certificate ko sa mga record sa school at lisensya. Kaya pala halos magpakamatay na ako sa hiya ay hindi ko makita ang pangalan ko sa diyaryo noong lumabas ang resulta ng board exam mabuti na lang at tumwag sa bahay namin ang barkada ko na pasado daw ako at may problema lang sa PRC tungkol sa pangalan.
haha…ang importante pasado ka ferdz. stick to what is in your birth certificate to avoid hassles.
now ko lang po ulit nabasa ang post na ito related sa name. baka pwedeng mkahabol sir atty. sa aking ktanungan. wala nman pong problema sa name ko. ang nangyari lang ay bumili kami ng maybahay ko ng bahay at lupa na nasa paso. ito ang aming pagyayamanin at bubungkalin. pero sinalanta kami ni ondoy. hayufak na yun. nag-uumpisa pa lang kami, e nilunod na agad ang haybol namin. sa pasig kasi nakatirik ang aming paso. hehehe. anyway anime, ang akin pong katanungan ay tungkol sa pagkakabaligtad ng aking name na naisulat sa deed of sale at sa titulo ng lupa. . . roNaldo ang name ko pero ang naisulat ay roLando. ano po ang maaari kong gawin para mapabago ang nakasulat sa titulo? minsan kasing nag-apply kami ng loan sa bangko ayaw tanggapin yung titulo at collateral dahil daw iba ang name ko, kahit na kumuha na kami ng affidavit na one and the same person yung ronaldo at rolando. dadaan pa po ba ito sa paglilitis? ano po ang mga hakbang na pwede naming gawin? maraming salamat po.
@granger, ang reconstitution ay para sa titulong nawala o nasunog at gusto mo kumuha ulit ng panibagong copy.
@Hokens, amendment lang yan. Punta ka sa Registry of Deeds sa munisipyo kung nasaan ang lupa, may mga requirements sila dun, ang alam ko ay administrative lang yan walang court process. Ill check my notes again. Pero in the meantime, go to the registry of deeds at kunin mo mga requirements nila.
reconstitution
ah pede pala i amend, madalas kasi dito samin reconstitution eh he he he …… pati deed of absolute sale amend din? eh yung Tax Clearance papalitan din?
@granger haha, mali rin ba yung deed of sale? kapag ganun, gawa na lang ng bago ang partido. kapag patay na, affidavit na lang as to the discrepancy. tax clearance, yes amend din to conform to the record.
OT: pare nag-email ako sayo check mo.
yup ang saya
follow up tanong sir atty. pag reconstitution ba ang gagawin, kung ano yung dating name na nasa titulo ganun pa rin ang kla2basan. ibig sabihin mali prin ang spell ng name ko. kasi po na-ondoy nga kami, abot hanggang kisame ang tubig, kaya lahat ng gamit, ksama na ang mga importanteng papel at titulo winasak ni ondoy. if ever po na punta sa registry of deeds, kailangan po ba kaming mag-asawa ang punta. kasi parehong name nmin ang nasa titulo. or pwede na ang aking misis. kasi po nasa desyerto ako ngayon. maraming salamat po ulit sir atty. panyero.
Ah, so reconstitution nga ang solusyon diyan, kala ko papalitan mo lang ang pangalan mo sa titulo.
Mag fi-file ng petition for reconstitution sa korte para utusan ng korte ang Register of Deeds na mag-issue ng bagong duplicate of title para sa inyo.
Pwede kahit misis mo lang pero dapat ay magpadala ka ng SPA dito at ipa-consularize mo sa imbahada ng pilipinas diyan at ipadala mo dito.
atty, salamat sa impormasyon tungkol sa pagpapalit ng pangalan. ang problema ko po ay tungkol sa aking name ‘suffix’. sa birth certificate ko po ay “Jr” ang nakalagay pero dapat po ay “III” ito dahil ang tatay ko po ang “Jr”. sa passport ko po ay walang Jr o III na nakalagay at gusto ko pong baguhin ito dahil lahat ng aking ibang mga dokumento ay III ang nakalagay. tanong ko po ay kung qualified ba ako sa RA 9048. salamat.
seems to me that this is not covered by RA 9048 considering that suffix are part and connected to the surname of a person and has substantial impact on hereditary succession and on survivorship
Tito Boy naman… idol kita sa uber nang sense of humor… pinagtitinginan ako dito sa hagalpak ng tawa sau ha…
Eh pano pla kapag ung Mr at Ms ang nagkamali? pinsan ko kasi ung nanay eh pinangalanan anak nyang babae ng JOVIT. Ung timang nman na tiga-type sa Municipio di nagtanong nilagay Mr.
Hirap ngaun kmuha ng PRC license pinsan ko kasi sbi advice nman nung mayabang kong pinsan na Abugado eh mahabang proseso at malaki gagastusin kc idadaan daw sa court something something…
What ba talaga Tito Boy tamang proseso sa gantong case?
@mahadera, so ang name niya ay “Mr.” tama ba? haha ang kulet
Assuming na first name lang ang error, pasok sa RA 9048 yan.
Balik ka ulit mahadera
typo error lang yan, check mo yung birth certificate sa gender if female ok na yun baka nga di na kelangan ng affidavit yan dahil tama naman ang 1st name, di naman name yung mr. or ms.
pag gender ang mali yun ang dadaan sa husgado
yan ang pagkakaintindi ko sa post sa taas pero intayin mo si tito boy para malinaw … he he he
Substantial entries ay ang kasarian (sex), edad (age), nationality at status.
Ang pagpalit ng apelyido ay maituturing na substantial kaya husgado lang ang pwede magpalit niyan. Kung tutuusin ay may mga kasong nagkamali rin ng paglagay ng kasarian sa Birth Certificate imbes na ilagay ay Male ay naging Female and vice versa, ngunit ito ay substantial ayon sa batas kaya hindi applicable ang RA9048.
***ung Male or Female ba pareho sa Mr. and Ms?***
ang alam ko hindi kasi Taytul yun ng tao……
Tito Boy help…hmmm interesting tong site na to…kaka-adik noh?
Enrol ulit ako…Law nmn dis tym… tingin mo granger1220?
he he enroll ka, enroll ako this may
Hate school na granger1220…5yRs course na ntapos ko dadagdagan ko pa ng another ilang yRs ba???…
4 to 5 yrs plus review plus bar plus result after 6 months so more or less 5 to 6 yrs …..
@Georgina, ang cute ng name mo hehe…5 taon lang yan kapalit ng habambuhay na propesyon aw!
1st name nya = mrjovit …. he he
“mrjovit” Haha amp!
pasok na pasok sa ridiculous names haha!
bkt ako di makapaglagay ng smiley?
Thanks Tito Boy…teka pagkakaintindi ko sa issue ni Mahadera…ung sa Birth Cert na may itini-tick na box for Mr and Ms to distinguish kung baby boy or girl…feeling ko lang ha..un ang ibig nyang sabihin, ganun kc classmate ko dati…
@georgina, ganun ba yun? Diba male of female dapat? o well, substantive parin lalabas kasi kasarian pa rin yun. Pero we can always try to do it administratively, pag nakalusot ayos. Ganun lang naman yun.
Tito Boy…pano po ba kung ang mali sa birthcert ay ang “Place of birth” lng. Late registry po kasi ang nangyari sa aking biyenan pero for some reason minali ang birthplace niya. Ang nilagay ay un curent address. Substantial po ba ang birthplace at covered po ba ito sa RA 9048 ? Salamat po.
Clerical error lang yan, RA 9048 pwede na.
ask ko lang po kasi ang nakagisnan ko ng name na ginagamit ay ana rhea pero nalaman ko after graduating from h.s. ria lang pala ang nakalagay sa birth cert. ko then nagpagawa ako ng affidavit dun sa may dfa pwede ko na bang gamitin yun pagkuha ng passport??? thanks in advance sa advice
Oo magagamit mo yun pagkuha ng passport.
thanks tito boy, so ano na ang gagamitin kong name pag kumuha ako ng NBI ? and iba ko pang documents?
It is advisable to use the name stated in your birth certificate from now on. Especially on transactions with government agencies.
Thanks Tito Boy, sana maayos na under RA 9048.
Tito Boy, nagpunta po kanina misis ko sa City Hall para maayos na yung maling birth place ng biyenan ko sa birth certificate. Pero ang sabi po raw sa kanila hindi ito under ng RA 9048 dahil raw po sa Quezon City nagfile ang biyenan ko ng late registered na birth certificate instead na sa province nya kung san sya pinanganak. Kelangan raw po i-cancel muna yung birth certificate na mali ang place of birth bago ipasok yung galing sa province nya na endorsement kung san nagpapatunay na dun sya pinanganak. Mahaba raw pong proseso at malaki magagastos namen dahil idadaan pa raw sa hearing at ipapadyaryo. Aabutin raw po kami ng 100k or more.
Meron po nag-offer 20k para raw mabigyan byenan ko ng temporary birth certificate na may blue ribbon at para magamit nya sa pag-apply ng passport habang inaantay yung resulta ng inaayos nyang birth certificate. Natatakot po kami Tito Boy na baka maloko kami kaya po naisip kong magtanong po uli sa inyo. Ano po ba daapt nameng gawin? Salamat po ng marami.
1. So dalawa ang birth certificate ng nanay mo? may sa province at qc?
2. Hindi aabutin ng 100k yan, ano siya bale?
3. 20k? ano yan hokus pokus? temporary birth certificate? kalokohan yun.
4. Passport lang ba kailangan mo? affidavit lang katapat niyan. Hindi mo kailangan papalitan.
Marami manloloko sa munisipyo, ingat lagi kayo.
Salamat Tito Boy.
Medyo nagduda nga rin ako nung nabanggit sken ng misis ko. Eto yung meron sya:
1. Birth certificate (NSO copy) na mali yung birth place.
2.Endorsement Letter to NSO from province na nagpapatunay na dun sya pinanganak.
Pero hindi na ni-honor ng NSO yung endorsement letter dahil nauna na raw i-file yung mali. So bale isa lang talaga yung birth certificate nya sa NSO pero mali yung place of birth.
Sana nga po i-honor sa DFA yung affidavit para makakuha na byenan ko ng passport. Magpapagawa na lang po uli kami at susubukang kumuha.
Isa pa pong tanong Tito Boy, kung hindi po sufficient yung mga documents ng byenan ko dahil na rin hindi sya nakapag-aral at wala syang naging trabaho hindi na po ba sya maaring makakuha ng passport? Ang meron lang po kasi sya ay birth certificate, TIN, Postal ID, NBI at voter’s affidavit.
Naiintindihan ko po na layunin lamang ng DFA na protektahan ang bawat indibidual sa mga nagpapanggap at mga manloloko pero pano naman po ang tulad ng byenan ko na wala talagang documento dahil na rin sa walang pinag-aralan at hindi nakapagtrabaho. Nagbabakasakali lang po ako na baka may maitulong rin kayong kasagutan.
Pasensya na po sa mga katanungan ko.
Maraming salamat Tito Boy!
sufficient na yung mga documento ng byenan mo. Sa totoo lang, marami na nga yan, yung iba nga birth certificate lang.
Yung talagang walang dokumento naman ay affidavit ng 2 disinterested person ang ginagamit bilang patunay na isa siyang totoong tao (ahihi)…
Sa tingin ko sufficient na yan, update mo kami ano mangyayari sa dfa.
Salamat Tito Boy.
Susubukan na nameng ikuha sya ng passport. Babalitaan ko kayo agad kung ano nangyari.
Maraming Salamat.
Hello po, ask ko lang po what if middle name ko ang mali po and surname ng mother ko na nakasulat sa birth certificate, ano po dapat gawin? Eh kasi magapapakasal na sana kami ng asawa ko, iyong birth cert na sinubmit ko bali kinorek na lang eh nalaman po tampered, napurnada tuloy iyong kasal namin, sana matulungan niyo po ako. Tsaka po, may bayad ba talaga iyon? kasi pinapatanong ko sa Mama ko doon sa province kung saan ako naregister, meron daw bayad, 5k..
maraming salamat po!
Naku, falsification of public documents yang ginawa mo, buti di ka pa kinasuhan. Don’t ever do it again, tampering public documents. Kung supported ng receipts, I guess valid naman ang sinisingil sa iyong 5k, pero kung walang resibo, magduda ka na.
Substantive kasi yang middle name, kaya dapat court order. Pero kung marriage purposes lang, kahit affidavit ok na.
pasok din ba ito sa “simulation of birth”?
hindi, same child pa rin eh. Simulation of birth is substitution of one child to another or conceal or abandon a child to lose his/her civil status.
ok thanks!
Thanks Tito Boy!
