SCOTCH BRITE ANYONE?

by Tito Boy on September 5, 2010

"Eto ang mangyayari kung puro k-pop ang pinapanood ng mga creative writers"

Lupa, bahay, sasakyan, cellphone, brief at iba pa, ito ang mga bagay na ating mga pag-aari. Mga bagay na hindi basta-basta makukuha ng iba na walang pahintulot.

Pero hindi limitado ang pag-aari o ownership sa mga bagay na may pisikal na anyo. Ang mga orihinal na likha ng isip o intellectual creations tulad ng tula, kanta, larawan, etc., ay matatawag ding ari-arian at pinoprotektahan ng batas.

Ang karapatan patungkol sa ekslusibong paggamit (exclusive right to carry out), pagpapagamit (authorize), pagpapahinto sa paggamit (prevent) ng mga orihinal na likhang isip ay tinatawag na copyright.

Ayon sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines (IPC), ang isang orihinal na likhang isip ay pinoprotektahan ng batas sa oras na kanilang pagkalikha (at the moment of creations).

Ibig sabihin tulad ng blog entry na ito, sa oras na i-type ko ang mga nasa isip ko at i-publish sa internet, protektado na ito ng batas at ako lang may karapatan na ipamahagi o gumamit at maari kong pigilan ang ibang tao sa pagpapakalat o paggamit.

Hindi na kailangang iparehistro ang likhang isip hindi tulad ng trademark at patent na kailangan pang i-apply sa IPO o Intellectual Property Office para protektahan ng batas.  (Ang trademark ay patungkol tatak o logo, samantalang ang patent ay patungkol sa imbensiyon.)

Ngunit kung gusto mo rin makasigurado, maari kang magdeposito ng iyong mga likhang isip sa National Library para kung may kokopya balang araw ay mapapatunayan mong ikaw ang nagmamay-ari nito.

Ang copyright ay generally tumatagal ng 50 taon mula ng pagkamatay ng lumikha o author. Ibig sabihin matapos ng panahaong ito, hindi na ito protektado ng batas kaya maari nang kopyahin kahit walang pahintulot, tulad ng mga likha ni Shakespeare, Jose Rizal at kantang “Happy Birthday to You” na hindi pa nag-expire ang copyright (hindi joke ‘to).

Pero napapansin niyo ba na ang mga lokal na programa sa telebisyon ay halos pare-pareha at nagkokopyahan lang? Hindi ba ito sakop ng copyright law na prinoprotektahan ng batas?

JOAQUIN, JR vs. DRILON

Yan ay sinagot na ng Korte Suprema sa kaso Joaquin Jr. vs Drilon (G.R. 108946, January 28, 1999).  Noong dekada 70, may programa na ang pamagat ay “Rhoda and Me” na pag-aari ng BJ Productions (BJ for short – parang hindi magandang pakinggan – BJP na lang) kung saan nakarehistro sa National Library ang format ng naturang show.

Makalipas ang isang dekada, habang nanunuod ang presidente ng BJP na si Joaquin Jr. ng telebisyon, ay kumuha sa kanyang atensiyon ang palabas na “It’s A Date” ni Plinky Recto (para sa mga nakaka-alala ng show na ito, dito na magkakaalaman ng edad).

Lumalabas na ang konsepto at format ng programa na “It’s A Date” at “Rhoda and Me” ay pareho. Kaya hindi nagsayang ng panahon itong si Joaquin Jr. at sumulat sa RPN 9 upang ipahinto ang pagpapalabas ng “It’s A Date” dahil ang BJP ang may copyright nito.

Nagpatuloy ang RPN 9 sa pag-ere ng nasabing programa kaya’t napilitan ang BJP na magsampa ng kaso sa DOJ. Sa ilalim ng kalihim na si Franklin Drilon, ibinasura ng DOJ ang reklamo ng BJP dahil hindi daw sakop ng copyright ang format ng TV shows. Inapila ng BJP ang kaso sa Korte Suprema.

Siyempre, alam na natin ang nangyari.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa desisyon ng DOJ at idineklara na ang mga format ng mga TV show ay hindi sakop ng copyright.  Ayon kasi sa Section 175 ng IPC, hindi prinoprotektahan ng batas ang anumang ideya, proseso, sistema, paraan, operasyon na ginamit sa isang likhang isip. (“no protection shall extend, under this law, to any idea, procedure, system, method or operation, concept, principle, discovery or mere data as such, even if they are expressed, explained, illustrated or embodied in a work” ) Kasama dito ang format ng TV shows.

Dahil dito, naglipana na ang mga gaya-gayang shows. Kung ano ang nauso, pihadong kokopyahin ng kabilang istasyon.   Ngunit hindi man protektado ng batas, kung iisipin ay isa pa rin itong likhang isip na dapat i-respeto. Pero siyempre, hindi ito sinusunod dahil mas importante ang humakot ng sangkatutak na sponsors para lumaki pa ang kanilang nagtatabaang bulsa sa kita.

Ang mga dambuhalang networks na ito ang mga nagpapabobo sa mga manonood sa pamamagitan ng mga pare-pareho at walang kwenta shows na puro kabobohan at tsismisan na walang laman kung di puro tungkol kay Kris Aquino! Ay teka – mukha na ba akong naglilitanya? Sige na nga, tapusin na itong blog entry na ito.

All rights reserved.