Yeah, I’ll never do it again na talaga.. Kaya nga gusto ko na maayos para wala problema na. Ang hirap pag hanito. Anyways, thanks po ulit! God bless po!
tito boy,
pagkatapos po ba mag-file sa local registry ay dun mo na rin makukuha yung NSA Birth Certificate? o kailangan pa ulit pumila sa NSO? btw, sabi dun sa tita ko aabutin daw ng 4K ang singil…
NSO Birth Certificate is issued by NSO but the records originate from the local civil registry, the latter is required to furnish NSO a copy of the said records in the like of marriage contract, birth certificate, death certificate, etc
but you can also get a certified true copy of the birth certificate from the local civil registry, di ba pag nanganak mrs mo fill-up mo yung form sa hospital then after 30 days makuha mo yung original sa local civil registry, and certified true copy if you want, then makakuha ka rin ng NSO copy
sa marriage naman, solemnizing officer ang nagpafile sa local civil registry, then NSO may kopya rin 4 copies: 1. Solemnizing Officer 2. Local Civil Registry 3. NSO 4. Person Concerned
sorry. I mean “pagkatapos nag-file for correction of name sa local registry office”… yung pinsan ko kasi dapat Rouen yung name nya. Nung kinuha yung birth cert sa munisipyo, Roven yung nakalagay. Kaya Roven na ginamit nya sa school. Ngayon nung kinuha nya yung sa NSO, Rollen ang pangalan nya..Gusto ko lang ma-verify kasi baka sobra yung sinisingil sa munisipyo.salamat.
Kung ano yung nasa NSO yun ang masususnod. Kapag na-approve na yung correction of entry, ipapadala sa NSO yan para mapalitan.
Kaya pipila ka ulit sa NSO.
ah ok.. maraming salamat po..
Sir,
Pano po ba ang pwede ko gawin, yun name ko po sa birth certificate, may space pero ang ginagamit ko at ang lahat ng documents ko po ay wala. Bukod dun, mali ang apelido ng nanay ko sa birth certificate ko, imbes na “V” ay “B” ang nakalagay. Mali din ang birth certificate ng nanay ko, B din ang nakalagay, sa Manila City Hall, hinihingan kami ng Birth or death certificate ng lolo ko, na tatay ng nanay ko, unfortunately, wla na po kaming makitang records. Ang problem, ako lang po sa 4 na magkakapatid ang mali ang middle name. Pano po ba yun mako correct?
Kung gusto mo talaga mapalitan ang entry sa birth certificate mo, mag file ka ng petition sa court. Magastos at time consuming.
But if kailangan mo lang mag-comply sa mga requirements sa pagkuha ng passport, school recordsm etc. gawa ka na lang affidavit (Affidavit to Establish Single Identity of Names).
May sample dito, use it as a guide.
hi tito boy, kung magpapagawa po ba ako ng affidavit para kumuha ng passport, okay na po ba na hindi na ayusin yung name ko sa birth certificate? kasi yung first name ko na ginagamit maan lou, sa birth cert ko maan lang pala. eh simula nung nagkamalay ako maan lou na ginamit ko up to now.
Nasa iyo na yun kung gusto mo ayusin na ng tuluyan para hindi kana gumamit ng affidavit sa mga susunod na transaction. Hindi naman tayo pinipilit ng batas na ipaayos yan eh.
hi, atty. question ko lang kasi sa na intindihan ko typo error for firstname kasama naba did2 ang family name nang mother mo?
kasi sa akin pong BC na galing sa NSO may mali sa family name nang mama ko kulang nang isang vowel sa tingin ko po mali ang nagsulat don. kasama paba yan sa RA 9048 ?
Mukhang hindi eh, kasi last name is substantial error. Dapat dadaan sa korte yan kasi parang papalitan apelyido niya.
But you can try applying for correction of entry based on that law, baka makalusot. Kasi may iba pinapayagan. Kanya-kanyang interpretation kasi ang iba’t-ibang Civil Registry Office ng bawat munisipyo.
Hi! Tito Boy, ask ko lang po kasi yung asawa ko nakakatawa yung last name nya. Pwede ba palitan yun?
Sabihin mo muna last name ahihi…oo, pwede basahin mo ulit yung post
hi tito boy,
natutuwa kna natututo kpa sa site nato
may ask ko lang po ako kasi yun marriage certificate namin ng wifey ko mali na enter civil registar na birthdate ni misis dpat august 3 naging august 9…sakop pba ng RA 9048 etoh?tks advance po sa reply& God Bless~~~
Sakop yan kasi sex, age, nationality and status of a person lang ang hindi covered ng RA 9048
Next Comments →
{ 1 trackback }