 

———

Imitation is the sincerest form of television.” – Fred Allen

{ 27 comments… read them below or add one }

Onesounddrum September 5, 2010 at 11:09 pm

Base..basa mode muna

Reply

Renz September 7, 2010 at 12:40 pm

Ano po meron kapag nauna kayo sa listahan? Di bale, ako naman ang pangalawa. Hehehe. Base din po muna.

Reply

Onesounddrum September 5, 2010 at 11:09 pm

Aba ako nga nauna!yehey!

Reply

Benta BIRADA NEWS DAILY September 6, 2010 at 1:01 am

Bro nasama narin sa blog entry mo ang copyright…tnx it helps!!!

Reply

mile September 6, 2010 at 7:41 am

yey! walang quiz

Reply

mile September 6, 2010 at 8:08 am

anong ginagawa ni scotchbrite at patrick?

Reply

Mhonski September 6, 2010 at 2:51 pm

Basa basa lang po muna…. Wala bang quiz? he he

Reply

mile September 6, 2010 at 3:28 pm

oo nga walang quiz.. miss ko ng bumagsak sa quiz ni tito boy . hehe

Reply

Jet September 6, 2010 at 6:54 pm

Hala si Spongebob naging GGRRRRREEENNNN!!!!

Reply

Jet September 6, 2010 at 6:55 pm

…at si Patrick naging PURPLE! ^_^

Reply

AsOL September 7, 2010 at 6:37 am

Picture ko dito di nagbabago. Pede ba gawing Kenshin jemura pix ko dito Sir Atty. ? hehehe!

Reply

kaye September 7, 2010 at 1:39 pm

first time ko pong magcomment dito at dinala ako ng link sa bahay ni duks.

anyway, very recently we had our own compliance convention at doon ko rin po nalaman that even without registering for a copyright, your works, especially artistic works are protected. Sa aming kumpanya, everytime a photo, for example is to be used, we just have to put a copyright watermark and our rights will already be protected. tama po ba?

nakalulungkot lang isipin that our magistrates do not think that an idea, even if it’s executed, is not protected by our copyright laws. sa aking palagay, wala silang ipinagbago sa mga likhang awit, musika, images, etc. na protektado ng copyright laws.

at tama po kayo na dahil sa ganitong ruling ng SC, hindi na tayo magkakaroon ng mature audience, and therefore, mature race dahil napakaraming masang Pilipino ang nakatunganga gabi gabi sa mga walang kwentang teleserye na laging nagkakawalaan ng mga magulang at anak, o di kaya’y nagpapalitan ng mga parte ng katawan. :-(

Reply

Tito Boy September 9, 2010 at 8:54 am

Kasama sa RA 8293 sa literary and artistic works ang:

“Section 172.1 (k) Photographic works including works produced by a process analogous to photography; lantern slides; “

Reply

duking September 10, 2010 at 6:42 am

hello miss kaye.dalasan mo dalaw dito ha!

Reply

WildCat September 7, 2010 at 6:36 pm

Hi! Dumalaw na rin ako!

Hmm… Naisip ko lang, of course sa TV shows madaling makikita ang kopya. Pero ‘yung libro o blog entries na sinusulat natin ay hindi madali.

Okay, maari mong pigilan ang mga taong kuma-copy ng sinulat mo, pero paano mong malalaman? Iyan ang mahirap, kaya nga tumigil na ako sa kasusulat ng mga kuwentong ayaw kung ma-kopya, dahil sa internet walang kasiguruhan.

Reply

Tito Boy September 9, 2010 at 8:59 am

Naku WildCat, sayang naman ang mga angking kagalingan mo at hindi mo maipapamahagi sa madla.

Kung hindi ka gagawa dahil takot ka sa mangongopya, parang nanalo na rin sila. Parang terorista yan eh, kapag natakot tayo ibig sabihin ay nagtagumpay sila!

Welcome back pala!

Reply

azar September 8, 2010 at 10:56 am

bakit wala si granger? Nag bar exam ba sya? O examiner sya? ahihi. :-D

Reply

azar September 8, 2010 at 11:00 am

This is called the Pinoy bandwagon.

We keep on riding the same ship full of gold, leaving the masses hungry for knowledge and money. Tsktsktsk. . .

Reply

joven September 8, 2010 at 4:04 pm

ayos to boss. tnx ulet sa kaalamang ibinahagi mo.

Reply

angelgoodness September 8, 2010 at 8:42 pm

anyone can help me find blank standard form ng deed of absolute sale sa lupa.. may nakita na kc akong blankform kaso lang gusto lang po i-clarify kung dun sa kasulatan walang pipirmahan ang vendee unlike sa deed of absolute sale ng sasakyan.. tnx..tnx..

Reply

granger September 8, 2010 at 9:15 pm

natural meron vendee yan eh

Reply

angelgoodness September 9, 2010 at 11:59 am

vendee for both? kc po yung mga deed of sale na nakita ko na para sa lupa walang vendee na nka-pirma but of course naka-state yung name nila as vendee or buyer..

Reply

granger September 9, 2010 at 12:35 pm

Dapat pirmado ng both parties ang deed of absolute sale.

Reply

duking September 10, 2010 at 6:42 am

wala ulit exam.pahingang pahinga ang mga iskolars ngayon.hahaha!

Reply

Jet September 11, 2010 at 10:52 am

More more more! sana Land Titles and Deeds naman yung sunod (nagpaparinig) hehe!

Reply

maerk February 9, 2011 at 12:29 pm

Pwede po bang magrequest kung pwedeng Dangerous Drugs Act naman… Thanks

Reply

granger February 13, 2011 at 8:04 pm

RA9165 :)

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: